CHAPTER 2 RED LIPS

1403 Words
"A-anong gusto mo?" nakayukong tanong niya sakin pagpasok namin ng cafeteria. "Macaroni na lang and pineapple." Dinukot ko ang wallet ko sa bulsa ng suot kong skirt pero... "A-ako na," sabi niya at mabilis akong tinalikuran. Hinabol ko naman siya kaagad. Lagi na lang siyang ganyan. Two weeks ko na siyang boyfriend at two weeks na din akong libre sa pagkain. Abah, may pera naman ako no! Bukod sa allowance na ibinibigay sa akin ni Mommy at Daddy ay sagana din ako sa allowance na galing naman sa mga mababait kong Kuya. Kahit hindi ako humingi. Hmp! "Miss bayad namin." Sabay abot sa kahera ng aking bayad. Aalma na naman sana ang boyfriend kong mabait pero pinanlakihan ko na siya ng magaganda kong mata kaya natahimik siya at muling yumuko. Iniwan ko na siya sa counter matapos kong magbayad at hinanap ang puwesto ng mga lukarit kong kaibigan at 'yon sa dulo, kumakaway na sila sa akin. Bakit ang layo naman nila ngayon?! Naglakad na 'ko palapit sa kanila pero bago 'yon, may tumisod muna sa akin. Fuck! Ang buong akala ko ay mangangamote na ako sa sahig pero may malalakas na brasong sumalo sa aking beywang at kaagad akong itinayo. Napanganga naman ako at napalingon sa taong sumagip sakin. Liam. Ang bilis naman niyang nakasunod? Agad niya akong binitawan at muling yumuko ang kanyang ulo. Bitbit niya sa kaliwa niyang kamay ang tray at ang kanang kamay lang ang ginamit niya sa akin. Hinayaan ko na at nilingon ko ang gumawa niyon sa'kin. Ang mga haliparot na babae ni Howard! "Ano bang problema niyo?" inis kong tanong sa kanila. Nagsipagtawanan naman silang lahat. "Ikaw," sagot ng isa sa namumuno sa kanilang grupo. Hindi ko matandaan ang pangalan niya, hindi rin naman ako interesado. Umayos ako ng pagkakatayo. Itinaas ko ang mukha ko pati na rin ang maganda kong kilay at humalukipkip sa kanilang harapan. Pero hindi rin naman sila nagpatinag. "Akala mo kasi kung sino ka? Porke ba may-ari kayo ng mall at hotels eh ganon-ganon mo na lang i-da-down ang mahal naming si Howard? Duh, If i know napilitan lang naman siya sa'yo eh dahil alam niyang patay na patay ka sa kanya." Aba? Anong dinown? At patay na patay?! Eh bakit buhay pa 'ko hanggang ngayon? "Ano bang problema niyo? Binreak ko na nga 'di ba para masolo niyo ng lahat. Wala na akong paki! Lamunin niyo kung gusto niyo!" sigaw ko at tangkang tatalikuran na sila nang bigla siyang tumayo at tinangka akong sugurin. Pero agad humarang si Liam na nasa aking tabi pa rin at hindi pa nangangalay hawak niyang tray. "Walang-hiya ka! Akala mo kung sino ka! Kakalbuhin kita!" sigaw ng malantod habang pilit niya akong inaabot mula sa pagkakaharang sa kanya ni Liam. Nakaharap sa kanya si Liam at halos mayakap na niya ang boyfriend ko! Agad din siyang napahinto sa kakapasag nang mapansin niya si Liam at mapatitig dito. Kitang-kita ko ang pagnganga niya sa boyfriend ko! "H-hi. W-what's your name?" Aba't napa-english na ang haliparot! "Ang pogi!" iritan ng mga haliparot niyang kasama at naghampasan at nagtulakan pa sa paglapit sa boyfriend ko! Na-alarma naman ako kaya mabilis kong nilapitan si Liam at hinila. Pumunta ako sa harapan niya at pinagtutulak ang mga mahaharot. "Boyfriend ko siya at akin lang siya!" sigaw ko sa kanila. Niyakap ko si Liam sa kanyang baywang at hinila paalis sa kanilang harapan. Nakakatatlong hakbang pa lang kami nang bigla kong linguning muli at samaan ng tingin ang mga malalandi sabay duro sa kanila. Nagulat naman sila at nagsi-upuan na lang ulit. Hmp! Binalingan ko din itong haliparot kong boyfriend. "Ikaw naman, nagpapayakap ka naman!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad kami. Yumuko lang naman siya at hindi umimik. Nagtawanan ang mga nasa paligid namin ganoon rin ang mga kaibigan namin nang makarating kami sa kanilang table. "I-save mo, i-save mo," nakita kong sabi ni bakla kay Katrine habang nag-a-agawan sa isang phone at nagtatawanan. "Bakit ba ang layo-layo niyo?" inis na tanong ko sa kanila. Umupo na kami at siyempre, magkatabi kami ng upuan ni Liam. Inayos niya ang aming mga pagkain at iniabot sa akin ang utensils ng wala pa ring kaimik-imik. "May nag-reserve daw ng mesa natin sa bukana," naiinis na sagot ni Colleen at tinanaw ang mesa na paborito naming puwesto kasi nakatutok doon ang aircon. "Sila siguro, ayon oh," sabi ng isa pang baklang si Kenjie sabay nguso sa aking likuran. Napalingon naman ako doon at natanaw ko na nga ang grupo nila Howard na kasalukuyan ng nag-u-upuan sa paborito naming puwesto! Kainis! Mga nasa apat silang mga lalaki at anim na mga babae. Hmp! "Kumain na nga tayo," sabi ko na lang at nagsimula na kaming kumain. "Ang galing mo Nikay ngayon ah. Halos maka-perfect ka sa quiz." biglang sabat ni baklang Carpio at na-ubo namang bigla si Liam na nasa aking tabi. "Hehehe, siyempre nag-aral ako eh," sagot ko na lang samantalang hindi matigil sa pag-ubo si Liam sa aking tabi. Nilingon ko na siya at sinamaan ng tingin. Agad niya namang dinampot ang kanyang bottled water sa mesa at ininom. "Samantalang ako sampo lang ang tumama sa mga hula ko! Waaahh!" ngawa ni Katrine. "Mabuti nga may tumama pa sa hula mo eh," nakangiwi namang sagot ni Kenjie. Habang abala kaming lahat sa pagkain ay patuloy din naman kami sa pagkukuwentuhan. Nang walang ano-ano'y isang babae ang napansin ko sa 'di kalayuan naming puwesto. Nakatitig siya sa gawi namin habang kumakain. Naalala ko 'yong babae kanina na nakita kong kausap ni Liam sa second floor ng building namin. Parang siya 'yon ah. Pinagmasdan ko ang kanyang suot na uniform at ang buhok niyang nakapusod sa kanyang likuran. Nilingon ko si Liam sa aking tabi pero abala siya sa kanyang pagkain at tila walang pakialam sa kanyang paligid. Siniko ko siya ng mahina at napalingon naman siya sa akin pero dagli ding nagbawi ng tingin. Nanggigigil na talaga ako dito eh. Pangit ba ako?! "Subuan mo ko," utos ko sa kanya sabay bitaw sa hawak kong fork. Napahinto naman siya sa pagkain at napatitig sa akin ng may pagtatanong. Haaayst! "Subuan mo ko," ulit ko. "P-paano?" inosente niyang tanong. Haaaayst! "Pfft," pigil-tawa ng mga kasama namin dito sa table! "Isubo mo daw 'yong sa'yo. Ooopps!" natatawang sabi ni Katrine habang pigil na pigil ang mapahagalpak ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil din naman siya at muling nagpatuloy sa pagkain. "Subuan mo ko ng pagkain," medyo malakas at inis ko ng sabi kay Liam. Hindi naman siya magkandaugaga. Kinuha niya kaagad ang aking plato at sinimulang kutsarahin ang macaroni at isinubo sa akin. Ang gusto ko sana ay ang pagkain niya para perfect. Pero maiinis lang na naman ako kaya hinayaan ko na. Matapos niya akong subuan ay pasimple akong lumingon sa babae at halos manigas ako mula sa aking kinauupuan nang bigla siyang ngumisi sa amin. Kumabog ng malakas ang aking dibdib at nangatal ang aking mga kamay kaya pasimple ko itong ibinaba sa ilalim ng mesa. Ang creepy! Sino ba sya?! Lumingon akong muli kay Liam at wala pa rin akong mabasang reaction mula sa kanya. Hindi ba niya nakikita 'yong babae?! Kun'sabagay, may mga ilang estudyante ang nakaharang kasi may dalawang table na nakapagitan sa amin bago 'yong sa table noong creepy na girl. Hanggang sa natapos kaming kumain, pati ang pineapple juice ko na nasa baso ay si Liam na rin ang humawak at isinubo sa akin ang straw. Hindi pa rin naman siya makatingin sa akin ng tuwid habang hawak ang baso at straw. Samantalang ako ay halos matunaw na ang labi niya sa pagkakatitig ko dahil ang pula-pula! Nagli-lipstick ba siya? Mukhang hindi naman eh. Plain kaya. Walang kabahid-bahid. I wonder kung marunong ba siyang humalik. Maya-maya lang ay nakita ko itong bumuka. "U-ubos na," rinig kong tinig kasabay ng pagbuka ng kanyang mga labi at naramdaman ko ang paghila ng straw mula sa aking bibig na hindi ko namalayang kagat-kagat ko na pala. "Eherm!" malakas na pagtighim at tawanan ang biglang pumukaw sa natutulala kong diwa. Nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize ko ang nangyayari. Napatitig pala ako ng matagal sa mapupulang labi ni Liam! Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD