Kabanata 2

2160 Words
Sumimsim ako sa aking mainit na kape habang tinitignan ang progress ng pag-ayos ko sa system na nasira. Madali itong maayos pero hindi ganoon kadali. Hindi naman ako uulit kung hindi dahil sa lalaking iyon. Isang oras na ang nakalipas mula ng iwan ko siyang nakabulgta sa tapat ng ship niya. Umuulan sa labas at wala akong balak silipin kung nabubuhay pa siya. Hinaplos ko ang aking braso ng umihip ang malamig na hangin. Nakabukas ang aking isang bintana na pinanggalingan ng hangin. Lumapit ako para isara. Nahagip ng aking paningin ang lalaki na sinusubukang tumayo at mukang hilo pa ito. Malayo ang bahay ko sa kaniya ngunit dahil nasa pangalawang palapag ako ng bahay ay kita ko siya mula sa malayo. Nagkibit balikat ako at sinara ang bintana. Pagtalikod ko nilapitan ko ang napakalaking litrato na nakasabit sa pader. It's our family portrait. The portrait was made when I was 18 years old. Same day when I celebrated my debut. Kung aalalahanin, sobrang saya namin noon. Almost perfect. We have enough money to support our needs and wants kasi si Daddy isang scientist na nagtatrabaho para sa gobyerno. Ang mommy naman ay isang doctor kaya hindi problema ang pera. Busy silang tao pero they make sure to spend time with us. Napakarami nilang charity at simbahan na sinuportahan. Our parents made us as kind and responsible as them. Tapos bigla kong naalala ang kapatid ko. She's very sweet to me. Ang clingy niya sa akin dahil ako lang naman ang nagtitiis sa ugali niya. Mabait siya pero masyado siyang honest kaya minsan nagiging bastos na sa pandinig ng mga kalaro niya. Palagi ko siyang tinuturuan na kung ang katotohanan ay makakasakit sa iba, mabuting manahimik na lang. I bitterly smiled after remembering how that happy family was ruined by me. Lahat ay ako ang may gawa. The tears, the sorrow, the wrath, the death.. Everything is on me. I touched the portrait. "I miss you all," bulong ko. Hindi ako galit sa desisyon na ginawa nila. Kahit kelan hindi ako nakaramdam ng pagkamuhi. Lungkot oo, sino ba naman ang hindi. I was disposed here all alone and don't even remember how the hell the army caught me. Pumikit ako at inalala ang lahat. It was January 29, 2059 when I woke up in a very bright beautiful morning sun. "Secret, good morning. Kamusta ang party kagabi? Did you guys drink?" That was my mom. Sigurado akong siya ang nagbukas ng blinds sa aking kwarto. In-adjust ko ang aking paningin sa biglaang liwanag. Kinusot ko pa ang mata ko bago naramdaman ang paglundo ng aking kama. Umupo si mommy sa tabi ko bago inayos ang aking buhok. "May hangover ka?" Tanong niya na ikinailing ko. Yesterday was my 18th birthday. Pagtapos ng debut ay nagkaroon kami ng after party ng mga pinsan sa isang beach resort bar. Iyon ang unang beses na pinayagan akong makipagparty at uminom dahil nasa legal na edad naman na raw ako. Hindi sila istrikto dahil alam nilang napalaki nila akong responsable at kayang i-manage ang sarili. I tried to drink last night just to ease my curiosity. 'Di masarap sa panlasa kaya itinigil ko na lang. I just spent my whole night chit-chating and dancing with my friends but I stopped drinking alcoholic drink. Madaling araw na ng naka-uwi kami. "Uminom lang ako ng isang shot mommy. I didn't liked it," sabi ko at pumikit ulit. "So wala kang hangover?" "Wala po," sagot ko "Ohh, nag-ready pa naman ako ng medicine and foods. I just thought that this will be my first time to take care of my drunk daughter. Na-excite lang ako sa idea." Tumaas ang kilay ko at nagmulat. May dala nga siyang tray na may laman na gamot, tea at bread. "Bakit hindi mo lasingin ang daddy para siya ang maalagaan mo in the morning?" Tumawa ako at umupo sa aking higaan. Mukang disappointed si mommy na wala akong hangover. "You know your dad. Iinom iyon pero hindi magpapakalasing. Nagmana ka ata doon. I'll just wait for Keeper to be old enough. Baka sa kanya matupad ang pangarap ko." Nanlaki ang mata ko. "Mommy!" "What? Minsan lang naman. Alam mo iyang kapatid mo napalaki kong mabait 'yan pero sana nagmana siya sa akin na hindi allergic sa alak. Drink moderately lang naman." Ngumuso ako sa sinabi ni mommy. Kinuha ko ang tray sa kaniya. Kinain ko ang bread bago ininom ang tea na inihanda para sa akin. "I'll just play having hangover so your dream will come true. But I wont take the medicine." Masaya kong kinain at ininom lahat. Napangiti si Mommy sa ginawa ko. Nagtawanan kami ng kinurot niya ang aking pisngi. Sabay kaming lumabas ng aking kwarto matapos kong ubusin ang pagkain. Dala ko ang tray ng pinggan. Pababa pa lang kami sa hagdan ay nakita ko na si Keeper na nanunuod ng paboritong palabas sa TV. "Good morning!" Keeper sweetly greeted me. Tumugon ako at dumiretso sa kusina. Hindi ko na naabutan si daddy dahil maaga ang pasok niya sa trabaho. Mag-aalas diyes y medya na ng tanghali. "Secresia, tumawag si Xion. Gusto raw niyang ipaalala na ang regalo niya ang una mong buksan bago ang iba," Mommy said. Xion is my not so close friend. Friend nga ba? Family friend lang. Ang Daddy niya at ang daddy ko ay magkakilala. Pinopondohan ng tatay ni Xion ang mga equipment na ginagamit sa Laboratory ng gobyerno. Dumadalaw sila minsan dito sa bahay kapag may events pero I dont see a point para tumawag siya at sabihin regalo niya ang una kong buksan. Hindi naman kami close. Napatingin ako sa tambak na regalo sa sala. "Saan diyan?" Tanong ko dahil sa dami ng nagregalo sa akin kagabi, wala akong panahon para tandaan kung kanino nang galing ang lahat ng iyan. Mas lalong hindi ko tatandaan kung anong itsura ng regalo ang binigay ng lalaking iyon. "Iyong pinaka maliit daw." "Bakit po ako mag-aaksaya ng panahon para hanapin ang pinakamaliit sa tambak na regalo na iyan? Paki-utusan na lang po ang mga kasambahay na magbukas ng mga iyan mommy." Hindi ako nag-o-over react. Sadyang madami talaga ang mga natanggap kong regalo. Bukod kasi sa mga mayayamang kakilala ni daddy, dumalo rin halos lahat ng katrabaho niya sa Laboratory. Maging ang mga kamag anak ko sa both side. Pati kaibigan ni Keeper at Mommy dumalo. "I'll help! Maybe there's something in your gifts I can use," presinta ni Keeper. "Sa ate mo iyan Keeper," ani Mommy "No it's fine. She can take what ever she wants," apela ko. Binuksan ko ang ref at nilabas ang cake na natira kahapon. Hindi na ako nag-abalang manguha ng platito dahil sa mismong alagyan na ako kumain. Mas masarap kumain ng cake kapag nasa lalagyan pa. Lumapit si Mommy sa akin at inilahad ang isang papel. Ngumuso ako dahil alam ko na iyon. "Hindi ka pinipilit ng daddy mo. Persistent lang talaga ang boss niya na magtrabaho ka sa kanila dahil marami ka na ring naitulong sa field nila," she calmly said. Sa edad kong ito, madami na akong naiambag sa larangan ng medisina. Bata pa lang ako ay alam ko na ang pasikot sikot ng siyensya. Umikot ang mundo ko sa workplace ni Daddy. Alam iyon ng mga katrabaho niya na ako ang nakakadiskubre ng mga bagay na hindi nila magawa. Kumalat iyon sa field nila at sa labis na paghanga, kahit hindi pa ako tapos sa aking pag-aaral ay gusto na nila akong magtrabaho kasama sila. Sila at ang pamilya ko lang ang nakakaalam na mataas ang IQ ko. Nasabi pa nga nilang mas mataas ito kesa sa mga great inventors, philosophers, at physicists. Kelan man hindi ing public ang kakayahan ko dahil alam nila Daddy na hindi magiging normal ang takbo ng buhay ko pag nangyari ito. Kapag nasa school, I played the average smart girl. In some situation, I purposely make myself wrong and answers a questions in a different direction. "Masaya akong nakakatulong lang Mommy. Kung may magawa man ulit ako, I'll turn it to them. No need to offer me a job. Wala akong degree and I'm enjoying my unpressured life," sabi ko bago sumubo ng cake. "Regalo ka talaga ng Diyos sa mga tao." Ngumiti ng matamis ang Mommy bago ako niyakap. I love it when she hugs me. It's so warm. Present days. I am not God's gift to humanity. Ako ang sumpa. Inalis ko ang mga tao sa mundong ginawa niya. Everyday I pray for his forgiveness. I used the magic wrongly. Hinilot ko ang aking sintido dahil kumirot ito. I've been thinking endlessly at hindi ito maganda para sa akin. I may be the most genius of all, kailangan ko pa rin limitahan ang mga iniisip sa bawat araw. Maari itong mag cause ng pagputok ng mga ugat sa utak ko and I'll go in a coma. Alam ko na kahit itinapon ako rito mag-isa, nararamdaman kong may purpose pa rin ako. Na kailangan kong mabuhay para itama ang mga maling nagawa pero hindi ako makahanap ng lakas ng loob para gawin ito. Natatakot ako. Wala na akong gana para isipin ang solusyon dahil masaya na sila roon. I warned them. I did everything I can para pigilan silang umalis dahil walang kasiguraduhan ang lugar na iyon. Hindi ko pa ito napag-aaralan. Ngayong wala akong ibang ginawa dito sa mundo kung hindi tumuklas, hindi sumagi sa isip ko na aralin ang mundong iyon. Kung may mangyari man sa kanila, deserve nila iyon dahil doon sila masaya. Kahit andoon and mommy at si Keeper. Sobra lang akong naubos ng tinanggal nila ang tiwala sa akin at hinayaan ako rito. Lumakad ulit ako palapit sa bintana para silipin ang lalaki. Gabi na at naglalakad ito patungo rito. Bukod sa liwanag na dala ng buwan, itong bahay ko lang ang nag-iisang maliwanag sa mundong 'to. I have no plan on letting him in but as I saw how he shivers in cold, it melt my heart. Akala ko ba matapang ito? Konting lamig lang muka ng kawawa. Papalapit na siya sa bahay ko. Iniangat niya ang kanyang paningin at namataan niya kong nakasubaybay sa kaniya mula sa bintana. I crossed my arms and slightly bend my head. "What?" I mouthed. Sumignal siya na papasukin ko siya sa loob pero hindi ako nagpatinag. Gusto kong insultuhin siya. Papapasukin ko rin naman siya kalaunan. Nakita ko ang obvious na pagbuntong hininga niya. Aww suko na 'yan? Ngumisi ako bago sinara ang kurtina. Naglakad ako pababa sa unang palapag. Binuksan ko ang pinto at napanganga ako sa itsura niya. Namumutla na siya at halos mabuwal na sa kinatatayuan. I immediately grab a towel that, then hurriedly ran to him. Pero hindi ako tuluyang lumapit sa kanya dahil mababasa ako ng ulan. "Sumilong ka." Sabi ko at ginawa naman niya. Binigay ko ang tuwalya. Kinuha niya ito pero medyo na out of balance siya dahil siguro sa hilo pero hindi ko siya sinalo. Kapal naman niya. "Pasok," ani ko pa. Hindi ko siya aalalayan papasok. Binuksan ko ang heater nang maisara ang pinto. "Take your clothes off. Wait here, I'll get you something to wear." Umalis ako para umakyat at kumuha ng damit sa kwarto ko. Binuksan ko ang box na nasa ilalim ng kama ko. Laman nito ang mga panlalaking damit at short. I dont remember why I have this kind of stuffs here. Ni wala akong kaibigang lalaki. Hindi naman ito kay daddy. Dinala ko ang box pababa para hayaan siyang mamili ng susuotin. Tatlong shirt lang naman iyon at dalawang short. Pagbaba ko ay nakatanggal na siya ng shirt. Nasulyapan ko katawan niya. Masculine. Yes, he has great body but that wont make me drool over. "Look for something that suits you." Namumuti na ang mga labi niya. Sa awa ko ay nagpainit ako ng tubig para timplahan siya ng kape. Bigla kong may naisip kaya napangisi ako ng wala sa oras. Binilisan ko ang pagtimpla sa kape. Pagharap ko ay halos tumapon ang hawak ko. "Ano ka!" Sigaw ko sa gulat. Sobrang lapit niya sa akin at ang lalim ng tingin niya. Anong ginawa ko? Tinulungan ko na nga siya eh! May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Kung titignan ko siya sa mga mata ay baka pati kaniyang kaluluwa ay makita ko sa sobrang lalim ng nararamdaman ko. Kelan man ay hindi ko pa nakita ang emosyong iyon. "How the hell you got this f*****g necklace?" Matigas nitong ingles. Tinignan ko ang nasa kamay niya. Kwintas iyon na galing sa box. Hindi ko napansin. Nakita ko na iyon pero wala lang talaga akong paki-alam sa kwintas na iyon kaya hinayaan ko lang. "Bakit ba?" Maarte kong sabi bago siya tinulak. Hindi na siya nakapalag dahil mahina pa siya. Padabog kong binigay sa kanya ang tasa ng kape bago naglakad palabas ng kusina. "Creep," bulong ko. Naglakad ako paakyat ng hagdan para tapusin na ang trabaho sa system.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD