02

1441 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Pagbaba ni Luna sa sasakyan. Mapalalaki o babae napapalingon sa direksyon ni Luna. Napatalon si Yulo na kasama ang bago nitong boyfriend matapos makita muli ang kapatid. Nginisian lang ni Luna ang kapatid bago binitbit ang sariling bag at naglakad papasok ng university. Nakasuot ito ng uniform at nakalugay ang mahaba nitong buhok. Hindi nornal height nito para sa ibang babae at iba ang dating nito. Napakaganda din nito na bumagay ng sobra sa not so complete uniform nito. Maluwang kasi ang suot nitong necktie at tanging puting longsleeve lang ang suot nito na pinartner-an ng maiksi na skirt. Kitang-kita ang mahaba nitong hita. "Ayan ba ang twin sister ni Yulo? My gosh ang ganda," komento ng ilang babae na nasa gate. Tumingin si Luna sa paligid. Medyo nanibago siya sa university na iyon dahil mas lumaki. Tatlong taon na yata ang lumipas 'nong last na nakatungtong siya doon. "Oh my gosh! Luna is that you!" Napatingin si Luna. Nakita nito si Trixie kasama ang buong barkada na agad siya pinalibutan. Nagtatalon ang mga ito at yumakap. "My goodness ikaw nga! So? Totoo ng na umuwi ka na talaga!" Bahagyang hinawakan ni Luna ang tenga dahil nagkaingay sila doon at pinaulanan siya ng mga tanong ng dating mga kaibigan na doon pa din pala nag-aaral. — Sari-saring bulungan ang naririnig ni Keanu noong pumasok siya muli kinabukasan. Hindi na lang sila mga pinansin ni Keanu. Wala siyang problema as long as hindi siya ng mga ito ginagalaw. Hawak ni Keanu ng mahigpit ang bag habang tinatahak nito ang class building niya. Sa kalayuan nakita niya si Yulo. May pasa ito sa mukha at putok ang gilid nitong labi. Napapalibutan ito ng mga barkada niya. Napatingin ang ilan sa mga kaibigan nito kay Keanu. Inismiran siya ng mga ito at hindi pinansin. Noong sila pa ni Yulo mga kaibigan niya ito ngayon— ayaw na lang ni Keanu isipin kung ano siya sa mga ito at the first place kinaibigan lang siya ng mga ito dahil kay Yulo. Pinagpatuloy ni Keanu ang paglalakad at hindi pinansin sina Keanu. Napatingin si Yulo ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Keanu. "Alam mo babe nag-enjoy talaga ako kagabi," out of the blue na sambit ni Yulo at naglambing sa kasalukuyan nitong boyfriend. Pinagpatuloy ni Keanu ang paglalakad at hinawakan ng mahigpit ang strap ng bag niya. Para kasing tinutusok ang dibdib niya habang ini-imagine na magkasama si Yulo at ang bago nito boyfriend sa iisang kwarto. Pagod na siya umiyak at magmakaawa para balikan siya ni Yulo. Ayaw niya na— binilisan niya na ang paglalakad ngunit hindi nito napansin ang grupuhan ng estudyante. Nabitawan ni Keanu lahat ng hawak niyang libro. Namura siya ng mga kaklase dahil doon at dinutdot ang noo ni Keanu. "Bulag ka ba! Hindi mo ba nakikita ang dinadaanan mo!" bulyaw ng babae kay Keanu. Napatingin si Yulo at mga barkada nito dahil doon. Palihim na napangisi si Yulo. Hinihintay niya na tawagin siya muli ni Keanu o magmakaawa muli ito sa kaniya. "Sorry," bulong ni Keanu at lumuhod. Isa-isa nito pinulot ang mga libro. Tinapakan iyon ng babae at masamang tiningnan si Keanu. "Tinapon mo ang juice ko! Tapos sorry! Anong ibabayad mo baka kulang pa ang allowance mo isang buwan sa pambili lang ng juice ko!" bulyaw ng babae. "Tuwing nakikita na lang kita lagi kang nakasalampak sa sahig. Para kang hindi lalaki." Napatigil ang lahat pati si Yulo na nakaupo sa hindi kalayuan at pinanonood lang ang eksena. Nakapamulsahan na lumapit si Luna kasana ang mga barkada nito. "Sinabi ko ng tawagan mo ako diba? Idiot," ani ni Luna. Napatingin ang binata na parang anytime iiyak na. "Nevermind," ani ni Luna at umirap lumapit ito at nagulat ang lahat matapos tapunan ni Luna ng pera sa mukha ang babae. "Ayan ang pera pambili mo ng juice. Libre mo kahit buong angkan at ang mga estudyante dito sa buong university. Mukhang ikamamatay mo kapag hindi ka nakainom ng juice," dagdag ni Luna. Namula ng todo ang babae sa kahihiyan matapos magtawanan ang lahat. Wala sa mga barkada nito ang nakagalaw kahit ang called boyfriend ng babae na nagpahiya kay Keanu. Sinamaan kasi siya ng mga kasamang lalaki ni Luna at nagbigay ito ng mga babala na huwag mangingialam. Miyembro ang mga ito ng varsity team at binubuo ng student council members. Nanatiling nakaupo si Keanu. Sinipa ni Luna pataas ang inaabot na libro ni Keanu at sinalo. Pinagpagan iyon ni Luna at tiningnan ng masama ang mga babae. "Layas," asik ni Luna. Nagtakbuhan ang mga ito paalis. Tumayo si Keanu dala ang mga libro niya. "Wala mo talaga ako balak tawagan?" tanong ni Luna. Hindi umimik si Keanu— napairap ang babae at nilagay iyon sa mga braso ni Keanu. "Whatever," ani ni Luna at naglakad paalis kasunod ang mga barkada nito. Naiwan doon si Keanu na nakatingin sa likuran ni Luna. Bahagyang kumalma si Keanu. Kusang tumatabi ang mga estudyante sa pagdaan nina Luna. Biglang na-curious si Keanu kung anong klaseng babae si Luna para katakutan ng ganoon. Sa tingin niya naman mabait ito dahil nilibre siya nito ng cake. — Kaklase ni Keanu si Yulo at si Jace kaya buong klase sira ang araw ni Keanu. Nanatili lang ito sa sulok habang kumakain ng siang chocolate bar. Katulad ng sinabi ni Luna— magandang stressed reliever ang sweets. Nang mag-bell tanda na break time na. Tumayo ma ang mga estudyante at nagkaniya-kaniya ng labas. Kasama na doon sina Yulo at ang mga barkada nito. Bilang lunch naglabas lang si Keanu ng tinapay at tubig. Hindi na kasi siya pinaglinis ng gymn after ng break nila ni Yulo— alam ni Keanu na kagagawan din iyon ni Yulo at ng boyfriend nito. Kailangan niya humanap ng part time job. Hindi siya pwedeng umasa lang sa magulang niya lalo na sa tuition niya. Kahit pa may scholarship siya kalahati lang ang nababayaran 'non. Sa isip ni Keanu. Ilang taon na lang makaka-graduate na siya at kapag naka-graduate na siya doon— agad siyang matatanggap sa mga company na papasukan niya dahil galing siya doon. Walang balak si Keanu na sumuko. Hindi niya hahayaan na manghina ang loob niya dahil lang sa isang break up. "Hi!" Napatigil si Keanu at napaangat ng tingin. May nakita siyang maliit na babae— natatandaan niya na kasama ito ni Luna kanina. "Magkaklase tayo remember?" ani ni Trixie na may ngiti sa labi. Umupo ito sa upuan na bakante sa harapan ni Keanu. "Kung nandito ka para makipagkaibigan sa akin dahil sa pagligtas sa akin 'nong babae kanina. Hindi ko kailangan ng kaibigan," ani ni Keanu. Masyadong pamilyar sa kaniya ang scenario na iyon. Nilapitan siya ng mga kabarkada ni Yulo dahil nga boyfriend siya ni Yulo. "Whoa! Relax huwag mong sabihin na kino-compare mo ako sa mga barkada ng ex boyfriend mong siraulo," ani ng babae at nagtaas pa ng kamay. "Unang-una hindi ka naman siguro boyfriend ni Luna diba? Huwag mong i-compare ang sitwasyon na ito sa sitwasyon mo sa grupo ni Yulo. Pangalawa, hindi ako totally na nandito para makipagkaibigan," ani ni Trixie. Kumunot ang noo ni Keanu. "Vice president ako ng student council— hawak ko kayong mga transferee. Naghalungkat ako ng mga files about sa iyo sa office ko at nalaman ko na working students ka dito. Sorry, na-curious ako 'nong tinulungan ka ni Luna. Hindi ganoon na tao si Luna kaya ayon— hinanap ko files mo doon. Kinausap ko ang kasama mong naglilinis sa gym then nalaman ko nga na pinaalis ka doon ng school staff gawa ni Jace." "Nandito ako para mag-offer ng trabaho sa library," ani ni Trixie. Napatigil si Keanu dahil doon. "Trabaho? Sige papayag ako. After pa din ba ng klase?" mabilis na tanong ni Keanu. Ngumiti si Trixie at sinabing kausapin niya ang librarian about doon. "Ini-inform ko na siya in advance kailangan mo lang pumunta doon at magpakilala," ani ni Trixie. Lumiwanag ang mukha ni Keanu dahil doon at nagpasalamat sa babae. Parang kahapon lang mabaliw-baliw siya kakaisip kung paano magkakaroon ng extra na kita after nga siya mapatalsik sa gymn. "Happy na? Nakausap ko na siya tinanggap niya agad ang offer— ex iyon ni Yulo. Naawa ka ba sa kaniya kaya mo ito ginagawa?" tanong ni Trixie matapos lumabas ng classroom at harapin si Luna na nakasandal sa gilid ng pintuan at naka-cross arm. "Kung awa nararamdaman ko. Binigyan ko na siya ng pera at pinalipat ng ibang school," banat ni Luna bago tumalikod. Nagtaka si Trixie at sinundan ang babae. Todo ito tanong kung anong dahilan at tinutulungan nito ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD