Chapter 4:

2085 Words
              Halos mabulunan siya nang uminom ng tubig habang hinihintay ang inorder na lugaw dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. Binatukan niya ito dahil kasi sa sinabi nito ay halos sabayang lingon lahat ng naroroon sa karendirya sa kanya.              "Ikaw bakla ka, gagawin mo pa akong mandurukot. Akin na itong fried chicken," arteng tampo rito sabay dampot sa fried chicken na nasa harap nito.              Agad siya nitong pinigilan.              "Ikaw naman hindi na mabiro," anito saka awat na kinuha ang fried chicken sa kamay.             Dalawang linggo ang nakakaraan mula nang dukutan niya ang lalaking iyon. Halos paubos na rin ang perang laman ng wallet nito, ilang patimpalak na rin ang sinalihan at gaya ng dati kasi ay consolation prize lang ang nakukuha.         Mabilis niyang kinuha ang isang tarheta galing sa wallet ng lalaki.          "Lance Montecalvo," basa niya sa pangalang naroroon.           Nakita ang numerong naroroon. Hawak ng kabilang kamay niya ang di p****k na cellphone. Lumang model iyon ng nokia. Mataman niyang tinititigan ang tarheta ng bulabugin siya ng mala-serena ng bumberong bunganga ng kaibigang si Chona.           "Kathlyn Mendoza dali nang magbihis dahil may raket tayo ngayon," anito.           "Ano na namang raket iyan?" Bagot na sagot rito.           "Aba! Aba! Mukhang umaayaw na yata ang babaita sa raket ah?" Tudyo nito.             "Babae, kahit tumunganga ka diyan maghapon. Kahit magbikini ka pa, walang kang mapapala. Kailangan mong igala ang kagandahan mo 'day para naman makabingwit ka ng fafa," dagdag pa nito.            Pilit siyang napatawa sa biro ng kaibigan.                   "Fafa-tayin o fafa-bitay?"            "All of the above basta papamanahan ka ng milyones." Pumipilantik na kamay nito sabay tulak sa kaniya.            Hindi napaghandaan ni Kathlyn ang ginawa ng kaibigan kaya mabilis siya nitong nahila at itulak papasok sa silid.           "Dali na at maganda ito babae baka mawalan tayo," anito habang naghihintay sa pintuhan.            Wala siyang nagawa kundi ang magbihis na lamang at sumama rito. Sa isang van sila humantong kung saan maraming kababaehan na rin ang naroroon.           "Attention guys. Ang bawat bag ay may product na ibibenta. Lahat pare-pareho ang laman. Ang unang makaubos ay otomatikong may isanlibong peso idagdag pa ang komisyon niya sa bawat produktong ibininta," anang ng isang matabang babae.            Lahat nasiyahan sa sinabi ng matanda. Maging siya ay nabuhayan ng dugo sa sinabi nito. Tama ang kaibigan. Kahit maghapong tumunganga ay hindi kikita ng isanlibo.              Dahil sa galing kumarenyo at angking kagandahan ay mabilis niyang naubos ang tinda niya. Tawang-tawa siya ng biglang may makapa. Meron pa pala. Nang tuluyang usisahin ito ay condom. Napamura siya sa isip nang makita ang bagay na kailangan niyang maubos para makuha niya ang isanlibo.              Napatigil si Lance sa pagmamaneho ng mahagip ng mata niya ang isang babae.             "Bakit ka tumigil bro?" Curious na tanong ng kaibigang si Bruce.              Napamura siya nang makita ang lalaking nahila sa babae. Naisip nitong dahil sa pangangailangan nito sa pera kahit matanda ay napatol ito.              Napansin ni Bruce ang kanyang tinitignan. Napangiti ito ng tuluyang lumihistro rito ang mukha ng babae. Nakyuryos pa siyang lalo ng makita ang ginagawa ng dalawang tinitignan.            "Bro favor naman," untag kay Bruce.            Napangiti ito sa nais niyang mangyari.           "Sige bro basta para sa'yo," anito saka bumababa ng sasakyan. Sumaludo pa ito bago tinungo ang kinaroroonan ng dalawa.          "Hi miss!" tinig na nagpalingon kina Chona at Kath.         Diniga siya ni Chona. Guwapo kasi ang lalaking lumapit sa kanila.         "Ano ba iyang nasa bag ninyo?" Anito.         Hindi nakapagsalita si Kath. Paano ba naman kasi ay condom pa ang natitira sa kanya.        "Bakit bibili ka Bossing. Tinda namin, kailangang maubos para makuha namin ang insentive," maarteng wika ni Chona.          "I see," ani ni Bruce saka tumango-tango.     Pansin nito ang angking kagandahan ng babaeng kaharap kahit wala itong make-up.          "So ano iyang tinda mo at papakyaw ko para makuha niyo ang insentive niyo?" Ngiting wika ni Bruce.           Nagkatinginan sina Chona at Kath. Napakamot ng batok si Kath. Mabunganga siyang tao pero kapag sensitibong bagay na ay natatameme siya.           Inuntag siya ni Chona. "Girl pagkakataon mo na," bulong nito.         "Bakla nakakahiya," bulong na tugon.                    Napansin ni Bruce ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae.         "Naku sir, pasensiya na at mahiyain itong kaibigan ko. Ito na lang kasing natitira sa tinda niya—." ani ni Chona.            "Condom," dugtong nito sabay kuha sa loob ng bag niya.             Hindi niya tuloy alam kung papaano magre-react dahil sa kahihiyan. Lalo na at medyo napatawa ang lalaking kaharap.             Hindi na rin napigilan ni Bruce ang matawa ngunit mabilis na napalis iyon ng makita ang reaksyon ng dalaga.            Pasimpleng tinignan ang kinaroroonan ng kaibigang nakatingin sa kanila. Saka kumindat rito na tila nanunudyo.            Napangiti si Bruce habang nakatingin sa kaibigan. Kumindat pa rito upang tudyuin ito saka hindi inalis ang mata sa dalagang kaharap. Sa nakikitang reaksyon ng kaibigan ay mukhang tinamaan na ito sa babaeng isang dipa lang ang layo sa kaniya.           "Ano Sir, bibilhin mo ba? Sabi mo papakyawin mo, sige na sir para makuha ng kaibigan ko ang insentive," hikayat pa ni Chona sa lalaki.            Napangiti si Bruce. "Ilan ba lahat iyan," aniya rito.           "Fifty pieces Sir," agad na sagot ni Chona.              Paano ba naman kasi ay napipipilan na si Kath dahil nakakahiya talaga. Kababae niyang tao ay magbibenta siya ng condom. Mabuti na lamang at naroroon angbkaibigang si Chona.           "Okay, how much it will be?" Tanong niya sabay bunot ng wallet.            "Bali kinse kasi ang isa Sir. So fifteen times fifty is—," ani ng kaibigang si Chona saka nag-isip. Nanghihingi ng tulong na napalingon sa kanya ito.             "750," sagot naman niya.              "Yah, 750. Aba, pumalya ang math ko doon ah," birong wika ni Chona upang makabawi sa pagkapahiya sa lalaking customer.             Bumunot ito ng isanlibong piso. "Here, keep the change," anito saka inabot ang binigay ng bakla na dinukot sa bag ng babaeng nakamata lamang.           "Thank you sir. Hoy babae."            "Ah—hmmm. Thank you sir."  Nauutal na pasalamat ni Kath sa lalaki.             Pabalik na siya sa kinaparadahan ng sasakyan nila ng biglang maalalang tanungin ang pangalan ng babae. Kaya agad na pumihit.            "Anyways, may I know your name Miss," baling tanong rito.             Nagulat si Kathlyn sa biglaang pagtanong ng lalaki. Kaya hanggang sa pagsabi ng pangalan ay napipilan siya.            "Naku Sir, pasensiya ka na at mukhang nalunok ng kaibigan ko dila niya."           Agaw atensiyon ni Chona at ito na rin ang sumagot sa tanong ng lalaki.          "Her name is Kathlyn Mendoza," dagdag pa ng baklang kaibigan.            "I see. Nice name," anito saka tuluyang umalis.             Hindi pa masyadong nakakalayo ang lalaki ng bigla siyang bundulin ni Chona. "Hoy babae. What the meaning of this," nakapamaywang na wika.           "Ang alin?"           "Oh hayan, okay naman pala eh bakit hindi ka man lang nakasagot kay mamang pogi. Napipilan ka diyan," untag pa nito.          "Nahiya ako eh, grabe condom!" Aniya sabay hawak sa magkabilaang pisngi.             Napangisi si Chona ng maalala ang lalaking pumakyaw sa condom.            "Girl ano sa tingin mo ang gagawin ng lalaki sa binili niya?" Tanong nito sa kanya saka nakakalokong tumawa. "Marami-rami rin iyon ah. Fifty!" Hirit pa nito.             Napangiti rin siya sa sinabi nito. Sa totoo lang guwapo ang lalaki pero mas guwapo sa paningin niya ang lalaking nakilala noong gabi ng pageant.           Mabilis na sumakay si Bruce sa sasakyan ng kaibigan. Napangisi siya dahil bakas na bakas sa mukha ng kaibigan ang excitement.         "Anong meron?"         "Limang libo muna bro," anito sabay lahad sa palad sa kaibigan.        "Bro, I'm serious," seryosong saad ni Lance.          "Hey! Hey! Bro, I'm just kidding. Here," anito sabay sabog sa mukha ni Lance ang pinakyaw na condom.          "What is this!" Bulalas nito sa kabiglaan.           "Condom?" Nakakalokong tugon ng kaibigan.             "Kaya nga tinatanong ko. Bakit ang dami mong baon," di pa rin makapaniwalang wika.           "Okay. To make clear, hindi ko iyan baon. Tinda ni Miss Ganda. Mga promodizer yata bro, ang bawat isa may bag at ang unang makaubos may insentive. Since iyan na lang natitira kay Miss Ganda kaya pinakyaw ko na. Nahiya pa nga eh," tudyo pa nito habang nagpapaliwanag.           Napamaang si Lance sa sinabi ng kaibigan. Ganoon ba talaga kagrabe ang pangangailangan ng pera at pati pagtitinda ng kung anu-ano ay pinapasok ng babae.          "So what we gonna do to this," tawang biro ni Bruce.         "Di baunin mo. Kailangan mo iyan sa mga chicks mo." Hindi mapigilang turan. Naalala pa niya noong sabay silang pumasok para mag-take ng Accountancy para kang maging CPA. Para makapasok sa hinahangad nilang ahensiya at hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila.  Napangiti nang maalalang halos lahat yata ng babaeng nagkakainterest dito sa campus ay pinatos nito.          "Hey Bro, what that smile for? Pay for this! Dapat lang na may tubo, ginawan kita ng pabor. Dalawang libo," muling lahad sa palad nito.          "Babayaran ko ba o ilalaglag kita rito," birong banta sa kaibigan. Ganoon na silang magkaibigan. Harutan at biruan.         "Oh man, I missed PMA days," anito.        "Akala ko sasabihin mo. I missed the girls I dated in college days," tawang wika saka pinaalala ang mga babaeng niloko nito.        "Hey? Have you heard that your ex is really doing well," aniya rito.         Tumawa si Bruce. "She's married to a lawyer dude. Leave her at peace," anito na tila ayaw ungkatin ang babaeng nagpaiyal rito. "I heard she's working as a CPA in a big company in the UK," dagdag nito.        Tinapik-tapik niya ito. "Hanep! Updated!" Aniya nang makiyang tahimik ito.           Maya-maya ay napatigil si Bruce. Namayani ang katahimikan sa kanila nang muli itong magsalita.         "Tell me Bro, may gusto ka ba kay—kay—," ani ni bruce saka pilit inalala ang pangalang bibigay ng bakla. Mukhang binalikan siya nito.        "Kathlyn," pandudugtong ni Lance.         Nanlaki ang mata ni Bruce sa sinabi ng kaibigan. "Yes, Kathlyn. How did you know her name?" Nahihiwagahang wika.         Napangiti lang si Lance bilang tugon. "Bro, masasabi kong inlove ka na. Ngiti ka ng ngiti eh," agaw ni Bruce.         "Bakit Bro, pag ngiti ba ng ngiti. Inlove na!"        "Depende but looking at you now. I can say yes. Besides she's very pretty huh."        "I think, she had a boyfriend already," wala sa sariling nasambit ni Lance habang tuon ang tingin sa daan.       Tinapik siya ni Bruce sa balikan. "Dude, don't tell me na nagseselos ka sa kasama ni Miss Ganda," tawang muli ni Bruce.           Natahimik naman si Lance. Kaya muling bumanat si Bruce.         "Bro, huwag kang magselos diyan. The guy is a gay, okay. Gay!" Tawang wika ni Bruce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD