CHAPTER 5: GEOFFREY

1241 Words
Kina-umagahan ay sabay kaming gumising ni Gian. Nagsabay rin kaming kumain na dalawa habang patuloy kami sa aming pagkukuwentuhan na may mga ngiti sa aming mga labi. Matapos naming kumain na dalawa, ay nagtungo naman kami sa palikuran upang sabay rin na maligo. Kahit gaano kong gustong halikan at hawakan ang katawan ng taong mahal ko, pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Bukod sa medyo mahuhuli na sa kaniyang pasok si Gian, ay pinigilan ko rin ang aking sarili dahil mayroon akong respeto sa taong minamahal ko. Matapos ang aming pagligo, mabilis kaming magbihis na dalawa. At nang nasa pintuan na kaming dalawa ni Gian, bago kami lumabas na dalawa – isang matamis na halik sa kaniyang labi ang aking ginawa at sabay sabi na, “Mag-iingat ka, mahal ko, sa pagpasok mo sa trabaho. Saka ‘wag kang kakausap ng mga guwapong customer ninyo ha? Mayayari sa akin ang mga iyon. Dapat, sa akin lang ‘yang mga mata. Maliwanag ba?” kahit pabiro ang aking pagsasalita kay Gian. Naroon pa rin sa tono ng aking pagsasalita ang sensiridad at seryoso sa mga iyon. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin nito kaya naman agad rin akong napayakap sa kaniya ng mahigpit. “Opo, sa iyo lang ako. Ikaw lang rin ang lalaki na palagi kong lilingunin sa lahat ng oras at pagkakataon. Ikaw lang rin ang lalaking mamahalin ko at wala nang iba pa.” Matapos magsalita ni Gian sa akin at marinig ang nakakatuwa at nakakakilig na mga salita. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mahalikan ito ng marahas, mahigpit ko ring inilapit ang kaniyang bewang sa akin. Habang patuloy ako sa aking paghalik sa kaniya, agad ko ring pinigilan ang aking sarili dahil sa wala na kaming oras pareho. Makalipas ang ilang segundo, ay kapwa namin inayos ni Gian ang aming mga sarili bago kami lumabas ng aming bahay. Nang makalabas na kaming dalawa, tanging pagkaway na lamang ni Gian ang aking nakita habang patuloy ito sa paglalakad papasok sa kaniyang trabaho. Tanging pagngiti na lamang ang aking nagawa habang pinagmamasdan ang aking mahal papalayo mula sa akin. Nang tuluyan na itong nawala sa aking paningin ay napagdesisyunan ko na magtungo na sa aking talyer upang tignan at bisitahin ang aking mga tauhan. Habang papalapit ako sa talyer, isang babae ang aking nakikita habang nagsisisigaw ito sa isang tauhan ko sa talyer. Kaya naman, nang makita ko ito ay agad akong nagmadaling maglakad upang makita ang nangyayari roon. “What’s going on here, Jeff?” agad na pagtatanong ko kay Jeff nang makalapit ako sa kanila. Napahinto naman ang babae sa pagsigaw niya kay Jeff nang makita ako nito. Napakamot naman sa kaniyang ulo si Jeff bago ito nagsalita upang sagutin ang tanong ko sa kaniya, “Sir, ito po kasing si Ms. Bea, nagagalit sa akin, e. Nagagalit kasi hindi ko raw maayos ‘yong engine ng sasakyan niya. Paano ko naman ho maaayos ‘yon, hindi naman po siya rito nagpagawa noong nasira ang sasakyan niya.” Wika ni Jeff sa akin. Sa sinabing iyon sa akin ni Jeff, agad na napalingon ang babae sa kaniya at agad na tumaas ang kilay nito sa aking tauhan. “Ano pa bang silbi ng talyer na ‘to at ikaw, kung hindi mo – ninyo kayang ayusin ang sira ng sasakyan ko? Kahit hindi ako sa inyo unang nagpagawa, dapat alam ninyo ‘yan! Mga tanga ba kayo –” hindi ko na pinatapos pa ang babae sa kaniyang pagsasalita nang marinig ko ang hindi magagandang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Kaya naman, agad akong nagsalita rito upang ipaliwanag sa kaniya ang nais iparating ng aking tauhan. “Wait, Ms. Bea, hindi naman ho ata tama ang mga sinasabi ninyo sa tauhan at talyer ko. If we cannot give you the satisfaction that you are looking for, you have the chance to choose kung kanino ninyo gustong magpagaea ng sasakyan. “Also, we have the right to refuse services sa mga taong walang respeto at paggalang sa iba. Hindi rin ho kami manghihinayang sa isang customer na matapobre. Ayon lang ho. At sana, naunawaan ninyo ang ibig kong sabihin,” saad ko sa kaniya at ngumiti ako ng bahagya rito upang hindi niya mahalata ang aking pagkainis sa ginawa niyang pangmamaliit kay Jeff at sa talyer ko. Nakita ko na lamang na napa-iling si Bea matapos kong magsalita sa kaniya. Maya-maya pa ay napahinga na lamang ito ng malal at saka nagsalita, “Okay! Am so sorry, I didn’t meant to say those words that I shouldn’t say. Naiinis lang ako dahil hindi niya maayos ang sasakyan ko. I have important meeting to attend to, as well.” “Okay, I understand,” saad ko, agad akong napalingon nang makita ko ang aking kapatid na papalapit sa amin, kaya naman agad akong nagsalita kay Jeff na siya na muna ang umasikaso kay Bea, “Jeff, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Paratin kasi ang kapatid ko.” Matapos kong magsalita ay agad rin akong naglakad upang salubungin ang aking kapatid. Nang makita ako nito, agad itong ngumit sa akin at nang makalapit na sa akin si Hannah ay agad siyang yumakap sa akin. Napaganti na rin ako ng yakap sa kaniya. “O? Bakit ka naparito? May kailangan ka ba?” sunod-sunod na pagtatanong ko sa aking kapatid. Dahan-dahan naman siyang humiwalay sa akin at agad kong nakita ang biglang paglungkot ng kaniyang mukha. “Kuya, hindi naman ako nagpunta rito dahil sa may kailangan ako. Hindi ba puwede na dumalaw ako, kasi nami-miss kita?” bakas sa kaniyang boses ang pagtatampo, kaya naman agad kong hinimas ang kaniyang ulo na siya namang ikina-inis ng aking kapatid, natawa naman ako sa naging reaksyon nito, “totoo niyan, Kiuya Geo, kaya ako nagpunta dahil nabalitaan ko na nagpunta rito si mama. “Hindi na ako magtatanong kung ano ang ginawa niya. Dahil parehas naman nating alam, kuya, na ayaw niya kay Kuya Gian. Plus, gusto kasi ni mama na nandun ka lang sa bahay. Wala kasi siyang mauuto.” Mahabang pagsasalita ni Hannah sa akin. Sa mga sinabi niyang iyon, hindi ko magawang makapagsalita dahil ang lahat ng iyon ay totoo. “Hannah, matatanggap rin ni mama si Kuya Gian mo. Hintay lang tayo, lalambot rin ang puso nu’n kay Gian.” Saad ko sa aking kapatid. Napa-iling naman siya at sabay taas ng kaniyang balikat sa akin. “Hindi ko alam, Kuya Geo. Mahirap man tanggapin at unawain si mama. Pero nakikita ko na malabo na mangyari ang bagay na ‘yon. Kung tutuusin, nandidiri si mama sa inyo. Pero ako, suportado ko kayong dalawa ni Kuya Gian. Dahil alam ko na iyan ang magpapasaya sa inyo, sa iyo – na kuya ko.” Matapos magsalita ni Hannah sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mayakap ito. Sa mga sinabi niya, nagkaroon ako ng lakas ng loob para ipaglaban si Gian mula sa aking ina. Pakiramdam ko rin ay mayroon na akong kakampi bukod kay Gian at sa kaniyang ina. Makalipas ang ilang minuto, inaya ko ang aking kapatid na kumain sa malapit na gotohan. Inaya ko siya kung saan malapit na pumapasok ang Kuya Gian niya, siyempre ginawa ko rin iyon upang makita ang aking mahal sa kaniyang pinagtatrabaho-han. Alam ko na magugulat iyon kapag nakita niya kaming dalawa ni Hannah na magiging customers niya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD