Chapter Two

2238 Words
PINAKATITIGAN ni Panyang ang driver na sakay ng itim na sports car. At base sa hitsura nito, kulang na lang ay lamunin siya nito ng buong-buo. Pero hindi kailan man siya magpapasindak dito kahit na babae siya. Ngumisi pa siya saka kumaway dito. Lalong nagsalubong ang kilay ng lalaking iyon. He is Gilbert Landicho. Ang mortal enemy niya pagdating sa drag racing. Her favorite past time. Alam niyang illegal iyon. Pero 'yon ang challenge para sa kanya. Hindi naman siya takot. Ilang beses na rin siya hinabol ng mga pulis sa magkakaibang pagkakataon. Ngunit nalulusutan niyang lahat 'yon. She's one hell of a driver. She can join professional car racing if she wants too. Pero mas gusto niya 'yung may challenge. Gaya nito. Drag Racing. Ngunit iilan lang ang nakakaalam niyon. Tanging ang pinsan niyang si Dingdong at ilang malalapit na kaibigan niya kasama na si Olay. "Relax dude, ikaw rin. Baka mapahiya ka na naman ulit." Pang-aasar pa niya dito. "I'll get it this time," sagot lang nito. Nagkibit-balikatlang siya. "We'll see." Binalik niya ang paningin sa lalaking nakatayo sa harap ng sinasakyan nilang kotse. Hawak nito ang isang malaking putingtela. Tinaas nito ang tela. She fixed her eyes on the road. Kahit na malalim ang gabi ay kitapa rin niya ang daan dahil sa mga ilaw ng poste sa kahabaan ng Macapagal Highway. Mariin niyang tinapakan ang gas. And concentrate. Nang binaba ng lalaki ang hawak na tela ay agad na pinasibad niya ang minamaneho niyang red sports car. Halos lumipad ang sinasakyan niya. Napapangiti lang siya ng makitang nahuhuli ang kalaban niya. Naaamoy na naman niya ang panalo. Makailang beses nitong sinubukang abutan siya ngunit talagang sadyang mabilis siyang magmaneho. Pagdating niya sa finish line ay pinalakpakan siya ng mga pumusta sa kanya. "I knew it!" masayang wika ng iba. "Wala ka talagang kakupas-kupas Panyang!" sigaw pa ng iba. Bumaba siya ng kotse. Saka nakipag-high five sa mga nanalo sa pustahan. Hindi nagtagal ay dumating ang galit na galit na si Gilbert. Halos masira ang pinto ng kotse sa lakas ng pagkakasara nito. "Dinaya mo ako!" sigaw nito. She rolled her eyes. Saka humalukipkip. Hay...heto na naman kami...nandaya daw ako... "Really?" aniya na nilakipan pa ng nang-iinis na tinig. "Ask them kung nandaya ako." "Makakabawi din ako sa'yo," banta nito. Nagkamot pa siya ng ulo. "Alam mo ikaw. Puro ka banta. Lagi naman walang nangyayari. Gawin mo na lang." sagot pa niya saka tumalikod. Inabot ng may hawak ng pera ang napanalunan niya. Napangiti siya pagkahawak ng isang bundle ng tig-iisang libo na pera. "Congrats!" sabi pa nito. "Thanks,"aniya sabay abot ng balato nito. NAGKATINGINAN sina Roy at Darrel patina ang iba pa nilang mga kaibigannang pumasok si Dingdong sa loob ng Rio'sFinest. It's Sunday morning. Doon ang meeting place nila ngayon umaga bago sabay-sabaysilang pupunta sa basketball court.Naging ugali na nila ang maglaro ng basketball tuwing linggo ng umaga upang kahit paano ay makawala ng stress sa buong linggong pagod sa pagta-trabaho. "Bago'yan ah. Nakasimangot ka, Pare." Salubong agad ni Jared dito. "What happened?" tanong naman niya. "Nakakainis na talaga 'yang si Panyang. Ang tigas talaga ng ulo! Nakipag-drag racing na naman kagabi!" Napailing na lang siya. Hindi lingid sa kaalaman nilang magkakaibigan ang tungkol sa kakaibang hilig nito sa drag racing.He knew that Panyang is a good driver. Kahit na maliit na babae ito. Puwede itong ihelera sa mga professional car racers. Kahit na si Victor na champion super bike racer ay hindi umubra dito. Roy didn't know kung anong klaseng talento ang mayroon si Panyang. "Hindi ka pa nasanay sa pinsan mong 'yan. Alam mo naman matigas ang ulo n'yan," ani Humphrey. Bumuntong-hiningasi Dingdong saka hinilot ang magkabilang sentido na para bang masakit ang ulo nito sa kunsumisyon sapinsan. "Hindi ko na alam ang gagawin, pare. Kahit na anong pigil namin. She'll always find a way," reklamo pa nito. "Just relax, Pare. Magsasawa rin 'yan." Wika niya. "Sananga. Nag-aalala kami sa kanya lalo na ang Lolo." Dagdag ni Dingdong. "Kung ako sa'yo, ibubuhos ko na lang sa laro 'yang inis mo. Tapos pag-uwi mo, siya ang itanim mo sa mga paso niya." Ani Vanni. "Mabuti pa nga," NAGKAKANDA-HABA ang leeg ni Panyang sakakatanaw sa loob ng bahay ni Victor. Napapakamot siya ng ulo. Kanina lang ay nakita niya itong naglalakad sa may bakuran nito na walang suot na t-shirt at naka-boxer shorts lang. Kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya. Nakagat niya ng wala sa oras ang hawak niyang isang pumpon ngbulaklak. "Nasaan ka na ba irog ko? Kanina lamang ay nasilayan ko ang mala-adonis mong katawan. Ngayon ay nawala ka na naman saaking paningin." "Hay naku... kawawa naman si Victor." Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Agad siyang napangiti nang makita kungsino ang bagong dating. "Chacha!" hiyaw niya. Saka dinaluhong ng yakap ang kaibigan niya. Chacha is her bestfriend since childhood. Fetus pa langyata sila ay magkaibigan na sila. Their parents were bestfriends as well. Iyon ay noong buhay pa ang mga magulang niya. Halos isang taon itong nawala sa lugar nila. Kinailangan nitong pumunta sa Americapara alagaan ang nagkasakit nitong ama. "Panyang!"gumanti rin ito ng yakap. "Kelan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi para nasundo kita sa airport." "I want to surprise you. Kagabi lang ako dumating." "Na-miss kita bruha! Kamusta ka na? Ang daddy mo?" sunod-sunod na tanong niya. "I'm fine. Okay na rin si Daddy. Si Mommy nang bahala sa kanya. Kaya pinayagan na nila akong umuwi. Ikaw? Ano na naman pinaggagawa mo dito? Hanggang ngayon ba naman ay patay na patay ka diyan kay Victor." Muli niyang tinuon ang paningin sa bahay ng huli. "Alam mo best, true love won't fade away." "Ay sus... nangangarap ka na naman ng gising. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi siya interesado sa'yo. You're just wasting your time." "Hayaan mo na lang ako. Please..." Napailing na lamang ang kaibigan niya. Alam marahil nito na walang makakapigil sa nakakalokang paghanga niya parakay Victor. "Best, ayoko lang na masaktan ka." "You worry too much. Sa tigas ng mukha ko. Hindi uso sa akin ang sakit-sakit na'yan." "Ewan ko sa'yo. Wala na akong sinabi. Kahit kailan talaga, hindi ka nawawalan ng katwiran." Nagkibit-balikat lang siya. Nabaling ang atensiyon niya nang matanaw niya ang paparating na isang grupo nang naga-guwapuhang Tanangco Boys. "Oh there you are my love!" Kaya pala hindi niya makita ito sa loob ng bakuran ng bahay nito ay nag-basketball pala ito. Kasama ang ever handsome friends nito. Ngunit nawala ang atensyon niya kay Victor nang biglang sumulpot sa harapniya si Roy. Sinimangutan niya ito. Kahit kailan talaga napaka-epal nito! As usual, seryoso ang mukha nito at kulang na lang ay lamunin siya ng buong-buo. Nakapameywang pa talaga ito. At dahil nakaharang ang glass wall ng flower shop niya. Hindi niya marinig nang bumuka ang bibig nito. "Ano daw?" tanong niya sa katabi niya. "Aba ewan ko," sagot naman ni Chacha. Mayamayapa ay naglakad ito patungo sa entrance door ng shop. Pagkapasok nitoay tinanguan lamang nito ang kaibigan niya.Tapos ay siya na ang binalingan nito. "Talaga bang hindi ka titigil sa kalokohan mo?" anito na may bahid ng iritasyon ang tinig. Habang titig na titig ito sa mga mataniya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" singhal niya dito. "I know what you did last night. Nakipag-drag racing ka naman." "Yeah. And so?" mataray niyang wika. Tinaasan pa niya ito ng kilay "Anong and so? Do you understand na illegal ang ginagawa mo?" Humalukipkip siya. "Wala kang pakialam sa akin Roy. Kaya don't act as if you are a concern with me. Because that is so not you." Pambabara niya dito. Natigilan ito sa sinabi niya. Lalong nagsalubong ang kilay nito. "Pamela Anastacia!" Nagulat silang tatlo sa lakas ng boses na iyon. Napapikit siya. Kilalang kilala niyaang nagma-may ari ng nakakatakot na tinig na iyon.Ang lolo niya. Si Don Manuel Santos. "Anong kalokohan itong nabalitaan kong ginawa mo?" galit na tanong nito. Dahan-dahan siyang dumilat. Ang lolo na niya ang nasa harap niya. Samantalang si Roy at si Chacha ay nasa isang tabi na lang. "Answer me!" Napapitlagsiya. "Wala po." Tila maamong tupa na sagot niya. "Anong wala? Alam kong madaling araw ka nang umuwi kagabi. At ang dumi pang kotse mo. Did you race last night?" "Eh..." usal niya. Hindi niya alam ang dapat isagot. Dahil totoo naman ang hinalanito. Kumbaga, sukol na siya. At sigurado siyangang pinsan na naman niya ang nagsumbong sa Lolo niya. "Kapag hindi mo tinigilan ang kalokohan mong 'yan. I'll pull out your car and close this flower shop. Do you understand?" Napakamot na lang siya ng batok. "Opo." Iyon lang at umalis na ang Lolo niya. Inalalayan pa nitong sumakay sa kotse ng pinsan niya tapos ay saglit na kinausap angdriver ng abuelo nila. Pagkatapos ay pumasokna ito sa shop niya. "Siguro naman ay magtatanda ka na," ani Dingdong. "Ewan ko sa'yo! Sumbungero!" singhal niya. "Mabuti nga 'yon at ng matigil ka. Hihintayin mo pang may mangyaring masama sa'yo bago ka tumigil." Dagdag ni Roy. "Tse! Isa ka pa!" Sa inis niya ay nag-walk out siya at naglakad papunta sa tindahan ni Olay. "KAMPAI!" aniya. Sabay tungga ng basona may lamang beer. Hindi alam ni Panyang kung nakakailang bote na sila ni Olay. Sa sobrang sama ng loob niya kanina dahil sa panenermon sa kanya ng Lolo niya at sa pagsumbong ng pinsan niya. Nag-desisyon siyang magpakalasing. Kahit na ang totoo'y hindi naman talaga siya sanay uminom ng alak. Atdahil mukhang problemado rin si Olay. Hayun at sinakyan naman nito angtopak niya. Nagkayayaan silang uminom doon sabakuran ng bahay nito. "Bakla, tama na. Lasing ka na." anito. "Shino may shabing lashing akoh? Hindi pah noh!" "Ano bang hindi? Eh ayan at salubong nang mata mo." "Hindi kaya! Deretso pah ang ti...ngin koh. Look!" Kumurap-kurap pa siya para umayos ang paningin niya. Pero ang totoo. Kanina pa nga siya nahihilo. "Mabuti pa ihatid na kita sa bahay mo. Nang makapagpahinga ka na." sabi ni Olay. "Mashama ang lo...ob koh Olay. Alam mo bah 'yon? Iyong banshot kong pin...shan. Shinumbong ba naman ako kay Lolo," paghihimutok niya. "Girl, concern lang sa'yo si Dingdong. Kapatid na halos ang tingin niya sa'yo. Kung bakit ba naman kasi, ang dami diyan napuwede mong mapag-tripan libangan. Drag Racing pa talaga." Umiling-iling siya tapos ay tinungga ulit ang laman ng hawak niyang baso. "They don't understand kung bakit ako nagda-drag racing. They will never understand," seryosong sagot niya. Bigla ay naglandas ang mga luha sa mga mata niya.Walang sino man ang makakaintindi kung bakit niya ginagawa iyon. At wala siyang balak sabihin ang dahilan sa kahit na sino. "HINDI KO talaga siya maintindihan, Pare. Ayaw naman niyang sabihin sa amin ang dahilan kung bakit siya sumasali sa Drag Racing. I'm sure it's not about money." Nag-aalalang wika ni Dingdong. Naroon silang magkakaibigan sa restaurant ni Vanni. Roy tapped his friend's shoulder. "Kausapin ninyo siya ng maayos." "Alam mo, iyon nga ang problema sa babaeng 'yan. Hindi mo makausap ng maayos. Puro kabaliwan ang lumalabas sa bibig. O kaya naman ay si Victor ang laging bukambibig." Ani Ken. "Pakasalan mo na kasi si Panyang, Pare." Singit ni Humphrey sabay baling kay Victor na abala sa pag-aasikaso sa mga fans nitong nagpapa-autograph. "Siraulo! Alam mong wala sa bokabularyo ko ang salitang kasal," mayamaya ay dumating si Jared. "Oy Dong! Alam mo na ba?" bungad nito.Pagkaupong-pagkaupo sa isang bakanteng silya. "Ang alin?" "Si Panyang. Nandoon kay Olay. Hayun at lasing na lasing habang nag-eemote." Halos magkasabay silang tumayo ni Dingdong at lumabas ng restaurant. Roy didn't understand himself either. Kung bakit bigla ay naging concern siya kay Panyang. Matapos ang tagpong iyon sa pagitan nila ng dalaga noong nakaraang linggo. Hindi na siya matahimik. He will always remember her beautiful green eyes. Her fair skin. At sa tuwina ay naaalala niya ang kainosentehan ng mga halik nito. Her soft lips. Kahit na wala itong gawin ay sadyang naaakit siya sa mga labi nito. Nang makarating sila ni Dingdong kina Olay. Naabutan nila itong nakatungo sa may lamesa. Nanunulis ang nguso habang patuloy ang paglilitanya. "Mabuti naman at dumating kayo. Iyang pinsan mo, ayaw paawat. Masama yataang loob," wika ni Olay. "Panyang! Halika ka na!" ani Dingdong. Umangat ang ulo nito. Saka parang batang umismid. "Tse! I hate you! Shumbungero!" wika nito. "Will you please stop acting like a child," saway niya dito. Tiningnan siya nito. Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis na ipinagtaka nilang lahat. Alam niyang inis na inis ito sa kanya. Kaya kataka-takang nginitian siya nito. Nagulat siya ng tumayo ito at yumakap sa kanya. "Victor my love! I'm shaaad... Inaway ako ni Dingdong pati ni Roy." Sabi pa nito. Nagkatinginan silang lahat. Habang ang iba pa ay hindi mapigilan ang tawa. "Look, I'm not Victor." Bigla ay nakaramdam siya ng inis ng mapagkamalan siya nitong si Victor. "Shagutin mo na... kashi... akoh! Para may magtatanggol na sha 'kin." "Hindi nga ako si Victor!" naiiritang wika niya. Tumingala ito sa kanya habang namumungay na sa antok ang mga berdeng mata nito. Ngunit hindi naging dahilan ang kalasingan nito para mabawasan ang ganda ng mga mata nito. Naroon pa rin ang epekto niyon sa kanya. Tila nahihipnotismo siya. Bago pa niya mahulaan ang susunod na kilos nito. Bigla ay naglapat ang kanilang mga labi. Napatili si Olay habang naghiyawan naman ang barkada niya. Pati ang kararating lang na si Chacha at Allie ay napatili sa tagpong inabutan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD