bc

A DANGEROUS MAN 1: JONDRAY CLARENCE FORD

book_age18+
591
FOLLOW
2.8K
READ
badboy
gangster
bxg
serious
realistic earth
crime
cruel
virgin
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Mia Davis, an ordinary girl, was brought into a world of darkness by Jondray Clarence Ford, a dangerous man.

Ang katulad kaya ni Mia ang magpapaamo sa puso ni Jondray na puno ng galit at paghihiganti? Siya kaya ang maging ilaw sa madilim nitong mundo?

He possessed her mind, heart, body and soul, and used her for his own personal desires, such as vengeance.

'Paiibigan kita para gamitin ka' Ang salitang binitawan ni Jondray ang siyang nilunok niya rin.

"And now, I've lost my heart because you claimed it. I saw the light with you, and I will not return to the dark world of misery and sadness. I will be with you forever, my love…”

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“MAMA Cole, hindi ko po talaga kayang magsuot nang ganyan kaikling dress habang sumasayaw at saka napag-usapan na po natin hindi ako magpapa-table kahit kanino pa ‘yan o kahit na bigatin pa ‘yan, ayoko talaga. Magdadala lang ako ng mga inumin ng mga customers.” Nini-nerbyos na wika ni Mia sa kanilang Manager dito sa Club. Pilit niya hinihila ang laylayan ng suot niyang damit sapagkat kulang na lang pwet na niya ang makita habang sumasayaw sa stage. Hindi siya mapakali dahil parang luluwa na ang dibdib niya sa suot niyang ito, masyadong expose ang katawan niya at hindi siya sanay sa ganitong suotan dahil kapag sumasayaw siya sa stage, mahaba ang suot niya kaya nga walang gumagalaw sa kanya rito. Inirapan lang siya ni Mama Cole. “Alam mo sobrang arte mo, Mia. Hindi ko nga alam bakit kita kinuha bilang dancer sa club na ‘to, wala naman akong napapala sa isang katulad mo. Dapat kung ano ang sinabi ko gawin mo! Kaya nasisilip ka ng mga kasamahan mo dahil masyado kang conservative, nagmamalinis ka at ayaw magpagalaw!” Sabi nito sa mataas na boses. Yumuko na lang siya para tiisin lahat ng mga sinasabi nito at kung hindi naman siya susunod baka ipatanggal siya sa trabaho, paano na lang ang pamilyang umaasa sa kanya? Hindi siya pwedeng mag-inarte ngayon hangga’t wala pa siyang nakukuhang matinong trabaho. Hindi na niya matiis ang mga ginagawa niya sa maruming club na ito. “Ano, Mia!? Yuyuko ka na lang ba diyan?” “Pero, mamá Cole…” “No buts, Mia! Kung nagrereklamo ka, libre ang umalis!” Sigaw na naman nito at todo pilit niya sa kanyang sarili na magtimpi dahil baka lalo siyang mapasama kung papatulan niya ito. “Ano? Aalis ka, o magtatable ka kay Mr. Wong?!” “Ma..Magtatable ako kay Mr. Wong.” Napipilitan niyang tugon. “Good! Bilisan mo diyan at lumabas ka na.” Wala siyang nagawa kundi ang sumunod, hindi siya pwedeng tumigil para sa mahal niyang pamilya. Walang ibang kakayod kundi siya. Dahil sa pagkawala ng papa nila, kinakailangan niyang tumigil at magsakripisyo, ayaw niya kasing masira ang kinabukasan ng mga kapatid niya, ayaw niyang tumulad ang mga ito sa kanya. Gusto niyang makitang marangal ang magiging trabaho ng mga ito. “Hey, beautiful..” Bulong nitong manyakis na katabi niya. “He..Hello,” nauutal niyang sagot, mukha pa lang manyak na at kung hindi niya lang iniisip na kailangan niya ng pera baka sinapak niya na ito. Maya-maya pa ay lumapit sa kanila si mama Cole at saka ngumiti sabay lapit sa tenga niya at bumulong na may pagbabanta. “Be nice with Mr. Wong, Mia...Nakamasid ako sa'yo." Sa tagal niyang nakaupo, nagpapasalamat siya dahil hindi pa siya nito ginagalaw. Kaya panay ang dasal niya na sana umalis na ito para matapos na ang kahibangan ng mama Cole niya. Masyado na ba siyang abusado sa sarili niya? Ang mga pangarap niya ay bigla na lang naglaho noong mamatay ang kanyang mahal na ama. Ilang minuto ang lumipas, nagsimulang manlamig si Mia nang maramdaman ang kamay nitong humahaplos sa kanyang hita kaya mabilis siyang umiwas pero hindi nakaligtas sa mga mata ni mama Cole ang ginawa niyang pag-iwas. Masama ang tingin nito sa gawi nila ni Mr. Wong. “Do you want me to get angry?” Bulong nito sa kanya na parang may pagbabanta. “No, Mr. Wong, I can’t..” She said, her voice trembling. “I'm sorry.. I can't.." “You are mine! When I say take your clothes off. I mean it! I paid a lot of money to get you, tapos ngayon sasabihin mong hindi mo kaya?!” Mr. Wong's voice was raised, catching the attention of the other customers. “O..opo, Mr. Wong,” hindi niya mapigilan ang sariling hindi magalit kaya naman isang hawak pa ng matandang ito sa hita niya hindi siya magdadalawang isip na tumakbo at takasan ang matandang ito. Hindi siya papayag na abusuhin siya ng kahit na sino. Alam pa rin niya ang salitang, dignidad. “Good,” anito, bago niya muling naramdaman ang mga kamay ng matanda sa hita niya. Dahil sa gulat at inis na nararamdaman niya, mabilis niyang hinablot ang bote ng alak at walang pag-aalinlangan na hinampas ang ulo ni Mr. Wong gamit ang bote dahilan upang mabasag ito sa ulo nito at saka niya sinabayan nang pagkaripas ng takbo palabas ng Cole club. Narinig niya pa ang sunod-sunod na tawag ni mama Cole. “Mia! Come back here!” *** JONDRAY was driving his luxury car when the accident occurred. f**k! When he saw the damage caused by the collision. He felt angry and frustrated at the same time. He wanted to confront the driver of the other car, but he knew it wouldn't do any good. He took a few deep breaths to calm himself down and then proceeded to inspect the damage to his car. My car is fine, thanks to the grace of God. Nagdarasal pa rin siya kahit milyon-milyon na pala ang kasalanan niya. That’s f*****g great. Hindi na niya pinag-aksayahan ng oras ang nangyari sapagkat may mas importante pa siyang kailangan gawin. While Jondray was driving, his phone rang and he answered it immediately. ‘Do you find something?’ Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. ‘Bro, we’re f*****g too late. Wala na siya sa Cole Bar at siguradong nagtatago na naman siya.’ He gritted his teeth angrily. ‘That old man, I’ll kill him!’ 'We'll kill him one day, Jondray. Kaya chill ka lang.’ And end the call. Habang nagmamaneho ay iniisip ni Jondray kung paano niya mapapatay si Mr. Wong, masyado itong matinik at tuso kaya naman sa mahigit ilang taon nilang plano ay wala pa rin nangyayari. Gustong-gusto niyang sa mga kamay niya ito mamatay. Pag nangyari ang bagay na iyon, pwede na siyang mawala sa mundo at pumalit kay satanas. Nang mapadaan siya sa madilim na iskinata may nakita siyang isang babae na parang hindi mapakali at balisa kung titingnan. Ititigil na sana niya ang kotse nang pumara ito, subalit wala na siyang oras, kung hindi siya magmamadali lalong hindi niya maaabutan ang hinahabol niya. Sa gitna nang pagdi-drive nahagip ng mga mata niya ang mga tauhan ni Mr. Wong at nagkaroon siya ng hint na hinahabol ng mga ito ang babaeng nakita niya. Ano naman kaya ang pakay ng mga ito sa babaeng iyon? *** WALANG pakialam si Mia, kahit wala siyang pera ang mahalaga makaalis siya sa punyetang club na iyon, hindi na niya kayang tagalan pa ang mga pinapagawa ng Mama Cole niya. Alam naman niyang parte ng trabaho niya iyon pero nag-usap sila na akala niya ay matino. Walang table o kahit na anong involve ang s****l. Pero hindi pala matino ang usapan nilang iyon. Hindi na muna siguro siya uuwi sa kanila pero saan siya nito pupunta? Ayaw naman niyang istorbohin si Bea ang matalik niyang kaibigan, nakakahiya kung pupunta pa siya ng ganitong oras. “Ayon siya! ‘Wag ninyo hahayaang makatakas, lagot tayo kay boss!” Napalingon siya nang may marinig na mga ingay mula sa ‘di kalayuan sa kinatatayuan niya at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang katerbang armadong lalaki na mukhang papalapit sa kanya. Walang atubili siyang tumakbo at para mas makatakbo ng maayos hinubad niya ang sandals na suot. “Shet! Bakit ba nila ako hinahabol?! Pakana na naman ni Cole ito, ang matandang ‘yon obsess sa mga babaeng alam niyang pakikinabangan niya!” Sansala niya sa isipan habang kumakaripas ng takbo. Nasa kalagitnaan siya ng pagtakbo nang may dumaang kotse at mabilis niya iyong pinara para sana sumakay at manghingi ng tulong, ngunit nilampasan lamang siya nito kaya nawalan siya ng pag-asang makakatakas pa. Marami ang mga ito, nakakaramdam na rin siya ng pagod. Hinihingal na nagtago siya sa isang masikip na eskinita pero na-corner rin siya ng mga ito, wala na siyang ligtas, siguradong galit na galit ang mama Cole niya at paparusahan siya nito dahil sa biglaan na pagtakas niya sa impyerno nitong tahanan. Hindi dapat siya ganito kung nandito lang ang papa niya, hindi dapat sila naghihirap ngayon kung nandito lang ang kanyang papa, I miss you so bad, papa. Maayos naman ang buhay nila noon pero ngayon wala na ang papa niya walang ibang maaasahan kundi siya tapos ganito pa ang mangyayari. “Kunin ninyo ang babaeng ‘yan! Dalhin siya kay Mr. Wong, binili na niya ‘yan sa Cole club kaya pagmamay-ari na siya ni Mr. Wong,” napabaling siya sa lalaki na nagsalita. “Pa...Paanong ipinagbili?! Walang nagmamay-ari sa akin, walang kahit na sino!” Giit niyang sabi. “Miss, huwag ka nang pumalag kasi wala kang magagawa. Sumunod ka na lang at siguradong magkakapera ka rin naman. Katawan lang naman ang puhunan mo. Ayaw mo pa?” “Mga demonyo kayo! Pakawalan ninyo ako. Ano ba! Tulong. Tulong!” “Kahit anong sigaw mo walang tutulong sa’yo,” sabat na naman nitong lalaki na kanina niya pa gustong sapakin sa mukha. “Ang ganda-ganda mo naman kasi, ayan tuloy mainit ka sa mga mata ni Mr. Wong.” Dagdag pa nito. Isasakay na sana si Mia ng mga ito sa malaking van nang may biglang pumutok at alam niya ang bagay na iyon, baril iyon kaya naging alerto ang lahat pati siya’y naging alerto. Baka mamatay pa siya nito kailangan niya makatakas pero, paano? Paano siya tatakas kung sa maling galaw lamang maaari niyang ikamatay. “Maging alerto kayo, doon kayo at dito kami!” Malakas na isinara ng mga ito ang pinto ng van at iniwan siyang mag isa sa loob. Kung anu-anong ginawa niya para lang matanggal ang pagkakatali sa kamay niya pero masyadong mahigpit kaya pinilit na lang niyang buksan ang pinto ng van at nagulat siya ng bumungad ang isang estrangherong lalaking naka-full mask. Tanging mga mata at labi lamang nito ang nakikita, kulay asul ang bilugan nitong mga mata. Nahihipnotise siya ng mga mata nito na sumama. “Si..Sino ka?” May pangamba niyang tanong rito. Hindi na rin nakabalik ang mga humahabol sa kanya kanina, “Parang awa mo na ‘wag mo ‘ko-” “Sumama ka sa akin.” Walang sere-seremonya na hinigit nito ang kamay niya patungo kung saan nakaparada ang isang kulay itim na kotse. Nagdadalawang-isip siya kung sasama ba siya. Sino ba ang estrangherong lalaking ito? Natigilan siya nang buksan nito ang pinto ng isang kotse habang nagdadalawang isip kung sasakay ba siya, o hindi. Tinitigan naman siya ng binata at nakipagtitigan rin naman siya rito. “Hoy, babae, gusto mo bang buhatin pa kita?” “Ano..anong buhatin! Wala akong sinasabi! Hindi nga kita kilala, e. Bakit naman ako sasama sa’yo, aber?” “Sasakay ka, o ibibigay kita sa mga tauhan ni Mr. Wong?” “Ayon sila! ‘Wag ninyo hahayaang makatakas!” Napalingon siya sa mga tauhan ni Mr. Wong na ngayon ay patungo na sa kanila. “Anong gagawin natin-” “Get in the car woman, now!” Napaigtad siya sa lakas ng sigaw nito kaya wala siyang nagawa kundi sumunod rito, baka mamatay pa siya sa putukan na mangyayari. Mabuti na sigurong magtiwala muna siya sa lalaking ito. Bahala na nga! Sunod-sunod na putukan ang narinig niya dahilan kaya napapikit siya sabay takip sa tenga dahil ayaw niya makarinig ng mga putukan ng baril dahil pakiramdam niya sa bawat putok ng baril buhay ang kapalit at sana okay lang ang lalaking kulay blue ang mata, ayaw niya maiwan sa mga kamay ni Mr. Wong. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kotse at pumasok ang estranghero na lalaki at may tama ng baril sa balikat. “Ma..may tama ka sa balikat..” Pansin niya sa sugat na natamo nito pero hindi siya nito tinapunan ng pansin bagkus pinaharurot nito ang kotse kaya tumahimik na lang siya hanggang sa makarating sila sa isang malaking building at kung hindi siya nagkakamali, isa itong condominium. “Hey woman.” Narinig niya ang pagtawag nitong lalaking naka-full mask pero hindi siya sumagot sapagkat nabighani siya sa magandang condominium building na ito. The colors of the enormous building are black and white; what does it look like inside? She wanted to see, but only if blue eyes would let her. “Are you deaf, woman?” “Hu..huh? May sinasabi ka ba?” “So what are your plans? Do you have any family members?” “Me-meron, bakit mo natanong?” “Ihahatid kita sa inyo.” Anito, subalit nakita niyang tuloy-tuloy ang pag-agos nang dugo sa balikat nito kaya imbis na sumunod ay nagprotesta siyang gamutin iyon. “Pwede bang gamutin ko muna ang sugat mo?” “No need.” “Pero..” “Get in the car.” Mariin nitong saad ngunit ayaw niyang mamatay ito ng dahil sa kanya, niligtas siya ng binata kaya dapat lang siguro na gamutin niya ang natamo nitong sugat. “Ayoko. Kailangan ko muna gamutin ang sugat mo, paano kung mamatay ka?! Ayoko naman mangyari ‘yon, ‘no. Mamaya niyan sisihin pa ako sa pagkamatay mo, wala na nga akong trabaho makukulong pa ako dahil sa pagkamatay mo.” Lumakad ito palapit sa kanya at muntik na siyang madapa dahil sa bawat pag atras niya ay kasunod niyon ang paghakbang nito palapit sa kanya. Kahit naka full mask ito nakikita niya ang nakaplasta na ngisi sa labi ng estrangherong lalaki dahil nakalabas ang labi at dalawang mata nito sa full mask, hindi niya alam kung bakit pumipintig ang puso niya nang mabilis dahil ba ito sa ngisi nito o dahil mukha itong mapanganib? “Wa..wag kang lalapit.” Pero mas lumapit ang binata sa kanya. “Sabi ko, huwag kang lalapit! Kundi sisigaw ako rito!” Pumikit siya sa pag-aakalang lalapitan siya nito pero nilagpasan lamang siya nito papasok sa malaking building at sumunod naman siya. Buti naman pumayag ang blue eyes na ito, mabait pala ito hindi niya iyon inakala dahil ang mga mata nito at mga tingin ay parang mapanganib na tao, parang hindi mapagkakatiwalaan. Iniisip niya tuloy, ‘di kaya magnanakaw ito? Ano naman ang nanakawin sa’yo, Mia? E, wala ka namang pera.. Pagpasok pa lang niya sa loob halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang ganda, samantalang ang bahay nila na buwan-buwan niyang binabayaran halos amagin na sa sobrang luma. Naibenta kasi ang bahay nila dahil malala ang naging sakit ng nanay niya na kailangan operahan at iyon ang perang pinagbentahan ng bahay ang ginamit nila. Parang nahihiya siya hawakan ang mga gamit, nahihiya siyang umupo at nahihiya rin siyang tapakan ang marmol tiles. “Kuyang blue eyes, pwede mo ba tanggalin ang mask mo?” Pukaw niya sa binata. “Sa balikat ang sugat ko, so why do I have to remove it?” “Para makilala kita..” “No need, okay? If you don't want to treat my wound, I'll send you off first, and I'll take care of it. Let's go.” His response was cold; she could not even sense or felt the emotions in his voice. Tao ba siya, o yelo? Umupo siya at saka tiningnan ito sa mga mata. “Siguro panget ka, ‘no? Ayaw mo ipakita ang mukha mo, ibig sabihin wala kang tiwala diyan sa itsura mo kaya nahihiya ka ipakita. Alam mo, okay lang naman maging panget basta maganda ang kalooban, alam kong mabait ka wala kang dapat itago hindi ako basta-basta nanghuhusga lalo kung mabuti ang puso mo..” Napatigil siya ng ini-sang hakbang nito ang pagitan nila at dumampi bigla ang labi nito sa mga labi niya na nakabuka ngayon dahil sa gulat. Tinitigan nito ang mga mata niya habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi, nakahihigit ang asul na mga mata nito na para bang na-hypnotise siya dahilan kaya nagawa niyang pumikit upang damhin ang malambot nitong labi na nakalapat sa mga labi niya. Muntik na nga siyang madala sa langit, mabuti na lamang at may nabubuhay pang kaunting wisyo sa sarili niya dahilan kaya buong lakas niya itong tinulak palayo sa kanya, bago pa man siya tuluyang malunod sa masarap nitong labi. “Hoy! Ba-bakit mo ako hinalikan?! Sino ka para halikan ako? Purket ba iniligtas mo ang buhay ko at sinabihan kang panget may karapatan ka na halikan ako!” Singhal niya na may paduro-duro pa sa binata. “Just shut up or I’ll kiss you?” “Gago ka ba..” Gumawa na naman ito ng isang hakbang, kaya tinakpan niya ang kanyang bibig at saka naupo nang maayos sa couch. “Tatahimik na ako, basta wala kang gagawing masama.” “Good.” “Da..Dalhin mo na rin ang pwedeng panggamot diyan sa balikat mo.” Aniya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.7K
bc

The Sex Web

read
134.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook