Kabanata 2

1643 Words
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto kung saan ako pinatuloy ni Leandro. Gawa sa kahoy ang kanilang bahay pero malawak, tama lamang din ang pagkakadikit ng mga kahoy sa ding ding, walang space para makita ang nasa kabila nito. May isang kama na manipis lamang ang foam. Hindi ko alam kung makakatulong ba ako dito nang maayos, baka pag gising ko ay masakit ang likod ko. Teka bakit nga ba iniisip ko pa ang bagay na iyon sigurado namang nananaginip lamang ako, bukas magigising din ako at papasok sa school, tama hindi na dapat ako mag-isip ng kung anu-ano pa. Lumapit ako sa kama at humiga doon,gumalaw galaw ako at hindi talaga ganoon kalambot. Pagtatyagaan ko na ito panaginip lamang naman. Pinikit ko na ang aking mata at malayang naglakbay sa aking panaginip. Minulat ko ang aking mata dahil sa mainit na sinag ng araw na tumataba sa mukha ko. Wait araw? Late na ako! Nagmamadali akong bumangon at nagtaka ako pagkatingin ko sa paligid. What the? Bakit ganito? Hindi ba ako nananaginip? "AAAAAAHHHHH!!!!" I screamed. Anong gagawin ko? paano ako babalik sa panahon ko? Bakit ba ako napunta dito? Dahil ba sa pagbabasa ko ng mga historical lovestory? Waaaaahhh Lord ibalik mo na po ako, promise mafia at gangster na lang po ba basahin ko. Natigil ako sa pagdadrama ng may mga yabag akong narinig papunta sa pinto. "Binibini! Anong problema ayos ka lang ba?" Tanong ng nasa likod ng pinto. Kilala ko ang boses na iyon, 'yon' yong Leandro kagabi. Hindi talaga ako nananaginip! Sunod-sunod na katok ang ginawa niya. "Maaari ba akong pumasok?" Magtatanong na lang ako sa kanya, okay lang naman sigurong magtanong. "M-may kasama ka ba d'yan?" tanong ko. "Mayroon, ngunit kung ayaw mo sa kanila ay ako lamang ang papasok." Ang bait naman, mabuting siya na lamang muna ang kausapin ko dahil baka kapag maraming makaalam ay ikapahamak ko pa. "Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero pwede bang ikaw lang muna ang pumasok?" "Kung iyon ang iyong nais." Narining ko ang pagbaba ng ilang mga taong kasama niya. Hayy mabuti naman. "Papasok na ako," paalam niya bago bumukas ang pinto at bumungad ang bagong ligong si Leandro. Anak ng! Nakakahiya kaka gising ko lang samantalang siya ay nakalingon na. Nagmamadali akong bumalik sa kama at binalot ang sarili sa kumot. "Bakit ka sumigaw binibini?" "Imagine nagising ka sa hindi mo panahon, paanong hindi ako sisigaw?" Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. "Hindi kita maunawaan," naguguluhang sambit niya. Ayy oo nga pala, nakakainis papano ko ba ipapaliwanag sa kan'ya. "Saan ka ba nagmula at bakit ka napadpad sa aming hardin kagabi?" "Ang hirap kasing ipaliwanag, sa malayo ako nanggaling. Sa ibang panahon maniniwala ka ba?" Napailing na lamang siya sa sinabi ko. Ang hirap naman, I'm not good at explaining! "Marahil ay wala ka sa tamang katinuan, binibini. Ang ipapaalam ko na lang sa kanila ay kaibigan kita na aking kasama sa pag babalik ko kagabi, mamimili lamang din ako ng kasuotan mo. Kung maaari ay wag ka na munang lalabas ng silid na ito." Iyon lang at iniwan na niya ako. What the? Did he just assume that I'm crazy? Gago ba 'yon? Talagang iniwan niya akong mag-isa, paano kung pasukin ako dito ng mga Español o hapon o hindi naman kaya ay' yong mga bandido noong unang panahon? Wait may ganoon kaya sa panahong ito? ang hirap naman wala akong Kalama alam sa mga pweding mangyari sa akin. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral, Lord I balik mo na po ako please! Tumayo na ako at umalis sa kama at naglibot sa silid. Hindi naman siya ganoon kalawak pero malaki naman ang espasyo. May isang kabinet na gawa sa kahoy na may salamin. I look at my face in the mirror, dinapuan ako ng hiya. Ganito ang itsura ko nang makita ako ni Leandro, magulo ang buhok at may muta pa. Argghh! Nakakahiya! Nagtungo ako sa isang pinto sa loob ng silid, banyo naman siguro ito. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang maliit na timbang may tubig at maliit na arinola? Bakit nga ba naman ako mag-I expect ng cr e kahoy lamang naman ang sahig! Lumapit ako sa arinola at tinignan ito, mukha namang wala pang nakakagamit nito. Gamit ang tabo ay kumuha ako ng tubig sa timba at dahan-dahang binasa ang mukha ko. I gently scrubbed my face using my hands, then wash again with water. Hinayaan kong tumuloy ang tubig sa arinola, itatapon ko na lamang mamaya. Medyo binasa ko din ang buhok ko at sinuklay gamit ang aking mga daliri. Now my problem is, anong ipantutuyo ko sa aking mukha? Lumabas ako ng banyo kahit medyo tumutulo pa ako, I open the cabinet and saw towels there. May maliit at malaki, kinuha ko iyong maliit lang at tinuyo ang mukha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ayos naman nag mukha na akong tao. Marah ang katok ang nakakuha ng atensyon ko habang nakatitig ako sa salamin. "Binibini?" Boses pa lamang ay alam kong si Leandro iyon. "Pasok!" Pumasok siya dala ang isang may kalakihang bayong. Bayong talaga? well ano ba namang ini-expect ko paper bag? Wala pa naman siguro noon sa panahon dito. "Nandito ang mga kasuotang maaaring mong gamitin, pinamili ko iyan sa bayan kaya makakaasa kang bago lahat." Hindi naman ako maarte pero parang hindi ko rin kakayanin kung gamit ng damit ang ipapasuot niya sa akin. "Salamat." "Magpalit ka na hihintayin na lamang kita sa labas ng pinto upang sabay na tayong kumain ng agahan." "Dito na, doon naman ako magbibihis sa cr." "Cr?" Naguguluhang tanong niya. Ay oo nga pala baka hindi pa nila alam ang cr. "Banyo..." "Banyo?" Anak ng, ano pa bang ibang tawag sa cr bukod sa banyo? Ahh oo nga pala, "Palikuran." "Ahh, ikaw ang bahala ngunit sa labas pa rin kita hihintayin." Lumabas na siya at napanganga ako sa ginawa niya. Hindi naman sa I naakit ko siya pero nagmamagandang loob lang ako na dito na siya maghintay. Why do I feel so rejected? Kinuha ko ang bayong at nilatag sa kama ang mga laman non. Mahaba ng palda at damit. Ahh ganito yata ang sinusuot nila sa pangkaraniwang araw pero kagabi ay iba dahil may party sila. Kinuha ko ang kulay itim na palda at ang isang puting damit. Nagpalit na ako sa cr at ng lumabas ako ay tumingin ako sa salamin. Mukha akong manlang, I pinasok ko sa loob ng palda ang laylayan ng damit. Now this is better. Sinuot ko din ang sapin sa paang nakita ko sa loob ng bayong, ang galing sakto lamang sa akin. Nag lakad na ako patungo sa pinto at binuksan ito. Nakaabang si Leandro sa labas at tumingin sa akin ng lumabas na ako. Nauna s'yang nag lakad pagbaba ng hagdan at sumunod naman ako. Pagkababa namin ay bumungad sa amin ang siguro ay sala nila. May mga upuang kahoy na nakapalibot sa isang maliit na lamesa, sa gitna naman noon ay isang flower vase. At least may flower vase na sila. Sumunod lang ako kay Leandro at nakarating kami sa dinning area nila. Nakakamangha ang haba ng lamesa nila at ang daming upuang na gawa sa kahoy. "Maupo ka na, kukuha lamang ako ng pagkain natin." Hinigit ko ang isang bangko, ang bigat! Kung buntis siguro ako ay maaagapan ako. Saglit lamang ay dumating na si Leandro bitbit ang plato, kutsara at tinidor. Porcelain plates, akala ko sa kahoy o sa bao ng niyog kami kakain e. Natawa naman ako sa iniisip ko, really Chealsey bao ng niyog? Ibinaba niya ang plato sa tapat ko at ang isa naman ay sa tapat ng katabi kong upuan. Umalis ulit siya at pagbalik ay may dala ng kanin. Nilapag niya iyon at umalis muli. Pagbalik ay may dala ng tray na naglalaman ng mga ulam. May tray naman pala bakit hindi niya pa kanina ginamit? Ibinaba niya isa isa ang mga ulam, pritong isda, nilagang karne at pritong itlog. Akala ko ay kakain na kami pero umalis na naman siya. Halos magwala na ang mga dragon sa tiyan ko sa sobrang gutom, ilang balik pa ba bago kami kumain? Sa loob ng tray ay tubig naman ang dala niya at dalawang baso, matapos niya iyong ilapag ay akmang aalis na naman siya. Mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. "Parang awa mo na, gutom na gutom na ako! Kumain na tayo, mamaya mo na balikan kung ano man 'yong babalikan mo,"pagmamaktol ko sa kan'ya. He burst into laughter and sit beside me. Napanguso ako dahil sa patawa niya. "Paumanhin binibini, hindi ko alam na labis na ang iyong gutom," tumatawang sambit niya. "Ngayon alam mo na!" Nakangiti syang sumandok ng kanin at inilagay sa plato ko, kumuha rin siya ng isang itlog at nilagay din. "Nais mo ba ng sabaw? Kukuha pa sana ako ng maliit na lagayan para sa sabaw ngunit hindi na makahintay ang iyong tiyan." I don't know but he sounds like he's teasing me. Sinamaan ko siya ng tingin habang tumatango. Nilagyan niya ng sabaw ang kanin ko bago kumuha ng mga pagkaig para sa kanya. Hindi ko na siya pinansin at nag simula ng kumain. Masarap ang sabaw, malinamnam kahit alam kong wala naman silang magic sarap na nilagay dito. Habang sumusuko ako ng kanin ay nag lagay siya ng laman ng isda sa plato ko. Hindi ako makareklamo sa pag-aasikaso niya, masarap sa pakiramdam. Kahit sabay-sabay kami ng mga magulang kong kumain ay hindi naman nila ako bini-baby nang ganito. Naubos ko na ang kanin sa plato ko pero parang gutom pa ako. Napansin niya yata iyon kaya kumuha siya ng kanin at nilagay sa plato ko, nasa ganoong senaryo kami nang dumating ang isang babae. Mahinhin, maganda at mukhang nagmula sa may kayang pamilya. "Elizabeth..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD