Kabanata 3

1906 Words
Kumunot ang noo ko bago napamura nang mapansin na mali na ang mga tinitipa ko sa aking keyboard. I bit my lower lips before deleting everything. I let out some air before redoing it again. Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit ako nagkamali e! Galit, e wala naman akong ginawa. Kung gusto niya ang bagay na iyon 'di kanya na. It's not like I care. Kumirot ang aking sindito kaya napatigil ako sa pagtipa. Napahilig pa ang aking ulo. Parang sinasabi ng utak ko na tigilan na ang mga ginagawa at bigyan ang sarili ng pahinga. "Fine. Last na 'to," bulong ko sa sarili bago tumayo. Sinilip ko muna ang lalaki mula sa hagdan na ngayon ay nakahiga na sa sofa. Wala itong kumot kaya kumuha ako ng nakita kong tela sa kung saan. I wont give him special treatment. Lakas naman niya. Pagbaba ay tinapon ko sa kanya ang tela. Alam kong gising pa siya sa paraan ng kanyang paghinga. Ni hindi pa niya ubos ang kape na binigay ko. "Tomorrow morning, I want you out of my house. Bumalik kana sa mundo niyo," bigkas ko pero alam kong hindi mangyayari iyon. Napangisi ako sa isip ko pero agad nawindang ang aking isipan ng bigla siyang naglabas ng baril mula sa tagiliran niya. Napakurap ako. "Matapos... kitang papasukin sa bahay ko and helped you get warm this is how you will pay me?" I acted like I am so scared. Ako pa ba tatakutin niya? I've been through so many things. More than life and death. Kamatayan? Naghihintay lang naman ako. Pero hindi ako mamamatay ng hindi lumalaban. I evilly smirked. "Shoot." His brows crumpled and confusion came rushing to his face. I encouraged him to pull the trigger. I don't expect him to feel pity on me, he looked ruthless. "How long have you been living here?" Sabi niya na halos bulong na lang at puno ng diin. Namaos pa siya. I calculated the way he point his gun at me. Mahina siya at sigurado akong hindi niya ako maaasinta ng mabuti. "Shoot if you must. 'Wag ka ng magtanong," I bravely said. He pulled the trigger and shot the vase behind me. Ok, I'm impressed. Asintado pa rin. "Anong ginawa mo sa gobyerno ng Hyacinth?" Tanong pa niya. Ngumuso ako. "Sa sobrang galit sa akin ng gobyerno niyo, is it possible na hindi mo ako kilala? Ikaw lang ang kauna-unahang bobo na hindi alam kung anong nagawa ko." Everyone know who I am. Ipinaskil ba naman ang muka ko sa bawat sulok ng Hyacinth. Muka namang hindi ipinanganak ang lalaking ito kahapon kaya wala akong idea kung bakit hindi niya alam. "Sino ka?" Tanong pa niya. Tumawa ako ng malakas. Bakit nga ba hindi ako kilala nito? Isa siyang Hyacinth army. Nabagok ba utak nito sa pagkabagsak kanina. "I am the creator of your freaking world." It's time for him to smirk. "No you're not," aniya Nagkibit balikat ako. Bakit kailangan kong sagutin ang mga tanong nito? Hindi ako natatakot at sasagot dahil lang nakatutok ang baril niya. "Why put so much effort knowing me? Were you ordered to kill me? Just pull the trigger and finish your mission. Hindi siguro makatulog ang kupal na 'yon knowing that I'm still kicking in this place. " Hinagod niya ang buhok pataas bago tumayo paalis sa sofa. Nakatutok pa rin sa akin ang baril niya. Pinaglaruan ko lang ang mga kuko ko para magmukang walang pake sa katapangang pinapakita niya. Hindi nagbabago ang emosyon niya. Malalim at blanko. May dumadaang pagtataka pero nawawala ito. "You know wha-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil kumirot ang sintido ko na nakapagpawala ng focus ko. Sakto naman sa pagkalabit niya ng gatilyo ng baril. Napamura ako nang may dumaang hapdi sa aking braso. Kaya ko sanang iwasan iyon pero nawala ako sa wisyo dahil sa kirot. Buti nalang ay mahina siya kung hindi, baka nabutasan na ang puso ko. I smirked. Hindi ka nga asintado pag malapitan. Natamaan niya ako sa braso pero daplis lang. Tumawa ako at sinipa ang baril niya na naging dahilan ng pagtalsik nito sa bintana. Nakatingin siya sa braso kong natamaan. Walang bahid na emosyon sa muka niya kun'di pagod at kawalan ng lakas pero nagpapakatapang pa rin siya. Kaya ko siyang patayin ngayon din bago pa niya ako mapatay pero 'di ko gagawin iyon. "Patayin mo na lang ako kapag malakas ka na." Hinawakan ko ang dumudugong braso bago lumapit sa kaniya. I sensually wiped my blood on his cheeks and neck then, smirked before leaving. Pagpasok sa kwarto ay humiga agad ako sa kama. Hindi alintana ang dumudugong braso. Wala na akong oras para gamutin iyon dahil inaantok na ako ng sobra. Pumikit ako at mabilis na nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Pagpasok ko sa banyo ay napansin ko agad ang braso na ngayon ay may benda na. Hinawakan ko iyon at natigilan. Did he sneak in my room? Of course Secresia, alangan ginamot ng multo 'yang sugat mo. Nag-ayos ako bago lumabas ng kwarto. I brushed my teeth and combed my hair. I also change my shirt because it has blood stains. Dumiretso muna ako sa work place ko para i-check ang mga natapos ko kagabi at para madugtungan na ang trabaho. Pag tapos kong i-program ito ay pupunta ako sa flower field pala ayusin ang mga nasira roon. Pagbaba ko nabungaran ko agad iyong lalaki. Tulog pa ang kupal sa sofa. Dumiretso ako sa kusina para tumingin kung anong pwedeng lutuin. Ubos na halos lahat ng stock ko. Itlog na lang ang natira. May naiwan pang kanin mula kagabi kaya dinurog ko iyon para isangag mamaya. I cracked 2 eggs, beat them and add some pepper and salt. I pre-heated the pan before starting to cook. Nagtimpla rin ako ng kape. Dalawang tasa. Baka magutom 'yong killer ko e. Nakakahiya naman. After cooking the scrambled egg, the next one is the fried rice. I sauté the garlic and onion before adding the rice. Nagdagdag ako ng flavor at nang makita ko na luto na ay isinalin ko na sa lalagyan. I heard a footsteps behind me. It's him. "Susubukan mo ba akong patayin ulit?" Tanong ko bago humarap sa kaniya. Mas umayos ang muka niya ngayon. It turned brighter than yesterday. Bagay sa kaniya ang damit. Hindi tulad ng napakalaki niyang army uniform. Umiling siya bilang sagot sa tanong ko. Kahit hindi siya magsalita ay ramdam kong napaka seryoso niyang tao. "I know you wont kill me. Yet," bigkas ko. Inilahad ko sa kanya ang kape at ang plato na laman ang luto ko. Binasa niya ang labi gamit ang dila kaya napatingin ako roon at tumaas ang aking kilay. His lips turned red! Napakurap ako at sumimsim ng kape. Sumandal ako sa kitchen counter bago siya tinitigan. "They ordered you to kill me then why didn't you do it? Madami kang chance na napalampas kagabi. You sneaked in to my room. " Tinitigan niya ako sa mata at napakurap ako sa paraan ng pagtitig niya. "You could have r***d me too," matapang kong sabi. "Hindi kita type," napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko para i-check. Maganda at makurba naman ako ah. Anyway, I'm not saying that because I want to be r***d by him. Sinasabi ko lang na maganda ako. "Ginamot ko ang sugat mo. Kung gusto kitang gawan ng masama ay hinayaan na sana kitang mamatay sa kama mo dahil sa kaubusan ng dugo," ani niya. Halos namamaos pa ito kaya bigla akong nasarapan sa pandinig. I smirked at him. "Pero bakit ka pumasok ka kwarto ko?" Umiwas siya ng tingin. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain sa harap niya. Hindi sinagot ang tanong ko. "You followed me to get your chance to kill me again," deklara ko sa kaniya at tumango lang siya like he's agreeing with what I'm saying. "But you felt pity towards the fragile women, " dugtong ko pa. Umupo na ako sa harap niya at nagsimulang kumain. "Magpatayan na lang tayo kapag equal na both sides. Palakas ka, at ako magpapagaling. I can't fight you with an injured arm," paawa ko. I am just being sarcastic. "Sure. But I will not stay here for long. I should go back," matigas na ingles nito na may halo pang accent. Ngumiti ako. "Happy trip then." "But I will go back to kill you. Don't worry," agap niya na ikinangisi ko. No darling. You will stay here with me. Matagal. Nasisiguro ko iyan. Nagkunwari akong nagulat sa sinabi niya. "Scary. Can I come with you instead?" It's time for him to smirk. "No." Wala naman akong planong bumalik sa mundong iyon. Kung ginusto ko ay matagal ko nang nagawa. Kaya kong gumawa ng sarili kong ship pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang ganoong bagay. Wala ng rason. "Hindi mo natapos ang mission mong patayin ako. Anong ire-report mo sa boss mo?" Sumubo ako ng isang kutsarang fried rice at hinintay ang sagot niya. "My mission is to help get resources.. Not to kill you." Habang tinitignan siyang kumain ay nagigiliw ako. Masyadong depina ang pag nguya niya. "Bakit mo ko binaril kung gano'n?" Patay malisya kong tanong. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa'kin. "I wanna make sure that you're human." Tumawa ako. "Pula ang dugo ko, hindi green so, tao ako." Sumubo ulit ako. Siya naman ay hindi na nasundan ang subo. Maingat niya akong tinititigan kaya tinaasan ko siya ng kilay. I don't feel anything towards him but joy. Masyadong malalim ang iniisip ng lalaking ito pero bigla niyang kinagat ang ibabang labi at binaba ang mga kubyertos. "Thanks for the breakfast." Pinunasan niya ang bibig gamit ang tissue na nasa gilid niya bago tumayo. Tumango ako bilang sagot. Tapos na rin naman ako. Napaangat ako ng tingin nang kunin niya ang plato ko at ipatong sa plato niya. Nilagay niya ang lahat ng pinggan sa lababo. Nagulat ako sa ginawa niya. Balak pa niya atang ligpitin ito kaya tumayo ako para pigilan siya. I have automatic dish washer. More advanced since I made it. It cleans thoroughly. "I've never seen a dish washer like that," aniya at hinayaan akong ipasok ang mga pinggan sa loob. "Gawa ko 'to" Tumitig na naman siya sa akin. Kada ba may sasabihin ako kailangan niyang tumingin sa muka ko? Hindi man lang itago na nakatitig? "What's your name by the way?" I turned to him after putting all the plates inside the machine. Lumapit ako sa kanya at inabot ang tenga niya para ibulong ang pangalan ko. "Secret," saad ko pero napakunot lang ang noo niya. It's true. Secret ang pangalan ko. Short for Secresia Tamia. Alam kong iba ang tinatakbo ng utak ng lalaking ito sa pangalan ko. Tumawa na lang ako. "Ikaw? Anong tawag sa'yo ng mga taga Hyacinth?" It's time for me to ask. "Sasabihin ko pag sinabi mo na ang pangalan mo." Humakbang siya palayo sa akin. Nagkibit balikat ako. Wala rin naman akong interest sa pangalan niya kaya hindi ko na ipipilit. Naglakad siya palabas ng kusina. Akala ko mag i-stay siya sa sala pero namataan ko siya mula sa bintana na lumabas ng bahay dala ang kaniyang army suit. Mukang pupuntahan niya ang ship. I crossed my arms and watched him. I will enjoy my life here and you will accompany me mister fallen jerk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD