SIMULA

1093 Words
SIMULA “There are different kinds of genres of the story, like romance, action, historical, horror, fantasy, and many more,” pagtuturo ni Nicholas sa kanyang mga 1st year students sa university na pinagta-trabahuan niya. Nagtaas ng isang kamay ang isa sa kanyang mga estudyante. Ngumiti siya at pinatayo ito. “Yes, Miss Cubil?” “Sir, anong favorite genre niyo sa kwento, o mga movies na pinapanood niyo?” tanong nito sa kanya. Ngumiti si Nicholas bago sinagot ang tanong ng kanyang estudyante. “I like action and historical genre,” sagot niya rito. Tumango naman ang kanyang estudyante. May nag taas ulit ng kamay kaya pinagbigyan niya ito. “Sir, sa fantasy po, naniniwala po ba kayo sa magic? Kasi po ako naniniwala ako na may ganoon na lugar lalo na sa mga bampira werewolves, witches, demons and angels!” wika ng estudyante ni Nicholas. Napatingin siya sa kabuohan ng kanilang classroom. Nakatingin lahat sa kanya ang kanyang mga estudyante na para bang hinihintay ang kanyang sagot sa tanong ng kaklase nila. Bahagyang ngumiti si Nicholas at nagsalita. “No. I didn’t believe in magic. Well, I like fantasy stories too especially in movies cause the effects are incredible. But in real life, I don’t think so that’s real,” sabi ni Nicholas at ngumisi. Noong bata pa siya ay naniniwala rin si Nicholas na totoo ang mundo ng mahika, pero palaging sinasabi sa kanyang ina na si Aislinn Calista na hindi ito totoo at gawa-gawa lamang ng mga manunulat at mga taong malawak ang imahinasyon. Nang matapos na ang klase ni Nicholas ay naglakad na siya pabalik sa faculty office nila. Si Nicholas Percival Delos Reyes ay isang professor sa isang sikat na unibersidad dito sa kanilang lugar. Masaya siya sa kanyang ginagawa lalo na at paborito niyang mag turo at pangarap niya talaga ito. Hindi mapigilan na mapangiti ni Nicholas nang mapatingin siya sa kanyang cellphone at nakita niyang nag text ang kanyang ina at tinanong siya kung uuwi ba siya sa kanila. Si Nicholas ay nakatira sa isang apartment na malapit lang sa kanyang pinagta-trabahuan. Sabado bukas kaya uuwi siya sa bahay nila sa probinsya kung saan nandoon ang kanyang mga magulang. Siya lang ang nag-iisang ng kanyang mga magulang na si Aislinn at Callum. May nakakatanda sana siyang kapatid na si Ariadne, ngunit sa kasamaang palad ay namatay ito sa sakit kaya siya na lang ang natira. “Nico!” Malaki ang ngiti ni Nicholas nang makita niyang naghihintay sa labas ng kanilang bahay ang kanyang ina na si Ailinn na halatang hinintay talaga ang kanyang pag uwi. Niyakap niya ang kanyang ina at hinalikan ito sa kanyang noo. “How’s my pretty mother?” malambing na tanong ni Nicholas sa ina. Nakita niya na umiiyak ang kanyang ina habang nakayakap sa kanya. Hindi niya mapigilan na mapatawa ng mahina dahil ramdam na ramdam niya talaga ang pagka-miss ng kanyang ina sa kanya. Masyado kasing protective ang kanyang mga magulang kay Nicholas kahit legal na ang edad nito at matanda na siya. Naintindihan naman ni Nicholas ang kanyang mga magulang dahil siya lang ang nag iisang anak ng mga ito. “Pumasok na tayo sa loob ng bahay, Ma. May dala akong pasalubong sa inyo ni Papa,” nakangiting sabi ni Nicholas at inakbayan na ang kanyang ina, sabay na rin silang pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok na sa sa loob ng bahay, kaagad niyang nakita ang kanyang ama na seryosong nanonood ng basketball game sa TV. Nilapitan niya ito at nag mano sa kanyang ama. Nakita niya ang panlalaki sa mga mata ng kanyang ama na si Callum nang makita siya nito. “Nico anak!” Kahit may edad na ang mga magulang ni Nicholas ay makikita pa rin sa kanila ang kagandahan at kakisigan. Minsan nang napatingin si Nicholas sa dating litrato ng kanyang mga magulang noong kabataan nila at hindi niya mapigilan na humanga sa kanyang ina dahil para itong diwata at isang reyna ng kaharian sa kagandahang angkin. “Birthday mo na next week, anak,” wika ng ina ni Nicholas sa kanya. Kahit nakangiti ang kanyang ina, nakita niya pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Alam ni Nicholas kung bakit malungkot ang kanyang ina. Sabay ang kanilang birthday ng kanyang yumaong kapatid na si Ariadne. Kada taon na iniiyakan ng kanyang ina ang kanyang kapatid at naintindihan niya ito, mahirap mawalan ng anak. “Anak, dito ka muna umuwi sa atin. Dito ka na rin mag celebrate sa birthday mo,” sabi ng kanyang ama. Ngumiti si Nicholas at tumango sa kanyang ama. Sa nalalapit na kaarawan ni Nicholas ay hindi niya mapigilan na kabahan. Nakakaramdam kasi siya ng sakit sa may batok niya kapag sumapit ang araw ng kanyang birthday. Para siyang sinusunog kapag nangyari iyon sa kanya, pero ramdam niyang hindi lang siya nag-iisang nakakaranas nito, dalawa silang dalawa at hindi siya pwedeng magkamali. Taon-taon na itong nangyayari sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit ito nangyayari sa kanya. “Happy birthday, Nicholas!” Nakangiti si Nicholas habang nakatingin sa kanyang mga magulang na may hawak na cake ngayon sa kanyang harapan. Kaarawan na niya at pinaghandaan siya ng mga pagkain ng kanyang mga magulang. Pinagbigyan niya na rin ang mga ito kahit hindi na kailangan na paghandaan siya. “Maraming salamat, Mama at Papa,” masayang sabi ni Nico sa mga magulang at humakbang papalapit dito at niyakap ang kanyang mga magulang. Binalewala na muna ni Nicholas at sakit sa kanyang batok at pag-iinit ng kanyang katawan na parra bang pinapaligiran siya ng mga apoy. Nang dumating ang gabi ay nagpaalam na si Nicholas na mauna ng matulog sa kwarto nito. Pagpasok ni Nicholas sa loob ng kwarto ay kaagad siyang lumapit sa salamin na nasa kwarto niya at tumalikod upang makita ang kanyang batok. Napakagat siya sa kanyang labi nang may makita siyang itim na marka rito at kapag hinahawakan niya ito ay mas lalo siyang mag-iinit at masasaktan. “Maligayang kaarawan, Prinsipe Nicholas.” Mabilis na napahawak sa kanyang ulo si Nicholas nang may marinig siya na nagsalita sa kanyang isipan. “Hindi ka makakatakas sa akin, Prinsipe. Akin ka, akin ang katawan mo at ang iyong buong pagkatao.” Mabilis na napatingin si Nicholas sa kanyang repleksyon sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang umitim ang kanyang mga mata at nakangisi ang kanyang repleksyon sa salamin. “Hindi ako matatalo. Babangon ulit ako at sa oras na ito, ako ang mananalo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD