Chapter 1

1657 Words
LORRAINE'S POV "Lorraine! Si Nene! Inatake na naman ng epilepsy niya!" Rinig kong sigaw ni Nanay kaya dali-dali kong iniwan ang aking paglalaba at tumakbo agad ako papunta sa kwarto ni Nene. At pagbungad ko nga ay nangingisay na naman siya habang tumitirik ang mga mata. Nagngangalit din ang ngipin niya at kapag ganito na ay kumukuha agad ako ng kutsara at ipinapaso ko sa bibig upang hindi mag-locked ang bibig niya. "Kumuha ka ng pang-hot compress at hihilutin ko lang ang sikmura ng kapatid mo!" "Opo! Inay!" Nagtatakbo ako papunta sa kusina upang lagyan ng mainit na tubig ang pang-hot compress na galing pa sa center na pinagpapa-check-up-an namin sa kanya. "Ito na po, Inay!" Iniabot ko kaagad kay nanay at agad na inilagay niya sa sikmura ni nene. Kapag ganito na ang sitwasyon ay mas madalas na siyang nawawalan ng malay at magigising na lang siya na wala na siyang naaalala. Ayaw na namin siyang paalisin ng bahay pero minsan ay nagpupumilit siyang gumala dahil naiinip siya rito. Kaya lang minsan ay inaatake siya ng sakit niya at pag-uuwi siya ay wala na naman siyang maalala kung saan siya nanggaling o pumunta. "Kamusta na po si Nene, inay?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi naman agad nakasagot si nanay at nauna pa ang pagbuntong hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, anak. Habang patagal ng patagal na hindi natin siya napapa-treatment ay hindi rin siya gagaling at lalo lang lalala. Ayokong isipin na mawawala sa atin si Neneng. Parang hindi ko na kakayanin na malagasan pa tayo ng isang miyembro sa ating pamilya." Yumakap sa akin si Nanay. Sabi sa last check up niya ay mas delikado raw kapag nagkaroon ng another seizure at sa lalo't madaling panahon daw ay kailangan na namin maipa-treatment o ma-diagnose si Nene sa mas malaki at magandang hospital sa Maynila. Kaso, saan naman kami kukuha ng malaking halaga? Dati akong nag-aaral sa Maynila nung kaya pa akong suportahan nina nanay at tatay ngunit napahinto rin nung nagkasakit si Nene na sinundan pa ng pagkamatay ni Tatay na inatake naman sa puso nung unang seizure ni nene. Naging sunod-sunod ang kamalasan sa pamilya namin na hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit. Ilang oras ay nagkamalay na rin si Nene at hindi na naman matandaan kung ano ang nangyari sa kanya. "Nay? Ate? Bakit po kayo umiiyak?" Inosenteng tanong ni Nene. "Wala anak, wala..." ani Nanay at niyakap agad si Nene ng mahigpit. Naging sunod-sunod na rin ang pagtulo ng luha ko dahil nasa punto na ako ng buhay na hindi ko na rin alam ang gagawin ko upang matulungan lang ang kapatid ko. Sinikap kong lumapit sa mga kamag-anak namin ngunit ni isa sa kanila ay walang nagpautang sa amin. Ang iba naman ay nagbibigay ngunit maliit na halaga lamang at kulang pa sa pang-araw-araw na gamot ni Neneng. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papano ay malaking tulong na rin yun sa amin. Isa na lang ang naiisip kong lapitan. Si Donya Esmeralda. Ang pinakamayaman dito sa lungsod namin. Magbabasakali akong baka matulungan niya kami sa aking kapatid. "Nay! Aalis po muna ako." Paalam ko kay Nanay. Lumabas naman si Nanay mula sa tungko naming lutuan para silipin ako. "Bakit anak? Saan ba ang lakad mo at nakabihis ka yata?" "May pupuntahan lang po ako saglit, Nay. Pero huwag po kayong mag-alala. Babalik rin po ako kaagad!" "Oh, siya, sige... Uuwi ka rin agad, ha?" Masuyong bilin pa ni nanay sa akin. "Opo, inay!" Sagot ko na lang para makaalis rin ako kaagad. Hindi ko na sinabi kay nanay kung saan ako pupunta dahil kapag sinabi ko sa kanya ay alam ko rin naman na hindi niya ako papayagan. Nag-tricycle lang ako upang makarating sa mansion ni Donya Esme. Kasya naman itong pamasahe ko papunta roon pero sa pabalik siguro ay tatyagain ko na lang na lakarin. Mas importante ang mapuntahan ko siya. Saka ko na lang poproblemahin ang saili ko kapag may magandang resulta na. "Manong Sinio, dyan na lang po sa tapat ng malaking gate nina Donya Esme!" Pabatid ko kay Manong na agad namang inihinto ang tricycle sa tapat ng malaking gate. Kilala ko na si Manong Sinio dahil Matagal na rin siyang tricycle driver doon sa amin. At siya rin ang malimit naming matawagan kapag may emergency kami. "Ito po ang bayad ko," ani ko. Tinanggap naman niya agad at nagpaalam na rin sa akin dahil may susunduin pa raw siyang estudyante. Pagbaba ko ng tricycle ay napabuntong hininga ako. Nakatayo ako sa labas ng malaki at mataas na puting gate habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang ito gagawin. Para sa kapatid ko. Lumapit ako sa gwardya na busy sa pagbabasa ng kung ano. Nagulat pa siya ng makita niya akong nasa harapan na niya. "Ano ka ba, Miss? Ginulat mo naman ako! Bakit hindi ka nagsasalita?" Anito habang nakahawak sa tapat ng kanyang dibdib. "Sorry ho, Manong Guard. Pwede po ba akong pumasok sa loob?" Mahinahong sambit ko pa rin. "Bakit? Anong gagawin mo sa loob?" "Kakausapin ko lang po sana si Donya Esme..." "Kakausapin? Bakit? Kilala ka ba niya?" Masungit na sambit nito sa akin at tiningnan ako simula ulo hanggang paa. Naka-short lang kasi ako at naka-tshirt ng puti. Damit pa nga ito ni Tatay na hindi naman niya nasuot kaya ako na lang ang gumagamit. "Uh- opo. Anak po ako ni Andoy! Yung dati pong gwardya sa kanila?" "Diba patay na yun?" Walang gatol niyang sabi. "Huh? Ah-yes po..." bigla akong nalungkot sa pagkakasambit niya. Parang wala lang sa kanya ang damdamin ng isang namatayan. Mukhang epektib ang naging paglungkot ko at kinausap niya ako ulit. "Saglit at itatawag muna kita sa loob. Hindi kita pwedeng basta papasukin. Mahirap na. Baka pinapasok nga agad kita tapos masesesesante naman ako." Saad pa nito sabay hawak sa teleponong kulay puti na nakadikit sa pader. Ang sosyal talaga nila. Kahit gwardya ka lang ay hindi mo na kailangan umalis sa pwesto mo dahil tatawag ka na lang. Pagkababa nito sa telepono ay mas lumapit pa ako kay Manong Guard. "Ano pong sabi?" Positibong tanong ko. "Papasukin ka raw!" Anito na medyo malakas sa pandinig ko kaya napaurong ako ng bahagya. "Oh? Sabi sa'yo, Manong Guard, e!" Masayang sambit ko. Hindi ako papa-apekto sa kasungitan ng guard na 'to, nuh! Lalake! Pero ang sungit! Tila ba nagbago ang ihip ng hangin ng lumabas siya mula sa mini guardhouse niya at ipagbukas pa ako ng maliit na pintuan ng gate nila. "Pumasok ka na! Sigurado kang wala kang dalang kahit anong patalim, ha?" "Grabe ka sa akin, Manong Guard! Mukha ba akong mamamatay tao sa'yo?" Natatawang sambit ko at hindi ko na hinintay ang sunod pa niyang sasabihin dahil tuluyan na akong pumasok. Ngayon lang ako nakapasok sa loob nito at talaga namang namangha ako at para na rin akong nalula dahil sa lawak at laki ng kanilang bahay at bakuran. Baka nga mas malaki pa ang banyo nila kesa sa bahay namin. "Uh, Miss? Saan ko po pwedeng makita si Donya Esme?" Tanong ko sa babaeng naka-uniform ng pang-maid. Sa laki kasi nito ay baka maligaw pa ako sa loob. "Nandun siya sa garden sa likuran. Puntahan mo na lang..." nakangiting sagot naman ng babae. Mukhang mabait itong isa, hindi kagaya ng guard doon na sobrang sungit! Kahit ang pagpunta sa sinasabi niyang garden ay hindi ko alam kaya nagpasama na ako sa kanya. Sinamahan naman niya ako at nalaman ko na rin na Daniela ang pangalan niya. "Excuse me po, Donya Esme. May naghahanap po sa inyo," ani Dani. Saktong sumisipsip pa naman si Donya Esme ng tsaa niya. Alam kong tsaa yun dahil naamoy ko ang kakaibang amoy nito. "Anong kailangan mo sa akin, anak ni Andy?" Sumulyap lang siya sa akin at itinuon na ulit ang atensyon sa hawak niyang maliit na libro. "D-donya Esmeralda, hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. May sakit po kasi ang kapatid ko. Lalapit po sana ako sa inyo para manghiram ng pera--" "Manghiram?" At napapikit na lang ako ng bigla siyang tumayo at isigaw ang sinabi ko. "O-opo sana..." nakatungo ng sambit ko habang nilalaro ang mga daliri ko dahil sa kaba. "Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang utang sa akin ng tatay mong si Andy? Na hanggang sa namatay na lang ay hindi na nakabayad?!" Pasigaw na sambit niya sabay lagay ng dalawang kamay sa baywang. Nanginginig ang mga kamay kong lumapit ng tuluyan sa kanya para magmakaawa. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako sa harapan niya. "S-sige na naman po, Donya Esme... Kailangan lang po talaga ng kapatid kong maipagamot kundi po--" "Hay naku! Ganyan naman kayong mahihirap! Wala kayong ibang gawin kundi ang mangutang tapos ano? Hindi nyo na babayaran?" Iwinaksi niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya natumba ako pero nagawa ko agad makabawi at naglakad ako paluhod sa kanya habang tumutulo na ang luha ko. "S-sige na naman po--" "Ay naku! Huwag mo akong daan-daanin sa pag-iyak mo! Sanay na sanay na ako sa mga ganyan na todo paawa kapag mangungutang pero kapag singilan na ay hindi mo na mahagilap!" Hahawakan ko sana ulit siya pero hindi ko na naituloy ng ilayo na niya ang sarili niya. "Makakaalis ka na! Wala kang mapapala sa akin! At yung utang ng tatay mo ay huwag mo ng bayaran! Pero huwag mo na rin dagdagan!" Malakas na sigaw niya sabay alis na. At ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako ng iba pang mga maids na naririto. May ibang naaawa at parang may iba pang natutuwa sa pinapanood nila. Nahihiyang tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Napatingin ako sa binatana sa tapat ng garden at hindi ko inaasahan na may lalake rin palang nanonood sa akin sa napakagandang eksenang nangyari sa buhay ko, Si Lumiere, ang lalakeng paulit-ulit kong tinanggihan ang pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD