Prologue

2087 Words
Tahimik kong pinagmamasdan ang bilog na buwan mula dito sa terrace ng mansion namin habang hinahawi ng hangin ang mahaba at paalon kong itim na buhok. Sa ilang taon kong miserableng pamumuhay hindi ko inakala na may mas ilulungkot pa pala ako. Nang marinig kong may mga yapak na paakyat dito ay ininom ko yung wine na hawak ko. Napahinga ako ng malalim, bakit parang pati wine mapait. "Ms. Alicia Blaunche, we need you to come with us" I knew they'd come. Binaba ko ang wine glass na hawak ko at kalmadong humarap sa kanila. Malamig kong tinignan ang isang babae at apat na lalaking nasa harapan ko, na mga nakasuot ng cape at may pin ng Secret Service Unit ng royal castle. Syempre ang SSU ang papapuntahin nila para kunin ako, para walang makakaalam. Humakbang papalapit saakin iyong babae na malinis ang pagkakabun ng buhok at nakasuot ng over the knee boots. "Here is the letter from the council" Hindi ko pinansin ang pinakita niyang papel sa halip ay nanatili akong walang emosyong nakatingin sa kanya samantalang ang mga kasama niya ay maigi akong pinagmamasdan na tila ba binabantayan ang susunod na kilos ko. Humakbang ako papalapit sa kanila, ang ilan ay umatras pero ang babaeng nasa harap ko ay hindi natinag at nanatiling nakatingin lang saakin. She's quite brave huh. I stopped in front of her and she smirked at me. "Enjoying your last wine before getting locked up?", there's a hint of mockery in her tone. Imbes na sagutin ang tanong niya ay nilagpasan ko lang siya. Narinig kong naglabas ng baril ang ilan sa kanila at naramdaman ko ang pagpaligid nila saakin. "You don't need that. I'm coming with you....... peacefully" Nagtinginan sila at tinanguan naman sila ng babaeng mukhang leader nila. Binaba nila ang mga baril na nakatutok saakin pati yung witch na lalaki na mukhang magcacast na ng spell ay napatigil din. Hahakbang na sana ako nang biglang hinihingal na dumating si Sixto, halatang nagmamadali pa siyang pumunta dito. Hindi talaga siya marunong makinig sa utos ko, ang sabi ko tagalan niya ang pagbili, wala pa ngang 20 minutes simula noong umalis siya, nandito na siya agad. Nag-angat ng tingin saakin si Sixto at bakas ang pag aalala sa mga mata niya. "Ms. Blaunche" Inayos niya ang sarili niya, tinaas niya ang manggas ng puti niyang polo na para bang handa na siyang makipaglaban. Pinigilan ko naman siya sa ginagawa niya. "Can you please get my frock coat" Mukhang nagulat si Sixto sa sinabi ko at naguguluhan niya akong tinignan. "Get it now", may authority kong saad, kahit naguguluhan ay nagmamadaling sumunod si Sixto sa utos ko. "Can you wait for a bit? It's too cold outside, I need my coat", mahinahon kong sabi sa kanila. "Make it faster, Lady Anna is downstairs. I bet you wouldn't want her to wait.", pinanlakihan ako ng mata noong babae at nilagpasan ako, nauna na siyang bumaba samantalang yung tatlong lalaking kasama niya ay naiwan dito para bantayan ako. Ilang sandali lang ay dumating na si Sixto dala dala yung coat na sinabi ko. Tinulungan niya akong isuot tapos inayos ko rin ang itim na dress kong pantulog na ang haba ay hanggang paa ko buti nakaheels ako kaya hindi ganoon sumasayad sa lupa. Hahawakan sana ako noong isang lalaki at haharangin sana siya ni Sixto pero nauna kong itaas ang kanang kamay ko. "Don't", I glared at him then I started walking downstairs. Totoo ngang naghihintay dito sa baba si Lady Anna kaya pagbaba ko sa grand staircase ay dumiretso ako sa kanya. Upon looking at her, I can say, nothing has changed, she is still wearing those pearl necklace and bracelet and she still likes wearing red lipstick. She looks like as if she was still in her forties but in fact, she is already a 100 plus-year-old vampire, well perks of being a royal vampire. You can stop your aging anytime you want. While walking towards her, I was reading her face and I can say right now it screams madness. She is so damn angry right now. Pagkaharap ko sa kanya, isang malakas na sampal ang natanggap ko. Sa sobrang lakas akala ko hihiwalay na yung ulo ko sa katawan ko. What a sweet welcome coming from my grandmother. "How could you kill your own mother, you evil b*tch", muli niya akong sinampal at sa pagkakatong ito dumugo na yung labi ko. "Your father is now under trial with Lady Alítheia, we will eventually find the truth so don't even dare lie to me!", dumagundong ang boses niya sa buong bahay. Gamit ang isang kamay ay mariin niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Diniinan niya ang pagkakahawak niya sa pisngi ko na para bang nanggagalaiti siya sa galit pero nanatiling walang emosyon lang ang mukha ko. Hinagis niya ako kaya lumipad ako sa may vase at nabasag ito. Agad akong nilapitan ni Sixto para tulungan pero hindi ko pinansin ang kamay niya at tumayo mag isa. "Paano mo nagawang sirain ang pamilya natin?? We raised you, fed you, and sheltered you and this is what you will do to us in return ??" Napangiti ako sa sinabi niya at pinunasan ang dugo sa labi ko. "You call this a family? Well, I call this hell" Paano ko sisirain yung bagay na matagal nang sira. "You ungrateful b*tch ! Bring her to the dungeon" The men of the Secret Service Unit dragged me out of our house. Lalaban pa sana si Sixto pero tinignan ko siya at sinenyasan na wag na. We drove to the main castle and they locked me up in the dungeon. "You'll be on trial later and it seems like you're not nervous at all. Grabe I salute you parang wala lang sayo ang pagkamatay ng nanay mo.", wika ni Cristie, yung mataray na member ng SSU na sumundo saakin tapos ay umalis na siya. Nilibot ko ng tingin ang paligid, sana nirenovate man lang nila itong dungeon, walang pagbabago eh. Umupo ako sa malamig na sahig at tanging yung torch lamang ang nagbibigay liwanag. Niyakap ko ang hita ko at pinatong ang baba ko sa tuhod ko. Hinawakan ko yung daliri ko para kapain yung singsing na ibinigay ng aking ina pero wala ito, nakalimutan ko ata isuot, pero lagi ko naman sinusuot yun. Napahinga ako ng malalim. Mom.... Napakatahimik ng paligid, madilim at malamig, ramdam na ramdam ko talaga na mag isa ako. You need to be strong Alicia...... Napaangat ako nang tingin dahil sa aninong nasa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito. "Clive",nabuhayan kong sabi. Tumayo ako at lumapit sa may rehas. He's here to visit me. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Inabot ko ang kamay ko sa kanya dahil gusto kong mahawakan ang kamay niya dahil sa totoo lang natatakot ako, pero pilit kong tinatatagan ang loob ko. I need to feel the warmth of his touch in this cold place. I shouldn't let them see right through me so I need to put up my emotionless face but with Clive I know I don't need to pretend. Matamlay ko siyang nginitian habang hinihintay na abutin niya rin ang kamay ko but he was just looking at me with a cold stare. "Clive", muli kong tawag sa kanya pero nanatili lang siyang nakatingin sakin na para bang hindi niya ako kilala. Why does those stares feel like a dagger in my heart? I was hoping that he would ask me to know my side but he just kept on staring at me. Hanggang sa dumating na muli ang secret service, habang binubuksan nila ang rehas, ay nakatingin lang ako kay Clive umaasa na magsasalita siya. Umaasa na sasabihin niya saaking magiging okay lang ang lahat pero nailabas na nila ako, wala pa rin akong naririnig na kahit isang salita mula kay Clive. "You're up for the trial, let's go",hinila nila ako palabas. Hanggang sa makaalis na ako ay wala talaga akong narinig na salita mula kay Clive, sinubukan kong bagalan ang paglakad ko papalayo, umaasa na tatawagin niya ako pero wala, kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang aking ama at si Lady Anna sa labas ng trial room, mukhang kakatapos niya lang. Pagkalapit ko sa kanila nakatikim na naman ako ng isang malutong na sampal mula sa ama ko, grabe sila magmahal ramdam na ramdam ko. "Paano mo nagawa kay Helena iyon? Paano mo nagawa sa sarili mong ina yun?!!",galit na asik niya saakin. Inayos ko yung buhok ko na napunta sa mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. "If I knew that we raised a monster like you, I should have killed you a long time ago" I smirked at him. "Too bad, you should have killed me when you had the opportunity, it's too late now." Hindi makapaniwala niya akong tinignan. "I' knew you were something else, but I didn't know you'd be this evil" Hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa trial room, Habang naglalakad sa madilim na hallway ay hindi ko maiwasang maalala ang itsura ni Clive kanina. He is my only friend, I thought he will be able to understand me but why do I feel that he is also judging me like everyone else. Tumigil kami sa isang malaking pinto at mula doon iniwan na nila ako. Pumasok ako mag-isa sa madilim na silid at nadatnan ko sa loob si Lady Alítheia kasama ang assistant niyang dalawang babae na naka itim na cape. This is my first time meeting her, they say she is the lady of truth kasi kaya niyang pumasok sa isipan namin para alamin ang katotohanan. Inalalayan ako noong isang babae sa upuan, nilahad niya sa kanya ang kamay ko habang yung isang babae ay may hawak na wooden bowl. Hiniwa noong babae ung kamay ko at hinayaan niyang tumulo ang dugo ko sa bowl na hawak nang kasama niya. SInara niya nag kamay ko at piniga ito para mabilis na lumabas nag dugo. Pagkatapos nila ako kuhaan ng dugo ay may inabot silang small glass bottle na may lamang blue na liquid. "Kailangan mong inumin ang serum na ito para ma-disenable ang ano mang power o ability mo" Kinuha ko yung bottle at ininom ito. Sumandal ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagkahilo, umalis naman ang dalawang babae sa harap ko. Bago pumikit ang mga mata ko ay nakita ko si Lady Alitheia na iniinom yung dugo ko. "I will never let you leave this house, mamatay muna ako bago mangyari yun.." Diniinan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at ramdam kong bumabaon na ang mahaba niyang kuko dito. Pilit akong nagpupumiglas pero masyadong malakas ang aking ina. Hinawkan ko ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. "Let's both die before you ruin our family", mas diniinan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at akmang sasaksakin ako pero naunahan ko siya. Mabilis ko siyang sinaksak ng dagger sa puso, ang dagger na iyon ay hindi basta basta dahil ginawa iyon para saaming mga royals, para patayin kami. Nabitawan niya ako sa bumagsak siya sa sahig. "Helena??" Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang aking ama. Tumakbo siya patungo sa nanay ko na duguan. I just want to be free..... "Ms. Blaunche?" Nagising ako sa naramdaman ko pagtapik sa balikat ko. Dinilat ko ang mga mata ko at napansin kong nandito pa rin ako sa Trial Room pero wala na si Lady Alitheia, mukhang tapos na siya. I wonder, ano kaya ang nakita niya? Inalalayan ako noong babae para makatayo at hinatid sa labas. Pagkalabas ko nandoon na ang Secret Service Unit kasama ang ibang miyembro ng Council, nandoon din si Clive. Based on the look on their faces, I'm guessing they already know the truth. The witch member of the SSU casted a spell on me kaya nagkaroon ako ng posas. They are all looking at me with full of judgement pero wala akong pake dahil ang atensyon ko ay tanging nakatuon lamang kay Clive. I'm waiting for him to talk or to just look at me to assure me, that he is still my friend despite of everything. I was hoping that he would look at me. I was hoping he would hug me or hold my hand just for a second pero tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad paalis. I need him.... Because the truth is..... I'm really scared....... but He didn't look back.... Today I was convicted of murdering my own mother.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD