PROLOGUE:

2620 Words
ZAYNE POV Bumaba naman kami sa helicopter na aming sinasakyan at maingat na tinatahak ang bawat pasilyo, mahirap na at baka may biglang magpaputok na lamang. "How's the situation in there Captain Novo?" tanong sa akin ng aming general na kausap ko sa handheld transceiver or mas kilalang walkie talkie. "The place is already abounded, I think there's no one here." Mahinang sagot ko naman sa kaniya. "Keep looking," he said. "Yes sir," sagot ko naman. Hinawakan ko naman ng mabuti ang baril ko at nilingon ang mga kasamahan ko, nagtago muna kami sa mga pader. "Keep looking at magmanman sa paligid," sabi ko naman sa aking mga kasama. "Yes captain," sagot nila. Sumilip naman ako sa loob at walang nakitang mga kalaban at may tatlong pasilyo ang nandoon. Sininyasan ko naman sila na maghihiwalay kami sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay papasok sa loob ng bawat pasilyo, tumango naman sila sa aking inutos. "Now." Mahinang sabi ko at may walo naman akong kaibigan na nag naghahati sa tatlong grupo. Kasama ko naman dalawang parang may mga saltik, sininyasan ko naman silang tumahik kasi may naririnig akong papalapit sa gawi namin. Nag-unahan naman kaming magtago sa isang madilim na sulok at hinintay ang pagdating mga lalaki, nakita naman namin na lumakad na ito. "Ang gaganda ng mga babae, ang galing talaga kumuha ng mga bata natin. Tiyak madami na naman tayong mabebenta," sabi ng isang lalaki. Ito na nga ang sinasabi ko, hindi lang normal na buy bust operation ito. Mabibigating mga drug lord talaga ang mga nandito, hindi talaga sila titigil sa pangunguha ng mga babae para ibenta. "Lalong-lalo na 'yung isang babae na mestisa, gusto ko talaga matikman muna ang babaeng iyon bago ibenta. Pero alam naman natin, uunahin iyon ni boss," sabi ng isa pa. Sininyasan ko naman ang mga kasama ko na kapag nakadaan na ang mga lalaking ito sa aming kinaroroonan ay aatakihin namin, hindi pwedeng mabulabog ang mga drug lord at baka makatakas pa ito at makapangbiktima pa ng iba. "Alam mo naman si boss talagang kung anong natitipuhan natin ay tiyak iyon ang uunahin niya," sabi nito. Nakita na naman na dumaan ang mga lalaki kaya naman ay isa-isang pinatulog ng mga kasamahan ko ang limang lalaki. "Take their clothes," sabi ko naman sa kanila. "Sir, sundalo tayo hindi mga bakla na nang bibigay ng pera para maka-score." Nakangiting sabi naman ng isang kasama ko. "Mga ulol, kukunin natin ang mga iyan para suotin." Sita ni Ace sa kanila. "Paano kapag may putok sila?" tanong naman ng isang kasama ko. "Susuotin niyo 'yan o ano?" tanong ko naman sa kanila. "Susuotin na lang." Napipilitan nilang sagot, ang lalaki nila tapos mas maarte pa kaysa sa babae. Mga walang hiya talaga, kailangan namin magmadali bago pa malaman ng mga kasama ng mga lalaking ito na nakapasok na kami. Naglalakad na kami ng mga kasama ko at hindi pinapahalata na hindi na kami ang kanilang mga totoong kasama, lima lamang ang lalaki kanina kaya hindi kami lahat nakasuot ng uniporme nila. Ang ibang kasamahan namin ay stand by lang at kapag nakita nila ang signal ko ay tutulong din sila. "Nasaan si boss?" tanong ng isang kasama ko sa kalaban. "Nandoon, pumipili na ng babaeng ikakama niya." Natatawang sagot ng lalaki at may pailing-iling pa. "Sige," sabi naman nito. Pumasok naman kami sa isang pintuan na nasa pinakadulo ng pasilyo na ito. Halatang abandonado pero nasa loob pala nagkukuta ang mga halimaw na ito. Binuksan ko naman ang pintuan na 'yun at mabuti walang lock ito, pumasok naman kami ng apat kong kasama at tumambad sa amin ang maraming kulungan at mga babae na nag-iiyakan habang nakayakap sa isa't-isa. "Ano ba bitawan mo ako ang pangit mo!" Narinig naman ang isang malakas na sigaw ng babae. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan ito nagmumula, nakita ko naman ang isang lalaki na kinakaladkad ang isang babae na nagwawala. "Emerson Atlas," sabi pa ng kasama ko. Huminga naman ako ng mahina at sabay lapit sa drug lord na aming tinutugis ilang taon na ang nakakaraan, nandito lang pala siya nagtatago. "Boss." Tawag ko naman kay Emerson ang drug lord na parang pusa ang daming buhay. Iba talaga basta masamang damo. "Nagawa niyo na ba ang pinapagawa ko?" tanong niya naman sa amin. "Opo boss, kami pa ba?" Mahanging sabi ni Blue. Huwag lang talaga kami mabubuko dahil sa kanila, tiyak punishment nila grabe. "Ito ihatid niyo sa kwarto ko," sabi nito at hinagis papalapit sa amin ang babae. Agad ko naman sinalo ang babae ng malapit na itong matumba, natignan ko pa ang kaniyang mga mata. "Ihahatid lang namin siya boss," sagot dito ng isang kasama ko. Parang biglang tumigil ang hininga ko ng makita ang mala-anghel na mukha ng babae at ang pagkainosente nito. Narinig ko naman na tumikhim ang mga kasama ko kaya naman ay bigla akong nagising sa katotohanan at tumayo ng tuwid kasama ang babae. Napatingin naman ng nagtataka si Emerson sa amin at sa akin bago niya sinenyasan ang mga kasama niya na umalis. "Tayo na," sabi nito sa kaniyang mga kasama. Lumakad naman sila hanggang sa nawala na sila ng tuluyan sa aming harapan. "Don't you dare to touch me!" Malakas na sigaw ng babae at tinabig ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang balikat. "Kumalma ka hindi kami kalaban," sabi ko naman sa kaniya. "Hindi kalabanan? Ang alam ko kinuha niyo ako kasi gusto niyo lang matikman ang aking yummy delicious na katawan." Hangin niyang sabi sa amin. Napabuntong hininga naman kami dahil sa kaniyang sinabi. "Patahimikin niyo muna 'yan, nakakahalata na si Emerson sa atin." Seryosong sabi ko naman sa aking mga kasama, habang hinuhubad ang kinuha kong damit sa mga tauhan ng kalaban. "Iyan nga din ang palagay ko," sabi din ng isang kasama ko. "Sargent Dawson, sabihin mo sa mga kasamahan natin na mag stand by at maghanda hindi kalaunan mabubuko na tayo." Utos ko naman kay Ace na ngayon ay sumasaludo sa akin kaya sumaludo din ako. "Yes sir," sagot niya at umalis. "Lieutenant Castillon and Lieutenant Anderson pakawalan ang mga babaeng bihag." Utos ko naman sa kanila. "Yes sir," sagot nila at pagkatapos sumaludo ay umalis sila para gawin ang pinapagawa ko sa kanila. "Captain Novo, what's the situation there?" tanong sa akin ng aming general na ngayon ay kausap ko sa handheld transceiver. "As of now General, nakapasok kami sa lungga ng mga drug lord. May madaming mga babae silang tinatago dito at ang master mind nila dito ay si Emerson Atlas, copy." Mahabang sabi ko naman habang tinitignan ang mga babae na nag-iiyakan. "Okay, papunta na ang back up sa grupo mo copy." Seryosong sabi ng aming general. "Copy General," sagot ko at inilagay ko sa gilid ng uniporme ko ang handler transceiver. "So totoo nga kayong sundalo?" tanong ng babae na kanina pa salita ng salita. Akalain mo mukhang baliw. "Opo Mrs." Magalang na sagot ni Ace sa kaniya. Nakita ko naman na biglang nawala ang ngiti ng babae at nag hawi pa ng kaniyang buhok. "I'm still single, wala pa nga akong boyfriend tapos tatawagin mo akong Mrs.? Miss pa po ako," sabi ng babae na naiinis. "Pasyensya na po," sabi nito. Nilingon ko naman ang mga kasamahan ko ng biglang dumating ang iba ko pang kasamahan na may mga dalang dalawang brief case. "Captain Novo, paparating na po si Emerson. Nalaman na po nito na nakapasok na po tayo," sabi naman ng isang kasama ko. "Magsihanda at lalabas tayo, ilalabas natin ang mga babae dito." Utos ko naman sa kanila. Pagkatapos ng pagsabi ko sa kanila ay lumabas naman kami at nagtatago muna sa may pader, sumenyas naman ako sa kanila na wala kaya pinalakad ko na sila at ako naman ang nagpo-protekta sa kanila sa harapan at ang mga kasama ko naman ang nag protekta sa kanila sa likod. "Dapa!" Malakas na sigaw ni Ace sa likuran ng makita na may mga kalaban. "Lieutenant Castihttps://www.facebook.comeel/782016817136530/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6vhttps://www.facebook.comeel/782016817136530/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6vllon, ihatid ang mga babae sa labas. Naghihintay na ang mga back up natin sa labas, tulongan mo siya Sargent Dawson." Mahabang sabi ko naman sa kanila. "Yes sir," sagot nila at naunang tumakbo palabas si Dylan at kasunod naman nito ang mga babae at sa kanila namang likuran ay si Ace. "Protektahan sila Lieutenant Castillon habang pinoprotektahan ang mga babae," sabi ko naman sa iba pa. "Yes sir," sagot nila. Hinarap ko naman ang mga lalaki at iniisang-isang pinagbabaril, kasama ko naman ang aking team na bumaril sa kanila. Puputukan ko na sana ang isang kalaban ng hindi na pumutok ang baril, wala na pala akong bala. Tinapon ko na lang ang aking baril at hinarap ang kalaban, mag hand to hand combat na lang kami. "Wala ka na palang bala, ano hand to hand combat gusto mo?" Hambog na sabi niya sa akin at talagang iniinis na naman niya ako sa mga kilos niya. "Malamang ano ba sa tingin mo?" tanong ko naman sa kaniya. Una naman siyang sumapak sa akin at sinasalag ko naman ito gamit ang aking mga braso, ng makita ko ang open area sa kaniyang katawan ay agad kong siniko ang kaniyang ilong. Napaatras naman siya sa aking ginawa at napahawak sa kaniyang ilong, ng makita niyang dumugo ito ay pinahid niya ito at agad umiinat-inat. "Walang hiya ka!" Malakas na sigaw niya sa akin at agad umatake. Umatras naman ako ng isang beses at hinihintay ang pagkakataon, nang makita ko naman na ang pagkakataon ay agad akong umupo at sinipa ang isang paa niya dahilan para matumba siya, hindi ko na pinatagal pa at binali na ang kaniyang leeg. Papatayo na sana ako ng may bumaril sa akin, mabuti at nakaiwas ako sa bala. Kung hindi ako nakaiwas sigurado bungo at sa lapida bagsak ko. "Malapit na 'yun." Seryosong sabi ko at huminga ng malalim. "Captain!" Malakas na sigaw ng isang kasama ko at hinagis ang baril sa akin. Agad naman akong tumayo at sinalo ang baril na kaniyang binigay, sabay pinagbabaril ang isang lalaki na bumaril sa akin. Umikot naman ako at binaril pa ang isang lalaki sa ibabaw ko, nasaan na si Emerson? Walang hiya parang nakatakas pa ang walanghiyang iyon, pinagbabaril ko naman ang mga lalaki na nakikita ko. "May mga humahabol sa akin na mga pangit, tulong!" Malakas na sigaw ng isang babae sa isang tabi habang tumatakbo papunta sa akin, hindi naman nito nakikita ang mukha ko dahil may mask akong nilagay. "Paano napunta 'yan dito?" tanong ko naman sa kasama ko. "Ewan namin Cap, hindi ba nakasunod naman 'yan sa mga inutusan mo maglabas sa kanila dito?" Pabalik na tanong niya naman sa akin. "Kaya nga ay pinasunod ko na 'yan doon," sagot ko naman sa kaniya. "Grabe napunta talaga 'yan dito," sabi pa ni Blue na manghang-mangha sa babaeng tumatakbo. Umiiling-iling na lang ako at tinakbo ang pagitan namin ng babae ng makita ko na may humahabol sa kaniya at babarilin na sana siya nito. Nang mahawakan ko naman siya sa bewang at dahil sa malakas na impact sa pagkakayakap niya sa akin ay nawalan ako ng balanse at napahiga sa sahig, binaril ko naman ang mga lalaki na naghahabol sa kaniya at mga lalaki na nasa taas nitong building. "Ayos ka lang?" tanong ko naman sa babae na ngayon ay nakayakap at nakapikit. "Captain si Emerson ay papunta nasa rooftop, tumatakas na!" Malakas na sigaw ng kasama ko kaya naman ay tinapik ko ang babae. "Miss pwede umalis ka na, may hahabulin pa ako." Seryosong sabi ko at ayaw talaga ng babae kaya naman ay binitbit ko na lang, medyo hindi naman siya mabigat kaya ay nakaya ko siyang bitbitin na parang bagong kasal. "Take care of her, hahabulin ko lang si Emerson." Nagmamadaling sabi ko at umalis na. Papaakyat naman ako sa hagdan ay ang daming mga tauhan nito na nag-aabang sa akin, isa-isa ko naman silang pinagtatapon at nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa rooftop. "Emerson!" Malakas na sigaw ko kaya naman ay napalingon siya sa akin. "Adios Captain Novo!" Malakas na sigaw niya naman sabay sakay sa helicopter. Tumakbo naman ako papalapit sa kaniya, kahit sobrang lakas ng hangin ay tinakbo ko pa din ito. Hindi maaaring makatakas na naman ang lalaking iyon, madami na naman siyang magiging mga biktima at iyon ang hindi ko hahayaan. "Emerson!" Malakas na sigaw ko habang papatakbo sa heliladder sa helicopter. "Give up you moron!" Malakas na sigaw ni Emerson at medyo bumaba. Kahit nasa himpapawid na kami ay naglalaban parin kaming dalawa, tinapakan naman niya ang kamay ko ng sobrang lakas, kaya napakadaing ako. "You moron!" Naiinis niyang sigaw at paulit-ulit na tinatapakan ang kamay ko. Nakita ko naman na may dagat kaming paparoonan ay may kinuha ako sa aking bulsa at nilagay sa gilid ng helicopter. "It's a farewell now, Emerson." Nakangising sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak sa heliladder. Nakita ko pa na napatingin siya sa gawi ng bomba na sinabit ko sa helicopter niya at sa akin. "Sh*t!" Malakas na sigaw niya. Sa aking paglubog sa tubig ay 'yun din ang pagkarinig ko na sumabog ang helicopter na sinasakyan ni Emerson. Lumubog naman ako sa tubig at lumangoy naman ako papunta sa may semento, hindi naman masyadong malayo ang papunta sa pantalan. "Captain!" Malakas na sigawan ng mga kasamahan ko at lumapit sa akin. Binigyan naman nila ako ng isang tuwalya at agad ko naman itong pinunas sa mukha ko at nilagay ko sa aking likod. "Ayos ka lang ba Captain?" tanong ng mga kasama ko. "Yes, I'm fine." Seryosong sagot ko naman at sinalubong si General na papalapit na sa amin. "Captain Novo!" Tawag nito sa akin. Agad naman akong sumaludo sa kaniya at gano'n din naman ang kaniyang ginawa, sumaludo din siya sa akin. "Novo reporting, Emerson was got eliminated." Seryosong sabi ko naman sa kaniya. "Sa mga biktima, ilan silang lahat?" tanong naman nito sa akin. "Fifty six po," sagot ko naman sa kaniya. "Report me the details later," sabi pa nito sa akin. "Yes sir!" Seryosong sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod naman siya sa akin pagkatapos din sumaludo, bago siya makalayo ay may sinabi naman siya sa akin. "Mabuti at ligtas ka Captain Novo," sabi niya naman sa akin at ngumiti. Nandoon lang ako nakasaludo sa kaniya habang papalayo siya. Pinaghihigante ko lang naman ang mga kasamahan ko dahil sa aming unang laban noon kay Emerson ay namatay ang aking mga kasamahan, madaming nasawi dahil sa aming pagtutuos sa kaniya. Ngunit, mas pinili ko na lang na hindi isali sa mission na ito ang aking totoong nararamdaman ko. "Kumusta ang mga babae?" tanong ko sa isang kasamahan ko ngayon. "Ayos lang naman sila," sagot naman nito sa akin. Napalingon naman ako kay Ace at tinawag siya. "Bakit?" tanong niya. Ganito siya magsalita sa akin kapag kami lang magbabarkada ang nagkakasama. "Nasaan ang babae kanina?" tanong ko naman sa kaniya. "Ayon oh," sagot niya sabay turo sa babae na nasa sulok. "Sige salamat," sagot ko naman sa kaniya sabay papunta sa babae. "Ayos na ba pakiramdam mo?" Kaagad na tanong ko naman sa kaniya. Napaangat naman ang kaniyang ulo at halatang nagulat sa presensya ko, may takip naman ang mukha ko kaya hindi niya ako makilala. "Ah oo maayos na," sagot niya naman at tumayo. "Wala bang masakit sayo?" tanong ko naman. "Wala, salamat pala sa inyo." Nakangiting sabi niya sa akin. Tumango lang naman ako sa kaniya. "Aalis na tayo," sabi ng isang sundalo. Napatingin naman kaming dalawa doon. "Aalis na pala kayo," sabi ko sa kaniya. "Sige salamat ah," sabi niya naman sa akin. "Sige," sabi ko. Tinignan ko naman siyang papalayo, parang bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba. "I'll find you someday," sabi ko at tumalikod na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD