Kabanata 1

1648 Words
“Welcome to Dewford Academy!” buong siglang sigaw ng kaibigan kong si Chel. Habang nakataas ang pa ang dalawang braso niya at kanyang sinasalubong ang hangin. Ngayon ang unang araw ng eskwela. Ngayon din ang unang araw ko sa paaralang ito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad akong namangha sa bawat building na nadadaanan ng aking mga mata. Ang laki at kayganda ng eskwelahang ito. Feeling ko, napakaswerte ko at nakaapak ako ngayon dito. “Magkaklase ba tayo?” nai-excite kong tanong kay Chel. Hindi niya ako sinagot kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakangiti na siya at para bang natutulala habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro ng basketball sa open field bg school. Parehong Bachelor of Science in Tourism Management ang kursong kinuha namin nitong kaibigan ko. Pero dahil malaki ang Dewford Academy at sobrang daming estudyante na nag enroll dito ay nahati ang first year sa anim na sections. “Sinong tinitingnan mo?” pang uusisa ko. Nakangiti siyang nagbuntonghininga bago niya nagawang ibaling ang paningin sa akin. “Si Diego...” sagot niya bago muling ipinako ang paningin sa field. Napakuno ang noo ko. Hindi ako interesado sa kung anumang may kinalaman sa Diego niya. “The love of my life,” dagdag niya. Napaismid ako. “Ano nga? Magkaklase ba tayo?” tanong ko ulit, binabalewala ang kaninang sinabi niya. Pagkagaling namin sa Davao ay ilang linggo pa akong nanatili sa bahay nina Chel. Nawalan ako ng ganang lumabas pansamantala dahil na rin sa pagluluksa. Matapos ang halos tatlong linggong pamimilit sa akin nina Chel na lumabas ay doon lang unti-unting nagbalik ang sigla ko. Kaya noong enrollment ay si Chel lang din ang nag enroll sa akin dito. “Oo, magkaklase tayo,” sagot niya sa akin pero ang paningin ay nanatili pa rin sa Diego niya. Napabuntonghininga ako at tumingin na lang din sa pinapanood ni Chel. Walong lalake ang naglalaro ng basketball sa field. Pawisan na ang mga ito pero kung tilian ito ng mga babae ay para bang fresh pa rin sila at bagong ligo. May isang lalaki ang agad na tumingin sa gawi namin na siyang ikinagulat ni Chel. Nanlaki ang mga mata niya at bigla na lang niyugyog ang balikat ko gamit ang isang kamay. Kilig na kilig ang babaita! Iyon na marahil ang Diego niya. “Iyon ba si Diego?” paniniguro ko. “Oo. Ang gwapo no?” Nilingon niya ako nang may malaking ngisi sa kanyang labi. Bago niya muling ibinalik ang paningin sa Diego niya. “Tara na nga, Kelsi. Kumpleto na naman ang umaga ko,” She sang it. Sabay hila niya sa akin patungo sa direksyon kung nasaan ang berdeng building. Ang Dewford Academy ay binubuo ng pitong building na may iba't-ibang kulay na nagsisilbing palatandaan ng bawat kurso o departamento. Kulay berde ang building ng kurso namin ni Chel. May Tourism Department na nakalagay sa pinakatuktok ng building. Habang naglalakad ay aliw na aliw sa paggala ang aking mga mata. May kulay asul na building akong nakita na may nakasulat na Education Department. May pulang building din na may nakasulat na Criminology Department. May nakita rin akong kulay dilaw at kahel na hindi ko na nakita kung sa anong mga departamento iyon. Ang bilis maglakad ni Chel kaya agad kaming nakarating sa building. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok sa entrada ay nagawi pa ang paningin ko sa silver building at mukha iyong hotel. Sobrang ganda! Natigil ako sa paglalakad at agad iyong itinuro kay Chel. “Ano iyon, Chel?” Sinundan niya ang tinitingnan ko at agad siyang ngumiti. “Iyon ang dormitory natin. Ang ganda no? Para tayong titira sa luxury hotel.” “Maganda ba sa loob?” “Sobra! Sa labas pa nga lang ay sobrang ganda na. Ano pa kaya ang nasa loob 'di ba? Pero mamaya na 'yan. Pumasok na muna tayo sa klase.” Pumasok kami ni Chel sa isang classroom na puno na ng estudyante. Tahimik kaming umupo sa bakanteng upuan na nakita namin sa bandang likuran. Kakaupo ko pa nga lang ay may sumalubong na agad sa amin. “Siya na ba si Kelsi na sinasabi mo, Chel?” tanong ng isang babaeng estudyante na bigla na lang naupo sa harapan namin. Maganda siya. Medyo payat. Morena ang kutis pero makinis, halatang yamanin. At may hanggang balikat at kulot siyang buhok. As in sobrang kulot talaga. Nginitian siya ni Chel at tinanguan. “Oo. Siya nga.” Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi nila. Mukhang chini-chismis ako ni Chel sa mga kaibigan niya. Napaismid ako. Napaka-chismosa talaga ng kaibigan kong ito. Ano naman kaya ang mga pinagke-kwento niya sa kanila? Agad na nanlaki ang aking mga mata nang biglang tumili iyong babae at bigla na lang akong niyakap. “It’s so nice to finally meet you, Kelsi. I am Curly. Bago mong kaibigan.” Alanganin akong napangiti sa kanya. Hindi ako sanay na niyayakap ng ibang tao. Kaaalis lang ng yakap ni Curly sa akin nang biglang may nagsalita ulit. “At ako naman si Chubby, bago mo ring kaibigan. Kapatid ako nitong si Curly.” Inakbayan niya si Curly pero agad na inalis ni Curly ang braso nito. Magkapatid sila ni Curly pero magkaiba silang dalawa kung pisikal na anyo ang usapan. Tuwid at lampas balikat ang buhok ng isang ito. Mas maputi rin siya kung ikukumpara kay Curly. Medyo mataba siya. Saktong sakto sa pangalan niyang Chubby. Mahaba ang naging pagbuntonghininga ni Curly kaya agad niyang nakuha ang aming atensyon. “Umepal naman kaagad,” mahinang sabi niya. “At bakit?! Ikaw lang ba ang pwedeng umeksena ha?!” ani Chubby. “Hinayaan mo pa sana akong i-feel ang moment ko 'di ba? Ako iyong nasa spotlight, e. Pero dahil inggitera kang mataba ka, umeksena ka agad.” Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwalang nag aaway silang dalawa sa mismong harapan ko. May kinuha si Chubby sa bag niya. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang nakitang makapal na binder ang kinuha ni Chubby at agad niyang inihampas sa ulo ni Curly. “Aray ha! Namimisikal ka na!” bulyaw ni Curly sa kapatid. Hinablot ni Curly ang binder mula sa kamay ng kanyang kapatid, saka siya gumanti ng isang hampas. Napatakip ako sa bibig ko. Jusko! “Guys, college na tayo pero hindi pa rin pala kayo nagbabago?” singit ni Chel. Nang tingnan ko siya ay hinihimas-himas na niya ang sentido niya. “So anyway, Kelsi. Ipinagmamalaki ni Chel ang katalinuhan mo. Valedictorian ka raw sa paaralan niyo doon sa Davao?” bigla ay sabi ni Chubby. Napatingin ako kay Chel. Nakangiti lang siya habang nakikinig sa amin. “Naku! Hindi naman ako matalino. Masipag lang ako mag aral,” tugon ko. “Sus! Maniwala kami sa iyo. Masipag rin naman kaming mag aral pero hindi pa rin namin matalo-talo ang pinakamayabang na estudyante dito sa Dewford Academy,” ani Chubby. “Yeah! Si Sidney. Rinig ko'y BSED ang kinuha niyang kurso ngayon. Ipinanganak na math genius, kaya sobrang yabang. Feeling niya... Siya na ang pinakamatalinong estudyante dito, na parang wala na makakatalo sa kanya,” sabat ni Chel. “Alam mo ba, Kelsi kaya mayabang 'yang si Sidney... Kasi aside from being a math genius ay milyon-milyon din ang laman ng bank account niyan,” singit naman ni Curly. “May pagmamay-ari silang mga isla sa Palawan, hotels in different places here in the Philippines... Tapos may mga hospitals pa sa New York. Doon naka-based sa New York ang mga magulang niya. Parehong doktor. Iyong isang kuya niya naman ay doktor din. At ang isa pa niyang kuya? Propesor lang naman dito sa Dewford Academy,” mahabang litanya ni Chubby. Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanila. Namamangha ako sa buhay mayroon ang sinasabi nilang math genius na si Sidney. Kaya naman pala mayabang kasi may maipagmamayabang naman. I sighed. Isang estudyante pa lang ang nababanggit nila ay napakayaman na. Ano na lang kaya ang iba pa? Sana lahat ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng buhay mayroon ako kung hindi ako iniwan ng tunay kong mga magulang kina Nanay Linda at Tatay Sergio. May ichi-chismis pa sana ang magkapatid na Chubby at Curly pero hindi natuloy dahil may biglang pumasok na propesor na agad kumuha sa atensyon naming lahat. “Good morning, guys,” sabay ngiti niya sa aming mga estudyante niya. Pero imbis na batiin siya pabalik ay agad na nagtilian ang mga kaklase kong babae. Bakit hindi titili, e gwapo naman itong propesor naming ito. “Kalmahan niyo... Ako lang ito,” sabay ngiti niyang muli. Gosh! “Okay, so... Today is our first day pero wala pa raw tayong pasok ngayon, class...” Hindi pa man siya natatapos sa sinasabi niya ay naghiyawan na ang buong klase. Iyong iba ay napapatayo pa mula sa pagkakaupo. “Well, that’s because you have to prepare your things to your rooms. Mag ge-general cleaning ang lahat today, okay?” aniya at nang natanggap ang tugon namin ay tinalikuran na niya kami at nauna nang lumabas. Tumayo na si Chel kaya ganoon din ang ginawa ko. Lumapit naman sa amin ang magkapatid. “Iyon ang isang kuya ni Sidney. Ang gwapo no?” si Chubby na halatang kinikilig pa. Ganoon rin ang reaksyon nina Chel at Curly. Napapailing na lamang ako habang nangingiti. Muli kong inalala ang mukha ng propesor namin na pumasok kanina. Matangkad. Bagay sa kanya ang suot niyang itim na pantalon at asul na polo shirt. Magulo ang kanyang buhok na bumagay sa kanyang mukha. Kahit sa malayo ay klarong-klaro ang makapal niyang pilikmata at pati na ang mga mata niyang kayumanggi. Matangos rin ang kanyang ilong, habang mamasa-masa naman ang kanyang namumulang labi. Sobrang gwapo nga. Siguro ay sobrang ganda din no’ng sinasabi nilang Sidney.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD