Chapter 1 - Her Fist

999 Words
Chapter 1 –Her Fist Clintom Pioneer POV Nakakaasar makita ang mga gagong yan para lang makita lang sya umiyak sa harap nila.Hindi ko malaman sa babaeng yan kung bakit nagpapatalo sya sa mga nang bubully sa kanya.Kahit isa ako sa mga nang bubully sa kanya , pero kahit anong gawing pang aasar ko sa kanya di nya magawang mapikon o lumaban man lang , napakahina nya para sa’kin. Kaya ko naman ginagawa ‘yon ay dahil para ipakita nya ang isang side nya sa ibang tao yung ba maging mangnananggal yung mukha nya sa galit at matakot ang mga nangbubully sa kanya.“Hoy Tom! Ang lalim ng iniisip mo dyan ah, sinong iniisip mo ?” tanong sa’ kin ni Gibsen sabay batok sa ulo ko , magtatanong na nga lang mambabatok pa. Tsk. “Ikaw.” sabay tingin ko sa kanya ng malangkit na tingin, at hinawakan ko ang mga kamay nya kung mambatok eh wagas gantihan ko nga.“Yuck ma men! Hindi tayo talo ha!Babae gusto ko hindi unggoy.” Agad nyang tinapik ang kamay ko at lumayo sa kin. Naku naman parang hindi sya mukhang unggoy, “Wag mo nga akong pagtripan nanahimik ako dito , ayun oh si Baho asarin nyo .”Tinuro ko si Shirley para namang wag naman akong pagtripan ng mokong na’to , ayon naman si Mokong sinunod nga . Lumapit sya kay Shirley na nasa likod lang ng upuan ko “Shirley.” Aba akala ko aasarin nya pero bakit ang sweet nung sinabi nya yung pangalan ni Baho ,sinapian ba tong Gibsen na to? “A-aa bakit?” Pati rin ata si Baho nagtaka kung bakit tinawag sya sa pangalan nito ,dadati kasing tawag sa kanya mga masasakit na salita, pero ngayon lang nya narinig yung pangalan nya sa bunganga ni Gibsen. “Shirley halika , sumama ka sa kin may sasabihin ako sayo, dapat tayo lang dalwa.” Naghiyawan naman lahat ng mga kaklase ko ng sinabi ni Gibsen yun, malamang yang nerd na yang kilig to the bone na , ang alam kasi ng lahat ay may gusto siya sa mokong na yan, “A aaa ..” Lumakad si Mokong papunta sa pintuan ng classroom at nginitian si Shirley “Halika na.” Aba determinado to ah, lumingon ako at nakita kung tumayo rin si Baho sa kinauupuan nya ,inalis ko na ang lingon ko at magpapalumbaba na sana ako ng marining kung may bumalabag sa may bandang likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Shirley na naka dapa sa sahig na parang ang daming nahuling isda,agad ko naman narinig ang mga masasakit na tawa ng mga kaklase ko , tumingin ako sa pinto at nakita ko si Gibsen na hawak hawak ang tiyan na halos mamatay na sa tawa. Nakita ko yung sintas ng sapatos nya na nakatali sa upuan nya pati nga upuan sumama sa pag landing nya eh.Di ko mapigilan ang sarili ko na tumayo, lumuhod ako at inalis ang pagkakatali ng sintas nya sa upuan at itinayo ko sya. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya na tinatago ang mukha nya sa mata ko , pero parang umiiyak sya .Biglang lumapit sa kanya si Gibsen at hinawig ang buhok ni Shirley na nakaharang sa mukha nya. Ako naman si engot nakatingin lang sa gagawin nya , akala ko magsosorry sya ,syempre alam ko naman na sya ang may pakana nung pag landing ni Shirley. “OHHH GUYS TIGNAN NYO SYA ANG PANGET PA RIN HAHAHA” ang napakalakas na sabi ng mokong na yon ,pero parang nag init ang ulo ko hindi pa ba sapat ang pag pahiya nya kay Shirley kanina at ngayon eto pa sasabihin nya. Habang tumatawa sya at ang mga kaklase ko , ako naman ay nakayuko at nagdidilim ang paningin ko para bang gusto kong pumatay ,yung dalwang kamay ko kumakamao. Clintom kalma lang whooo, kaya mo to , pero mas bilib ako kay Shirley na nakatayo lang at nakayuko pero alam ko abot langit na ang kahihiyan na nararamdaman nya. Hindi ko matiis kaya nagsalita na ko “Hoy Gibsen tama na , napahiya mo na nga sya.” “Bakit Pare inlababo ka na ba sa nerd na bunging yan bwahahaha” “Pwede ba tumigil ka na kung ayaw mong bungiin ko yang mong ngipin.”pagbabanta ko sa kanya , galit na ang tono ng boses ko at ng hindi ko na mapigilan . Sinuntok ko sya sa may baba nya kita ko naman na tumalsik sya at putok ang labi,nakita ko naman ang mga kaklase ko na tumahimik , nakita ko rin si Shirley na nakatingin sa kin malamang nabigla rin sya sa ginawa ko na dati isa sa mganangaasar sa kanya na ngayon ay umaarteng knight in shining armor. At eto nanaman ako , nalimutan ko nga pala member nga pala si Gibsen ng Taekwondo Club , ang engot ko talaga saka ko lang naalala nung nasuntok ko na sya.Mukhang galit na galit ang mukha ng mokong na to at papasugod na sa harap ko . “HAAAA!!!”sabi niya habang papatakbo at papasugod sa akin Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang nagslo-slow motion ang bawat tingin ko sa kanya.Nakita kong papalapit na sya at ang nagawa ko lang ay pumikit at hintaying dumampi ang mga kamay nya. Pero habang nakapikit ako ilang segundo pa walang sumusuntok sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa nya,pati rin si Gibsen at pati na rin ang mga kaklase ko na halos luluwa na ata ang mata. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Shirley na hawak hawak ang kamao ni Gibsen.Wow!Pano nya nagawang masunggaban ang kamao ni Gibsen gamit lang ang isang kamay.At ang mukhang nya seryoso ibang iba sa pagkakakilala ko sa kanya. “Class anong kaguluhan ang nangyayari dito?” bigla naman pumasok si Ms. Luna mukha natunugan na nito ang commotion na nangyayari sa min.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD