CHAPTER 3: GEOFFREY

1251 Words
Ilang araw matapos kaming makalipat sa bago naming bahay ni Gian. Sa mga araw na iyon, mabilis naming naayos ang desenyo ng bahay, maging sa labas at loob nito. Masaya rin naming pinagsaluhan ang bawat araw na nagdaan na tila ay bagong kasal kami. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakabukod na kayo ng taong mahal mo mula sa mga sarili ninyong pamilya. Hindi mo na kailangan magpahinga dahil ang nasa isip na lamang ay ang pagtatrabaho para sa kinabukasan. Gusto ko na magtuloy-tuloy itong maayos at masaya naming pagsasama ni Gian. Napabalik na lamang ako sa aking ulurat nang maramdaman ko ang paghalik sa akin ni Gian sa labi habang nakatulala ako sa nag-aayos ng repair shop na aking ipinatayo. “Mahal, magpapaalam na sana ako sa iyo.” Napatingin naman ako sa kaniya at marahan kong hinawakan ang kaniyang pisngi upang pisilin. “Aalis ka na? Ang aga naman at ng pasok mo ngayon, mahal ko?” sunod-sunod na pagtatanong ko rito habang patuloy ako sa pagpisil sa kaniyang pisngi. Hinawakan naman ni Gian ang aking mga kamay na nakahawak sa kaniyang pisngi, at marahan itong ngumiti sa akin, “Oo, mahal. Kailangan kong agahan dahil first day ko sa papasukan ko. Ayoko naman mapagalitan ako roon kabago-bago ko pa lang, e.” Wika nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi at marahan kong inilapit ang aking labi sa kaniya. Ilang sandali pa, marahang sinasagot ni Gian ang bawat pagdampi ng aking labi sa kaniya. “Sige na, mahal. Baka mahuli pa ako sa oras ko. Kita na lang tayo mamaya. Mahal na mahal kita.” Saad nito. Hindi niya na hinintay pa ang aking sasabihin nang matapos itong magsalita ay agad rin lumabas ng bahay. Napa-iling na lamang ako sa pagmamadali ni Gian sa kaniyang pagpasok. Hindi naman kalayuan ang kaniyang papasukan, marahil ay excited lamang siya sa kaniyang magiging trabaho. Ilang minuto pa ang lumipas, lumabas ako ng bahay at lumipat sa kabilang garahe upang tignan at bisitahin ang mga tauhan kong nag-aayos ng aming repair shop. Nang marating ko na ang lugar na iyon, bumungad sa akin ang isang maayos at malinis na talyer. Napangiti ako sa aking nakita at nang mapansin ako ng isa sa aking tauhan, ay agad itong lumapit sa akin at masayang nagsalita, “Sir Geoff, tapos na po ang talyer ninyo. Bukas na bukas ay puwede na itong magbukas at tumanggap ng mga customer.” Napalingon naman ako sa taong nagsalitang iyon at isang tapik ang aking ginawa sa kaniyang balikat. “Nice job, Jeff. Sige na, magpahinga na kayo ng mga kasama mo. Dahil bukas, for sure, may mga customer na tayo.” Tanging pagtango na lamang ang nagawa sa akin ni Jeff at matapos iyon, ay muli itong bumalik sa kaniyang mga kasama. Naglakad naman ako papasok sa loob at marahan kong inilibot ang aking tingin sa buong paligid. Hindi ko maiwasang matuwa sa aking nakita at sa wakas, ang isa sa pangarap ko ay natupad ko na. Ang talyer na ito ang magbibigay suporta sa mga pangangailangan naming dalawa ni Gian. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman habang patuloy ako sa ginagawang paglilibot ko, hindi pa rin magawang maiproseso ng aking isip na sa wakas ay nakapagpatayo ako ng sarili kong talyer na walang tulong mula sa aking pamilya. Wala sa aking loob ng mapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang loob ng talyer at mga kagamitang naka tabi. Nang mapansin ako ng aking mga tauhan, naramdaman ko ang kanilang paglapit sa akin. “Boss, ang ganda po ng talyer ninyo.” “Oo nga, e. Pero, ako ang dapat na magpasalamat sa inyo. Dahil sa pagpupursige ninyong mapa-ayos at mapaganda itong lugar na ‘to,” isang tapik naman ang aking ginawa sa kanilang balikat at saka ako muling nagsalita, “sige na, umuwi na kayo. Maaga pa tayo bukas.” “Sige po, boss. Tuloy na ho kami.” Tumango na lamang ako sa kanila bilang pagtugon sa pagpapaalam nila sa akin. Nang tuluyan na itong mga nakalabas, muli kong pinagmasdan ang talyer na aking naipundar. Makalipas ang ilang minuto sa aking paglilibot, nang mapagdesisyonan kong bumalik sa aming bahay. Habang naglalakad ako, isang boses ng babae ang aking narinig na nagsisisigaw sa harap ng aming habay. “Hoy! Buksan ninyo ang pintuan! Papasukin n’yo ako, mga walanghiya!” nagulat na lamang ako ng makita ko ang aking ina na nagwawala sa harap ng aming bahay ni Gian. Kaya naman agad akong naglakad palapit sa kaniya upang pigilan siya sa kaniyang ginagawang pag-eeskandalo sa labas ng aming bahay. “Ma! Ano po ba ‘yang ginagawa mo ninyo sa harapan ng bahay namin?” pagtatanong ko rito habang mabilis na lumalakad palapit sa kaniya. Nakita ko naman itong napatingin sa akin nang marinig niya akong nagsalita mula sa kaniyang likuran. “So, totoo nga ang balita ko, Geoffrey?! Hindi ka sumunod sa gusto ko?! Sinusuway mo na ba ako na nanay mo?!” “Hindi sa ganu’n, ma!” saad ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan upang pumasok sa aking bahay. Nang makapasok na kami roon, saka ako nagpatuloy sa aking pagsasalita, “ano po ba itong ginagawa ninyo? ‘Di ba sinabi ko na sa inyo na desisyon ko ito.” “Talagang pinanindigan mo ang pakikipaglive-in d’yan sa boyfriend mong bakla! Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa iyo, Geoffrey! Hindi ko alam na magagawa mo ito sa akin!” napayuko na lamang ako sa naging pagsasalita nito sa akin. “Sorry, ma. Pero, mahal na mahal ko po si Gian, hindi ko po makakaya na mawala siya sa akin. Hindi ako magpaalam sa iyo, dahil alam ko na hindi ka papayag sa gusto ko. I want to settle down and have my own life with someone I love.” Matapos kong magsalita, isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa kaniya. Sa ginawa niyang iyon sa akin, hindi ko napigilang mapaluha dahil sa sakit na aking naramdaman. “Gago! Hindi pagmamahal ang mayroon ka para d’yan sa bakla mong nobyo. Geoffrey, hindi kita pinalaki para maging bakla at makipagrelasyon sa kung sinu-sino d’yan. Gusto ko, babae ang para sa iyo! Babae hindi lalaki. Naiintindihan mo ba ako?!” Napa-iling na lamang ako sa mga masasakit na sinabi niya sa akin, ganun rin sa taong mahal ko na si Gian. All these years, siya lagi ang sinusunod ko – halos lahat ng gustuhin niya ay lagi kong pinagbibigyan. Pero, itong simpleng gusto ko ay hindi niya magawang matanggap-tanggap. Kahit na may halong takot sa aking dibdib at kaba, ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang humarap at tumitig sa aking ina ng buong tapang at kumpyansa. “Sabihin n’yo na ang gusto ninyong sabihin. Pero ang desisyon ko ay hinding-hindi magbabago.” Saad ko. Nakita ko namang napangiwi sa akin ang aking ina at napatawa sa aking sinabi. “Sige, pagbibigyan kita d’yan sa kahibangan mo ngayon, Geoffrey. Pero, huwag kang aasa na titigilan kita hanggang sa matauhan kang bata ka. Magsaya ka na dahil hindi pa tayo tapos na dalawa.” Matapos sabihin iyon sa akin ng aking ina, agad itong lumabas ng aming bahay at padabog na isinara ang pintuan. Nang wala na ito sa aking harapan, tila para akong nawalan ng lakas na napa-upo sa lapag. Hindi ko alam kung ano ang pagkukulang na nagawa kung bakit hindi niya magawang matanggap si Gian at ang desisyon ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD