CHAPTER 1 GAZE

2580 Words
"Bilisan mo na kasi! Ano ba naman 'yan? Napaka-bagal!" sigaw ko sa boyfriend kong napakahinhin kung kumilos! Nasa likod ko siya at hindi magkada-ugaga sa pagdala ng bag ko at sampong books ko, plus sampong books niya rin. Eh malaki naman ang katawan niya, kayang-kaya niya yan! "Ah." May narinig akong paglagabog mula sa aking likuran pero hindi ko pinansin. "Ano ba naman 'yang boyfriend mo? Lalampa-lampa," natatawang sabi ng babaeng nakasalubong ko at hindi ko naman kilala. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. "Close tayo?" tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang lumayo. "Ahahahahaha!" "Ilan ang nahuli mo? Hahaha!" "Ano ba 'yan Liam? Huwag mong halikan 'yang lupa! Hahaha!" "Siguro, hindi ka pinahahalik ng girlfriend mong amazona no?" "Poor Liam, sa akin ka na lang kasi." Nagpanting ang tainga ko sa aking mga naririnig. Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nagsisimula na ngang bumangon mula sa lupa ang boyfriend kong tatanga-tanga at hindi magkada-ugaga sa pagdampot ng mga nalaglag na books at bag ko! "Hoy, gusto niyo bang putulin ko 'yang mga dila niyo?!" sigaw ko sa mga haliparot na 'to. Mabilis naman silang nag-alisan at si Liam ay kaagad kong nilapitan. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daanan?! Bulag ka ba?!" sigaw ko sa kanya. Yumuko lang naman siya at hindi makatingin sa akin. Buhat na niyang muli ang mga nalaglag na libro. Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa ng aking palda at pinunasan ang mga dumi-dumi niya sa kanyang uniform. Ganoon din sa kanyang braso at... "Hinalikan mo talaga 'yong lupa?!" sigaw kong muli sa kanya nang makita ko ang mga dumi sa kanyang ilong at nguso! Napanganga ako at hindi makapaniwala sa kanya! D'yos ko naman! Lalo pa siyang nagpakatungo-tungo. Hindi niya mapunasan ito dahil nakahawak ang dalawa niyang kamay sa mga librong napakarami. Kaya ako na ang siyang nagpunas pero mas lalo pa siyang tumungo. Iniinis talaga ako ng lalaking 'to! "Huwag kang tumungo! Paano ko ba 'yan mapupunasan?!" sigaw kong muli sa kanya. Nakakainis! Hinila ko ang baba niya at ini-angat. Mas lumapit ako sa kanya upang makita ko ito ng mabuti. Napansin ko naman ang paglikot ng kanyang mga mata at hindi malaman kung saan titingin na tila na-ilang sa aking ginagawa. Wala sa sariling napatitig ako sa kanyang mga labing natural na mapupula habang ito ay aking pinupunasan. Nakakainis, mas mapula pa 'to kaysa sa labi ko! Parang ang sarap tuloy kagatin. s**t! Bago ko pa magawa ang nasa isip ko ay lumayo na ako. "Tara na nga!" yaya ko sa kanya at kaagad ko siyang tinalikuran. "Dumapa ka ulit at iiwanan na talaga kita!" pahabol kong sigaw sa kaniya habang mabilis akong naglalakad. Nilingon ko siya at nakita ko naman siyang nagmadali din at mabilis na sumabay sa akin. Inangkla ko ang kanan kong braso sa kanyang braso at dumiretso na kami sa aming room. Two weeks ko pa lang naman siyang boyfriend at kung paano? FLASHBACK~ "Tahan na kasi bhe! Hindi iniiyakan ang mga ganoong lalaki! Babaero, playboy, hambog, basagulero, bully, mayabang! Akala mo, kung sinong pogi! Dapat sa kanya, pinuputulan!" galit na galit na sigaw ng bestfriend kong si Colleen. Napatakip ako sa magkabila kong tainga dahil halos mabasag ang eardrum ko sa kanyang napakatinis na boses! Mas masakit na din kasi ang tainga ko kaysa sa'king puso! "Eh anong gagawin ko ngayon?" tanong ko habang nagpupunas ng aking luha at sipon gamit ang tissue. "Pakitapon nga," sabi ko habang inia-abot ko sa kanya ang tissue kong ginamit at kaagad niya din naman itong kinuha. "Ang dapat sa kanya, dinudurog ng ganito! 'Yong yuping-yupi! Hanggang sya'y mamatay! Gigil niya ko!" sigaw niya habang gigil na gigil niyang pinisa-pisa ang tissue sa kanyang kamay. "Teka, ba't parang ang lagkit?" tanong niya habang sinisipat ang tissueng yuping-yupi na sa kanyang kamay at inamoy pa niya. "May sipon ko 'yan eh," inosente kong sabi. "Eeeww! Kadiri ka bhe!" sigaw niya sabay takbo ng mabilis patungong cr. Naiwan naman akong sisinghot-singhot dito sa corridor ng aming school sa tapat ng aming room na matatagpuan sa third floor nitong building. "Get out of my sight, idiot!" "Hahahaha! Haharang-harang kasi eh." "Baka naman lalaban na." "Ano? Kakasa ka, ha?" Napalingon ako sa 'di kalayuan nitong corridor nang marinig ko na naman ang mga boses ng grupong number one bully sa school na ito. At 'yan na naman sila, may pinupuntirya na namang inosente. Napatingin ako sa lalaking nakayuko at nakasiksik sa gilid ng wall na parang binibigyan niyang daan ang grupo nila Howard na dadaan sa corridor. Si Howard ang boyfriend ko este ang ex-boyfriend kong boyfriend din ng buong campus. Dahil maraming beses ko ng nahuling nakikipag-make out sa kung sino-sinong girls na mga haliparot sa campus na ito. Mapa-grade seven, eight, nine, ten, eleven and twelve. Lahat! Walang pinipili, at mas marami pa sa grade seven dahil kinakaya-kaya niya at takot sa kanya. Dahil mahal ko siya ay maraming beses ko na ring pinalampas ang lahat ng kalokohan niyang ginagawa. Four months ko pa lang naman siyang boyfriend simula noong matatapos na kami sa grade ten at ngayon ay grade eleven na kami. Grade seven pa lang ay crush ko na siya at wala pa akong pakialam noon kung playboy man siya. Hinihiling ko nga rin noon na mapansin niya ako eh. Pero noong grade ten lang ako napansin, kaya ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Sinagot ko kaagad siya. Wala ng keme-keme. Harot ko din eh, no? Bakit ba? Nagpapakatotoo lang. Gusto ko siya eh. Bakit ako magpapakipot pa? Kaya 'yon, sweet naman siya lagi. We kissed pero hanggang doon lang. Lumalampas ang kamay niya pero agad kong winawakli. Bawal 'yon! Bubugbogin ako ng dalawa kong kuya na kambal. Kaya ang hinayupak! Sa iba ko nahuling nagmamasahe ng dalawang patag! Patag naman talaga, alangan namang sabihin kong bundok eh flat naman. At hindi lang 'yon, patag ang nakita kong minasahe niya pati 'yong nasa loob ng skirt ng malanding babae at sa cr pa naming mga girls ko naabutan! Mga walanghiya! Kaya ayoko na! Magpakasasa siya sa babae niya! Makulam sana siya at lumobo ang betlog niya! "Ano? Lalaban ka ha?" muling tanong ng walanghiyang Howard sa kawawang lalaki habang itinutulak-tulak ito sa kanyang dibdib. Matangkad naman ang lalaki at maganda rin ang katawan, kaso mukhang mahina. Halos magkapareho nga lang sila ni Howard ng taas at laki ng katawan eh. Nakatalikod kasi siya sa gawi ko kaya hindi ko makilala ang mukha. "Ano?!" muling sigaw ni Howard at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong uupakan na niya ang lalaki! Mabilis akong tumakbo patungo sa kanilang kinaroroonan at humarang sa gitna nila pero natigagal ako ng isang napakalaking kamao ang lalanding sa aking mukha! Napapikit na lang ako at naghintay sa masaklap na kapalarang mangyayari sa aking maganda at makinis na mukha! Pero lumipas na ang ilang minuto ay wala akong naramdaman at tila nanahimik ang paligid. Iminulat ko ang isa kong mata at sinilip kung ano na ang kaganapan. Pero napanganga ako nang makita kong hawak ng lalaking nasa aking likuran ang kamao ni Howard na nasa aking harapan! "Tama na!" sigaw ko kay Howard at malakas ko siyang itinulak. Ngumisi naman siya sa akin ng tila nakakaloko. "Huh! Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sa'kin, ha?" maangas niyang tanong habang dinuduro-duro niya ang lalaking nasa aking likuran pero maka-ilang ulit ko rin itong hinahampas. "Oo, siya na ang boyfriend ko!" wala sa sariling sigaw ko sa kanya. Sinabi ko 'yon para ipamukha sa kanyang hindi lang siya ang lalaki at kayang-kaya ko siyang palitan! "Ang bilis namang magbago ng taste mo? Ang gusto mo na pala ngayon ay 'yong lalampa-lampang gaya niya? For all we know, patay na patay ka sa'kin. Gumaganti ka lang, di ba? Eh anong akala mo, hahabulin kita? No way, huh! Sino ka ba?" maangas niyang salaysay sa aking harapan bago niya kami tinalikuran at animo'y haring naglakad sa corridor. Tumulo ang aking mga luha sa kanyang mga sinabi. Hindi ko akalaing ganito pala kasakit kapag tinrato ka ng ganito ng lalaking pinakamamahal mo. "Tissue?" rinig kong tanong ng lalaking nasa aking likuran. Napayuko ako at nakita ko ang tissue sa aking harapan na iniaabot niya sa akin. Kinuha ko naman ito at ipinunas ko sa magkabila kong pisngi at siningahan. "Pakitapon," sabi ko at muli kong ibinalik sa kanya ang tissue kong ginamit. Tumingala ako sa kanya at doon ako napatanga. F**k! Ang pogi! Ang tangos ng ilong! Ang pula ng lips! Parang ang sarap kagatin! Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi at mabilis siyang yumuko at nag-iwas ng tingin sa akin. "May girlfriend ka na ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. "W-wa-wala," utal-utal niya namang sagot sa akin at doon ako napangiti ng malaki. "Boyfriend na kita simula ngayon, ha?" walang alinlangan kong sabi sa kanya. Kaagad naman siyang napatingin sa akin at napanganga na tila ba hindi makapaniwala sa kanyang narinig. My God! Na-i-inlove ako sa mga mata niya! Hindi naman siya nakasagot sa akin kaya hinila ko na siya. "Halika na boyfie!" At nagpahila din naman siya. *** NIRICKA's POV "Psst." Hindi ako pinansin. "Psst," sitsit kong muli sa kaniya. Isang dipa kasi ang layo ko sa boyfriend kong nagbibingi-bingihan. Exam namin ngayon at nakalimutan kong mag-aral kagabi. Eh kasi naman nag-stalk ako sa sss account ni Howard kagabi, ganoon din sa ** kaya nawala sa isip ko na may quiz pala kami today! Itong boyfriend ko naman ay ayaw magpakopya! Tumingin akong muli sa unahan at sakto naman na nakatalikod si Mrs. Padama ang prof namin. "Psst!" medyo nilakasan ko na. "Break na tayo?" patanong kong bulong sa kaniya at wala pang minutong ini-abot niya sa akin ang scratch paper. Napangisi naman ako. Takot din namang ma-break. Hihihi. Natapos ang exam namin at dalawa lang ang mali ko! Hihihi. Pero bakit hindi na lang perfect?! Nakakainis ang lalaking ito! Minali pa 'yong dalawa! Top 1 lagi siya sa klase. Hindi ko nga alam kung bakit narito ito sa fifth section eh. Dapat nasa first section siya kasi ang average niya ay nakikipagtagisan ng laban sa mga section one. Kailan ko lang din natandaan na since grade eight ko pa pala siya classmate! Hindi ko lang talaga siya napapansin noon dahil nakatuon lagi ang atensyon ko kay Howard. At kung hindi pa siya binully-bully nila Howard ay hindi ko pa rin siya mapapansin. "Halika na, ang bagal!" pasinghal kong yaya sa kaniya habang ako ay naririto na sa pinto at siya naman ay nag-a-ayos pa rin ng mga gamit niya. "Una na ko bhe, ma-o-op lang ako eh. Kila Katrine at bakla na lang ako sasabay," sabi ni bff Colleen na dumaan lang sa harapan ko at saka lumabas. "Sige bhe, ang bagal kasi ng isang ito eh. Iwanan ko na kaya 'to?" sagot ko kay Colleen sa tinig na nayayamot. "Haha. Baka umiyak 'yan. Una na kami," sabi naman ni Katrine habang natatawa. Nakita kong palapit na si Liam kaya sinalubong ko na siya kaagad at hinila para mabilis. Pinag-intertwined ko ang aming mga kamay habang naglalakad na kami sa corridor. Nasa first floor pa ang cafeteria namin at sa kabilang building pa 'yon kaya matagal-tagal pa bago kami makakarating doon. Madadaanan namin ang room nila Howard na nasa first section. Matalino din kasi si Howard at kung magtatagisan ng talino si Howard at Liam? Ewan ko lang kung sino ang mananalo. Sumimple ako ng sulyap sa loob ng room nila at nandoon pa rin siya habang pinalilibutan ng mga babae. Napayuko na lang ako at bumitaw sa pagkakahawak ko kay Liam. Binilisan kong maglakad at nauna na akong bumaba ng hagdan. Nakalabas na ako ng building nang maramdaman kong walang nakasunod sa akin. Huminto ako at lumingon sa aking likuran pero... Huh? Asan na 'yon? Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita ang boyfriend kong mabagal! Sa kakalinga ko ay nakita ko rin siya sa second floor ng building na aming pinanggalingan o pinanggalingan ko dahil naiwan pa siya doon eh at ako palang ang nakakalabas! Teka, may kausap siyang babae? Sino ang babae yon?! Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa gawi ko ang babae pero alam kong babae dahil mahaba ang buhok niyang nakapusod at pangbabaeng uniform ang suot! Napabalik ako ng mabilis. Tumalikod lang ako saglit, may lumandi na agad sa kaniya!? Paakyat na sana ako ng hagdan nang matanaw ko siya sa itaas at nagsisimula ng bumaba ng hagdan ng mag-isa. Asan na 'yong babaeng 'yon?! Luminga-linga ako sa kanyang likuran pero hundi ko na makita pa ang malanding babae! Sinamaan ko ng tingin si Liam. At gaya pa rin ng dati, nakayuko pa rin siya at hindi makatingin sa akin ng diretso. Nang makalapit siya sa akin ay kaagad ko siyang sinigawan, "Nakita ko 'yon! Sino 'yon?! Sino 'yong babaeng yon?!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Puno ng galit ang aking dibdib! Bihira niya lang akong kausapin dahil hindi naman talaga siya pala-imik at 'yong way ng pakikipag-usap niya doon sa babae kanina ay hindi gaya ng pakikipag-usap niya sa akin! Diretso ang paningin niya doon sa babae habang nakikita kong bumubuka ang kanyang bibig at may sinasabi. Hindi ko naman iyon maririnig dahil narito ako sa ibaba. At para bang matagal na silang magkakilala! Pero kapag ako ang kasama niya ay palagi siyang nakatungo at hindi ako kinakausap. Pangit ba ako kaya ayaw niya akong tingnan?! "Sumagot ka!" sigaw kong muli sa kaniya. Wala akong pakialam kung maraming nakakarinig sa akin. "W-wala," sagot niya at lalampasan na sana ako ng hilahin ko siyang muli. Aba't lalampasan lang talaga ako?! "Anong wala? Anong tingin mo sa'kin bulag?!" sigaw ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang manggigil sa galit. "M-may tinanong lang," sagot niya sa mahinang tinig habang nakayuko. Sisigawan ko pa sana siyang muli nang matanaw ko sa hagdan sila Howard at pababa na sila kasama ang mga girls. Hmp! Hinila ko na lang muli si Liam at pinag-intertwined ang aming mga daliri. "Saan tayo mamaya babe?" "Baka naman malasing ka na naman ha at kung ano-ano na namang magawa mo sa'min." "Doon na lang tayo sa dati." "Kasama mo ba 'yong mga tropa mo?" "Ang bango-bango mo naman honey." "Oo nga baby, ang sarap mong kagatin." "Mamaya ipakita mo ulit sa'min 'yan ha." "Oo nga. Ang sarap kasing paglaruan eh. Biglang tumatayo." "Mamaya, kayong lahat ang kakagatin ko." Wala sa sariling napahigpit ang pagkakakapit ko sa mga kamay ni Liam dahil sa mga nakakasukang naririnig ko sa grupong nasa aming likuran. Hihilahin ko na sana si Liam para bumilis kami sa paglalakad nang may marinig na naman ako. "Baby, di ba siya 'yong girlfriend mo?" "Ex," rinig kong sagot ni Howard. "Ay, oo nga pala no. Kawawa naman siya." "Pero may boyfriend na agad siya. Easy to get talaga. MyG!" "Oo nga, ang bilis niyang magpalit ha. Hindi katulad naming loyal lang sa'yo. Yiiieehh." Nagpanting ang tainga ko sa mga naririnig ko sa kanila. Haharapin ko na sana sila nang humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Liam. Napalingon ako sa kaniya at sisigawan na sana siya. Bakit ba niya ako pinipigilan? Natatakot ba siya? Kalalaki niyang tao, duwag! Pero ang lahat ng iyan ay hindi lumabas sa aking bibig. Natigilan ako at tila nanghina ang aking mga tuhod dahil sa taimtim niyang pagtitig sa akin. "Let's go." Siya na ang humila sa akin patungong canteen, samantalang ako ay natatameme at hindi na nakaimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD