bc

SWEET DESIRES

book_age18+
741
FOLLOW
1.9K
READ
twisted
serious
mystery
ambitious
realistic earth
self discover
actor
passionate
sacrifice
villain
like
intro-logo
Blurb

Estella Velazquez is a woman who aspires to become a famous celebrity. She desires to gain millions of fans and supporters and get discovered by different entertainment companies, but this is not just simply her dream, dito niya lubos nakikita at nadadama ang kanyang pag-unlad na tanging pag-asa niya, tungo sa mas magandang buhay. In contrast with her, is a man named Lucius Hudson, a famous and popular celebrity. Ang lahat ng hangarin o pinapangarap ng tao ay nakamit na niya. Siya ay mayaman, at milyun-milyong tao ang patuloy na humahanga at sumusuporta sa kanya. Ang katulad kaya ni Lucius ang magiging depinisyon ng salitang, ‘perfect?’

Paano kung ang magkaiba nilang estado sa buhay ay maging daan upang ang mga puso nila’y magkaintindihan? Pero, paano kung ang inaakala nilang happy ending ay biglang magimbal dahil sa isang revelation?

What could be the destined faith that is waiting for the both of them? Would it be love, hate, money, or destruction in each other’s lives?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“MAM’S, hindi ko po kaya magsuot ng ganitong damit, sinabi ko naman po sa inyo na sasayaw lang ako dito pero hindi ko magagawang magsuot ng ganyang klase nang damit dahil ayokong mabastos.” Nini-nerbyos na sabi ni Estella sa kanilang Manager sa club. Tumikwas ang kilay ng tinawag niyang mam’s at saka tumayo. “Alam mo, Estella ang dami mo palaging reklamo akala mo naman disenteng babae ka pa? Club ang pinasukan mo hindi disenteng trabaho na tulad ng office na mauupo ka lang! Maliwanag?” “Pero kasi mam’s-” “Susuotin mo o uuwi kang walang pera?” Estella sighed and leaned on the chair's jamb for a moment. She managed to de-stress before speaking to her boss, who appeared irritated. “Okay, susunod na ako susuotin ko ‘yan.” She fixed her gaze on the garment on the table, then she started wearing the revealing dress. Kung meron lang siyang tatay na nagsusuporta sa pamilya nila, siguro maayos ang buhay nila. Hindi niya siguro kailangan kumayod nang umaga at gabi para lang punan ang mga pang araw-araw na pangangailangan nila. Kaya tuloy kailangan niyang kumayod, para sa ina at dalawa niyang kapatid na mga bata pa. Hindi na kasi pwede magtrabaho ang kanyang ina’y, sapagkat may sakit na ito, hindi lamang simpleng sakit na madadala sa simpleng gamot. Sa kasamaang palad, wala siyang maituturing na totoong ama. Meron siyang step-father, iyon ang ama ng dalawa niyang kapatid, ngunit hindi nagpaka-ama sa mga kapatid niya at hindi mabuting asawa sa kanyang ina’y. Pero dahil mahal niya ang mga ito, inaako niya ang dapat na responsibilidad ng totoong tatay ng dalawa niyang kapatid. Gayunpaman, kinakaya naman niyang suportahan ang mga ito, minsan kapos pero nagagawan niya agad ng paraan. Itinaga na niya sa bato na kung sakaling bumalik ang ama niyang iniwan sila noong ipinanganak siya, hinding-hindi niya ito titingnan bilang tatay at kadugo. “Estella! Faster! Ang bagal-bagal mo,” pukaw sa kanya nitong mam’s nila. She rolled her eyes, pero hindi niya iyon ipinakita rito. “Matatapos na po, mam’s kinakabit ko lang ang zipper nitong dress.” Paglabas niya sa dressing room nila nakasalubong niya si Carla ang bestie niya sa club, ito rin ang nag-pasok sa kanya bilang server ng beverages sa customers pero wala rin naman itong palag sa mam’s nila at saka ayaw niyang bigyan pa ito ng alalahanin. “Hey, Estella my dear.” Bati nito sa kanya, ang matalik niyang kaibigan na lagi siyang sinasalo sa lahat ng sitwasyon pero this time gusto niyang tumayo sa sariling mga paa. “Bakit ganyan ang suot mo? Sino nagpa-suot niyan?” Lumapit siya sa kaibigan at ngumiti. “Kailangan kong lumandi ngayong gabi.” “Ano!? Pero napag-usapan na namin-” “Okay lang naman sa akin, kailangan ko rin kumita ngayon para kay nanay.” Pigil niya sa kaibigan dahil alam niya ang susunod na mangyayari, susugurin nito ang kanilang mam’s at aakuin ang trabaho niya. Kaagad na nawala ang galit sa mukha nito at naawang tumingin sa kanya at para hindi mag-alala ngumiti lang siya. “Hays, alam kong labag sa kalooban mo ‘yan pero anong magagawa ko? Mukhang desidido ka naman.” “Okay lang ako, promise.” Aniya sabay taas nang kamay para manumpa at nang makampante ang kaibigan niya. “Sige na, lumakad ka na basta sabihan mo ako pag may gagong aaligid sa’yo.” “Aye, aye, captain!” Matapos mag chikahan umalis na siya at nagtungo sa island table upang kunin ang mga beverages na ibibigay niya sa customers with matching landi para mas mabenta, diba. Sinimulan niya ang trabaho na may ngiti sa labi, kahit labag sa kalooban niya kailangan niya itong gawin hindi para sa sarili kundi para sa mga taong umaasa sa kanya. “Estella!” Nagulat siya nang sumigaw si Carla at nang makalapit ito hinila siya ng kaibigan patungo sa isang tabi. Kunot-noo siyag tumingin rito. “Anong problema? Aatakihin ako sa’yo sa puso!” Matiim na tinitigan siya ng kaibigan. “May goodnews ako sa’yo!" Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa salitang good news. Matagal na niya kasing inaasam ang salitang good news, kahit naman sino gusto ang good news lalo pa sa kanyang puro bad news ang nangyayari. “Ano ‘yon?” Carla smiled at her. “Kasi, diba gusto mo maging artista?” “Pabitin ka naman, e! Ano nga?” Hindi na siya mapakali sa good news na hatid ng kaibigan. “Nakakuha ako nang audition form mula sa pinsan ko na gusto rin mag artista at naisip kita kaya nanghingi akong extra form. Kailangan mo lang mag-fill up basta galingan mo sa audition, ah!” Mahaba nitong paliwanag na nakapag-patulala sa diwa niya. “Hindi ba ako nananaginip?” “Gaga, hindi! Basta galingan mo umarte para makapasok ka kahit extra-extra at malay mo sa susunod ikaw ang ang prime time queen!” Ngumisi siya sa kaibigan dahil masyadong advance ito mag-isip, ambisyosa ba siya kung sasabihin niya na pangarap niya maging isang sikat na artista at hangaan ng milyon-milyong tao? “Hoy! Huwag mo akong kalimutan pag sumikat ka na.” Bumusangot ito. Umiling-iling siya dahil bilib na bilib sa kanya ang kaibigan niya samantala wala pa naman siyang nasisismulan. “Sana makapasok nga ako.” Pagka-usap niya sa sarili at saka umalis na bitbit ang tray na may lamang beverages at mabilis naman na sumunod sa kanya si Carla. “Saan ka pupunta?” Tanong nito. “Uuwi ka na? Para mag umpisa mag practice umarte sa banyo ninyo?” Tumango siya at bumuntong-hininga. “Kailangan ko na umarte sa banyo namin para awayin ang sarili ko sa maliit naming salamin at umiyak hanggang tumulo ang uhog ko. Bibigyan mo ba ako ng advice na makatutulong?” Mahinang tinapik nito ang pisngi niya. “Ito na ang form, basahin mo maigi at saka mag fill-up. Galingan mo naniniwala ako sa’yo.” Humugot ng isang malalim na hininga si Estella. “Wish me luck, Carla.” Bahagyang tinapik na naman nito ang pisngi niya. “Kaya mo ‘yan, ikaw pa.” Nginitian niya ang kaibigan at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa exit. Wala siyang sasayangin na oras ngayong gabi para bukas handang-handa na siya sa audition, kailangan niya maging handa para sa magandang kalalabasan. WHEN his manager entered the room, Lucius was preparing for an exclusive interview. He quickly looked at it, then continued to fix his collar, which he can fasten with the help of his numerous personal assistants. But he, on the other hand, preferred to do it alone. "Lucius, after your interview, you must participate as a judge at the audition. And no one will be able to take your position, so if you're thinking of passing it on, don't." Said his manager. “Okay.” Simpleng sagot niya rito. Matapos ang ginagawa niya lumabas na siya sa dressing room at saka nagtungo sa isang room kung saan magaganap na ang exclusive interview niya. “ANO!? Dapat uminom kang diatabs.” Pasigaw na sabi ni Carla sa kanya na para bang nagpapanic na rin. Pawis na pawis na humarap siya kay Carla na katabi niya ngayon sa waiting area habang namamalipit siya. “Hindi ko na yata kaya ‘to, Carla! Lalabas na..” Nilibot ng mga mata ni Estella ang kabuuan ng malaki at malawak na building. Narito sila ngayon sa Entertainment building ng Black Dream para mag-audition pero kanina pa siya natatae at panay ang hilab ng tiyan niya na parang anytime pwedeng bumulwak iyon. “Halika na nga! Magtanong tayo kung saan ang banyo.” Hinila siya ng kaibigan at nang makakita sila ng guard kaagad na nagtanong ito kung saan ang banyo, buti na lang itinuro nito ang direksyon. Mabilis siyang pumasok sa restroom at maswerteng kaunti lang ang tao at hindi okupado ang mga cubicle. Inilabas niya lahat ng pwedeng ilabas ng pwet niya at nang makaraos para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Lumabas siyang satisfied at mabilis rin silang bumalik sa upuan kung saan naghihintay ang lahat para sa audition at marami silang naghihintay. “Calling the attention of everyone! We will call the names for a one-on-one interview with your judge.” Mag s-start na ang audition at dumoble ang kaba sa kanyang dibdib kaya naman panay ang inom niya ng tubig at nagsisimula na mamawis ang kamay niya. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa umiinom ng tubig baka naman maihi ka na niyan sa sobrang daming tubig sa tiyan mo.” Pukaw ni Carla sa kanya. “Kasi, kinakabahan-” “Next, Estella Velazquez!” Hindi pa siya tapos magsalita, nang tawagin na ang pangalan niya kaya kaagad siya tumayo sabay kumaway sa kaibigan niya at pumasok sa isang room kung saan naghihintay ang judge. Pagpasok niya lumuwa ang mga mata niya at halos tumulo ang laway niya nang makita kung sino ang judge. “Go-good afternoon po.” Kabado niyang bati rito. Ang gwapo talaga ni Lucius Hudson! Isa ito sa mga famous at may title na King of drama’s mapa-contemporary and modern drama. Bulong niya sa kanyang sarili habang hinihintay na magsalita ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook