PRINCE

1094 Words
Cindy’s POV Napuno ng tili at sigawaan ang loob ng auditorium sa pag-akyat ng isang lalaki na walang ngiti sa labi bagkus ay diretso ang tingin at lakad hanggang sa makapunta sa gitna. Hinawakan nito ang microphone ngunit mas lalo lang lumakas ang hiyawan sa pagpasok ng isa pang lalaki na may hawak na bola at nakasuot ng varsity shirt, pawisin at magulo ang buhok. Pumapalakpak siya habang nakatingin sa lalaking nasa entablado na tila proud na proud dito. “Congratulations to the newly elected officers for next school year! I am rooting that all of you can fulfill the responsibility that imparts to each of you. For graduating students like me, let’s all make our last remaining months in high school memorable by sharing your appreciation and love for the people you treasure. Once again, I’m Prince Lachlan Sorenio, grade 12 student, section commitment… your campus president.” Pormal itong bumaba na tila isang prinsipe sa mga nababasa kong libro. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko habang pinapanuod itong salubungin ng lalaking naka-varsity shirt at hawak pa rin ang bola sa baywang. “Sino yung kasama ng prince charming ko?” pagtatakang tanong ko kay Mitchell na hindi maalis ang titig sa dalawang lalaki na papunta sa gilid ng stage. “Sinong prince charming pinagsasabi mo?” Dahil doon ay bumaling ako sa kaibigan kong abala sa cellphone niya ‘tsaka tinuro ang gawi ni Lachlan kung saan siya nakatayo. Mabilis na binaba ni Mitchell ang kamay ko at mukhang kabado. “Ano ka ba, Ciny. Huwag na huwag kang mangtuturo, baka isipin nila na pinag-uusapan natin sila. Nakakahiya,” bulong niya sa akin. “Sino bang pinag-uusapan natin? Hindi ba siya naman?” Umikot ang mga mata ni Mitchell at napailing na lang. “Si Allen Abrera yung katabi ni Lachlan, best friend niya.” Walang interes akong napatango sa nalaman kay Mitchell at muli siyang siniko upang kunin ang atensyon nito matapos kong titigan ng matagal si Lachlan na abala sa pagpindot sa laptop at projector na nasa gilid ng stage malapit sa kanya. “Narinig mo ba yung huling sinabi ni Lachlan?” “Hindi,” mabilis na sagot nito. “Ang sabi niya, for graduating students like me, make your last year in high school memorable by sharing your appreciation and love to the people you treasure,” bulong ko at tumili ng pigil. “Tapos?” “Grade 12 na tayo, Mitch. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maamin ang paghanga ko sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin nito, I will confess my feelings to him,” matapang kong sambit. Muli kong naalala ang unang pagkakakilala ko kay Lachlan, isa siyang transfer student two years ago. Masyado lang hindi mabait sa akin ang tadhana at hindi kami hinayaan na maging magkaklase man lang kahit ngayong last year ko na sa high school. “At kapag na-reject ka? Nakakahiya yun,” humagikhik ito at binaba ang cellphone sa hita niya ‘tsaka sinimulang ayusin ang tali sa buhok. Hanggang balikat lang ang buhok ni Mitchell, morena at maganda ang hubog ng katawan. Bukod pa roon ay may isang bagay ako na kinaiinggitan sa kanya. Ang kutis nitong porcelana na nakikita ko katulad sa mga artista na napapanuod ko sa TV, gayundin sa mga prinsesa na nababasa ko sa libro. “Kapag na-reject ako, ano naman? Magka-college na tayo, ngayon pa ba ako mahihiya?” Nanghahamon niya akong tinignan, sa huli ay napaiwas ako ng tingin. Hindi ako ganun ka-confident na makakaya kong gawin ang pag-amin, una sa lahat ay NGSB si Lachlan, pangalawa ay masyado nitong mahal ang pag-aaral higit pa sa anumang bagay. At panghuli, kapag na-reject ako, pagtatawanan ako ng mga tao lalo na at ang dami kong kaibigan. Nakakahiya nga iyun. Bumagsak ang balikat ko at napanguso na lang habang nakatitig kay Lachlan, bumabagsak na ang pag-asa ko. Ang huling baraha na pinanghahawakan ko. “Gustong-gusto mo talaga siyang maging boyfriend?” Tumango ako sa tanong ni Mitchell at binalingan muli ang pwesto ni Lachlan. Nakita kong tinapik si Lachlan sa balikat nito ng kaibigan niyang varsity player at nagpaalam na umalis, may sinabi si Lachlan dahilan na ikinangiti ng kaibigan niya. “Paano kung hindi ka niya gusto?” dahan-dahan akong napatingin kay Mitchell na nakunot ang nuo. “Bakit ka aasa sa walang kasiguraduhan kung pwedi mo naman daanin sa bagay na sigurado ka?” “Sige. Anong suggestion ang maibibigay mo na hindi ako mapapahiya para lang maging boyfriend ko siya?” Nginitian ako ni Mitchell at lumapit sa akin para ibulong ang nais nitong sabihin. Matapos kong marinig iyun ay namilog ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Ngumisi siya at tumango-tango pa habang makahulugan kaming nagtitigan. “Hindi! Hindi ako naniniwala, hindi yan totoo,” tanging tugon ko habang umiiling pa. “Hindi na mahalaga kung totoo o hindi. Pinipilit ni mama na bisitahin ko si Auntie, ayoko namang pumunta doon mag-isa. Kung ano-ano na namang orasyon ang gagawin nun sa akin. Sumama kana lang para masaya.” May pag-aalinlangan ko siyang tinignan. Pakiramdam ko ay ginagawa niya lang rason ang sinabi nito para sumama ako sa kanya. NAPATINGALA AKO sa mala-templo na bahay na nakatayo sa rurok ng burol matapos ang mahabang paglalakbay sa bundok. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko habang habol ang paghinga, samantalang si Mitchell ay walang bakas na pagod sa mukha. “Pahingi naman ng tubig,” usal ko dito. Mahina siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako sa loob ng bahay. “Lagi ako rito, although hindi ako naniniwala sa mga magic o spell kahit Auntie ko ang gumagawa nun. Hindi ko pa rin nasusubukan,” kuwento niya. “Kasi hindi naman epektibo,” pagdugtong ko. “Hindi ko alam, pero sa observation ko… tama ka, hindi nga totoo,” tumawa siya ngunit humupa rin ang tawa niya nang makapasok na kami sa loob. Maliit lamang ang bahay na yari sa bato at semento na walang kulay. Sinalubong kami sa sala ng tiyahin nito na ngayon ko lang nakita ngunit lagi naman nakukuwento ni Mitch sakin. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ito mula ulo hanggang paa habang bukas ang mga brasong lumalapit kay Mitchell para yakapin ito. May iba’t-ibang klase itong kuwintas, mahabang daster ang suot, at mukhang hindi siya witchcraft o spell caster. Wala lang, normal lang siya kung pagmamasdan. Nagiging kakaiba lang dahil sa mga suot na hindi maintindihan. Nagtama ang mga mata namin dahilan para ngitian ko siya. Ngunit nanatili siyang seryoso na nakatitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD