Episode 4-Hey! Come here!

1054 Words
Nasa field na ang lahat ng mga estudyante at unang hamon sa kanila ni Sergeant Major-Romo Lerio, ay ang fifty rounds na takbo sa field. Na bitbit ang kanilang mga belongings at hindi sila titigil hangga't hindi natapos ang fifty rounds. Kaniya-kanaiya ang hiyawan at tawanan ang naganap dahil kinakantiyawan nila ang maraming mga dala. Isa na doon si Louella Zoe, at ang kaniyang grupo. Samantalang si Allhean at Annie ay kunti lang ang dala nila. Hindi maipinta ang mukha ni Louella, sapagkat dalawang maleta ang kaniyang dala. "It's so unfair!" reklamo niya, at puno sa kantiyaw ang inabot ni Louella. "Miss Zoe, hindi bakasyon ang pinuntahan mo, giyera! Everyone, move! " matapang na utos ni SGM. Lerio. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong ni Allhean sa pobre na kaniyang tinulungan. "A-ako s-si Annie V-Valencia!" nakangiti nitong sagot. "Ako naman si Allhean Fabiano, pero Allhe na lang ang itawag mo sa akin." "O-o-okay." "Halika na." Tinulungan niya si Annie at kinuha nito ang isang bag upang hindi mahirapan. Sanay si Allhean sa takbo sapagkat araw-araw niya itong ginagawa sa kanilang probinsiya at ganoon rin si Annie. Unang nagtapos sa fifty rounds ay si Jase Samonte, dahil wala siyang dalang gamit. At sumunod naman sina Allhean at Annie. "Good moves Fabiano, Valencia!" pahayag ni SGM. Lerio at SMA. Hacut. "Thank you, Sir!" tugon ni Allhean. "T-thank you, S-sir!" masayang turan naman ni Annie. At agad napansin ng dalawang Sarhento ang pananalita ni Annie, pagkus hindi naman nila ito agad hinusgahan. Lihim namang napahanga si Jase, kay Allhe. Ngumiti ito sa kaniya at sabay sabing, "Congrats!" At inabot niya ang kaniyang palad. "Salamat! Congrats din!" ganti niya, at sinuklian niya ang ngiti nito. Tinanggap rin niya ang kamay ni Jase. Dahil una silang natapos ay una rin silang nakapag pahinga at magka-roommate sila ni Annie. Masaya siya dahil maprotektahan niya ang kasama na tulad niyang kapos-palad. Sa loob ng kuwarto ay hinatid ang kanilang tig-tatlong uniporme, kasama na ang para sa kanilang sports. Mayroon ding kasamang schedule sa oras ng kanilang klase at kung saan ang room sa bawat subject. At nakasulat rin ang oras ng meals nila, pagtulog, at paggising. Lahat detalyado kaya hindi sila mahirapan. Puwede rin silang lumabas sa gabi, alas-singko hanggang alas-nuwebe ng gabi. Kaya puwede pa siyang mag-part-time-job ng tatlong oras. Kinabukasan alas-sais ng hapon, pagkatapos ng kanilang unang klase ay lumabas si Allhean, para maghanap sana ng trabaho. Subalit napang-abot sila ni Louella sa labas ng gate at may mga kasama itong babae at lalaki sa tanto niya ay isang grupo sila. "Hey! Come here!" tawag sa kaniya ni Louella. Nagpalinga-linga siya sa paligid at hindi pinapansin ang tawag ng kaklase. Nilapitan siya ng mga ito at napaatras naman siya. "Hindi mo ba ako narinig, huh?!" singhal ni Zoe sa kaniya, at bigla siyang itinulak at natumba. Ngunit pipi si Allhe, dahil umiiwas siya sa gulo. Kung tutuusin ay kaya niya ang mga ito. Bigla siyang sinipa ni Zoe. "Hindi mo ba ako kilala huh?!" At muli siyang sinipa. "Sa susunod kung tatawagin kita ay lumapit ka agad!" pahayag nito, at sinipa na naman siya. Ilang beses siyang nakatikim ng sinipa ni Zoe, subalit hindi siya lumalaban na ang tangi niyang pinoprotektahan ay ang kaniyang mukha. "Ano?! Ayaw mong magsalita?!" Biglang hinila ang kaniyang buhok at napaangat ng kaniyang mukha. Akmang susuntukin sana ito ni Zoe, ngunit may biglang pumipigil sa kamay niya. "What are you doing?!" boses lalaki. UMATRAS ang mga estudyante nang makita nila ang lalaking nakauniporme na pang militar; matangkad ito, maskulado ang katawan, matangos ang ilong, at higit sa lahat katamtaman lang ang puti ng balat niya. Sa tanto ni Allhean ay nasa twenty-eight or twenty-nine ang edad nito. "Second day of the school ito na agad ang ginagawa ninyo?! Miss Zoe, hindi ka na bata, stop bullying to others or else, i-report kita!" Umalis ang grupo, ngunit nag-iwan si Louella nang isang matulis na tingin sa kaniya na tila nagbabanta ito. "Are you okay?" "Opo! Salamat." "Jacob Samonte!" Pakilala ng isang lalaking nagtanggol sa kaniya at inilahad ang kamay upang alalayan ang kaniyang pagtayo. "A-Allhean Fabiano," tugon niya at humawak sa kamay ni Jacob. "Next-time, mag-ingat ka at iwasan mo ang grupong iyon," paalala nito sa kaniya. "Okay po! Salamat ulit." "Bago ka dito sa Manila?" "Opo!" "Mag-ingat ka sa labas, maraming lokoloko dito at huwag kang magtitiwala sa kung sinu-sino." "Opo! Tatandaan ko po ang iyong sinasabi, Sir." Tiningnan ni Allhe ang name tag ng uniporme nito. 1LT. Samonte, at tinandaan niya ito. Hanggang sa pumasok na si Jacob sa loob ng academy at si Allhean naman ay tumuloy sa kaniyang lakad. Marami-rami na rin siyang nagpagtanungan na mga tindahan at kainan, ngunit walang bakanteng trabaho. Bigo siya sa unang araw at nagpasya na itong bumalik na sa academy. "K-k-kumusta a-ang p-p-paghanap mo n-ng t-trabo?" salubong sa kaniya ni Annie. "Wala, bigo sa unang araw," matamlay niyang tugon. "H-h-hayaan mo, m-m-marami pang a-araw," pangungumbinsi ni Annie sa kaniya. "Tama ka, Annie." "I-ito p-pala p-pagkain mo A-Allhe. K-kumuha a-ko p-para s-sa 'yo!" "Salamat nito, Annie, ha." At tumawa si Annie. "Oo! K-kain k-kana!" Naawa si Allhean sa bago niyang kaibigan at alam niyang marami pang pangungutya ang pagdadaanan nito. Subalit lihim niyang ipinangako sa sarili na protektahan niya ito. Kinabukasan, sa loob ng canteen ay naunang nakakuha ng pagkain si Annie, at naghanap agad ng upuan. "A-Allhe, d-doon t-tayo!" Sabay turo sa bakanteng lamesa. "Sige, tara!" Inilatag ni Annie ang kaniyang trey sa ibabaw ng lamesa, ngunit biglang dumating sa Louella. At biglang kinabig ang trey ni Annie, at natapon ang kaniyang pagkain. Uminit ang ulo ni Allhean, subalit nagtitimpi lang ito. "K-k-kami d-d-dito! A-a-alis k-k-k-ka d-d-diyan!" boses ni Zoe na ginagaya si Annie. Nakakabinging tawa ang pumaibabaw sa loob ng canteen, at tawa ito sa grupo nila at sa iba pa. Walang kibo na tinulungan ni Allhe, ang kaibigan sa paglinis ng mga kalat. "Annie ito, hati tayo," pagmamagandang loob ni Allhea. "S-s-salamat, A-Allhe." Pinaghatian ng dalawang pobre ang pagkain na good for one person. Ang mahalaga kay Allhe, na parehong mayroong laman ang kanilang mga sikmura. Oras ng kanilang martial arts class, lahat sila ay nasa gitna ng field at hinihintay ang kanilang coach. "O—M—G! Sh*t! Ang cute ni coach..." tili ng mga kababaihan at napalingon naman si Allhean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD