Chapter 3

2542 Words
SAMANTALA... Alam ni Caleb nainis niya ang bunsong kapatid niya ngayon. Alam na naman ng kapatid na binabantayan niya ito. Silang dalawa lang ang p’wedeng magdamayan. Tumayo ang kapatid at tumungo sa dance floor. Gusto lang niyang protektahan ang kapatid sa lahat ng bagay. Wala namang masama doon. Malamang kuya siya, ayaw niyang nakikitang nahihirapan o nasasaktan ito. Muling sumimsim siya ng alak. Napalingon si Caleb sa katabi ng humingi ito ng maiinom kay Dave. Parang anghel ang boses na iyon kaya napatitig siya sa mukha nito. Nagtama ang kanilang paningin. Pamilyar sa kaniya ang babaeng ito. Napapagitnaan pala nila ng kapatid ang dalaga. Ibig sabihin magkakilala ang mga ito at bigla niyang naalala ang babaeng kasama ni Keana sa party. Noong gabing iyon hindi niya masyadong makita ang hitsura nito, natitigan niya lang nung umagang paalis na ito ng resort. Ito ang unang bumawi ng tingin. Pero siya pinagmasda niya pa rin ito. Sunod-sunod nitong tinungga ang alak na binigay ng kaibigan. Mayamaya ay tumayo ito. Sinundan niya ito ng tingin akala niya pupunta ito sa gitna para makipagsayaw. Patungo pala ito sa banyo. Itninuon niya na lang ang tingin sa alak na iniinom. Mamaya ay aakyat na rin siya para puntahan ang ibang mga kaibigan. Lumingon siya sa dance floor para tingnan ang bunsong kapatid na sumasayaw. Nakita niyang papalapit ang assistant na si Jess. Pagkuway may ibinulong tungkol iyon sa pinapahanap niya Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng assistant. Sakto namang natanaw niya ang babaeng tinutukoy ni Jess. Napakunot noo siya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Tinitigan niya ito, sinuyod niya din kabuohan nito. Napailing siya. Ibang-iba sa imaheng nabuo ng isip niya. Akala niya isang wild na babae, lalo na sa pananmit. Bakit parang mukhang inosente naman ito? Siya talaga si Eve? aniya sa isip. Parang bigla siyang natuwa ng marealize na hindi ito kagaya ng naiisip niya. But still, curious siya paano ito napoportray ng mga character sa kuwento? Hindi kaya may karanasan na ito talaga? Hindi lang halata? Tumitig din ito sa kaniya, pero mukhang hindi nito kayang makipagtitigan ng matagal. Imbes na bumalik sa tabi niya ay gumitna ito at tumabi kila Keana sa dance floor. Parang naiilang itong sumayaw. Hindi rin mapakali dahil siguro sa paraan ng titig niya. May ibinulong ito kay Keana pagkuway nilisan ang dance floor. Papalabas ang mga ito. Sinenyasan niya si Jess na sumunod. Sumakay siya sa kotse paglabas. Tanaw niya ang dalawa. Pumasok na din si Jess sa driver seat. Nakita niyang may kinuha sa kotse si Keana at ibinigay sa babaeng hinahanap niya. Hindi niya rin maintindihan bakit kailangan niyang hanapin ito. Napabuntong hininga siya. Mayamaya ay bumalik muli sa loob si Keana at ang kasama nito ay nasa labas lang at mukhang nag-aabang ng masasakyan. "Are you sure, Jess na siya ang pinapahanap ko?" baling niya sa assistant. "Oo, boss nacheck ko din ang CCTV nang araw na nahulog yong libro. Siya po iyon. Natrace ko din na si Keana ang nagdedeposit mismo ng pera para sa kaniya buwan buwan," paliwanag nito. "What's her name again?" "Dominique Esguerra, boss!" tugon naman nito. Beautiful name, anang isip niya. Isinandal niya ang kaniyang mga braso sa bintana ng kotse niya at hinawakan ang ibabang labi niya. Mannerism na niya ang laru-laruin ito. Binalik niya ang tingin sa babae. Napakunot-noo siya ng makitang naupo ito sa semento. "Gan’yan talaga siya kumilos?" tanong niya sa assistant. "Opo, boss. Minsan may pagka-boyish din. Astig nga eh. Tapos tuwing umaga nanunuod ng basketball sa court na malapit sa kanila, sa hapon po pumapasok bilang service crew sa isang fastfood," anito. "Really?" aniyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalagang nakaupo sa semento. Parang naenjoy niya ang kwento ni Jess sa kaniya. Mayamaya ay may humintong sasakyan at sumakay ito. Sinipat pa nito ang plate number at kinuhaan ng picture. "Nag-Grab yata siya, boss. Mukhang sigurista. Sabagay, hindi kasi lahat ng driver d’yan boss mapagkatiwalaan. May plate number naman ‘yan sa app pero iba rin kung kuhaan ng personal," anito. Dahil sa narinig ay sinabihan niya itong sundan. Pinaandar naman agad nito ang sasakyan. Huminto ang sinakyan nito sa isang subdivision na halos magkadikitdikit ang bahay, may building din pero parang maliit ang mga kuwarto doon. "Are you sure tama ang binabaan niya?" Hindi niya mapigilang mag-alala dito. Babae pa naman ito. "Oo, boss. D’yan po ang apartment niya!" sabay turo nito sa tapat ng binabaan nito. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Jess. Hinintay muna nilang makaakyat ito bago sila bumalik ng ZL Lounge. Siguradong hinahanap na siya ng mga kaibigan. Dumerecho sila ni Jess sa second floor. Doon sa dating puwesto nila kapag tumatambay sila dati. Ilang taon din siyang hindi nakapunta dito dahil sa pagluluksa niya. Matagal niyang ipinagluksa ang pagkamatay ng asawa. Kung hindi dahil kay Blake Kent baka wala siya dito ngayon. Bumuntong hininga muna siya bago lumapit sa mga ito. Tumabi siya kay Claire. Nakiupo na din si Jess. "Where have you been?" Si Kent. Hindi siya sumagot bagkos nginitian lang ito. "May hinatid lang kami ng tingin," narinig niyang sabi ni Jess kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Really? So, naka move on ka na?" Si Dave. Hindi siya sumagot. "Stalker ka na pala ngayon? Sino ba yon Jess, ikaw na sumagot at alam kong wala akong mapapala sa boss mo!" natatawang sabi ni Ezekiel. Tiningnan niya ulit ng masama ang assistant para tumigil. "Yong katabi ni boss sa counter," sabi nito na ikinainis niya. "Shut up, will you, Jess!" sigaw na niya dito. Napahalakhak si Ezekiel. "Ah, ‘yong magandang kasama ni Keana? Diba pinakilala na niya sa atin yon, Dave? I forgot her name. Sayang dapat unahan na natin si Moore!" pang-aasar nito. Ngumisi lang si Dave sa sinabi ni Ezekiel. Napaangat siya ng kilay, kilala na pala ng mga ito. Sabagay lagi siyang wala kapag nagyaya ang mga ito. Tumingin sa kaniya si Ezekiel ng nakakaloko. ‘Di man nito sinasabi pero alam niya. "f**k you, De Leon! I know what's on your mind! I don't like her kung ‘yan ang nasa isip mo!" inis na sabi niya. "Hey, kami lang 'to hindi mo kailangang mag deny o mag lihim baka nga matulungan ka pa namin. Am I right, guys?" Isa rin to si Axel, kaya walang lovelife kasi palikero. Ang alam lang nito ikama ang mga kawawang babae. Ni hindi nga marunong magseryoso. Siya lang at si Kent lang pala ang matino sa magka-kaibigan. Si Dave din naman kaso tumikim din ng ibang putahe kaya hanggang ngayon hindi pa sila nagkakabalikan ni Kristen. Tumahimik na lang siya para hindi na humaba. Hindi na rin siya nagtagal dahil gusto na niyang magpahinga. Binalaan na niya si Jess na bawasan ang pagkadaldal kung ayaw nitong mabawasan ang sahod. Tama bang ilaglag siya? Siya, si Caleb Moore na isang sikat na business tycoon tapos malalaman lang nilang stalker siya? s**t! Nakakahiya! Balak pa naman sana niyang sumama kay Jess. Wala na siya sa mood. Sinabay na din nila si Claire pauwi. Alas-diyes na siya nagising kinaumagahan. Maingay na din ang cellphone niyang nasa side table. Papungas-pungas na sinagot niya iyon. Nakinigbna lang siya noong una. Bigla siyang napamura nang sabihin nito kung anong nangyari sa sasakyan niya. "W-what?! Bakit mo namang hinayaang batuhin ng bato ang sasakyan ko!" bulyaw niya dito. "E-eh, b-boss hindi naman binato. Ano po po, p’wede bang panuorin niyo na lang sa dashcam. ‘Di bale hiningi ko naman po ang number niya. Mukhang napakaganda nga, eh. Pag-usapan niyo daw boss yong tungkol sa damage." litanya nito. "Anong napakaganda d’yan, eh, sabi mo may crack? You know how much I care for my car!" galit na sabi niya. "Relax boss, tanungin mo kasi muna kung sino ang salarin," natatawang sabi nito sa kabila. "Who's the unlucky b***h, then?" aniya. Tumawa muna ito. "b***h pala, ha! " anitong natatawa pa rin sa kabilang linya na ikinainis niya. Natamaan ng bato ang sasakyan niya tapos nakuha pa nitong matawa? "Tell me who's that f*****g b***h!" naiinis na talaga siya. "Si Ms. Eve lang naman boss!" Natigilan siya bigla. Parang nagfiesta naman ang tenga niya sa narinig. May biglang sumilay na ngiti sa labi niya. "Ayan na, na-save ko na ang numero niya. Ise-send ko na din sayo boss," dugtong pa nito. Lumiwanag ang mukha niya sa mga sinabi ng assistant. Nawala ang galit niya ng mabanggit nito ang babaeng pinapasundan niya ngayon. Mukhang napaganda nga. ‘Di na siya magiging stalker sa lagay na 'to. Napatingin siya sa kuwadro na nakasabit sa wall niya. Pakiramdam niya kanina pa siya tinitingnan ng asawa. "s**t!" Agad na humingi siya ng depensa habang kinakausap ang picture nila ng asawa. Mahal na mahal niya ang asawa walang duda. Siguro naman maiintindihan siya nito. Wala naman masama sa ginagawa niya. Curious lang siya talaga sa katauhan ni Eve. Curious nga ba? Anang isip niya. Narinig niya ang pag-beep ng phone niya kaya kinuha niya ito. Sinave niya agad ang numero at pinindot ang link na sinend ni Jess. Hindi niya namalayang pinapanuod na ang copy ng video na sinend ng assistant. Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis sa nakita. Kakaiba talaga ang babae na 'to. Naka-pause pa ang video para mabasa ang reaksyon nito matapos sipain ang bato papuntang sasakyan. Hindi naman sinasadya nito. This is it! The search is over! Makikita na niya ang babaeng nagpapagulo sa isipan niya. Iisipin pa niya ang p’wedeng kapalit ng ginawa nito sa sasakyan niya. PABALIK BALIK si Dominique sa bintana, tinitingnan niya kung may pulis nga. Bwisit na driver yon alam din pala na nakipagpustahan siya sa mga menor de edad na naglalaro. Bali dalawa na ang kasalanan niya, maliban sa aksidenteng mabasag ang salamin ng sasakyan ng boss nito kasalanan din pala magsugal. Diba pustahan lang yon? Hindi siya mapakali. Kinakagat na rin niya ang kan’yang mga kuko sa daliri habang pabalik-balik sa bintana maging sa pintuan niya. Para na siyang praning. Buti wala ang boss nito. Dahil paniguradong nasa presinto na daw siya ngayon. Naawa pa sa lagay niya. Ipinagpasalamat niya na din ng konti. Hinihintay ang tawag nito kanina pa talaga. Pero wala pa din hanggang ngayon. Kailangang maabswelto agad. Mukhang magkaka-bad record agad siya nito sa mga kapulisan. Baka mahirapan siya mag-apply pagkatapos ng kontrata niya sa fast food. Hindi siya mapakali. Ilang araw pa ang lumipas pero wala pa ring tumatawag. Baka nakalimutan na, aniya sa isip. Napangiti siya sa isiping iyon Naabutan na ng isang buwan pero wala pa din siyang natanggap na tawag. Kasalukuyan siyang bumibiyahe pauwi ng apartment ng may nagtext sa kaniya. Hindi muna niya ito binuksan. Kakatapos lang ng trabaho niya. Masayadong nakakapagod ang araw na ito dahil sunday, family day kasi marami ang kumakain sa mga fast food. Pagkatapos magbihis ay naupo muna siya sa sala niya at kinuha niya ang phone niya. Tiningnan kung sino ang nagtext sa kaniya. Napakunot-noo siya ng makita ang unregistered number. Bigla siyang kinabahan. Binuksan at binasa niya iyon. Let's meet tomorrow at 11 am. It's about what happened to my precious car. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Shit. Ito na siguro ang may-ari ng sasakyan. Hindi niya alam kung rereplyan ba oh hindi. Pero sa huli nireplyan niya na lang ito. Sige, boss! Saan po? magalang niyang tanong. Nakikiboss siya kasi ‘yon ang sabi ng driver eh. Nagreply naman ito kasama ang address. Bigla siyang kinabahan ng mabasa ang lugar na isinend nito. Pamilyar sa kaniya. Natampal niya ang noo ng maalala kung saan ang lugar na ito. "Teka, condominium building ito, ah?" naisatinig niya ng ma-realize. Paanong hindi niya Malala man, eh, doon sa building na iyon nakatira si Keana. Akala pa naman niya coffee shop, restaurant, o ‘di kaya sa opisina nito. Parang nadismaya naman siya. Napatigil siya saglit ng may sumagi sa isip niya. Teka bakit sa Condo nga pala? Kinabahan naman siya bigla. “Baka mamaya mukhang adik tong boss na 'to? O kaya, matanda. Tapos… tapos rapein ako? Oh my God!” parang baliw na kausap niya sa sarili at pinagsisipa ang single sofa chair. Hindi niya alam kung sasabihin ba kay Keana o hindi. Iisa lang ang lugar. Baka matulungan siya nitong malusutan ang problema tutal magkapitbahay naman ata ito ang boss na ito. . Hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil kakaisip sa may-ari ng sasakyan. Naglaba muna siya kinabukasan ng kan’yang mga damit pagkatapos kumain sa karinderya nila Nana Lucing. Nag grocery na din siya, tutal maaga pa naman. 9:30 siya umalis ng apartment. Rush hour din kasi ang kalye kapag mga ganitong oras. Nahirapan siyang makasakay ng bus papuntang Guadalupe. Medyo malayo ang station ng MRT sa kinaroroonan niya kaya nag-bus na lang siya. Pagdating sa Guadalupe ay sumakay siya ng jeep papuntang Bonifacio Global City. Saktong alas-onse nang makarating sa unit na binanggit sa text. Hindi niya alam kung pipindutin ba ang doorbell o hindi. Kinakabahan siya. Panay pa ang pag-sign of the cross niya. Pasalamat siya dahil hindi ito kapareho ng floor ni Keana. Baka makita siya nito kung sakali. Isang floor ang pagitan nito at ng kaibigan. Ah basta, saka na lang niya sasabihin sa kaibigan. Akmang pipindutin niya ang doorbell nang bumukas ang pinto. Wow, ano 'to may sensor? aniya sa sarili. Iniluwa nito ang pamilyar na mukha. Ito ang driver ng sasakyang iyon no’ng araw na mangyari ang iyon, si Jess. Para bang ini-expect na nito ang pagdating niya. Kaya, tumaas ang kaliwang kilay niya. Mukha namang mabait ito kaya medyo nawala ang kaba niya. “Hello, Ms Esguerra. It’s nice to see you again,” anitong niluwagan ang pinto para makadaan siya. Yumuko siya bilang respeto dito kahit papano, malay mo mabawasan ang sentensya niya kung sakali. Pagkasara nito ng pinto ay pinauna niya ito. Pinaupo siya nito sofa dahil nasa kuwarto pa raw ang boss nito. Kumatok ito sa isang silid, marahil ay iyon ang kuwarto ng amo nito. Narinig niyang binanggit nito ang kaniyang pangalan. Mayamaya ay hindi na niya narinig ang sinasabi ito dahil nilibot niya ang kan’yang paningin sa buong sala. Napakaganda naman ng condo na ito. Parang one-fourth lang nito ang apartment niya. Napakaganda din ng mga appliances nito. Iba talaga 'pag mayayaman. Mayamaya ay bumalik si Jess pero iniwan naman siya nito sa sofa. Nakita niyang papunta ito ng kusina. Bumalik itong may hawak na baso na may laman na juice at isang platito ng cake. Parang natakam naman siya sa cake na dala nito. Pero, pinigilan niya ang sarili na tumikim baka may lason. Ang buong akala niya ay uupo ito sa sofa pero hindi pala. Kinabahan siya nang magpaalam ito na aalis na. “Iiwan mo kami?” parang tangang tanong niya. Ngumisi ito. “Don’t worry, harmless naman si boss, basta sundin mo lang ang gusto niya, Ms. Dominique,” anitong kumindat pa. A smirk crosses her face. Parang bigla siyang nilamig pagkaalis nito sa harap niya. Hindi na siya mapakali sa upuan. Tatayo na sana siya nang biglang bumukas ang kuwarto na pinuntahan kanina ni Jess. Napanganga siya ng mapagtanto kung sino ang lumabas. Ipinilig pa niya ang ulo dahil baka nanaginip lang siya. Kung panaginip man ito parang ayaw niya 'pang magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD