bc

When Raindrops Fall [BOYXBOY]

book_age16+
73
FOLLOW
1K
READ
second chance
others
drama
sweet
bisexual
bold
ambitious
male lead
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Sa paglipat nina Gian at Geoffrey sa kanilang bagong bahay. Naging tahimik at matiwasay ang kanilang pagsasama. Parehas silang malalim ang pag-unawa sa isa’t-isa at pasensya sa bawat isa. Mahal na mahal nina Gian at Geoffrey ang kanilang relasyon. Ngunit, ang tahimik na mundo nilang dalawa ay unti-unting mababago at masisira sa pagdating at paglipat ng ina ni Geoffrey na si Glenda.

Malaki amg galit nito kay Gian dahil sa ayaw niya sa nobyo ng anak. Imoral raw ang ganitong uri ng relasyon na hindi pinahihintulutan ng batas ng tao. Kaya naman sa kaniyang paglipat, gagawin ba niyang miserable ang pagsasama nina Gian at Geoffrey? Anu-ano ang kaniyang gagawin kay Gian upang masira ito sa kaniyang anak? Siya rin ba ang magtutulak kay Goeffrey sa tukso upang magtaksil ang anak sa karelasyon nitong si Gian?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: GIAN
“Mahal, paano kaya kung bumukod na tayo? Tutal parehas na naman tayong mga nasa legal age na. Siguro naman, mauunawaan na tayo ng mga pamilya natin,” habang nakayakap ako kay Geoffrey, napatingin na lamang ako rito nang marinig ko siyang nagsalita. Pinagmasdan ko ang kaniyang mapulang labi at matangos na ilong. Ganun rin sa mga mapupungay nitong mga mata at saka ako sumagot sa kaniyang itinatanong sa akin, “Tama ka, mahal. Nasa legal age na nga tayong dalawa. Matagal na rin tayong nasa ganitong set up. ‘Yong palagi kang nagpupunta rito sa bahay at ganun rin ako sa inyo.” Wika ko. Nakita ko naman itong tumango sa akin matapos kong magsalita sa kaniya. Isang halik sa aking noo ang naramdaman ko sa ginawang iyon ni Geoffrey. “Ano? Payag ka ba na maglive-in tayong dalawa? May naiisip na kasi akong puwede kong inegosyo once na bumukod tayong dalawa.” Bahagya akong napabangon mula sa aking pagkakahiga at isang tingin ang aking ibinigay sa kaniya na tila nagtatanong rito. “Maglive-in tayong dalawa?” balik na tanong ko rito. Tumango naman ito na may ngiti sa kaniyang labi at saka ako nagpatuloy sa aking pagtatanong rito, “anong negosyo naman ang gagawin mo? Makakatulong ba ako sa iyo d’yan, mahal ko?” dagdag kong tanong sa kaniya. Bumangon naman si Geoffrey mula sa kaniyang pagkakahiga at umayos ng upo at saka ito nagsalita sa akin, “Mahal, oo naman. Puwedeng-puwede mo akong tulungan. Hindi lang naman sa akin ang negosyo na itatayo ko – kundi para sa iyo na rin, para sa future nating dalawa. Kaya kung ano man ang mayroon ako, sa iyo na rin ang mga iyon.” Napayakap na lamang ako kay Geoffrey matapos nitong magsalita sa akin. Ngayong nakaplano na ang aming pagbukod at pag-alis sa sarili naming mga pamilya. Hindi ko maiwasang matuwa at makaramdam ng ibayong pagkasabik sa pagsasama naming dalawa ni Geoffrey. Ngunit, agad ring nawala ang tuwa sa aking labi nang maisip ko na iiwanan ko na ang aking ina rito sa aming bahay. Nang mapansin ni Geoffrey na nag-iba ang aking reaksyon, agad ko itong narinig na nagsalita sa akin, “Mahal ko, may problema ka ba? Ayaw mo ba na maglive-in tayong dalawa?” sunod-sunod na kaniyang tanong sa akin. Umiling naman ako sa kaniya at tumingin bago ako nagsalita upang bigyan kasagutan ang mga katanungan niyang iyon. “Hindi sa ayaw ko, mahal. Iniisip ko lamang na maiiwan ko rito ang nanay ko. Saka, iniisip ko rin na baka mas lalong magalit sa akin ang nanay mo.” Saad ko. Hindi ko maiwasang sabihin ang bagay na iyon kay Geoffrey, dahil sa umpisa pa lamang ay ayaw na talaga sa akin ng kaniyang ina. Sa halos tatlong taon na naming magnobyo, kahit na minsan ay hindi ko naramdaman sa kaniyang ina na tanggap ako bilang partner ng kaniyang anak. Sa tuwing pupunta ako sa kanilang bahay upang dalawin si Geoffrey, palagi niya akong ipinagtatabuyan at kung minsan ay, ipinapahiya pa sa mga kapitbahay nila. Hindi ko na lamang iyon sinasabi pa kay Geoffrey, dahil ayoko rin na mag-away silang mag-ina ng dahil sa akin. Kaya naman, tinitiis ko na lamang ang mga ginagawa sa akin ni Aling Glenda dahil sa matinding pagmamahal ko sa kaniyang anak. Inuunawa ko na lamang siya marahil kaya niya lamang iyon nagagawa, siguro ay dala na rin ng pagkakaroon ng edad. Napabalik na lamang ako sa aking ulirat nang maramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ni Geoffrey, at napatingin ako sa kaniyang ginawa. “Mahal ko, puwede mo namang dalawin rito ang nanay at kapatid mo o kaya naman, puwede mo silang papuntahin roon,” tumango naman ako sa kaniyang isinagot sa akin, “tungkol naman sa nanay ko, h’wag mo na siyang alalahanin. Wala naman siyang magagawa sa desisyon na gagawin ko. Tayong dalawa lang ang magsasama, mahal ko.” Nang marinig ko iyon kay Geoffrey, tila nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang ikinaga-galit at ikinai-inis sa akin ng kaniyang ina. Matapos iyon, agad akong nagtanong rito upang malaman kung kailan kami bubukod na dalawa. “Mahal, tanong ko lang. Kailan ba tayo lilipat na dalawa? Hindi pa naman tayo nakakapaghanap ng bahay na malilipatan natin.” “Bukas, aalis na tayong dalawa, mahal ko,” nagulat ako sa sinabing iyon sa akin ni Geoffrey. Nang wala itong narinig na sagot sa akin, kinuha niyang muli ang pagkakataon na iyon upang makapagsalita muli, “kaya naman, gusto kong kausapin ang Nanay Janet mo para kausapin at ipagpaalam ka.” Hindi pa naman ako nakakasagot sa kaniya nang bigla na lamang ako nitong hinawakan sa aking kamay at marahan na hinila palabas ng aking kwarto. Nang makalabas na kami ng aking silid, agad naming tinungo ang sala kung saan kasalukuyang naka-upo ang aking ina. “’Nay Janet,” pagbanggit ni Geoffrey sa pangalan ng aking ina. Napatingin naman ito sa amin at napahinto sa ginagawa niyang pagtatahi, “may nais lang po akong sabihin sa inyo. Sana po ay payagan ninyo kami sa ginawa naming desisyon ni Gian.” Napatingin ako kay Geoffrey at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa aming gagawin. “Ano ba ‘yong sasabihin ninyo sa akin? Basta na walang masamang maidudulot sa inyo amg gagawin ninyong desisyon sa buhay, suportado ko kayong dalawa.” Napangiti naman ako matapos sabihin iyon sa amin ng aking ina. “Napagkasunduan po kasi naming dalawa ni Gian na maglive-in at lumipat sa ibang bahay. Tutal po, parehas na kaming nasa legal age. Gustong-gusto ko na po kasing makasama itong anak ninyo. At sana po, pahintulutan po ninyo ang aming pagpapaalam sa inyo.” “Anak, Geoffrey, tiwala naman ako sa mga desisyon ninyo ng anak ko. Walang kaso sa akin kung bubukod o maglilive-in kayong dalawa. Ang ikinababahala ko lamang ay… kung papayag ba ang Nanay Glenda mo? Alam mo naman na ayaw niya sa anak ko hindi ba?” Napayuko na lamang ako ng deretsahang sinabi iyon ng aking ina kay Geoffrey. Naramdaman ko namang napangiti si Geoffrey sa kaniya at habang nakayuko ako, narinig kong nagsalita at sinagot ang tanong niyag iyon. “’Nay Janet, wala naman pong kaso sa akin iyon. Wala na rin po siyang magagawa sa desisyon ko. Malaki na ako at may sariling pag-iisip, hindi niya na ako puwedeng kontrolin pa at ang mga desisyon ko sa buhay.” Bahagya akong nagtaas ng aking tingin ng matapos sabihin iyon ni Geoffrey sa aking ina. Dahan-dahan naman napatingin sa aking ina at nakita ko itong tumatango-tango habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Geoffrey. “Kung wala na akong dapat pang ikabahala at ipag-alala sa inyo. Pumapayag na ako sa nais ninyong dalawa. Pero, Geoffrey, huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko. Mahal na mahal ko iyan, dahil kapag bumalik sa akin ‘yan ng umiiyak. Pasensyahan tayo, ako ang makakalaban mo.” Nagulat ako ng biglang itinaas ni Geoffrey ang kaliwang kamay nito at tila sumusumpa soya sa harapan ng aking ina. Nang makita ko iyon, bahagya akong natawa sa ginawa niyang iyon sa aming harapan. “Pangako ko po. Hinding-hindi ko sasaktan si Gian. Palagi ko po siyang mamahalin at poprotektahan sa lahat. Makaka-asa po kayo sa akin, Nanay Janet.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

NINONG III

read
360.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook