Episode 3

1490 Words
Avery "Oh, bakla. Alam mo na ang gagawin mo, ah?" Sambit ni Ynez. Malakas ang upbeat na kantang pinapatugtog. Hindi ko siya marinig. Nilapit ko ang aking tainga sa kanyang mukha. "Ano?!" "Sabi ko!" Panimulang sigaw ni bakla. Sa lakas ng sigaw niya ay napalundag ako dahil sa gulat. Lumayo ako sa kanya at pinaghahampas siya. "Nademonyuka, anong akala mo sa akin, bingi?!" Tinignan niya lang ako na para bang isa akong nakakalitong puzzle. "Ano?!" "Animal ka kako!" Ganoon pa rin ang kanyang tingin sa akin. "Maganda ako?!" Hinampas niya ako at saka siya humalakhak. "Wala ituh! Huy, ako lang 'to. Si Ynez 'to. Kaibigan mo ako, sis. Ako lang 'to." Pinatong-patong niya pa ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib. Gayang gaya niya ang idol niyang si Vice Ganda. Napailing na lang ako. "Mukha kang baklang pinaglihi sa sama ng loob!" "Ha? Sexy ako?" Humalakhak uli siya at tinakpan ang kanyang bibig na para bang feeling niya, siya si Maria Clara. "Enebe! Wala tuh! Maliit na bagay lang 'to. 'Wag mo nang palakihin. Ano ka ba?!" At bago ko pa siya mabugbog, lumabas na ako para simulan ang raket na sinabi niya sa akin kahapon. Sa labas ay puno ng mga taong lasing. May ibang hindi na makalakad nang maayos. May iba din namang nagwawala dahil sa kalasingan. Just by looking at the place where I am situated right now, it pushed me to pack my things, hastily buy that damn plane ticket and go back to the Philippines. Pero ayoko. Dito lang ako. Dito lang muna ako para sa pangarap ko. "Hoy, bakla! Basta't 'wag ka lang mag-papahuli, ha?" Biglang sumulpot si Ynez sa gilid ko. Ngumiti ako nang alanganin sa kanya at saka tumango. "Oo naman," I stuttered, "malaking problema kapag nahuli tayo ng mga pulis." Dito kasi sa Hong Kong, kapag ang code ng ID mo ay pang-domestic helper, iyon lang ang pwede mong pagkakitaan. Bawal kang mag-negosyo at higit sa lahat, rumaket. Kapag domestic helper ka, ang buhay mo dito ay tatakbo lang sa paglilinis, pagluluto at pag-aalaga ng bata o ng matanda. Kahit nakapagtapos ka pa ng four years course sa College, kapag pagiging domestic helper ang pinunta mo dito, hanggang alila ka lang. Maliban na lang kung makapangasawa ka ng residente, magagawa mo lahat ng gusto mo kapag ganoon ang nangyari. "Good!" Malakas pa rin ang boses ng bakla. Gusto ko na siyang sungalngalin sa nguso. "Work work work na!" Sambit niya habang nag-tu-twerk. Dahil doon ay pinagtinginan siya ng mga lalaking foreigner na lumalakad sa labas ng bar na pinagtatrabahuan namin. Ang bakla naman ay gustong gusto ang atensyon na ibinibigay nila. Siyempre, hindi mag-papalit iyan ng kasarian nang wala lang. Hinanda niya raw ang kanyang sarili para, as per her, "i-represent" nang maayos ang Pilipinas sa mga foreigner na makaka-one night stand niya dito sa Hong Kong. Pinagtulakan ko na lang siya papasok ng bar dahil ang mga nademunyong mga foreigner ay naglalaway na. Para ba silang mga asong kakasta. The last thing I want to imagine was them gang-banging my complicated friend. Makalipas ang ilang sandali, sinimulan ko na ang aking trabaho. "Ma'am!" Hinarang ko ang isang foreigner. She is a black american with her gorgeous long curly hair. She gently gave me a wide asking smile. "You might want to check our bar, it was the best in town!" "Really?" She said, equalling my enthusiasm. I nod and she quickly said, "Sure! Let me give me and my friends a try." Matapos noon ay tinawag niya ang iba pang babaeng kasama niya. Sa bilang ko ay hindi sila bababa sa sampu. I smile. Ang galing ko talaga. First try, pero sampu agad ang nauto ko. Ito ang raket na binigay sa akin ni bakla. Iyong mang-uto ako ng customer para pumasok sa bar. Marami kasing bar dito kaya't kung hindi mo sila lalapitan isa-isa at hihilahin sa bar ay walang mangyayari. Kumbaga sa Pinas, sikuhan ang labanan dito. Nang makapasok na kami sa bar ay kaunti na lang ang mga tao. Marami nang mga mesa ang bakante. Ang tanging nandito na lang ay ang ilan sa mga solong foreigner na nag-iinom. Malala ang ngiting ibinungad sa akin ni Manager nang makita niya ang mga dinala kong customer sa loob. Agad siyang lumapit sa amin. Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa niyang pag-entertain sa kanila. Ako naman ay lumapit na sa bar island para sabihin doon sa bartender ang in-order ng mga foreigner. "Anong gusto nila?" Said by the bartender. He has this annoying boyish grin. "Iyong pinakamasarap daw." Tamad kong sagot. "Edi ako ang gusto nila?" Lalong lumawak ang kanyang ngiti, dahilan para lalong lumalim ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi. I gave him my most bitchy stare, "Tapos? Tatawa na ba ako?" Nameywang ako. "Sungit." He pouted and busied himself with his job. Pinanood ko lang siyang gawin iyon. Ang loko naman ay ngiting ngiti pa rin habang minu-minutong tinitignan ang mukha ko. "Try mong ngumiti minsan," he said while pouring wine on a tall glass, "mas lalo kang gumaganda kapag naka-ngiti." Nangangalumbaba akong tinignan siya sa mukha. Tamad na tamad pa rin ang mukha ko. Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang ako sa pagtingin sa kanya na para bang isa siyang boring na palabas sa telebisyon. Umiiling siyang tumawa. "Shit." "s**t what?" "Nothing." He laughed and handed me the tray. Laman noon ang mga inumin na ginawa niya. I just shrug at him. Anong trip ng lalaking 'to? Mabilis ko na lang na dinala iyong mga inumin sa table ng mga foreigner. Si Manager ay nandoon sa kanilang tabi. Humahalakhak nang pilit dahil halata namang hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nila. Magiliw silang nagpasalamat sa akin noong mailapag ko na ang inumin sa kanilang mesa. Matapos noon ay bumalik na uli ako sa bar island. Mukha naman kasing wala nang mga customer akong aasikasuhin. Matumal na kasi ang pagdating ng mga tao. "Hoy, bakla! Nakakaloka ka, ah!" Sigaw ni Ynez habang hinihigit ako paupo doon sa harap ng nakakairitang bartender. "Ang taray mo d'on! Sampu agad ang customer na nadekwat mo sa first try mo?!" Pinaghahampas niya ako, "Jusko, iba na talaga kapag maganda!" Tumawa ako. I acted as if flipping my hair while giggling. "Siyempre, ako pa ba?" I proudly said. "Kaibigan mo pala siya, Ynez?" Sumingit iyong nakakairitang bartender. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. He is smiling at me with his god damn dimples. "Hoy!" Hinampas siya ni Ynez. "Alam ko na 'yang ngitian mo na 'yan! H'wag itong si Avery! Anemal ka, virgin pa 'yan!" Sinamaan ko ng tingin ang bakla. Wala talagang preno ang nguso ng kabayong 'to. Naubo iyong bartender. Para bang hindi niya inaasahan ang isiniwalat ng bakla. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi na ba ako mukhang inosente?! "Ang bilis ng utak mo." Patuloy siya sa pag-ubo. "Bakit sa s*x ka agad dumako?" Tumawa siya nang malakas habang umuubo pa rin. "Gago." "Aba'y siyempre, kilala kitang hinayupak ka!" Pinaghahampas siya ni Ynez ng tray. Siya naman ay natatawang umiwas sa kanya. "May Babe Monday hanggang Babe Saturday ka! Iyong pang-Hwebes nga ay nanggulo pa dito kahapon. Ano? Si Avery ang ilalagay mo sa pang-linggo mo para wala nang day off iyang kalandian mo? Nademonyuka! Lumaki iyan kasama ang mga Pari at Madre, 'wag mong guguluhin 'yan!" Dinuro-duro siya ni bakla. "Sinasabi ko sa 'yo! Nanggigigil ako!" Maya-maya'y sa akin naman tumingin ang bakla. Dinuro niya ako gamit ang tray. Kaunti na lang ay masusungalngal na noon ako. "Ikaw naman na babae ka, lumayo ka dito! Naku, Avery! Babanatan talaga kita!" Giggling and rolling my eyes at the bartender, I nod at Ynez. "Hindi ko naman siya type, don't worry." "Ouch." The bartender placed his hand above his chest and acted as if wounded by my words. It was true. Hindi ko siya type. He is your typical bad boy with tattoos which I am never a fan of. I will always want to end up with the good boy. Magsasalita na sanang muli si bakla nang tumunog ang bell na nakalagay sa ibabaw ng pintuan. Tumutunog ito kapag may dumadating na customers kaya't agad na kaming tumayo para salubungin iyong pumasok. Pero pareho kaming natigilan nang ang bumungad sa mga mata namin ay hindi mga customer kung hindi mga pulis. Nanlalaki ang mga mata, napakapit ako kay Ynez. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o mananatiling nakatayo. Kung tatakbo kami, makakahalata silang ilegal ang ginagawa namin. Kung mananatili naman kami dito ay tiyak na mag-rarandom check sila ng ID. Langya, lahat ng choice namin ngayon ay nagsasabing sa kulungan kami gigising bukas! "Ta . . . takbo, Avery!" Biglang sigaw ni Ynez at saka siya kumaripas ng takbo papunta sa kusina kung saan matatagpuan ang back door. What the f**k?! Mas lalo akong nataranta noong makita kong tumatakbo na papunta sa akin ang mga pulis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD