CHAPTER 2: GIAN

1070 Words
“Wow! Hindi ko inakala na may bahay ka na pa lang nakuha bago pa tayo magdecide na bumukod na dalawa,” hindi ko maiwasang mamangha dahil sa simple at maayos na bahay na nabili ni Geoffrey para sa amin, “kailan mo pa ito nabili? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may ganito ka na pa lang plano.” Pagpapatuloy ko. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa paglilibot ng tingin sa bahay, at maging sa paligid ng bahay na nabili ni Geoffrey. “Hindi ko talaga sinabi sa iyo na may nabili na akong bahay. Nagmula iyan sa ipon ko, dahil gusto kong patunayan sa iyo na kaya kitang panindigan sa gagawin ko.” Nang marinig ko iyon, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinabing iyon sa akin ni Geoffrey. Bahagya akong lumapit sa kaniya at agad kong pinagsaklob ang aming mga kamay. “Tara, tignan natin ‘yong loob, mahal,” hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot nang bigla ko itong hinila papasok ng bahay, “siya nga pala, medyo malapit rin sa amin itong bahay na nabili mo.” Dagdag ko. Nang makapasok na kami sa bahay, naramdaman ko ang paghalik sa aking labi ni Geoffrey. “Talagang naghanap ako ng malapit sa inyo, para sa ganu’n, puwedeng-puwede mong mapuntahan ang nanay at kapatid mo,” wika nito sa akin. Napatango naman ako sa kaniya at hinintay ang susunod nitong sasabihin sa akin, “nagustuhan mo ba ang bahay na ito? Kagagawa pa lang raw nito noong ayawan ng may-ari. Dahil ang sabi sa akin, naghiwalay raw ‘yong dapat na titira rito.” Habang nakatingin ako kay Geoffrey, hindi ko maiwasan ang mapakunot-noo sa sinabi niyang iyon sa akin. “Naghiwalay? Bakit naman? Sayang naman ‘yong bahay na ipinagpagawa nila rito tapos maghihiwalay lang sila.” Hindi ko maiwasang makaramdam ng ibayong lungkot sa sinapit ng dalawang tao na dapat ay sila ang titira rito sa bahay na aming lilipatan. Kung ako siguro ang nasa kalagayan ng mga iyon baka hindi ko nakayanan ang sakit, bukod pa roon, araw-araw nilang makikita ang bahay na parehas nilang pinagsumikapan na buuin. Ngunit, mauuwi naman sa wala ang relasyon nilang dalawa. “Nakakalungkot nga ang nangyari sa kanila,” narinig kong sagot ni Geoffrey sa akin, napatingin naman ako sa kaniya, “sabi kasi nu’ng nagbenta sa akin, ‘yong lalaki raw ang nagloko. Tulad natin, kabilang rin sila sa third-s*x relationships. ‘Yong guy raw ang hindi nakatiis at nakipagrelasyon sa iba habang in relationship sa current partner nito.” Wika niya. “Nakakalungkot nga talaga. Mahal ko, sana huwag dumating sa punto na sapitin natin ang nangyari sa kanila. Kasi, hindi ko alam kung makakaya ko ba na masaktan ng matindi. Hindi ko rin alam kung makakaya ko bang makita ka sa piling ng iba.” Pagsasalita ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin iyon kay Geoffrey. Lalo na sa bahay na ito, dito nagsimula na masira ang relasyon ng mga taong tunay na nagmamay-ari sa bahay na ito. Matapos iyon, naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Geoffrey sa aking mukha. “Mahal ko, hinding-hindi ko gagawin iyon sa iyo. Mahal na mahal kita, tatlong taon na tayong magnobyo. Pero, kahit ni minsan, hindi ako naghanap ng iba.” Sa mga sinabing iyon sa akin ni Geoffrey, tila nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. Nawala ang magsisimulang agam-agam sa aking puso. Nabura rin sa aking isipan ang posibilidad na baka sapitin naming dalawa ni Geoffrey ang nangyari sa owner ng bahay na ito. Nang wala itong nakuhang sagot mula sa akin, muli itong magsalita ako at ipinagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi sa akin kanina. “Kaya kung ano man ang nasa isipan mo. Alisin mo na iyan, dahil wala na akong mahahanap na tulad mo. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko magpakailaman at habang nabubuhay ako. I will always keep my promises to you.” Matapos magsalita ni Geoffrey, agad akong yumakap ng mahigpit sa kaniya habang magkahawak ang aming mga kamay. Bahagya akong lumayo sa aming pagyakap at ang kamay naman niya ay marahan niyang inilagay sa aking bewang. Maya-maya pa ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sinasagot ang bawat pagdampi ng labi sa akin ni Geoffrey. Isang banayad at matamis na paghalik ang ibinigay muli sa akin ng taong mahal ko. Ilang segundo pa ang lumipas nang humiwalay ako sa aming halikan. “Sandali, mahal ko. Mag-aayos pa tayo hindi ba? Tara na, mag-ayos na tayo. Baka kung saan pa tayo humantong nito,” hindi ko maiwasang matawa at mapakamot sa aking ulo ng bahagya kong binitin si Geoffrey sa aming ginagawa. Matapos iyon, nakita ko na lamang napangiti sa akin si Geoffrey habang umiiling ito sa akin. “Oo na po, mahal ko. Sabi ko nga po, mag-aayos na tayp ngayon.” Agad kong dinampot ang unan na nasa aking tabi at agad na ibinato sa kaniya. Nagulat naman ito dahil sa aking ginawa kaya agad rin siyang gumanti sa akin ng bato ng unan. Ilang minuto pa ang lumipas nang tumigil kami sa aming ginagawang pagbabatuhan ng unan at muli kong ibinalik ang mga iyon sa lalagyan nila. “By the way, mahal ko. May sasabihin pala ako sa iyo.” Napatingin naman sa akin si Geoffrey at napahinto sa kaniyang ginagawang pag-uusod ng sofa. “Ano iyang sasabihin mo sa akin, mahal ko? Bigla naman akong kinabahan sa sasabihin mo.” “Hindi lang ikaw ang may supresa, maging ako rin. Kahapon kasi, lumabas ako para bumili ng pagkain namin. Sakto, may nakita akong hiring d’yan sa malapit na coffee shop at gotohan. Ayon, nag-apply ako at natanggap naman ako. Bale, parehas tayong kakayod para sa kinabukasan nating dalawa.” Nakita kong naglakad papunta sa akin si Geoffrey habang may ngiti ito sa kaniyang labi. Nang makalapit na ito, agad niyang pinisil ang aking pisngi. “Mahal, hindi mo naman kailangan gawin ‘yon. Gusto kong pagsilbihan ka sa abot na aking makakaya. Pero kung ayon ang desisyon mo, susuportahan kita.” Nang marinig ko iyon kay Geoffrey, marahan ko itong hinalikan sa kaniyang labi na may buong pagmamahal. Ilang segundo ang lumipas nang humiwalay ako sa aking paghalik sa kaniya. “Salamat, mahal ko. Kaya, mahal na mahal kita.” Matapos iyon, itinuon na namig dalawa ang aming atensyon at oras sa pag-aayos ng aming bagong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD