The Forbidden Desires 02

1503 Words
"Malapit na ba? He just nodded his head. He never spoke to me again. I pouted and remained silent as well. It's strange but I'm completely comfortable even if he doesn't talk. I feel like I'm used to him being like this. Hindi niya ipinaliwanag kung paano kami nagkita at hindi ko talaga siya maalala. Pumikit ako at inisip ang mga nangyari ten years ago kagaya ng mga sinasabi niya. Pilit kong inalala kahit sumasakit ang ulo ko. Malabo, iyon ang naunang pumasok sa isipan ko. It's weird but I don't know what happened ten years ago. My memories from those times were clouded. Dumilat ako at tinitigan siya. Hindi ko talaga maalala na nagkita na kaming dalawa. Naging malikot ang mga mata ko nang makalabas kami sa probinsya. Maraming sasakyan at maraming tao sa kalsada. Laking rancho ako kaya nabibigla ako sa mga naglalakihan na building na nadadaanan namin. Nawala ang buong atensyon ko sa kanya dahil naging abala ang mga mata ko sa labas. "Nag-aaral ka pa?" Nagulat ako nang magsalita siya. Tumango ako sa kanya at inilabas ang laptop na nasa bitbit ko na bag. "Yup! Online classes!" Binuksan ko ang laptop at ipinakita sa kanya ang account ko at ang mga professor ko sa iba't ibang subject. "You don't go to normal school?" He asked, his brows were knotted, he looked confused. "Hindi," nagkibit balikat ako. "Ayaw akong payagan ni Lolo." "Hindi ka pinayagan? Napag-usapan na namin na-" natigilan siya. Hindi ko inalis ang mata sa kanya kaya nahuli ko ang biglaang pagkakatigil niya. "Na ano?" Tumikhim siya at umiling. Tinitigan ko siya kasi naputol ang sinabi niya kanina. Naghihintay ako ng karugtong. "Napag-usapan ninyo ni Lolo yung ano?" Kuryuso na tanong ko. "Wala. Gusto mo ba pumasok sa paaralan?" Masungit na pag-iiba niya sa tanong. Ngumiti ako at tumango. Mula sa kalsada ay nilipat niya ang tingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango ulit. Nang mapatingin siya sa labi ko, maagap siyang nag-iwas ng tingin. Hindi na siya ulit nagsalita. Napalabi ako at tinigilan na siya. Sinusulyapan ko siya at pinagmamasdan. Bakit kaya ang sungit niya? "Sa daanan ka tumingin. Malapit na tayo." Napangiti ako. "Paano mo nalaman na nakatingin ako sa 'yo?" Tinignan niya ako nang masama at hindi ulit nagsalita. Nagugustuhan ko ang pagsusungit niya. Bakit parang pakiramdam ko malapit kaming dalawa sa isa't isa kahit ngayon lang naman kami nagkita? O ako lang ang ngayon lang siya nakita? Pero imposible. Hindi ko kasi talaga siya maalala. Nawala ang atensyon ko sa kanya pagkakita sa mga tao na nag-aabang sa harapan ng isang simple at mataas na bahay. "Sila ba ang pamilya mo?" Masaya na tanong ko. Tahimik siyang tumango at bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako at naghanda ng malaking ngiti. Titig na titig sa akin ang dalawang matanda pagkababa ko sa sasakyan. Mas matanda sila kay Lolo. Kulubot na kasi ang mga balat nila samantalang si Lolo kahit matanda na ay matikas at wala pang masiyadong kulubot. "Hi!" Bati ko sa kanilang lahat. Malaki ang ngiti ko. "Kumusta ka na, Hija?" May pag-aalalang tanong ng Lola niya. Nagtaka ako at binalingan si Silas. Siguro ay iniisip nila na napagod ako sa biyahe? "Lola..." si Silas at kinuha ang mga gamit ko na nasa sasakyan. Bakit parang may sinasabi siya sa kanila sa paraan lang ng pagtingin niya? Ikinibit balikat ko iyon. Mula sa dalawang matanda'y bumaling ako sa dalawang mas batang babae. Kapatid daw sila ni Silas. Si Laura at Neth. Mga Tita ko sila pero dahil hindi nagkakalayo ang mga edad namin ay ayaw nilang magpatawag na Tita o Ate. Maaga kasing nagkaanak si Lolo kaya maaga din nagkaapo. Sumabay ang panganganak ni Mama sa Nanay nila Silas at si Gineth ang pinagbubuntis kaya siya ang kaedaran ko. "Ang cute ninyo dito! Sino ito?" Turo ko sa isang picture ng batang lalaki. Nalilibang ako sa mga kwento nila. Lahat kasi madaldal at tuwang tuwa na makipag-usap sa akin. Si Silas lang ang hindi. Nakaupo siya malapit sa amin pero nagkakape lang mag-isa. "Ah! Si Kuya yan!" Natatawang sagot ni Laura. Tinitigan ko ulit ang lalaki sa picture, pamilyar talaga siya. Masungit ang tingin niya sa camera dahil walang paalam na kinuhanan siya. "Dapat Kuya din ang itawag mo sa kanya kasi mas matanda siya sayo," sabi ni Gineth na kaedaran ko. Nag-angat ako ng tingin kay Silas. Nginitian ko siya nang nilingon niya ako. "Hindi niya ako kailangan tawagin na kuya. Hindi ko siya kapatid." Masungit ang pagkakasabi niya. Lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Kahit na Kuya! Mas matanda ka sa kanya!" Umiling si Silas. "Kapatid ko lang ang pwedeng tumawag sa akin na kuya." Malamig ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon. Hindi ko pa siya tinatawag na kuya pero parang nagbabanta na. "Bakit si Penny pinayagan mo na tawagin ka na kuya?" Singit ni Laura na kakalabas lang galing kusina. "That was before. She's not calling me kuya anymore-" "Dahil may gusto na siya sayo!" Natatawang bulalas ni Laura. Si Gineth naman ay bumungisngis sa tabi ko ngunit natigilan nang samaan siya ng tingin ng kuya niya. Malawak din ang bahay nila at mataas. Hanggang tatlong palapag at mayroon rooftop sa itaas. Hindi nagsalita si Silas at nagpatuloy lang sa pag-inom ng kape. Ayaw niya sa akin kaya ayaw niya magpatawag ng kuya? "Silvanus..." Marahang banggit ko. Nagulat kaming lahat at napatingin kay Silas. Bumagsak kasi ang hawak niya na baso at nabasag. Nakaawang ang labi niya at gulat na nakatingin sa akin. "You..." Nakatingin siya sa akin. "How did you remember my name?" Tiningnan ko ang dalawang babae sa aking tabi. Napatitig sila sa akin pagkatapos iyon itanong ni Silas. Kapwa sila mga gulat kaya kinain ako ng pagtataka at napakunot noo. Pangalan niya? Yumuko ako at tiningnan ang pangalan na nakasulat sa picture na nasa album. Nag-angat ulit ako ng tingin kay Silas at nakitang hindi nagbago ang reaksiyon niya. Gulat na gulat siya. Ni hindi na pinansin ang pagkabasag ng baso niya. "Binasa ko lang. Nandito sa album..." Binuhat ko ang album at iniharap sa kanya para maipakita kung saan ko nabasa. "Silvanus ang pangalan mo?" Napalunok siya at tumayo si Laura para linisin ang nabasag na baso. Tiningnan ako ni Silas ng masama. Huminga siya ng malalim at tumayo para umakyat sa itaas. Anong nangyari doon? Nginitian ako ni Laura nang harapin ko siya. Magtatanong sana ako tungkol sa reaksiyon ni Silas pero nag-iwas siya ng tingin at inabot sa akin ang juice at pagkain na dinala niya kanina. Umakyat kami pagkatapos magmiryenda. Itinuro ni Gineth at Laura ang kwarto nila na magkatabi sa pangalawang palapag. Katabi rin nila ang kwarto ng Lolo at Lola nila. Umakyat ulit kami sa huling palapag at itinuro niya ang kwarto ni Silas na nasa kaliwang pasilyo. Ang kwarto ko ay katabi nang sa kanya. Pumasok ako at inayos ang mga gamit. May sariling banyo ang kwarto kaya doon na rin ako naligo para makapaglinis ng katawan. Pagkarating ko kasi nakipag-usap kaagad sila sa akin kaya hindi na ako nakapag-ayos ng gamit at nakapag-palit ng damit. Nagpupunas ako ng buhok at tinitingnan ang kabilang dingding. Katabi ko ang kwarto niya? Ano kayang ginagawa niya? Nagalit siya kanina nang banggitin ko ang pangalan niya. Naalala ko? Kung ganoon talagang kakilala ko siya? Umupo ako sa kama at sandaling natulala. Paano mangyayari iyon kung sigurado ako sa sarili ko na ngayon ko lang siya nakita? Tumayo ako at nagpasya na kausapin siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at marahan na lumapit sa pintuan niya na katabi lang. Nagdadalawang isip akong kumatok pero gusto ko talagang maalala kung paano kami nagkita. Pinaglalaruan ko ang manipis at malambot na suot na pantulog. Nakayuko ako at nag-iisip kung kakatok ba pero bago pa man ako makapagdesisyon sa gagawin ay bumukas na ang pinto. Nagtama ang tingin namin paghakbang niya palabas. Napatingin siya sa nakaawang na labi ko. Magkalapit ang mga mukha namin dahil sa biglaan na paghakbang niya palabas at hindi alam na narito ako. "Athena..." Tawag niya sa malambing na boses. Napakurap ako at isang beses na napaatras. Tumikhim siya at parang natauhan bigla nang gumalaw ako. Naging masungit muli ang bukas ng mukha niya. "Anong ginagawa mo rito?" "Ah..." Tinuro ko ang kwarto na katabi ng kwarto niya. "Dito kasi ang kwarto ko..." Nagdilim ang mata niya. Pairap niyang inalis ang tingin sa akin at saka siya humakbang palapit sa kwarto ko. Binuksan niya 'yon at sinipat ang loob. Pagkaraan, nagsalita siya. "Ililipat kita ng kwarto." "Bakit?" "Hindi ka pwede rito," sabi niya sabay sara sa pinto. "Bakit nga? Ayos na ako rito!" Ngumiti ako nang humarap siya. Tinitigan niya ako. Binalikan niya ng tingin ang aking pinto bago sulyapan ang pinto niya. Umiling siya nang hinarap ulit ako. "Hindi ayos sa akin. Ililipat kita." Sinundan ko siya ng tingin nang lagpasan niya ako. Diretso ang lakad niya pababa. Siguro para tingnan kung mayroon kwarto roon na pwede kong matulugan at malipatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD