CHAPTER 4: GEOFFREY

780 Words
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwaksi sa aking isipan ang mga pagbabantang iniwan sa akin ng aking ina bago siya umalis sa aming bahay ni Gian kanina. Sa mga salita niyang matatalim, tiyak ko na gagawin niya talaga ang mga iyon. Kilala ko ang aking ina, mayroon siyang isang salita, na hinding-hindi mababali at maiiba ng kahit na sino man. At habang pinagmamasdan ko siya kanina habang patuloy na nagagalit sa akin, hindi ko maiwasang matakot sa kaniya. Aaminin ko, kahit nasa trenta-taong gulang na ako, naroon pa rin ang takot ko sa aking ina. Lalo pa’t kapag naririnig ko itong sumisigaw sa galit. Ngunit, mas dumoble ang takot na aking nararamdaman para sa aking nobyo na si Gian. Hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa kaniya ng aking ina. Nabasag na lamang ang aking pagmumuni-muni nang marinig kong magsasalita si Gian at mahina akong tinatapik nito sa aking dibdib. Dahil sa kaniyang ginawa, bahagya akong nagulat at agad na napatingin sa kaniya. Bakas sa mukha ni Gian ang pagkalito dahil sa naging reaksyon ko sa naging pagtawag nito sa akin. “Ayos ka lamang ba, Mahal ko? Bakit parang ang lalim naman ata ng iniisip mo ngayon?” bakas sa tono ng kaniyang boses ang pagtataka, maya-maya ay muli itong nagsalita sa akin, “inaantok ka na ba? Kung inaantok ka na, sige. Matulog na tayo, alam ko na pagod ka rin sa maghapon mong pagtatrabaho sa talyer,” wika ni Gian. Nang matapos itong magsalita, dahan-dahan kong hinila palapit ang kaniyang katawan sa akin. Nang mas maramdaman ko ang kaniyang katawan sa akin, ay saka ko naman ito inakap ng mahigpit at binigyan ko ng isang marahan na paghalik sa kaniyang ulo at saka ako nagsalita sa kaniya, “Ano ka ba, Mahal ko? Kapag ikaw ang katabi ko – kahit gaano ako kapagod sa trabaho ko… “…nawawala iyon. Ikaw kaya ang pahinga ko. Kaya, bakit ako mapapagod kung nariyan ka naman?” saad ko, nakita ko namang bahagyang napatingala sa akin si Gian, kaya agad kong kinuha ang pagkakataong iyon upang mahagkan ko ang kaniyang labi, “naaadik talaga ako sa labi ng mahal ko. Bukod sa malambot pa ang labi, sobrang tamis pa,” pagpapatuloy ko. Natawa naman si Gian sa aking sinabi. Maya-maya ay nagulat na lamang ako sa ginawa ni Gian sa akin, bigla na lamang niyang kinagat ang ibaba kong labi dahilan upang mapa-ungol ako sa sakit na aking naramdaman dulot na kaniyang ginawa. Ilang segundo matapos alisin ni Gian ang kaniyang ngipin sa aking ibabang labi. Bakas sa kaniyang mukha ang kakaibang saya dahil sa kaniyang ginawa. Habang ako naman ay bahagyang napa-iling sa kaniyang ginawa. “Ikaw kasi, e. Masyado kang manyak. Bigla-bigla kang nanghahalik na wala man lang pasabi sa akin,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan na lumapat sa aking dibdib, “papayag naman ako kung nagtanong ka na hahalikan mo ako. Nabibigla ako sa mga desisyon mo sa buhay, e!” natatawa nitong pagsasalita sa akin. Matapos iyon ay mahigpit kong inakap si Gian palapit sa akin. At saka muli akong nag-open ng bagong usapan sa pagitan naming dalawa. “Siya nga pala, kumusta ang unang araw sa trabaho mo d’yan sa kabilang kanto? Maayos naman ba ang trato sa iyo ng mga kasama mo? ‘Yong may-ari, mabait naman ba?” sunod-sunod na pagtatanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga na ginawa ni Gian bago ito sumagot sa mga naging tanong ko sa kaniya. “Honestly, nahihiya pa ako sa kausapin sipang lahat. Pero, pakiramdam ko naman ay mababait ‘yong mga kasama ko sa trabaho. Siyempre, unang araw at unang beses pa lang naman namin na magkita-kita at magsama-sama sa trabaho. “Tungkol naman sa boss o ‘yong may-ari ng pinapasulan namin – sa totoo lang, mabait naman siya, maalalahanin at medyo may pagkastrict lang. Pero, siguro mahuhuli rin namin loob nu’n kapag nagtagal-tagal na.” pagpapatuloy ni Gian sa kaniyang pagkukuwento. Matapos magsalita ay napatango na lamang ako sa kaniya. “Ako naman, sa unang araw na pagbubukas ng talyer, naging abala ako, maging ‘yong mga tauhan ko roon. Dumagsa agad ang mga nagpapalinis, nagpapa-ayos ng sasakyan nila. Masaya ako kahit pagod sa trabaho, dahil nakikita ko ‘yong unti-unting pagsisimula ng negosyo na itinayo ko para sa ating dalawa, mahal ko – para sa kinabukasan ng magiging pamilya natin.” Matapos kong magsalita, ay marami pa kaming napag-usapang dalawa ni Gian. Ngunit, hindi namin namalayan ang oras at maya-maya lamang ay unti-unti naming nararamdaman ang pagbigat ng aming mga talukap sa mga mata namin. Kaya naman, agad kaming nakatulog na dalawa habang nakayakap sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD