Episode 1

592 Words
Avery Kaba. Iyon ang tanging naramdaman ko nang matagpuan ng aking mga mata ang nagtatangis na mga mata ng aking amo. May nagawa na naman ba ako? Good mood naman siya bago ako pumunta sa central para sulitin ang day off ko, ah? Ano na naman kaya ang dahilan nito? Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Mahinahon kong isinarado ang pinto. Mabigat ang mga paa ko habang lumalapit sa living room kung saan nakaupo sa sofa si Ma'am at Sir. Para pa ring tigre kung makatingin ang aking amo. Animo nag-aabang upang lapain ang nagmimistulang karneng ako. Dahil doon ay hinanda ko na ang aking puso, utak at mga tainga. Heto na naman tayo. Kaya mo 'to, Avery. Natiis mo na itong marinig sa loob ng isang taon at anim na buwan. Apat na buwan na lang at makakaipon ka na ng sapat na pera para makapagtrabaho bilang nurse sa Canada. Kaya mo 'to. Kayanin mo 'to. "Avery!" Napatigil ako sa paglalakad. Napapangiwi, gusto kong takpan ang aking mga tainga. I lowered my gaze on the floor. "Yes, Ma'am?" Came by my small voice. Barok ang english ni Ma'am. Napakatinis ng kanyang boses. Iyong tipong sobrang sakit talaga sa tainga. "What did you say say to my husband? You flirt him!" She pulled my hair and I was stunned. "You slut! You die!" I bit my lower lips. Ano?! Preventing myself from growling, I just chose to zip my mouth like a silent coward. Si Sir na naman pala ang dahilan. Siya na naman? Siya pa rin? Well, siya naman lagi ang dahilan kung bakit ako naghihirap. Mainit ang dugo niya sa akin dahil hindi ako pumapayag sa gusto niya. He wants to have s*x with me. He tried to rape me. Hindi ko siya hinayaang gawin iyon sa akin. Noon, sinabihan ko siyang tatahimik ako. Na hindi ko siya isusumbong kay Ma'am kung hindi niya na iyon uulitin pa. Kailangan na kailangan ko kasi ang trabahong 'to kaya lunok pride. Pero iba ang nangyari, ako ang naging receiving end ng araw-araw na init ng kanyang ulo. Lagi niya akong pinapahirapan. Walang araw na hindi ako umiyak tuwing gabi para kwestiyunin kung deserve ko pa ba itong mga nararanasan ko sa Hong Kong. Iyong tipong hindi ko na sigurado kung magpapatuloy pa ba ako sa pangarap ko dahil pagod na ako-- pagod na pagod na akong lunukin ang pride ko. Gusto kong mag-sumbong sa embahada ng Pilipinas. Swear, gustong gusto ko. Pero kapag ginawa ko iyon, guho-- ang trabaho ko sa Canada at ang pag-asang makita ang nanay ko doon, guguho. Guguho lahat ng plinalo ko kung hindi ako tatahimik. Kaya wala akong magawa kundi ang lunukin na lang lahat ng ginagawa ni Sir. Tapon pride, ika nga. Tapon pride para sa pangarap. "Ma'am, I am sorry." I continued wincing. Humihigpit na ang pagkakasabunot sa akin ni Ma'am. Pero laking gulat ko na lang ng hilahin niya ako papunta sa pintuan. Binuksan niya ang pinto at isinalya ako papalabas ng bahay. Tumama ang aking balikat sa pader dahilan para mapadaing ako sa labis na sakit. Napapikit ako. Dinadama ang sakit na tila bang mas pinalala ng kirot sa aking dibdib. Kasunod noon ay bigla na lang pinaghahagis ni Ma'am ang mga damit ko. Nanlaki ang mga mata, natataranta akong tumayo at lumapit patungo sa kanya. "Ma'am . . ." Nahihikbi kong sambit. Hindi ako handa sa susunod na mga nangyayari. "I will teminate you now! I don't need a slut on my house!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD