Baste Jr (Tambay Pogi Volume II)

Baste Jr (Tambay Pogi Volume II)

book_age16+
2.5K
FOLLOW
22.8K
READ
second chance
pregnant
badboy
comedy
sweet
bxg
humorous
small town
enimies to lovers
like

"PANGIT!"

"Mas pangit ka!"

Aba, sumasagot pa ang babaeng ito. Siya na nga itong nakagawa ng kasalanan tapos siya pa itong matapang.

Kung paalisin ko kaya siya ngayon. Nakakainis na ang pagmumukha niya dito sa bahay. Bakit ba kasi siya pa ang kinuhang kasama ni nanay sa pagbabantay sa mga pamangkin ko?

"Lagot ka sa akin mamaya pag namalengke si nanay," pinagbantaan ko siya.

"Isusumbong kita sa tatay mo. Namimihasa ka nang ibinabalibag ako. Babae ako, hindi ako kasing lakas mo," mahina niyang wika saka inagaw sa akin ang hinuhugasan kong baso.

Porke't wala pa akong trabaho at kagagraduate ko pa lang ay isang utusan na ako dito sa bahay, may katulong naman.

"Buti sinabi mong babae ka, mukha kang malaking mama," tinalsikan ko pa siya ng bula.

"Ma'am yung junior niyo oh," sigaw niya.

Agad kong tinakpan ang kanyang bibig kaya naman napuno na ito ng bula.

"Uuhhmm," reklamo niya.

"Hoy kangkarot, huwag mo akong susubukan. Kapag sinumbong mo pa ako, maibabalibag kita ulit," banta kong muli.

"Huwag mo akong takutin pangit na walang abs, hindi ako natatakot sa'yo, bleh!"

At pinandilatan niya pa ako. Talagang inaasar niya ako ah.

"Kaya pala panay ang tingin mo sa akin kapag nakahubad ako dito sa bahay," wika ko pa habang patuloy sa paghuhugas.

"Nye nye nye!" Aniya.

"Kaya pala naiinis ka kapag nandito ang mga barkada kong babae," dagdag ko pa.

"Whatever!"

"Kaya pala wala ka pang boyfriend dahil umaasa ka sa akin," sinasadya kong inisin siya.

"Feeling ka, maraming nanliligaw sa akin."

"Wala nga ni isa eh."

"Baste tumahimik ka na," sa wakas nainis na siya.

"Wala ka kasing s*x appeal" Dagdag ko pa.

"Isa."

"Hindi ka rin sexy."

"Dalawa."

"Wala ka ring boobs, aray."

At saka niya ako binatukan at tumakbo palayo.

"Hoy kangkarot bumalik ka dito, kailangan kong gumanti," sigaw ko na ikinalingon ng mga tao sa bahay.

"Kangkarot humanda ka pag naabutan kita!"

Naiinis ko siyang hinabol hanggang sa labas ng bahay.

Kainis!

Dreame-Editor's pick

His Sweet Desire

His Sweet Desire

eye
259.9K
His Sweet Desire ( TAGALOG )

His Sweet Desire ( TAGALOG )

eye
215.3K
Tambay Pogi: Macky (Macario Fernandez)

Tambay Pogi: Macky (Macario Fernandez)

eye
38.2K
Luscious Pain - SPG (Book 1 of Adam's Desire Series)

Luscious Pain - SPG (Book 1 of Adam's Desire Series)

eye
867.0K
Sweet Surrender

Sweet Surrender

eye
185.3K
The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

eye
442.6K

All Genres of Books

Don’t know how to select best books online? Dreame has sorted out all books into various genres here. Find a novel genre below that appeals most to you and enjoy reading at Dreame.

;