bc

DEVILLION: Ang Demonyitong Bilyonaryo (R-18+/SPG)

book_age18+
489
FOLLOW
1.8K
READ
billionaire
forced
dominant
badboy
boss
heir/heiress
drama
bxg
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Sana maadd nyo po ito sa library nyo, malaking tulong na po! Thank you so much po!COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |COMING SOON |

chap-preview
Free preview
TEASER
“You can do this, Reagan Faye! Isipin mo na lang na nakaya mo ngang guhitan ang ang ulo ng panot mong teacher mo noon!” Kinakausap ko ang sarili ko sa harap salamin habang hawak-hawak ang box na naglalaman ng singsing. Pambihira kasi ang gagawin ko. Hindi ‘to gawain ng isang babaeng katulad ko pero kakalapan ko na ang mukha ko para sa lalakeng mahal ko. “Faye? Wala pa rin ang boylet mo! Ano ba ‘yan! Na-e-excite na ako sa gagawin mo ‘e!” Nakita ko sa repleks’yon ng full body mirror na pumasok si Jiji, isa sa mga malalapit kong kaibigan at ang birthday girl ngayon. “Malinaw naman sa invitation na 9 pm… pero 10 na oh. Ang sabi n’ya sa ‘kin kahapon, hindi naman s’ya busy sa work n’ya.” Hinarap ko s’ya. “Umiinit na nga ang cellphone ko sa kakatawag sa kan’ya pero hindi n’ya sinasagot. Baka on the way na…” Ninapitan ako ni Jiji. Tumigil s’ya sa harap ko at nilapat ang mga palad n’ya sa pisngi ko. Marahan n’ya pang sinampal-sampal. “Nakapag-decide ka na sa gagawin mo ha? I will give them the signal kapag i-o-off na nila ang ilaw sa venue and then… naka-ready na ang spotlight sa inyong dalawa!” kinikilig n’ya pang sambit. Huminga ako ng malalim. “Ikaw kasi, ikaw nagpupumilit sa ‘kin na sa birthday mo pa talaga. Parang inaagawan kita ng eksena na para sa ‘yo lang sana.” Tinawanan n’ya ako at pabiro pang siniko. “Sa friendship natin, ikaw lang ang hindi engaged. Lagi namang sinasabi sa ‘yo ni bf mo na naghahanap lang s’ya ng right timing at ngayon ‘yon! Pero… baliktad nga lang.” “Ako pa lang yata ang matapang na babaeng gagawa nito, Jiji…” “No, nagkakamali ka. Marami na kayo! Hindi ko nga lang sila kilala!” pabiro n’ya pa. “Hindi ka naman nahihiya, right?” Umiling ako at hinigpitan ko ang pagkakapit sa box. “We have been together about… almost 3 years. Hindi ko ikakahiya ang gagawin ko,” seryosong usal ko. “Gan’yan dapat! That’s our girl! Sa panahon ngayon, wala namang masama kung gagawa tayo ng twist! Lalake naman dapat ang makitang mamilipit sa kilig! Isa pa, pinagipunan mo kaya para mabili lang ang singsing na ‘yan.” “Oo, ilang buwan yata akong hindi nakatikim ng sahod ko at makikita naman sa eyebags ko kung gaano ako kapuyat.” Tinakpan ko nga lang ng foundation para hindi halata. “Sigurado akong tatalon sa tuwa si bf mo kahit med’yo nonchalant. Ang suplado sa ibang tao pero sa ‘yo lang lumalambot.” I smiled. “Faye! Dumating na si jowabells mo! Labas na bilisssssss!” Nakuha ang buong atens’yon namin nang sumilip na si Eunice. Doon na kami tumakbo palabas ng kuwarto ni Jiji. Nagmadali kaming lumabas ng mans’yon at tumigil kaming tatlo sa labas ng main door. Naka-on na ang mga party bulbs. Dumadagungdong ang malakas na musika. Palakad-lakad ang mga bisita pati na rin ang mga waiter na nag-s-serve ng snacks and drinks. “Where is he? Hindi ko s’ya makita!” malakas na sigaw ko habang tinititigan ko ang bawat sulok ng open venue. Ang daming mga high class na bisita nitong si Jiji. “Naka royal blue tuxedo s’ya!” tugon ni Eunice kaya pinaigting ko agad ang talas ng aking mga mata. “I found him!” patili kong sigaw. Hinarap ko si Jiji. “Puntahan mo na ang light technicians, dali!” Dalawang beses n’ya akong tinanguan. Mabilis kong nilakad ang daan paalis doon. “GOOD LUCK, REAGAN GIRL!” hiyaw ni Eunice habang patungo ako kung saan naka-talikod at naka-tayo ang lalakeng soon to be husband ko. May nakakasalubong ako na mga guest at halos nagkakabungguan na pero hindi alintana sa ‘kin dahil naka-focus lang mga mata ko boyfriend ko. Ilang metro lang ang agwat, doon biglang namatay ang party bulbs na nagsisilbing ilaw ng venue. Tumigil din ang pagpapatugtog ng pop music. Umugong ang bulungan ng mga bisita. Ang dilim ng paligid at tanging sinag lang galing sa mga bituin ang naging liwanag. Ang lakas ng pintig ng dibdib ko pero tuloy pa rin ang laban. Nang marating ko na ang kinatatayuan ng bf ko, kinapa ko ang kan’yang kanang palad. Hinawakan ko iyon. Binagsak ko na rin ang kaliwa akong tuhod sa damuhan habang naka-tukod ang aking paa para mabigyan ako ng magandang balance. Lalo lang um-echo ang malakas na bulungan nang namayagpag ang nakakasilaw na ilaw ng spot light at tumutok iyon sa ‘min. Pinikit ko na lang ang mga mata ko para ma-ignore itong mga naririnig ko sa paligid dahil center of attraction na kami ngayon! “W-W-Will… you marry me, Harvey?” Doon nagkaroon ng panandaliang katahimikan. “I am not Harvey, Miss Reagan.” Parang nangapal ng todo ang mukha ko nang bigla ‘yon nangmanhid. Narinig ko ang isang pamilyar na boses. “I instructed you to edit my manuscript, right?” Nanginginig-nginig pa ang leeg ko nang dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. “May inihabilin akong importanteng utos sa iyo pero mas inuna mo pang makipaglandian?” Imbes na imahe ng boyfriend kong si Harvey ang masisilayan ko… Mukha pala ng boss ko itong nakita ko. “B-Bossing D-Devillion… i-ikaw pala—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil winaksi n’ya ang kan’yang braso kaya natanggal ang pagkakakapit ko sa kamay n’ya. “Uuwi ka sa bahay o kakaladkarin pa kita?” mariing usal n’ya na ikinaalerto ko agad at napa-tayo tuloy ang tuwid! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil umugong ang mahihinang tawa sa paligid! Napa-ngiwi pa ako nang narinig kong huminga ng marahas si bossing. “A-Aalis na ako!” Nangangarag akong tumalikod. “Humanda ka sa akin pag-uwi ko.” Napa-lunok na lang ako ng mariin sa sinabi n’ya. Halos mamaluktot ang mga tuhod ko sa hiya! Tumakbo na talaga ako patungong gate dahil pinagtawanan na ako ng mga tao! Lagot na naman ako sa Demonyito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook