chapter 3

1191 Words
Napataas ang kilay ko habang inilibot ang paningin sa loob ng LiquidDoze. Ang laki ng kaibahan nito sa umaga at gabi. Akala ko ay walang tao ngayon dahil gabi ang operation ng buong lugar pero marami akong nadatnang mga naglilinis at naghahakot ng mga gamit. Nakabukas lahat ng mga pintuan kaya labas-masok ang preskong hangin mula sa labas pati na rin ang sinag ng araw kaya nagmukhang maaliwalas ang buong lugar. "Good morning, Ma'am. Kayo po ba ang hinhintay ni Calix?" Napataas ang kilay ko nang may sumalubong sa'kin. Sa ayos at hitsura nito ay nakasisiguro akong hindi ito isa sa mga Kanto Boys. Patpatin ito at may bungal na ngipin habang nakangiti nang malaki sa'kin. Sa umaga yata lumalabas ang mga pangit sa lugar na ito! "Oy, Bimboy! Huwag mong takutin si Ma'am," saway rito ng kasamahang may bitbit na mga box na walang laman. Tama nga ako, sa umaga lumalabas ang mga mukhang maligno sa LiquidDoze. "Ikaw dapat ang sabihan ko niyan, Boyoy. Sa kaitiman mo matatakot si Ma'am," buska rito ng tinatawag na Bimboy. My gosh! Gusto kong magsilayas silang dalawa sa harapan ko! Ayoko sa pangit at ayoko sa mukhang marurumi! "Boys, tantanan ni'yo ang bisita ni Calix," saway sa kanila ng isang lalaking natatanging desenti sa mga nasa paligid. Desenti nga at hindi marungis tingnan pero nakulangan naman sa height at nasobrahan sa tubig iyong tiyan. "Where's Calix?" mahinahon kong tanong sa kabila nang inis na unti-unti kong nararamdaman. "Nasa VIP Room 6 po, Ma'am. " Di nagpapasalamat na tinalikuran ko ito. Alam ko kung saan ang tinutukoy nito dahil iyon ang room number namin kagabi. Doon ba inumaga ang lalaking iyon? Huwag niyang sabihing hindi pa siya nakaligo? Nalukot ang mukha ko dahil biglang lumitaw sa'king isipan ang imahe niya kagabi habang pinagpawisan at maangas na nakangiti sa'kin. Dapat ay mandiri ako sa kadugyutan niya pero bakit parang ang bango ng pawis niya sa alaala ko? Mabilis kong ipinilig ang ulo upang alisin ang mga tumatakbo sa isipan ko nang tumambad sa'kin ang pakay na silid. Walang katok-katok ko itong binuksan para lang mapasigaw sa naabutang eksena. Nabitin sa ere ang sigaw ko nang bigla akong hablutin papasok ng lalaking walang kahiya-hiya sa katawan at gusto kong isumpa ora-orada. Malakas na tunog ng sumarang pinto ang parang pumukaw sa pagkatulala ko sa bagay na ni sa panaginip ay di ko inaasahang makita nang ganito ka lapit. Mula sa malaki at mahabang bagay na nagyayabang sa pagitan ng maskuladong hita ni Calix ay mabilis kong inangat ang paningin sa mukha niya. Para akong mabingi sa lakas nang kabog ng sarili kong puso na parang sumali sa marathon habang nanlaki ang mga matang napatitig sa mukha niyang may simpatikong ang pagkakangiti sa akin. Kahit gaanong paghahanda ang ginawa ko para sa paghaharap namin ngayon ng antipatikong lalaking ito ay 'di umubra lahat ng iyon nang naabutan ko siyang hubo't hubad at ngayon ay walang pakialam pang nakaharap sa'kin sa ganoong ayos pa rin. Nawindang ang kaluluwa ko at para akong naagrabyado dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay ko ay nakakita ako ng katawan ng isang lalaking walang suot ni katiting na saplot. Ni sa panaginip ay di sumagi sa imahinasyon ko si Vonn na walang saplot sa katawan pero bigla na lang ay nakakita ako nang gano'n dahil sa lalaking ito. "What the hell are you doing?" nanggigigil sa galit kong asik sa kanya. "What?" nakangisi niyang tanong-pabalik at idinipa pa sa harapan ko ang isang braso. Pigil na pigil kong mapadako ulit ang mga mata sa ibabang bahagi ng katawan niya kahit ramdam ko na parang tinatawag ang pansin ko ng bagay na bumulaga sa'kin pagkabukas ko ng pinto. Saglit muna akong napapikit sa sobrang galit bago muling sinalubong ang naaliw niyang mga titig. "Bakit ka nakahubad?" nagtatagis ang bagang kong tanong habang pilit pinapakalma ang sarili. "Bakit hindi ka kumatok?" balik-tanong niya ulit na lalong nagpakulo sa dugo ko. Paano ako kakalma kung ganito umasta ang antipatikong ito? "Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong nagbibihis, Ma'am , pero pabigla-bigla kang pumasok. Muntik ko nang isipin na katawan ko talaga ang pakay mo kaya gusto mong makipagkita ngayon." Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang kapal niya! Saglit natuon ang pansin ko sa basa niyang buhok bago dumako sa malapad niyang balikat na medyo namamasa pa bago ko nahamig ang sarili at muling itinuon ang mga mata sa kanyang mukha. "Magbihis ka na," pasinghal kong utos sa kanya. Napakurap ako nang maglahad siya ng palad sa'kin. Nagtataka akong nagpalipat-lipat ng tingin sa nakalahad niyang palad at sa kanyang mukha. "May extra fee po dahil nakita ni'yo ang katawan ko," nakangisi niyang sagot sa katanungan sa mukha ko. "The f*ck!" gilalas kong mura. Ako pa ang magbabayad gayong ako iyong naeskandalo? "Ibang usapan na basta may f*ck," kumindat niyang wika habang di pa rin ibinaba ang nakalahad na palad. Pakiramdam ko ay atakihin ako bigla sa altapresyon dahil sa pagkakabwesit ko sa kanya. Ngali-ngali ko siyang sampalin pero ayokong lumapat sa balat niya nag kahit anong bahagi ng katawan ko. Mabilis akong pumiksi nang mapansing hawak-hawak niya pa rin ang isang braso ko simula kaninang hinila niyaako papasok. Lalong lumawak ang ngisi niya nang tuluyan akong makawala mula sa pagkakahawak niya. "Per minute ang bayad sa'kin, Ma'am. Habang tumatagal na naka-display sa harapan mo ang hubad kong katawan ay lumalaki ang babayaran mo," kumiling ang ulo niyang wika. "My God! Di ko hiniling na maghubad ka sa harapan ko!" pasigaw kong sagot. "Hiniling mo man sa hindi, nakita mo pa rin kaya dapat ay magbayad ka. Umaandar po ang oras... 100 per minute po tayo." Mulagat ang mga matang napamaang ako sa kanya. Ganito ba kamahal ang rate ng isang macho dancer? Teka, macho dancer pa ba ang tawag sa oportunistang ito? "Six hundred na po Ma'am plus 500 na advance payment per view," nakataas ang kilay nitong putol sa pagkatunganga ko. "I'll double that, get dressed!" nagdidilim ang paningin kong bulyaw sa kanya. "Thank you for the 2, 200," malaki ang ngisi niyang pasasalamat bago inabot ang isang towel at itinapis sa baywang. Tsaka pa lang ako nakahinga nang maayos. Kanina ko pa pala pigil na pigil ang paghinga dahil sa nakahantad sa harapan ko. "Papanoorin mo pa ba akong magbihis? May bayad din—" "B*llshit!" pasinghal kong mura bago mabilis na tumalikod sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ko naramdaman ang mainit niyang hininga sa tuktok ng ulo ko. Nanigas ako at biglang pinayuan ng balahibo dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. "Huwag mo akong tingnan gamit ang mapagmataas mong mga mata dahil kahit maituturing akong bayaran ay mahal ako, Ma'am. Kahit afford mo ako ay hindi kita type." Sumulak iyong dugo ko sa sobrang galit pero pinigilan ko ang sarili dahil una, ayokong humarap sa kanya at muling masilayan ang katawan niya at baka bigla na naman akong silingin ng panibagong bayarin at pangalawa, ayokong biglang maging kriminal dahil pakiramdam ko ay mapapatay ko na ang antipakong bw*sit na lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD