Chapter 2 " THE HATRED"

1588 Words
April 10,2023 - 4 days before the execution... Sa isang tagong apartment ay doon malayang nagkikita ang dalawang nilalang na nagkakamabutihan sa isat isa.Nagsimula ang kanilang intimate relationship ng magkita ang mga ito sa isang Disco bar sa timog avenue halos isang buwan pa lamang ang nakakalipas. " Veronica mahal ko, ano ba ang iniisip mo? " tanong ng isang lalaki habang hinihimas nito ang kanyang makinis na balikat. " Nothing Sam just don't mind me " paiwas na sagot ni Veronica. " No! alam ko you're hiding something tell me baka may maitutulong ako just to ease your burden " masuyong hinaplos halos ni Sam ang mahaba at makintab na buhok ni Veronica. Napatitig sa kanya si veronica nagtagal iyon at inaalam kung gaano siya pinapahalagahan ng lalaki.Mga ilang sandali pa ay muling naglapat Ang kanilang mga labi.Hindi napigilan ni Sam ang kanyang sarili sa alindog na taglay ni Veronica pero muling kumalas si Veronica ng mapansin niyang tila nawawala sa sarili si Sam at naging masyado itong agrisibo. " bakit mahal ko ano ba ang bumabagabag sayo? " pakiramdam niya ay lalo lamang siyang sinasabik ni Veronica.Yaon na ang pang apat na beses na dinalaw siya nito sa kanyang inuupahang apartment subalit never pa niya itong nakaniig at hanggang halik at yapos lamang ang kanyang nagagawa sa kanya. " Diba napag usapan na natin ito Sam, na hindi mo ako puwedeng galawin hanggat hindi pa kami naghihiwalay ng asawa ko. Kilala ko ang asawa ko masyado siyang tuso sa pinaka tuso baka iyan pa ang magiging daan ng ating paghihiwalay. " nang marinig iyon ni Sam ay namutla ito at panay ang hingi nito ng paumanhin. " I'm so sorry mahal ko hindi ko lamang mapigil ang aking sarili, patawad hindi na mauulit at huwag na huwag mong iisipin na makipaghiwalay sa akin dahil hinding hindi ko iyon kakayanin mahal ko. " pagsusumamo ni Sam.Muling yumakap si Veronica kay Sam ng buong higpit. " kaunting tiis pa mahal ko, magagawa naman natin lahat sa oras na mangyari ang sinasabi kong paghihiwalay namin ng asawa ko maghintay ka lang " malambing na sabi ni Veronica. " bakit hindi ka nalang makipaghiwalay sa kanya mahal ko at pagkatapos ay magsama na tayo ng tuluyan " " hindi ganun kadali yun Sam alam mong may pinag aralan ang asawa ko at Hindi siya makapapayag na humiwalay ako sa kanya kahit pa alam niyang wala na akong nalalabing pagtingin sa kanya. " " Diba puwede naman yung annulment na sinasabi nila o kaya yung divorce " napailing si Veronica sa tinurang iyon ni Sam batid niyang salat pa sa kabatiran ang binata kung kayat mahirap pa para sa kanya na intindihin ang sitwasyon. " gustong gusto na kitang makasama sa araw araw mahal ko at excited na ako, alam mo bang nag open na ako ng bank account para sa kinabukasan natin... kailan lang ay nakapag deposit na ulet ako ng 30 thousand sa aking account dahil pinaghahandaan ko ang pagsasama natin, alam ko namang hindi ka sanay sa hirap kaya gusto ko pag napunta kana sa akin ay hindi ka gaanong mahirapan. Hindi ko man matapatan ang karangyaan na kayang ibigay ng asawa mo atleast man lang na hindi tayo naghihikahos. " mahabang pahayag ni Sam na bakas sa kanyang mukha ang sinseridad ng kanyang sinasabi. " Kailangan nating mag ingat Sam dahil anumang oras mula ngayon ay posibleng nag hire na ang asawa ko ng mga taong magmamanman sa atin at kung magkataon pero huwag naman sana... baka pareho tayong makulong sa patuloy nating lihim na relasyon " seryosong sabi ni Veronica.Pinagpawisan ng malapot si Sam pagkarinig niya sa sinabi ni Veronica doon niya lamang na realized na may panganib na kaakibat ang kanilang ginagawang lihim na relasyon at sa batas ng tao ay iyon ay may mabigat na kaparusahan. " Anong dapat nating Gawin Veronica tell me? alam ko na pumunta tayo sa Samar doon sa aming probinsiya I'm sure hindi na niya tayo matutunton doon " Lalong napailing si Veronica sa padalos dalos na Plano ng binata. " Gaano mo ako kamahal Sam? " sorpresang tanong nito sa binata. " batid ng langit kung gaano kita kamahal Veronica at kahit buhay ko pa ang kapalit kung kinakailangan ay itataya ko para sayo " niyakap siyang muli ni Veronica. " mahal na mahal din kita sam, sayo ko lang naramdaman ang totoong pagmamahal, no reservations and no limitations... pero kailangan muna nating magtiis mahal ko " nangilid ang luha sa mga mata ni Veronica at kaagad iyong pinawi ni Sam ng kanyang mga palad at paulit ulit niyang hinagkan ang kanyang noo. " mahal na mahal kita sam heaven knows that too " muling inulit si Veronica ang katagang lubhang nagpapaligaya sa binata.Muling namalisbis ang mga luha sa mata ni Veronica. " I know, I know..." napakapanglaw ng mga mata ni Sam habang yakap si Veronica at nakatanaw ito sa kawalan. " may isang problema Sam..." tigalgal si Sam at sa expression ng kanyang mukha ay tila ayaw niya itong marinig. " Nabanggit ng asawa ko na may Plano siyang mangibang bansa sa susunod na Linggo at ang sabi niya sa akin ay ipagsasama niya ako doon para magbakasyon doon sa nabili niyang bahay sa L.A. at sabi pa niya sa akin kung matutuloy ay gusto na niyang mag settle down doon at magtatayo siya ng isang negosyo at doon na kami mamamalagi. Plano din niyang magpagamot doon sa america at nagbabakasakaling baka doon ay may posibilidad na may mga bagong tuklas na gamot na maaari niyang gamitin upang kami ay magkaanak. " nanlambot si Sam sa kanyang narinig at napaupo ito sa katabing silya. "pero ayaw kong sumama sa kanya mahal ko... hindi kita puwedeng iwan dito ng mag isa... ayaw ko na makisama sa kanya, ang totoo ay napilitan lang akong magpakasal sa kanya dahil sa kagustuhan ng aking mga magulang... " pagalit ni pahayag ni Veronica. " kung ganun ay mas makabubuting magpakalayo layo nalang tayo dito mahal ko doon sa lugar na sinasabi ko na hindi na niya tayo masusundan " " no Sam! ,hindi ako makapapayag na aalis sa lugar na ito na hindi ako nakapaghihigante! lalong na shock si Sam sa kanyang narinig buhat sa kanyang pinakamamahal na babae. " Bakit Veronica ano ang ibig mong sabihin? " naguguluhang tanong ni Sam. " si James, kailangang pagbayaran ni James ang lahat ng mga kasalanan niya sam" matigas na pahayag ni Veronica. " ano ba ang kasalanan sayo ni James " " siya ang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang at maging ng bunso kong kapatid " nagulat si Sam sa rebelasyon ni Veronica.Hindi niya akalain na may lihim palang kinikimkim na galet si Veronica sa kanyang asawa.Ngayon ay sumambulat iyon na parang bulkan sa kanyang pandinig. Nais pa sana niyang mag usisa tungkol sa bagay na yun pero pinutol na iyon ni Veronica sa halip ay siniil siya nito ng halik na kanya namang tinugon.Naghinang ang kanilang mga labi at nagtagal iyon bago muling bumitaw sa kanya si Veronica, kaalinsabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ni Veronica na ikinabagabag ng binata. " How much you love me Sam ? " Hindi umimik si Sam at siya'y naguguluhan parin sa biglang pagbabago ng himig ni Veronica Hindi rin niya maarok kung ano ang naglalaro ngayon sa kanyang isipan. " how much you love me Sam ? " tila natauhan si Sam buhat sa pagkakatulog ng muli niyang marinig ang parehong tanong. "Hindi kita maintindihan Veronica alam kong alam mo kung gaano kita kamahal... " seryosong pahayag ni Sam. " then do me a favor Sam " " what favor Veronica just tell me and I will do everything for you kahit ang maging kapalit nito ay ang buhay ko para mapatunayan mo kung gaano kita kamahal. " Sandaling nanariwa sa kanyang alaala ang unang pagkakataon ng magkita sila ni Veronica sa may Bar na kanyang pinapasukan, kung saan ay siya ang pinaka star dancer sa bar club na iyon na male version ng coyote ugly. Matapos ang kanilang performance ay biglang lumapit ang kanyang manager na isang bakla at sinasabing may gustong makipagusap sa kanya na isang customer. Ang buong akala niya ay isa na namang matrona o bakla na gusto siyang ilabas o dili kaya ay isang panget na tumandang dalaga na gustong makipagusap one night stand sa kanya.Very common na iyon sa gabi gabi niyang pakikisalamuha sa lugar na iyon at iyon narin ang kanyang nagsilbing bread and butter.Doon din siya kumikita ng malaki kumpara noong siya ay isang piyon lang sa pagko construction.Ngunit dahil sa bisyo sa alak, sugal at babae ay parang napupunta lamang sa wala ang kanyang gabi gabing kinikita dahil sa walang direksyon niyang pamumuhay.Ngunit Hindi niya akalain na sa gabing iyon matatapos ang kanyang mga nakasanayang gawain. " Sam i want you to meet my friend, Mahalina Perez " hindi siya makapaniwala at lalong hindi niya inaasahan na ang customer na gustong makipag usap sa kanya ay isa palang desente at kaakit akit na babae. Nakasuot noon si Veronica ng isang olive green na crumpled skirt at tight jeans na hindi mahalay tignan pero litaw parin ang hindi maitatatwang alindog nito. Noon lamang siya nakaramdam ng hiya at panliliit sa sarili sa kauna unahang pagkakataon... " do me a favor sam..." muling nagbalik sa mundo ng reyalidad si Sam, kitang kita niya kay Veronica ang galit at poot sa kanyang mga mata. " I want you to kill my husband ".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD