bc

KUMANDER ALLHEAN

book_age16+
9.7K
FOLLOW
94.4K
READ
billionaire
spy/agent
revenge
love-triangle
age gap
friends to lovers
brave
tragedy
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

"General! Inatake tayo ng mga rebelde!"

"Ano?! Honey, mag-impake ka, bilis!"

"Naku! Ang ganda niya Fidel, sino kaya ang mga magulang niya?"

"Saka na iyang mga tanong mo Rosa, kailangan na nating makalayo dito. Akin na ang sanggol."

"General, si doktora lang ang survivor that day at wala rin akong nakitang baby. Sa tingin ko si doktora lamang ang makasagot ng lahat General."

"Allhe, halika na! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang pumunta dito na mag-isa?"

"Dahil na naman ba sa mga rebelde, Tay?"

"Masasama po ba ang mga rebelde, Tay? Hindi po ba sila tao?"

"Tao ang mga rebelde, pero masasama sila. Kalaban sila ng mga sundalo."

"'Yung sundalo, Tay. Mababait ba sila?"

"Oo, sila ang nagprotekta sa mga tulad nating ordinaryong tao lang."

"Hmmm ... paglaki ko, Tay. Gusto kong maging sundalo. Para maprotektahan ko kayo ni Nanay at ang ating mga kabaryo. Nang sa ganoon ay hindi na tayo panay takbo."

"Kung gusto mong maging sundalo ay mag-aral kang mabuti. Hindi iyong panay ang punta mo dito sa gubat."

"Tay, Nay! May sorpresa akong dala para sa inyo. Chaadaan."

"Nay, para rin naman po ito sa inyo, eh. Gusto ko kayong maprotektahan ni Tatay at ang ating mga kabaryo. Isa pa, Nay. Apat na taon lang naman iyon."

"Ano ba?! Dahan-dahan! Magasgasan mo iyang maleta ko. Mahal pa iyan sa buhay mo!"

"Huwag mong gawin iyan!"

"Sino ka?! Bakit ka nakikialam?! Hindi mo ba ako kilala?"

"Isa lang akong mahirap na mag-aaral na tulad rin niya. At wala akong pakialam kung sino ka. Hindi naman yata tama at hindi makatao na padilaan mo ang maliit na dumi, puwede namang punasan lang ng maayos."

"Hindi ako sigurado kung akin 'yan. Pero nakuha ko iyan sa nasusunog naming kubo."

chap-preview
Free preview
Chapter 1- ALLHEAN IS MISSING
"Honey, mabuti siguro kung dito ka na lang. I worry about you and our baby," turan ni Albert Sirocco. Na isang Commanding General of the Philippine Army (CGPA) "Honey, gusto kong makatulong sa ating mga sundalo at sa mamamayan. Isa pa, nandyan ka naman hindi ba?" tanong ni doktora Sheann Sirocco. At buntis ito ng pitong buwan sa first baby nila. Layunin niyang makatulong sa mga mahihirap at magserbisyo ng libre. Isa siyang volunteer doctor at hindi tumatanggap ng bayad. Kontento na siya sa yaman ng kanilang pamilya. Walang nagawa si General Sirocco, kung hindi ibigay ang gusto ng asawa. At isa pa, sanay na siya na lagi itong kasama kung saan-saan siya nadistino. High school pa lang nagsimula ang kanilang relasyon. At sabay silang nag-graduate sa kolehiyo. Agad rin silang nagpakasal. After a years nang kanilang pagsasama ay saka pa nabutis si doktora Sheann. Kasabay noon ang pagka-promote niya bilang 'Commanding General of the Philippine Army (CGPA)' Para sa mag-asawa ay swerte ang kanilang magiging unang anak. MINDANAO JOLO, SULU mountains off Danag village in Patikul town in Sulu province. Dito napadpad ang mag-asawang Sirocco, kasama ang kanilang matalik na kaibigan na si Major General Jayme Samonte. Ilang buwan rin silang namamalagi sa naturang probinsya. At dalawang buwan na rin ang nakalipas nang magsilang si doktora Sheann. At hindi muna ito nagtrabaho at upang maiwasan ang pagkabagot ay naisipan niyang magburda ng pangalan ng kanilang anak. At sa lampin niya ito inilagay. 'BABY ALLHEAN SIROCCO' "Hi, honey!" bati ng kaniyang asawa na kakauwi lang ng kampo. "Hello, hon! Tingnan mo ito maganda ba?" "Hmmm ... 'BABY ALLHEAN SIROCCO' yes hon, maganda. Tulog ba si baby Allhe?" "Oo. Ay! Ayan! Gising na ang baby ni Daddy," aniya dahil biglang umiyak ang sanggol. "Oist! Maghugas ka muna ng kamay," sita niya sa asawa dahil akmang hahawakan nito ang anak. "Tapos na, hon." "Honey, tingnan mo nga yang birthmark ni baby, parang lumaki." "Really?" tugon nito at tiningnan ang birthmark sa dibdib at nasa lift side ito na parte. "Oo nga 'no?" aniya. "Pag-uwi natin sa Manila ay papatingnan natin iya — Ano 'yon?!" tarantang tanong ni doktora. Matapos marinig ang sunod-sunod na putok. May sunod-sunod na katok mula sa labas ng kanilang kuwarto. "General! Inatake tayo ng mga rebelde!" "Ano?! Honey, mag-impake ka bilis!" "Okay — Okay!" Ibinalot niya ang sanggol sa lampin at inilagay niya ito sa baby career belt bag. Suot rin ng sanggol ang locket necklace na may picture nilang tatlo. "Honey, ready ka na ba?" "Oo, hon!" "Mauna na kayo sa Manila at susunod na lang ako." "Okay, pero mag-iingat ka dito." "Oo, ingatan mo ang baby natin okay? I love you!" "I love you too!" "Doktora, dito tayo sa likod dumaan!" Tumakbo ito na hawak ang kaniyang sanggol at may dalawang sundalong naka-escort sa kaniya. Patuloy ang putukan sa buong paligid at may mga pagsabog rin ng mga granada at bomba. Makalumang estilo ng air force helicopter ang kanilang sinakyan at nasa gilid siya nakaupo. Wala na sa isip ni doktora Sheann, kung naikabit ba niya ang lock sa career bag ng kaniyang anak. Sapagkat naglalakbay na ang kaniyang isip. Nasa himpapawid na sila at katamtaman na ang layo mula sa lupa. Bigla silang pinaulanan ng bala "Ohh!" boses ni doktora at natamaan ang kaniyang balikat at dibdib. Nabitawan niya ang sanggol at nahulog ito. "B-ba-by ... ko!" huling sambit niya bago nawalan ng malay. "Doktora! Doktora!" paulit-ulit na sambit ng piloto at hindi nito alam na nahulog pala ang sanggol. Patay rin ang dalawang escort nito. SAMANTALA patuloy ang takbo nang mag-asawang Fabiano. "Diyos ko! Bakit ngayon pa ito nangyari?!" reklamo ni Rosario Fabiano, na kagagaling lang nila sa bayan. "Huwag kang maingay diyan! Baka marinig tayo!" bulong ng kaniyang asawa na si Fideliano Fabiano. "Doon tayo magtago!" turo ni Rosario. Halos pagapang nilang tinungo ang malaking puno at doon sila pansamantalang nagkubli. Isang iyak ng sanggol ang kanilang narinig. "Ano iyon?!" gulat na tanong ni Fideliano. "Parang sanggol Fidel," anang asawa nito. Nagpalinga-linga sila sa buong paligid at hindi nila ito mahagilap. Patuloy naman ang pag-iyak ng sanggol. "Diyos ko! Fidel, tingnan mo," sabay turo niya sa ibabaw ng puno. "Bata ba iyan? Paano iyan napunta sa itaas?" pagtatakang tanong nito. "Hulog yata ng langit sa atin. Fidel, bilis! Akyatin mo!" "Sige, pero doon ka baka mahulog." Sa harap ng digmaan ay sinikap pa rin nang mag-asawa na masagip ang buhay ng isang sanggol. "Naku! Ang ganda niya Fidel, sino kaya ang mga magulang niya?" "Saka na iyang mga tanong mo Rosa, kailangan na nating makalayo dito. Akin na ang sanggol." Papalapit ang giyera sa baryo nila Fideliano, at kailangan na naman nilang lumikas. Upang hindi maipit sa digmaan ng mga rebelde at mga sundalo. Babalik na lamang sila kapag tapos na ang giyera. Ito na ang buhay nilang nakasanayan. "Fidel, paano kung maghanap ang mga magulang nitong sanggol?" "Saka na natin iyan isipin Rosario, iligtas muna natin ang ating mga sarili." CRITICAL ang kalagayan ni doktora Sheann, dahil sa tama ng kaniyang dibdib. Nang malaman ito nang kaniyang asawa ay agad itong umuwi ng Manila . "Honey, lumaban ka alang-alang sa akin at sa anak natin. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin." luhaang sabi ni General Sirocco, habang hinahalikan niya ang kamay nang walang malay na asawa. Tatlong araw na itong naka-ICU, mula noong mabaril ito. At hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Hindi agad nakauwi si General Sirocco, sapagkat malala ang giyera sa Mindanao at hindi niya puwedeng iwan ng basta-basta ang kaniyang kasundaluhan. Ang pahayag ng doctor ay comatose ang kaniyang asawa dahil sa matinding taman nito "Doctor, iyong baby namin kumusta?" "Baby? Ilang taon?" "Two months pa lang doctor." "Walang sanggol na dinala dito." "What?! Pero imposible, kasama siya nang aking asawa at the day." "Mabuti pa siguro General Sirocco, na doon mo itanong sa pilotong nagdala kay doktora Sheann dito." Agad-agad niyang tinawagan ang pilotong naghatid sa kaniyang asawa noong araw na iyon. Wala pang isang oras ay dumating ito. "Nasaan ang baby namin?" tanong ni General Sirocco sa pilotong kakarating pa lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
67.7K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
197.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
325.4K
bc

SILENCE

read
378.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
310.7K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
342.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook