bc

TGS #2 : Sensational Journey

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
sex
one-night stand
family
fated
second chance
drama
first love
substitute
like
intro-logo
Blurb

TULIAN GIRLS SERIES #2

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ate ni Elisha ay ipinangako niya sa sarili niyang hindi siya tutulad dito. Na hindi niya hahayaang magkaroon ng puwang ang pag-ibig sa buhay niya habang nag-aaral siya. Na uunahin muna niya ang career niya bago ang kanyang lovelife.

Pero nakapagtapos na siya, nakahanap na ng trabaho at may ipon na't lahat ay pilit naman siyang isinusuka ng pag-ibig katulad sa kung paano niya ito isuka noon.

Sa isang dating place ay muli niyang nakita ang lalakeng makailang ulit niyang binasted noon dahil sa motto niyang... “Study First”. Naging tahimik ang mundo ni Elisha sa pagkakataong iyon at tanging pagtibok lamang ng kanyang puso ang naririnig niya.

From that moment, she knew... She’s still inlove with him.

Akala niya ay muli siyang susuyuin ng binata at iyon na ang muling pagkakataon para sa kanila. She thought they can finally have their happy ending.

But wrong, because Silvestre Polo only wants someone to make his bed warm. Pampainit lang sa gabing malamig at para makalimot sa sakit na iniwan ng namayapa nitong asawa.

In love and desperate, Elisha execute a plan to make him fall for him again. Maipanalo niya kaya? O sa huli ay mamamatay na lang siyang hindi man lang nakikita ang tagapagmana niya?

chap-preview
Free preview
Simula • Sign
Laging sinasabi sa amin ni papa noon na kusang kakatok ang pag-ibig sa tamang panahon. At kung kailan ang tamang panahon? Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ayon naman kay mama, ang tamang panahon na iyon ay kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at may trabaho na. Iyong kaya ko ng tumulong sa magiging asawa ko na buhayin ang pamilya namin. Pero... Isang taon na lang lalagpas na ang edad ko sa kalendaryo. Wala pa akong kahit boyfriend man lang. Tamang panahon pa ba ‘to? “Elisha, ano na? Sasama ka ba?” Nilingon ko ang kaibigan kong si Shane. Nakatayo na siya’t handang-handa na sa pag-alis papunta sa dating place na lagi nilang pinupuntahan. Ngumuso ako. Pang ilang blind date na ba nila ‘yang ngayon? At hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakahanap ng lalakeng para sa kanila. Minsan nae-engganyo rin akong sumama sa mga gan’yang lakad nila pero naisip ko... Kung sila nga hindi nakahanap, e ako pa kaya? “Wala akong masusuot na damit,” sabi ko at pumangalumbaba na lamang sa desk ko. Kailangan ko ng tapusin ang trabaho ko at baka mapagalitan pa ako ni Kuya Luhan. “ELISHA!” At ayan na nga siya. Marahas akong napabuga ng hangin. Kailangan ko na namang ihanda ang tainga ko sa sangkatutak na talak niya. “Ano na naman ‘yong nangyari sa isang branch natin sa Talisay? Bakit ang daming negative feedback sa restaurant natin?” Ngumuso ako. Kaya ako hindi nagkaka-lovelife kasi lagi akong busy at stressed sa trabaho kong ito. Wala akong panahon para maghanap ng love. Should I quit? Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho? “Kuya...” “Ano?” Tumayo ako at itinukod ko ang isang kamay ko sa table. “Nag away na naman ba kayo ni ate? Mainit na naman ang ulo mo. Gusto mo kausapin ko siya?” “Hindi kami nag away ng ate mo. Iyong tanong ko ang sagutin mo. Anong nangyari sa Talisay Branch natin?” “Kuya kasi... Bukas pa ako pupunta do’n—” Mabilis na nangunot ang noo niya. “Bakit bukas? Bakit hindi ngayon?” putol niya sa sinasabi ko. “May importanteng lakad ako ngayon.” “Mas importante pa sa negosyo natin?” Dahan-dahan akong tumango. Kinakabahan ako sa mga tingin sa akin ni Kuya Luhan. Parang alam niyang nagsisinungaling lang ako. Imbis na magsalita pa sa akin ay si Shane naman ngayon ang hinarap niya. “Saan ang lakad niyo?” Agad na nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman ako sasama sa kanila, eh. Magpapahinga ako ngayon sa bahay. “Sir?” gulat na ani Shane. “Saan ang lakad niyo?” ulit ni Kuya Luhan sa tanong niya kanina. “Ah... sa Top po, Sir.” Mas lalong nagpang-abot ang mga kilay ni Kuya Luhan. “Anong gagawin niyo sa Top?” “B-blind date po," natatakot na tugon ni Shane. Naglipat ng tingin sa akin si Kuya Luhan. Napatalon ako sa gulat nang magpang-abot ang aming mga mata. “Sasali ka sa b-blind date?” tunog nang-aasar na tanong niya sa akin. Nalukot ang mukha ko. “Please lang, huwag mo ‘kong asarin.” Humalakhak si Kuya Luhan dahilan upang magsitinginan ang mga officemate namin sa kanya. Mas lalong nalukot ang mukha ko. Kainis naman, e! Hindi nga kasi ako sasama sa kanila! Napabuga ako ng hangin. Kung kaya ko lang magpalusot ng iba ay ginawa ko na. Huwag lang niya akong maasar. Pero wala akong choice. Sigurado akong aasarin ako ni ate at mama kapag nalaman nila ang tungkol dito. “Sige, papayagan kitang umalis ngayon. Sana makahanap ka na ng nobyo, Eli," may ngisi sa labing tudyo niya sa akin bago umalis. Nakakainis! "Ang gwapo talaga ng napangasawa ng ate mo no? Ang lalim no'ng dimple," ani Shane nang makaalis si Kuya Luhan. "Tapos ang yaman pa," komento pa ng isa ko pang kaibigan na si Elyn. Ngumiti lang ako sa kanila. Sa totoo lang, hindi naman talaga mayaman sina Ate Cresha at Kuya Luhan noon. Ang totoo nga'y sunod-sunod ang mga dagok sa buhay nila bago sila dumating sa ganitong estado ng buhay nila ngayon. Pagkatapos nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila ay sunod-sunod na ang pagdating ng swerte sa pamilya nila. At sa tingin ko nama'y deserve nila ang lahat ng meron sila ngayon. “Ano na? Hindi pa ba tayo lalarga?” sabi ni Shane. “Sige na, umalis na kayo.” Agad na nangunot ang kanyang noo. “Ha? Hindi ba ay kasama ka dapat?” Mabilis at sunod-sunod ang naging pag-iling ko. “Hindi no! Palusot ko lang naman iyon kay Kuya Luhan!” “Naku! Hindi iyan pwede, Elisha! Sasama ka sa amin ngayon dahil magse-send kami ng picture sa Kuya Luhan mo. Proof na kasama ka nga.” “Hindi na kailangan ng ganoon. Umalis na kayo baka ma-late pa kayo. Maubusan kayo ng boys,” natatawang sabi ko. “Tinay, ayaw talagang sumama,” pagsusumbong ni Shane sa isa pa naming kasamahan na bakla. “Wala na tayong ibang choice. Igapos ang babaeng iyan!” sabi nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Nagsipaglapitan sila sa akin pero agad ding natigil nang itaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. “Fine! I’ll go with you guys!” “Ayon naman pala,” si Tinay. I just rolled my eyes. Iniligpit ko na ang mga gamit ko saka ako nagpatianod na lamang sa kanila. Ang akala ko ay didiretso kami sa Top. Pero nagulat ako nang pumasok pa kami sa mall. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko. Nilingon ako ni Mayla. Hinead to foot at saka nginisihan. “Kailangan nating mag change outfit.” Napataas ako ng isang kilay. Hindi ba bagay sa TOP ang suot kong long skirt at long sleeve? “Hindi ka makakasungkit ng gwapo kung mukha kang manang,” si Tinay bago ako nilagpasan. Napairap na lamang ako sa kawalan at agad ng sumunod sa kanila. Isang simpleng dress ang pinili kong isuot. Above the knee at off-shoulder pero nakakasilip si cleavage. “Malayo sa Elisha na laging nakakunot ang noo habang nakaharap sa laptop niya,” natatawang komento ni Elyn. “Iyan ang Elisha na kilala natin kapag nag ba-bar hopping,” natatawa ring sabi ni Shane. Napairap na lamang ako sa kawalan habang naglalaro ang ngiti sa aking labi. Hindi ako mahilig sa conservative dresses noon pero nasanay ako no'ng nagtrabaho ako sa kompanya nina Kuya Luhan at Ate Cresha. Dress code, e. Dumating kami ng pasado alas siyete sa Top. Maganda pala talaga sa lugar na ito. Nakikita ko lang 'to sa mga kuhang litrato nina Shane at nagandahan na ako doon. Pero iba pala talaga kapag nasa mismong place ka na at kapag nasa tamang anggulo ka ng lugar kung saan makikita at maa-appreciate mo ang kagandahan nito. Kaya siya tinawag na Top kasi nasa tuktok siya ng burol kung saan overlooking ang city. May mga naka-set up na tables and chairs kung saan ginaganap ang blind dates. At sa itaas ay ang mga fairy lights na tila alitaptap sa sobrang dami. “May mga lugar talagang mas maganda sa gabi kumpara sa umaga no?” sabi ko sa katabi kong si Mayla. “Hindi rin naman sila open sa umaga kaya paano natin maa-appreciate ang ganda nito sa umaga?” tugon naman nito sa akin. “Hoy! Halina kayong dalawa dito! Kayo na ang susunod,” tawag sa amin ni Elyn. Agad kaming dumalo sa kanila na ngayo'y kaharap ang isang babae na may bitbit na ipad. “Nasa table number 15 ang match mo, Ms. Mayla. 79 percent ang resulta ng compatibility test ninyo pero sana ay siya na nga ang pinakahinihintay mo.” “Sana nga! Pagod na akong magpabalik-balik dito no!” Nagtawanan silang dalawa ng babae. Mukha ngang suki na sina Mayla dito since mukhang close na sila ng mga staff dito. “Pasok na po kayo. Enjoy your night,” sabi ng babae kay Mayla. “Anong compatibility test?” tanong ko kay Elyn. “Nasa app nila 'yon na find your match. Doon mo sasagutan ang mga questions at hihintayin mo ang resulta kung may ka-match ka sa loob at pumasa sa compatibility test.” “Ha?” “First time niyo po, Miss?” singit ng babae sa amin ni Elyn at ngayo'y nakatingin sa akin. Tumango ako. “O-opo.” “Bale itong app po na ito, Miss ang maghahanap ng lalaki para sa 'yo.” “Paano kung wala akong ka-match?” “Kapag po wala ay papapasukin pa rin po namin kayo para maghintay po kayo sa match ninyo. Answer na po kayo dito. Mahaba na po ang pila sa likod niyo,” sabay ngiti nito sa akin. Napalingon ako sa likuran at nakitang mahaba na nga ang pila. Muli kong hinarap ang babae at saka tinanggap ang inaabot niyang ipad. Nakita kong may 25 questions na kailangan kong sagutan doon. Simple lang naman ang mga tanong. Mga favorites ko lang. Akala ko 'yong mga mahihirap na questions, e. “May ka-match po kayo. Mm... 95 percent. Mukhang magkakasundo po kayo nito, Ms. Elisha.” Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malawak kong pagngisi. Ito na! Mukhang mahahanap ko na ang the one ko! “Pasok na po kayo. Table 26 po.” Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Saka ako magkahawak ang mga kamay na pumasok. Malayo pa lang ay kita ko na ang table na dapat kung puntahan. Nakatalikod sa akin ang magiging ka-date ko. At likod pa lang, ulam na! Nahinto ako sa paglalakad at mariin kong kinagat ang labi ko upang mapigilan ko ang pag ngiti ko. Wala pa man ay kinikilig na ako. Kinakabahan ako pero hindi ko akalaing mas nananaig ang kilig. Excited din ako sa magiging date ko. Mukha kasing pormal dahil naka-corporate attire pa. “Hoy! Natigilan ka na d'yan?” Naabutan ako ni Elyn na nasa gitna ng red carpet. “Kinakabahan ako, e. Iyon ang date ko oh!” sabay turo ko sa lalaking nasa table number 26. “Mukhang yamanin, bes! Gora ka na!” “Ikaw? Anong table ka?” tanong ko. Nagkibit siya ng balikat. “42. Wala akong match, e. Siguradong olats na naman ako sa gabing 'to. Dry na naman ang petchay!” aniya na nagpatawa sa akin. “Buti ka pa nga may beginner's luck. Kaya galingan mo, Elisha ah? Siguraduhin mong madidiligan ka ngayong gabi,” dagdag pa niya. “Gaga! Dilig agad?” “Bahala ka! Kapag nagtagal ka pa, baka magsara na 'yang petchay mo! Hindi mo na magagamit!” Mas lalo akong natawa sa mga pinagsasasabi niya. Napakabasa talaga ng bibig! Walang filter kung magsalita. Dinaig pa si Tinay na bakla. “Sige na, alis na ako!” pagpapaalam ko. “Go! Send ka ng picture sa GC ah? Inom na lang yata ako sa table ko. Mukhang bibig lang ang basa sa gabing 'to.” Napapailing na lamang ako at agad na siyang iniwan. Dumiretso ako sa table 26 at agad na tinapik ang balikat ng lalaking magiging ka-date ko sa gabing ito. Feeling close na agad ako. “Hi!” sabi ko bago ako naupo sa upuang kaharap nito. Nagbabasa siya ng libro na tumatakip sa mukha niya at may red wine sa harap niya. Seryoso bang nakikipag date 'to? “Uh...” Kinagat ko ang labi ko at agad kong iginala ang paningin ko. Nakikita ko si Tinay malapit sa akin at pinapanood ako. Pinagtaasan niya ako ng kilay na nagpakunot sa noo ko. Parang may sinisenyas siya sa akin pero hindi ko makuha-kuha. Nagbalik ako ng tingin sa lalaking kaharap ko nang narinig ko ang tipid niyang pagtikhim. Marahan niyang ibinaba ang libro at tutok na tutok ako sa kanya. Sana gwapo 'tong isang ito. Kahit naman siguro kating-kati na akong magkajowa ay deserve ko pa rin naman sigurong magkaroon ng gwapong jowa. And to my surprise. Gwapo nga siya. Magkasabay na nanlaki ang mga mata naming dalawa matapos naming makita ang mukha ng isa't-isa. “E-Elisha?” gulat na aniya. Nautal pa! “V-Vest!” nautal din pala ako. This can't be! Alanganin ang naging pag ngiti niya. Maging ako. Sigurado akong plastik na ang nagiging ngiti ko. “How long has it been...” aniya. “Ang tagal na...” sabi ko. Oh my gosh, tadhana! Pinagtagpo mo talaga kami ulit ng lalaking nakakuha sa virginity ko? Is this some kind of a... sign? “Sign,” naiusal ko. “What?” tanong niya. Agad akong ngumiti. “Wala!” Iiling-iling na sabi ko. Sign ng second chance! Ito na nga 'yon. Huminga ako ng malalim at napasandal sa upuan. “Kumusta ka na?” kaswal kong tanong kahit pa naghuhuramentado na ang puso ko. Kilalang-kilala siya ng puso ko. Alam na alam talaga nito kung sinong nagmamay-ari sa kanya, e. Ilang taon 'tong nanahimik. Ngayon na lang ulit nag ingay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
133.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook