Chapter 2 - Present

1427 Words
Kasalukuyan: Natigil ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang kuya ko from overseas. "Hey kuya wassup?" pangangamusta ko sa kaniya. "Uhmm, ok lang naman," tipid niyang sagot. "Ehh ikaw kumusta? Saan ka ngayon?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Dito sa shop," tipid ko ring sagot na may ngiti sa aking mga labi. "Saan sila nanay?" "Nasa bahay busy sa pagtatanim ng mga gulay at halaman niya may plano yatang magtinda sa palengke," sagot ko sa kaniya nang natatawa. Natawa rin siya. Kasalukuyang nasa Australia siya at doon nagta-trabaho bilang engineer. At doon na rin siya nakapag-asawa ng kapwa niya Pinoy rin. Sa ngayon may isa silang anak si Anthony. Ang cute ng batang iyon mataba kasi. Every two years sila kung umuuwi rito sa Pinas para magbakasyon. Apat na taong gulang na si Anthony at palagi niya akong kinakausap kapag tumatawag ang daddy niya sa akin, ang kuya ko. "Gano'n ba, hayaan mo na kung saan siya masaya," sabi ni kuya ng nakangiti. "Kaya nga eh, at least nalilibang." "Kaya ako napatawag, 'di ba birthday na ni nanay next week?" "Oo," pagsang-ayon ko. "Magpapadala ako ng pera pero huwag mo munang sabihin sa kaniya, kasi hindi kami makakauwi dahil magkakaroon na kami ng baby number two," masayang sambit ni kuya. "I-surprise mo na lang siya bali." "Buntis ka?" biro ko sa kaniya. "T*nga! Natural ang ate mo ang buntis," naiirita niyang sagot ngunit natatawa. "Ang lutong no'n ah," sabi kong natatawa rin. Natural na lang din sa amin ang ganoong expression. "Wow kuya congrats pakisabi na rin kay ate Margie," nakangiti kong saad. "For sure girl na iyan." "Nasaan na pala ang bulinggit na 'yon?" hanap ko sa pamangkin kong si Anthony. "Nasa labas naglalaro," sabi ni kuya. "Eto na pala, lakas ng pang-amoy naamoy yata boses mo," biro niya. "Mabaho ba?" natatawa kong tanong. "Ikaw lang makakasagot niyan," sabi niyang natatawa. "Hi tita ganda, what are you doing?" bati ni Anthony sa akin na may halong pambobola ngunit tatanggapin ko iyon kasi totoo naman ang sinabi niya. At take note ang bata hindi nagsisinungaling. "Hello baby boy, I'm here at the office reporting for duty," sagot ko naman sa kaniya na nakangiti. "I'm not a baby anymore, I'm big now. And I'm going to be a kuya soon," pagmamaktol niya. Napapangiti ako, he's so cute kasi. "But you're still a baby to me," pang-aasar ko pa sa kaniya. "I will not talk to you anymore," pagtatampo niya sa akin. "Aba aba ang bata marunong na magtampo," sabi kong natatawa. "What did you say po tita?" tanong niya sa akin. "Nothing baby Anthony, I said I miss you," sabi ko. "I miss you tita and I love you very very much. Mwuahh mwuahh," paglalambing niya sa akin habang kini-kiss ang screen ng cellphone as if lulusot ang kiss niya. "You're so sweet baby boy, and I love you more. Mwuahh mwuahh," balik kong paglalambing sa kaniya na nakangiti. "Say bye to tita na and you're going to take a shower," sabi ni kuya sa anak niya. At nagba-bye na nga si Anthony sa akin. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya Randy, mayamaya may kumatok sa pintuan ng office ko. "Pasok." "Ate, tumawag si Mrs. Santos o-order daw po siya ng tatlong chocolate cake at dalawang custard cake," sabi ng staff ko na si Tina. May sarili kasi akong cake shop at sa tulong ng kuya ko naging posible ang pangarap kong makapagpatayo nito. Limang taon na rin ako sa mundo ng paggagawa ng cake at masasabi ko namang maganda ang tinatakbo ng negosyong ito. Sa katunayan may isang sangay na ito. "Kailan daw niya kailangan?" tanong ko kay Tina. "Sa katapusan pa naman daw po, nagpapa-order lang po siya ng maaga." "Ok sige, kuhanin mo lahat ng details kung ano ang size ng cake at ang mga ilalagay na pangalan," habilin ko kay Tina. "Copy ate," sagot niya sa akin at nagmadaling lumabas. Masugid na customer ko iyang si Mrs. Santos gusto niya ang cake na gawa ko hindi raw kasi masyadong matamis. Kaya madamihan siya kung mag-order dahil inereregalo niya raw ito sa mga amigas niya. At dahil din sa kaniya na dadag-dagan ang mga customers ko. Kaya malaking pasasalamat ko talaga kay Mrs. Santos. Buong maghapon akong nasa shop at inayos ko lahat ng mga may orders para mai-deliver on time o 'di kaya'y ma-pick up na nila ng maaga dito sa shop. May mga katiwala rin naman ako sa pagbe-bake pero usually kapag special order ako mismo ang gumagawa. Halos araw-araw ito ang routine ko, bahay shop bahay shop. Madalang lang din akong pumupunta sa mga mall. Minsan lang din ako dumadalo sa mga party kapag niyayaya ako ng mga kaibigan ko. Speaking of them. "Hello baklang Shaira saan ka ngayon?" si Marjorie isa sa mga kaibigan ko. "Saan pa ba, alam mo na iyan," sagot ko sa kaniya sa kabilang linya. "Bakit bakla anong meron? At mukhang excited iyang boses mo ahh," tanong ko sa kaniya. Bakla kasi mga tawagan namin kahit mga purong babae kami. Apat kaming magkakaibigan. Nag-umpisa ang pagkakaibigan namin noong nag-aaral pa kami sa college. Kahit ang iba sa amin ay may mga pamilya na minsan kapag nagkayayaan go pa rin ganyan ka solid ang friendship namin. "Bukas kasi birthday ni Brent mylabs nagyaya siya sa labas mag dinner daw tayo. Niyaya ko na rin sina Jane at Grace at kasama ang kanilang partners at junakis," masaya niyang wika. "Sus bukas pa naman pala." "Hoy bakla kaya tinawagan kita ng maaga kasi alam ko na kapag na busy ka na naman makakalimutan mo," mahinang sigaw niya sa akin sa kabilang linya. "Kilalang kila mo talaga ako ah," natatawa kong sambit. "Sa tagal ba naman nating magkaibigan hindi pa kita makakabisado?" aniya. Masasabi ko sa aming apat si Marjorie ang mas kilala ako. Close naman kaming apat pero siya ang mas nakakakilala sa akin ng lubusan. At sa aming apat ako ang bukod tanging single at never pa nagkaroon ng side car. Si Marjorie may Brent na at nakikita ko naman na masaya ang kaibigan ko sa piling ng irog niya kaya masaya na rin ako. Meron din itong sariling salon na pagmamay-ari niya. Sa tuwing pumupunta kami sa kaniyang salon palaging libre ang service kahit ano man ang aming ipapa-ayos sa aming buhok o sa kuko man. Ayaw naman kaming pagbayarin kahit nagpupumilit kami na magbayad kaya kapag siya naman pumupunta sa shop palagi rin siyang may bitbit na cake kapag pauwi na ito. At siya palagi ang unang nakakatikim ng gawa kong cake kapag may bago akong imbento. "So ano go ka ba bukas?" untag niya sa akin. "Puwede bang mag back out?" biro ko sa kaniya. "Subukan mo lang at 'wag ka ng magpapakita pa sa akin," biro niyang hamon. "Wala naman akong choice, edi go na ako mahirap na," natatawa ko namang sabi. "Ok sige, kita tayo bukas text ko sa iyo location kung saan. Okay?" paninigurado niya. "Okidoki bakla, see you tomorrow," pag sang-ayon ko sa kaniya. At hayon natuwa naman dahil sasama ako. Ganyan kami mag-usap madalang lang ang seryoso kapag naka encounter lang ng problema. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at hindi ko namalayan gabi na pala at malapit na rin magsarado ang shop. Niligpit ko na mga gamit ko para sabay-sabay na kaming lumabas sa shop kasama ng mga tao ko. May sarili naman akong sasakyan kahit gabihin ako ng uwi, okay lang. Naipundar ko ito noong nakaraang taon kaso nga lang hulugan masyadong malaking pera ang ilalabas kapag cash eh. Kuripot lang ang peg. Actually, matagal na akong sinasabihan nang kuya ko na kumuha na ng sasakyan at siya raw magbabayad. Tinanggihan ko, kahit pa-paano may hiya pa naman ako. Paano siya na lahat ang gumagastos para sa pamilya namin simula noong nakapagtrabaho siya. Nang dahil din sa kaniya nakapagtapos ako ng kolehiyo. Big thanks to my kuya talaga at napakabait niya. Kaya masuwerte talaga ang mapapangasawa niya bukod sa masipag, guwapo pa. Totoo iyan kasi maganda rin ako sabi ng pamangkin ko, ang anak niya. Oras na ng uwian, nagpaalam na rin ang mga tao ko sa akin. Nag drive na rin ako pauwi. As always ma-traffic. Binuksan ko na lang ang stereo nang sasakyan para makinig ng music. Nagpa-tugtog ako ng acoustic song. Kapag ito kasi napapakinggan ko nare-relax ang utak ko. Para kasing ang sarap sa pakiramdam kapag ito ang naririnig ko. Napapangiti ako at biglang sumagi ulit sa isipan ko ang nakaraan sa hacienda Galvez...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD