The Secret

1639 Words
RUTH TWO WEEKS LATER Kasama ko si Cleo ngayon sa isang restaurant. We are currently attending an wedding anniversary ng kanyang tiyuhin. It’s so intimate dahil kakaunting tao lang ang mga imbitado at mga kapamilya lang talaga at mga kaibigan. “My uncle and I are so close. Para na ngang daddy ko iyan eh. Look at them, they are so in love with each other kahit pa nasa mid 50s na silang dalawa,” kwento ni Cleo habang nakatingin kaming dalawa sa kanila. Really, they are so in love with each other. Ganyan din ang pangarap ko sana sa buhay ko at ang aking mapapangasawa. The love that we promised the moment we got married should last forever. Kaya’t nangingilid ang luha ko sa mga moments na ganito dahil ito ang pangarap ng bawat babaeng ikakasal. “And I admire them because at their age, buhay pa rin ang love and spark sa kanilang dalawa,” I replied. He held my hand and kissed it. Napangiti ako nang makita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. I am so blessed and lucky to marry the man of my dreams. Ngayon na nasa harapan ko siya at nakikita kong ganito, napapaiyak ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. “I love you, sweetheart,” he said. “I love you, too,” I replied. Nakangiti lang kaming dalawa habang dinadama ang presensya ng bawat isa. Kasalukuyang tumutugtog ang mga musiko ng violin and piano kaya’t mas lalong nakakadagdag ng intimacy sa atmosphere. Hanggang sa tinapik ng isa pa niyang tito ang balikat niya at kapwa kami napalingon. "Cleo, pamangkin. Have you met this engineer in town? Siya iyong sinasabi ko sa'yo na pwede mong kausapin tungkol sa plano mong business building," wika ng tito niya habang ipinakikilala ang lalaking kasama nito. And to my surprise, grabeng magbiro ang tadhana. For the third time, I met the guy I didn't expect to see...again. Redenthor Alcaraz IV. "Hi bro, nice meeting you, finally." Kinamayan pa ni Mr. Alcaraz si Cleo and when he met my eyes, hindi na siya nagulat. "And you, too, future Mrs. Abante. Nice to meet you again," nakangiti niyang wika. I just smiled and naiilang akong tumingin kay Cleo sa mga sandaling ito. "Have you met each other?" takang tanong ni Cleo na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa aming dalawa. "Sa grocery," wika ko. "Sa Alumni Homecoming," saad naman ni Mr. Alcaraz na sumabay pa sa pagkakasabi ko ng grocery. Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ko inayos ang aking eyeglasses at umiwas ng tingin. Nagpalipat-lipat pa ulit ng tingin sa amin si Cleo bago ako nagsalitang muli. "Yeah, we met each other sa Alumni Homecoming and then he...he..." Napatingin ako kay Mr. Alcaraz dahil hindi ko alam kung ano na ang susunod kong sasabihin. "I helped her sa grocery store before," si Mr. Alcaraz na ang nagpatuloy ng sasabihin ko. Tama. Pero hindi sana iyon ang sasabihin ko. Buti na lang at agad niyang sinalo. Labis na pagkailang ang nadarama ko dahil sa mga sandaling ito. Hindi ko naman dapat nararamdaman ito pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, ay nag-iinit ang pisngi ko. "Kindly excuse me, I'll just go to the comfort room," paalam ko sa kanilang tatlo. At nang makatayo na ako ay nagpatuloy na sila sa kanilang pag-uusap. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako sa kinauupuan ko. Pagkapasok ko ng CR ay kaagad na akong nag-lock niyon at tumingin sa salamin. "You shouldn't be feeling this, Ruth. Okay, inhale, exhale." Pinilit kong kumalma dahil sa totoo lang ay nate-tense ako. "Don't be so nervous, okay? Highschool crush mo lang iyon," mahina kong wika sa sarili ko. Naglakad-lakad ako sa harapan ng salamin habang hinihimas ko ang aking sentido hanggang sa maisipan kong maghilamos upang kahit na papaano ay mahimasmasan ako sa aking nararamdaman. I felt like I am cheating and this should have been normal kasi crush lang naman talaga dati but why am I feeling this? Para akong nagbabalik sa aking old self. "Relax, Ruth. It's normal. Huwag mo masyadong bigyan ng meaning ang lahat," patuloy ko pa ring pinakakalma ang dibdib ko dahil sa totoo lang ay panay ang pagkabog nito. Nakatitig lang ako sa salamin at ngayon ay naaalala ko ang mga ngiti ni Mr. Alcaraz sa akin, ang mga mata niya, at ang mga actions niya na parang napaka-gentleman niya. And that made me smile for a bit, na agad kong binura sa mukha ko. "That's wrong, Ruth. It's totally wrong." Napasabunot ako sa buhok ko nang dahil sa bagay na iyon. Sa tantiya ko, hindi ako makakaharap kay Cleo sa ganitong estado ng aking nararamdaman. Butterflies are flying inside my stomach and I can't just let him know about this. Masyadong seloso si Cleo at hindi pwedeng ito lang ang maging dahilan para hindi kami magkaunawaan, lalo pa at nalalapit na ang aming kasal. So, I took time to stay sa loob ng comfort room dahil tiyak ko namang matagal makipag-usap iyong isang tiyuhin ni Cleo na si Uncle Sam, lalo pa at tungkol sa business ang kanilang topic. Ayaw ko namang ako ang maging dahilan para masira ang mga bagay na pinag-uusapan nila. REDENTHOR I DIDN'T expect to see her sa occasion na ito. I actually didn't want to attend dahil nasa hospital ang anak kong babae, but because Atty. Sam Abante invited me, ay nahiya akong hindi pumunta. Besides, I still have an on going work with their other properties, kaya't hindi ako pwedeng tumanggi. But when Ms. Villaflor went to the comfort, Mr. Cleo Abante also said excuse because of a phone call. Kaya naman kami na lang muna ni Attorney Abante ang nag-usap. I actually know the family, distant friend nila ako since I marami akong projects sa family nila. And I met Cleo more than once, hindi lang siguro niya ako maalala. When Atty. Sam's wife called him for a picture taking, naiwan akong mag-isa sa mesa so, I took the glass of wine and then uminom ako. Nang wala na akong makausap, I escaped the area and nagtungo ako sa rooftop. This restaurant is a five-storey building and sa rooftop nito ay mayroong mga dwarf trees and other plants. Pinili kong doon magpunta so that makapag-isip ako ng mga bagay-bagay. I recently had a not so good week since nagkasakit ang dalaga ko. My wife is so busy with her work and I can't just tell her to give focus sa mga anak namin. Ever since nag-full time siya sa work, I always tell her to give and do her share sa family because most of the time, she's absent. School fare, family day ng mga anak namin, our anniversary, she's at work. And when I asked her to resign, dahil kayang kaya ko naman silang buhayin, she would always say, she wants her own money for the family and for the things she wanted to buy for herself. That's what I don't understand sa kanya. So, lately, I don't want to think about the reasons sa kanyang actions. What's important now is my daughter. My friends are telling me, I should also give time for myself but I just can't. I do the grocery, the laundry and all. I don't want to hire a nanny for us, magseselos lang si misis. So, at this point of my life, I can say that my children love me more than their mom...coz I sacrificed a lot for them. Habang naglalakad ako palapit sa isang bench sa rooftop, naaninag ko ang dalawang tao sa tabi ng isa pang bench sa di kalayuan. Noong una ay ayaw ko munang pansinin dahil baka nag-uusap lang. But because of the dim light mula sa poste sa di kalayuan ay nakita ko kung ano ang ginagawa nila. "Damn these teenagers," napamura pa ako. Lalapitan ko sana sila upang pagsabihan but when I saw the woman's face and the familiar coat of the guy she's kissing, napahinto ako. "Fvck," mahina kong wika. Cleo is kissing the woman who hosted the event. And then an image of the past came into my mind. Yeah, naalala ko na. I also saw them having a coffee date in one of the restaurants sa kabilang probinsya when I met a client there. Kaya pala familiar sila sa akin. Napaatras ako at piniling magtago sa dilim. And then I asked myself about the woman I met thrice now. Ms. Ruth Villaflor. Isn't it that they were engaged? So, all this time...niloloko siya ng mapapangasawa niya? I swallowed and tried to process all the things that I saw and realized. Poor, Ms. Villaflor. But this isn't the issue I should indulge on. I have my own and so, I realized, I should stay away from here. I saw nothing. Bumalik na ako sa baba kung saan kasalukuyan pa rin ang pagsasalu-salo. There, I saw Ms. Villaflor, sitting alone sa kanilang table. Lumabas na ako na walang paalam and pinaandar ang sasakyan. But something inside my heart is telling me to drag her out of the room. Mula sa loob, natatanaw ko ang dalaga na nakatingin lang sa kawalan, waiting for her future husband to comeback. "Damn...that bullsh*t bastard." Nahampas ko ng palad ko ang manibela ng aking sasakyan. And to my surprise, tinanggal ko ang pagkakabit ng aking seatbelt at saka ako lumabas ng aking sasakyan. Dinala ako ng aking mga paa sa kanya, and she was surprised when I held her hand. "Let's go home," I said. "Ha? Baliw ka na ba?" gulat niyang tanong. Tumingin akong muli sa kanya. "If you trust me, let's go home." With all my force, I dragged her out of the place and thankfully, hindi kami napansin ng mga tao sa kanilang pagiging abala at sa ingay ng musika. This woman deserves the best...not a cheater.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD