Episode 2

971 Words
I blink. Umiling ako nang ilang beses. As I swallowed the lump forming on my throat, my tears started streaming down my cheeks. Ang kaba sa aking dibdib ay mas lalong lumala. "Ma'am, that wasn't true! I didn't flirt with your husband! He was the one who tried to get in my pants!" "I am not a liar!" Bulalas ni Sir habang dinuduro ako. Iyong para bang pinagbintangan ko siyang pumatay ng tao. Iyong tipong halatang indennial. I sob and tried holding Ma'am's hand but she was too quick to jerk my paws away, "Ma'am, I am telling the truth!" My eyes are pleading and my voice was half convincing and pursuading. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang dumampi sa aking katawan ang malamig na tubig. Tinapunan ako ni Sir ng tubig galing sa planggana na nasa lababo. Mabaho ito. Nandito pa rin ang bakas ng buto at sabaw na niluto ko bago ako umalis kanina. Panginginig ang una kong naramdaman. Dahil doon ay napabitaw ako sa kamay ni Ma'am. Napalayo sa pinto, niyakap ko ang aking sarili. Pinilit kong 'wag tignan ang nakangising mukha ni Sir. Hinihingal ako sa lamig. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang likod ng mga palad ko. Ngunit napatigil ako nang marinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto. I am soaked and wet with nothing but my deteriorated hopes as I quickly ran towards the door. Sarado na ito. Pinihit ko ang door knob. Locked. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang kalampagin na lang ang pinto. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao. Sa lakas kasi ng hagulgol ko ay talagang naagaw ko ang atensyon ng lahat ng mga dumadaan sa street na ito. Kalampag. Sipa. Suntok. Iyon ang ginawa ko sa pinto. Hindi ko ininda ang sakit. Hindi ko pinabayaang panghinaan ako. Ngunit limang oras na ang nakakalipas, hindi na ako pinagbuksan pa ni Ma'am. I know, that should be my cue for me to accept everything. That was the sign for me to give up with my dreams and start living with nothing but my defeated motivation. Pero hindi ko kaya. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang intindihin ang mga nangyari. Hindi ko tanggap at hindi ko kayang tanggapin. Huminga ako nang malalim. Umupo ako at sumandal sa pintuan. Idinako ko ang aking mga mata sa nangnininingning na mga bituin. Malalim na buntong hininga uli ang pinakawalan ko. Lord, kung challenge Mo lang ito sa akin para maging matatag, bakit naman araw-araw? Wala ba akong day off? Gusto Mo ba akong mamatay sa sama ng loob? O, gusto Mo ba akong maging kriminal? I mentally slap myself and tousled my already messed hair. Umuubo akong tumayo. Pinulot ko lahat ng mga damit kong itinapon ni Ma'am. Saan na ako pupunta ngayon? *** "Bakla ka!" Hinampas ako ni Ynez sa aking balikat. Sa lakas noon ay feeling ko, kailangan kong patignan ito sa hospital. Kabayo talaga ang baklang 'to. "Alam kong mabait ang amo ko pero bakla ka talaga!" Lumayo na ako nang kaunti sa kanya bago niya pa ako mahampas uli. Dahil doon ay si Trista na lang ang kanyang hinampas. Parang tanga talaga ang baklang 'to. Hindi siya makapagkwento nang walang isang hindi mabubugbog. "Hindi no'n kailangan ng dalawang DH! At saka gusto kong solohin si Sir! Kaloka ka, aagawan mo pa ako ng love team!" Lumapit siya sa akin at akmang hahahampasin ako pero inunahan ko na siya. Tinampal ko ang kanyang bibig. Puro talaga kalandian ang isang ito. Umiling akong tinaasan siya ng kilay. "Wala ka talagang kwenta." I rolled my eyes and darted my pleading gaze to Trista. "Don't start with that." Umirap siya at nameywang. "Alam mong parehong sadista ang mga amo natin." Tumango ako. Oo nga naman. Ekis, ekis. Sa naranasan ko ngayon ay kaya kong isakripisyo ang aking buhay sa lahat ng diyos, 'wag lang akong makatagpo ng panibagong employer na katulad nina Ma'am at Sir. Malungkot akong tumitig sa maliliit ilaw na makikita sa kabilang dulo ng bay area. Mukhang wala na talaga akong matatakbuhan ngayon. Mukhang minalas na naman ako. Na naman. Leche. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong sisihin ang mundo sa miserable kong buhay pero ano ba ang magandang maidudulot noon? Wala. After all, this has always been my life. I was born to be miserable. I was abandoned to this world as a lost cause. "Paano na ako niyan?" My elbows are above my knee. I cover my face. About to cry, I mentally calculated my expenses for the incoming days. Isang buwan ang itatagal ng paghahanap ko ng bagong employer. Hindi iyon sapat para mapunan ang natitirang kulang na pera para magkapagtrabaho ako sa Canada. Malaki ang gastusin dito, tiyak na baka mapapunta ang kalahati ng ipon ko sa mga gagastusin ko ngayong isang buwan. "Bakla, gusto mo ng raket?" Nakangiting aso si Ynez. Inalis ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Naluluha akong tumingin sa kanya. "Ano namang raket 'yan?" I wiped the bead of my tears. "Hindi ako pokpok kagaya mo, ah." My voice was breakingly vulnerable. "Oo nga, baklang 'to." Sabat ni Trista. "Hoy, Avery. Baka magkaproblema ka diyan. Maghintay ka na lang ng isang buwan para makahanap ka ng panibagong employer." But I can't afford to wait a month without me acquiring money. Kukulangin ako kung hindi ako kikita sa isang buwang bakante ako. Kailangan ko talaga ng raket. Kailangan kong kumita ng pera. "Pota ka!" Humalakhak si bakla. Napaka-lakas ng accent niyang pang-Visaya. "Marangal 'to, bakla! Promise! Baka nga magka-jowa ka pa, eh!" I swallowed. I need a job. I f*****g need one. Naitapon ko na lahat ng pride ko, wala nang natitira sa akin. Kahit na ano pang trabaho ang sabihin ng baklang 'to, tatanggapin ko. Kailangan ko 'to. Kailangan na kailangan ko 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD