MALALIM NA NAPABUGA ng hangin mula sa bibig si Faith nang tumigil ang sinasakyan niya sa harap ng isang malaking bahay. Kapagkuwan ang binalingan niya ang taong nasa tabi niya.
"Parang hindi ko kaya, Hazel," aniya habang unti-unting kinakabahan.
Ngumisi si Hazel. "What did you say, Faith? Kung kailan nandito na tayo, saka naman nagbago ang desisyon mo. No, hindi ka aatras sa usapan natin. You promised me that you won't break it. Napag-usapan na natin ito, hindi ba? Just pretend as me, okay? Naikuwento ko na ang buhay ko sa iyo, kung sino ako, at kung sino ang asawa ko. Wala nang atrasan ito, Faith. If you really want to back out, ituturo kita sa mga lalaking humahabol sa iyo. Choose, Faith!" Matalim siya nitong tiningnan.
Muli siyang nagpakawala ng hangin sa bibig at sumilip sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam ang magiging desisyon niya. Pero wala na siyang magagawa dahil nakapangako na siya kay Hazel na hindi niya ito bibiguin, na hindi siya aatras sa usapan nila. Kung anong sinabi niya noon, gagawin niya alang-alang sa mga lalaking humahabol sa kaniya lalo na kay Mason— ang matandang walang awa at habas na ginamit siya.
Napailing siya't muling binalingan ang katabi niya. Para lamang siyang tumitingin sa salamin dahil parehas na parehas ang kanilang mukha. Hindi sila magkambal, mgkapatid, o magkamag-anak. Nabuo lang ang isa pang mukha dahil sa kaniya— dahil ipinabago niya sa pamamagitan ng plastic surgery na si Hazel mismo ang gumawa sa kaniya.
"Sige, hindi na ako aatras pa," malumanay niyang sabi rito.
"That's good to hear from you, Faith. Basta't napag-usapan na natin ito. Alam mo ang gagawin mo at alam mo ang isasagot mo kapag may nagtanong sa iyo lalong-lalo na si Calvin, ang asawa ko. Go, pumasok ka na sa loob. If you see him, kiss him..."
"Payag ka bang halikan ko siya? Alam kong makakaramdam siya ng init at ako ang mapagbubuntunan niya. Payag kang galawin niya ako?" tanong niya.
"Napag-usapan na rin natin ito, hindi ba? Wala akong paki kung maghalikan man kayo o mag-s*x buong araw. Wala na akong paki kay Calvin. I didn't love him anymore. Go, lumabas ka na." Halata niyang pinagtatabuyan na siya nito.
Napatango siya at lumabas ng sasakyan. Sinaraduhan niya ang pinto noon at wala pang ilang segundo ang lumipas, umandar na ito palayo sa kaniya. Sunod-sunod muli siyang nagpakawala ng hangin mula sa bibig at naglakad na papasok. Nang makapasok sa gate, bumungad kaagad sa kaniya ang isang guwardya.
"Magandang umaga po, Ma'am Hazel," nakangiting sabi nito.
Ngumiti siya pabalik. "Magandang umaga ri—"
Bigla na lamang siya natigilan nang maalala iyong sinabi sa kaniya ni Hazel. Na huwag na huwag niya raw babatiin pabalik ang guwardya dahil hindi naman daw nito iyon ginagawa. Nailayo na lang niya ang tingin niya sa guwardya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Himala't bumalik ka, Hazel? Where have you been these past few months, ha? Nag-iintay sa iyo ang anak ko!"
Natigilan na lang siya sa paglalakad nang makarinig ng boses mula sa kaniyang likuran. Lumunok siya at humarap dito. Kung hindi siya nagkakamali, ito ay ina ni Calvin. Sinabi iyon sa kaniya ni Hazel. Ang dapat niyang itawag dito ay mamá sapagkat ganoon kung tawagin ito ni Hazel. Sinabi rin nito na hindi maganda ang pakikitungo nilang dalawa. Kaya magiging masama siya ngayon kahit na labag sa kalooban niya. Sasamba pa rin siya sa Panginoon kahit na anong mangyari.
"Babalik talaga ako, mamá. I'm your son's wife," nakangiti niyang sabi na may tonong naiinis.
Umikot ang mga mata ng matanda. "At kailan ka pa natutong ngumiti sa akin, huh?" Halos magpantay na ang mga kilay nito.
Lumunok siya ay sumimangot habang nakatitig sa matanda. Hindi niya ito kaya, sa totoong. Kung kaugali nga lang niya si Hazel, baka hindi man lang niya naisipang umatras. Nagkataon naman magka-iba sila ng pag-uugali. Siya, mabait, mapagmahal, at may takot sa Diyos. Samantalang si Hazel naman ay strikto, masungit, at higit sa lahat, walang pagmamahal. Hindi niya alam kung may takot ba ito sa may taas.
"Masama bang ngumiti, mamá?" nakangisi niyang tanong kapagkuwan.
"Hindi naman. I'm just wondering about you. You've never been smiled at me. By the way, hinihintay ka na ni Calvin sa kuwarto niyo. Aalis na ako." Umikot muli ang mga mata nito at tumalikod na.
Hindi na niya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy na sa paglalakad. Ginusto niya ito at kailangan niyang pangatawan alang-alang sa sarili niyang kapakanan at kaligtasan. Marahil ay nakatadhana talaga sa kaniya ito, ang magbago ng mukha at magpanggap bilang iba matakasan lang ang panganib na kinahaharap niya.
Nang makapasok sa loob ng kabahayan, namangha kaagad siya dahil sa kaniyang nasaksihan. Ang ganda-ganda ng loob— talagang mayaman sina Hazel. Kaya niya kayang tumira sa ganitong kalaking bahay? Kaya niya kayang manatili? Hindi siya sanay, sa totoo lang. Baka nga lagnatin pa siya dahil sa bago niyang buhay.
"Magandang umaga po, Madame Hazel."
Natigilan na lang siya nang marinig ang boses na iyon. Nang balingan niya ang pinanggagalingan noon, isang babae na medyo may katandaan na ang nakatayo malayo sa kaniya. Nakasuot ito ng maid's suit. Ito marahil ang tinutukoy sa kaniya ni Hazel na si Manang Doris. Inalala niya ang sinabi ni Hazel sa kaniya. Sinabi nitong minsan lang nito kinakausap ang matanda.
"Magandang umaga rin, Manang Doris," malumanay niyang sabi at palihim na lumunok. "Where's Calvin?" tanong niya.
"Nasa kuwarto niyo po, Madame Hazel," nakangiting sagot nito.
"Okay," tipid niyang turan saka dinako ang direksyon ng matayog na hagdan.
Hindi niya kayang magpanggap bilang iba. Hinding-hindi niya kaya ngunit ipagpapatuloy niya pa rin ang napag-usapan nila ni Hazel. Ano man ang mangyari, hindi dapat siya sumuko. Malaki nga ang utang na loob niya rito. Iniligtas at inilayo siya nito sa kapahamakan. Kaya bilang bayad, hindi na siya aangal sa kaniyang ginagawa kahit na mahirap.
Nang makatapak sa sahig ng ikalawang palapag, hinanap kaagad ng mga mata niya ang pinto na kuwarto nila ni Calvin. Nang makita, dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Sisipiin niya ito na hindi man lang niya naisip na gagawin niya noon. Bahala na, bahala na ang mga napag-usapan nila ni Hazel.
Nang nasa harap na siya ng pinto, kaagad niyang hinawakan ang seradura at itinulak ang pinto. At mula sa loob, namataan niya ang isang lalaki. Nakatayo ito habang may hawak na baso na sa hinuha niya'y alak ang laman.
"Oh my God!" Ginawa niya ang itinuro sa kaniya ni Hazel. "I'm so tired!" may kalakasan niyang sambit saka pumasok sa loob ng kuwarto.
Hindi niya pinansin ang lalaki— si Calvin at nagpatuloy lang siya. Nang makarating sa kama, umupo siya roon— patalikod sa lalaki. Kabang-kaba siya dahil sa mga susunod na mangyayari. Nawa'y maganda ang magiging kinilabasan nang pagpapanggap niya. Ilang buwan din siyang hinasa ni Hazel. Kung paano umupo, paano magsalita, paano umakto kapag galit, paano lambingin si Calvin, at maraming pang iba.
"Are you tired, honey?" Naramdaman niyang lumubog ang tabihan niya. Isa lang ang ibig-sabihin noon, umupo si Calvin. Kapagkuwan ay bigla nitong hinawakan ang balikat niya dahilan para tumayo ang mga balahibo niya sa kaniyang katawan. "Let me massage you, honey," rinig niyang wika ni Calvin saka unti-unti niyang naramdaman ang pagpisil nito ng balat niya sa kaniyang balikat.
Napapikit na lang si Faith dahil sa ginawa ni Calvin. Hindi siya pagod o ano man— wala siyang nararamdaman ngayon. Pero may kakaiba siyang nararamdaman sa lalaki. Hindi niya masabi kung ano iyon. Pero magaan na agad ang loob niya rito. Mukha kasi itong mabait at responsable. Mukhang hindi siya mahihirapan sa pagpapanggap niya bilang asawa nito.
"Ayos ka na ba, honey?" mayamaya pa'y tanong nito.
Ngumiti siya at humarap dito. Isinaisip niya ang sinabi sa kaniya ni Hazel. "I'm fine, Calvin," tipid niyang sagot habang nakatingin sa maamo nitong mukha.
Ngayon lang niya napagtanto na guwapo si Calvin. Oo, nakikita na niya ito sa mga larawang ibinibigay sa kaniya ni Hazel pero mas guwapo pala ito sa personal. Ang kapal ng kilay nito, ang pungay na mga mata, matangos ang ilong, at higit sa lahat, mapula ang labi na parang dinaig pa ang kaniya. Isa si Calvin sa depinisyon ng perpekto.
"Are you sure?"
Sabi ni Hazel, sweet daw silang dalawa ni Calvin kaya naman i-a-apply niya iyon ngayon. Gusto niyang makakuha ng sagot mula kay Hazel. Bakit ayaw nito kay Calvin? Bakit hindi na nito ito mahal? Kamahal-mahal naman ang lalaki. Guwapo, matipuno, at mabait. Ang tanga lang ni Hazel, ang tanga nang pinili niyan landas.
"Yes, I'm fine," nangingiti niyang sagot.
Sinabi pa sa kaniya nito na minsan siyang nag-e-english. Mabuti na lang at nakatapos siya ng senior highschool kaya naman may alam siya pagdating sa ganoong bagay. Mataas ang propesyon ni Hazel, nakatapos ito sa mataas na unibersidad. Kung anong taas ng antas nito, ay ang baba naman ang puso nito. Bakit niya nagawang lokohin si Calvin ng ganoon na lamang?
Mayamaya pa ay bigla na lang dumukwang si Calvin sa kaniya. Hinalikan nito ang nakatikom niyang bibig. Naramdaman niya ang mainit na mga labi nito sa kaniya. Bahagya siyang napapikit dahil doon. Pero kalaunan ay bumitiw din sa kaniya ito.
"Where have you been, honey? Ilang buwan kang wala, ni hindi ka man lang tumawag o nag-text sa akin..." malumanay nitong saad saka hinawakan ang mga kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita.
Hindi na niya kailangang mag-isip, maski iyon ay napag-usapan din nila ni Hazel. "We have a family reunion kasi, Calvin. My relatives celebrated it on the moutain. I had no choice, I joined them. Not until the signals were vanished, I can't use my phone dahil nga walang signal. I'm really sorry kung hindi man lang kita natawagan at na-text."
Nangunot ang noo ni Calvin. "A family reunion? Kailan ka pa nagka-interes diyan, Hazel?" Natatawang umiling ito. "At sa usapang bundok, kailan pa? It's funny, Hazel. Niyaya kita noon na mag-moutain climbing tayo pero tumanggi ka. You said, you hate mountains. But nothing, nagbabago naman ang desisyon ng mga tao, e."
Hindi kaya'y nabuki na siya nito? Hindi iyon maaari!
"Nagbago ang desisyon ko, Calvin. I really changed my mind."
"Sana man lang sinabi mo sa akin. I waited you for so long. Tapos nasa bundok ka lang pala. I thought you're busy in your clinic. Hindi naman kita mapuntahan kasi ayaw mo nang inaabala ka. Hazel..." Sinapo nito ang kanan niyang pisngi at pinakatitigan sa kaniyang mga mata. "I'm your husband, you can tell anything to me, okay?" malumanay na tanong nito saka hinalikan ang kaniyang noo.
"Alam ko naman iyon, Calvin."
"Mahal kita, Hazel," biglang sabi nito.
Biglang tumibok ang puso niya. Hindi siya maaaring pumalya dahil lang sa simpleng lintaya ni Calvin. Sunod-sunod siyang lumunok at sinagot ito.
"Mahal din kita, C-Calvin..."
Ngumiti lang ang lalaki saka biglang dumukwang sa kaniyang mga labi at mapusok iyong hinalikan. Kahit na hindi niya gusto, hinayaan niya lang ito. Naglaban ang kanilang mga dila at nagpalitan sila ng mga laway. Hindi namalayan ni Faith na inihiga na siya ni Calvin sa kama. Mabilis itong umibabaw sa kaniya. Kalaunan ay namataan na lang niyang ni isa'y wala na silang mga saplot. Sunod-sunod na umulos sa kaniya si Calvin. Hinayaan niya lang ito... hinayaan niya lang na angkinin siya ng lalaking ngayon lang niya nakilala. At kahit na umaga, pinainit nila iyon sa pamamagitan nang p********k nila. Nakakaawa si Calvin, walang kaalam-alam na hindi siya ang totoong Hazel... na ang totoo'y nasa malayo kasama ang bago nitong asawa.
"MADAME HAZEL! MADAME! Gising na po kayo!"
Nagising si Faith dahil sa boses na kaniyang naririnig. Marahan niyang iminulat ang mga mata at hinanap ang pinanggagalingan ng boses. Mula sa pinto, nakatayo roon si Manang Doris.
"Ano na po bang oras?" inaantok niyang tanong saka umupo sa kinahihigaan niya.
"Alas-tres na po ng hapon Madame Hazel. Pinagising po kayo ni Sir. Calvin sa akin bago siya umalis. Kumain na raw po kayo," anito.
"Saan po pumunta sa Calvin?" taka niyang tanong.
"Sa kumpanya po, Ma'am Hazel at magtatrabaho po siya. Nakahanda na po ang pagkain niyo sa baba. O gusto niyo pong ihatid ko na rito para hindi na kayo mapagod?"
"Ay, hindi na po! Kayo ko naman pong tumayo, e. Sige po at susunod na ako," nakangiti niyang sabi rito.
Hindi umimik ang matanda. Ilang sandali siya nitong tiningnan bago tumango at sinaraduhan ang pinto. At saka lamang niya napagtanto na nagpapanggap nga lang pala siya. Ginalang niya ito na hindi dapat. Mali ang ginawa niya. Imbis na pansinin pa iyon, hinayaan na lang niya. Ano ba ang nangyari't nakatulog siya?
Inalala niya iyon. Nagsalo sila ni Calvin sa kama at aaminin niya, nagustuhan niya ang ginawa nila. Hindi ito marahas at hindi siya nito pinuwersa kaya naman wala siyang nagawa kundi namnamin ang ibinibigay na sarap sa kaniiya nito. Parte ito nang pagpapanggap niya, ang tanggapin ang gusto ni Calvin na hindi niya maaaring ayawan o ano man. Mas maigi pa ito kaysa roon sa matandang kinaawa siya. Nga pala, ano na kayang nangyari sa matandang iyon? Sana'y natuluyan na nang madala sa ginawa sa kaniya.
Napailing na lang siya at bumaba ng kama. Ibinaba niya ang kaniyang tingin nang maramdamang may suot siya. At hindi nga siya nagkamali, kumpleto ang suot niya. Ramdam niyang may suot siyang panty at bra. Marahil ay binihisan siya ni Calvin. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Ang sweet naman ng lalaking iyon. Sinayang ito ni Hazel, sa totoo lang.
Napailing na lang siya at lumabas ng kuwarto saka naglakasd patungo sa hagdan. Habang naglalakad, abala ang mga mata niya sa mga larawang nakasabit sa dingding. At agaw pansin ang isa sa mga iyon. Ang wedding picture nina Hazel at Calvin. Nakakapanghinayang, hinihiling niya na sana'y siya na lang si Hazel, hindi iyong nagpapanggap lang nito. Si Calvin pa naman ang tipo ng lalaking gusto niya. Paano kung mahulog siya rito? Anong gagawin niya? May laban pa ba kaya roon si Hazel kung sakali mang mahulog siya sa lalaki?
"Nandiyan ka na pala, Hazel?!"
Natigilan siya dahil doon. Hinanap niya ang pinanggagalingan noon at mula sa malayo, nakita niyo roon ang isang babaeng mukhang ka-edad lang niya. At hindi siya maaaring magkamali, ang babaeng ito ay pinsan ni Hazel, si Miel. Muli, inalala niya ang napag-usapan nila ni Hazel tungkol kay Miel at kung ano ang iaakto niya.
"Yes, kakarating ko lang kaninang umaga." Bumuga siya ng hangin sa bibig saka lumapit kay Miel.
"Oh God! Akala ko na-kidnap ka na. Nagpaalam ka lang sa akin na may aasikasuhin ko tapos after so many months, hindi ka na nagpakita pa. Where have you been ba, Hazel?" tanong nito saka itinirik ang mga mata.
"It's a family matter, Miel na hindi mo na kailangang malaman pa. What are you doing here?"
"Kakausapin ko sana ang asawa mo kung may balita na sa iyo. Nagkataon namang nandito ka pala. OMG, ma-e-excite si mommy kapag nakita ka niya. Alam mo bang ikaw ang gusto niyang maging surgeon sa upcoming surgery niya sa mukha?" tila'y excited nitong sabi.
Napairap siya. Muli, hindi niya ito gusto— parte lang ito nang pagpapanggap niya. "Hindi na ako surgeon— hindi na ako plastic surgeon for your information. Sabihin mo kay tita, I'm really sorry. I found out na hindi ko pala talaga hilig iyon," bulalas niya saka naglakad na— nilampasan si Miel.
"Wait, hindi mo hilig iyon? What the hell, Hazel? Iyon ang gustong-gusto mong maging noong bata ka pa. What happened? Nagbago ba ang isip mo?" Si Miel.
Hindi siya lumingon dito ngunit ibinuka niya ang kaniyang bibig. "Lahat ng tao ay nagbabago ang pag-iisip, desisyon, at gusto sa buhay..." sambit niya saka bumaba na sa unang palapag ng bahay.
Hindi pala talaga biro itong ginagawa niya... ang maging isang impostora. Parang itinataya na rin niya ang buhay niya sa diyablo!