Chapter 2

1322 Words
Habang nag lalakad sa lobby ng Hoffman's building si Liza nakakakuha siya ng atensyon ng bawat empleyado. Ngayon lang siguro nakakita ng maganda ang mga ito.. hihi Pasipol sipol pa siya pag dating niya sa receptions area ng Hoffman's buiding "Good morning!" masiglang bati niya sa babaeng receptionist. Maganda ito at matangkad "G..Good morning ma'am. What can i do for you?" Mukhang nagtataka ito sa kanyang itsura ngunit hindi lang nito pinapahalata sakanya "Paki sabi kay Angelo Hoffman nandito ang soulmate niya" Ngumiti siya ng malapad dahil napakunot ang nuo ng babaeng maganda "Do you have appointment with Mr.Hoffman today ma'am?" "Oo kanina pa ako hinihintay non.." balewala niyang sagot. Kinuha niya ang kanyang bubble gum sa kanyang bulsa at binalatan niya iyon. Nakatingin lang ang receptionist sakanya habang binabalatan niya ang bubble gum niya "Gusto mo ba miss?" alok niya dito kaya napa-iling ito at ngumiti "May i know your full name ma'am?" Ngumuya muna siya ng kanyang bubble gum bago niya sinagot ang tanong nito "Sabihin mo nandito na si Liza yung babaeng soulmate niya kilala agad ako nun.." Napalunok ito. "F..For awhile ma'am" May tinawagan ito sa white telephone habang nag hihintay siya Maya maya lang bibaba na nito ang telephone. "Ma'am Mr.Hoffman is waiting for you at the 58th floor" Ngumiti siya "Sabi sayo kilala niya ako eh. Thanks miss!" Tuwang tuwa siya ng bigyan siya nito ng card access upang maka-akyat siya sa 58th floor Nang makasakay siya sa elevator nag retouch pa muna siya ng kanyang black lipstick. Ginulo gulo niya din ang kanyang pink hair upang maging messy look iyon "Ganda mo talaga liza.." pagpuri niya sa kanyang sarili. napapatingin naman sakanya ang mga tao sa loob ng elevator Pag dating niya sa 58th floor agad siyang lumabas ng elevator "Grabe nabinge ako don ah.." tinapiktapik niya ang kanyang tenga dahil pakiramdam niya sumakay siya sa isang eroplano sa sobrang taas ng floor nito "Ang lamig naman dito.." Nakaramdam siya ng ginaw dahil naka tube lamang siya. Malakas ang aircon sa floor na iyon Derederetso siya sa pag lalakad hangang makita niya ang The president's office "Taray talaga ni Angelo sakanya pinamana ng tatay niya ang business nila.." Kumatok siya sa pinto ng opisina nito. Ngunit nasaktan lamang ang kanyang kamay dahil matigas ang pintuan nito "Aray ko. Jusko bato ba to?" Napansin niyang my door bell sa gilid kaya napangiti siya Pinindot niya iyong ng ilang beses. Natuwa kase siya sa pag pindot "f**k! Hindi yan laruan!" Nagulat siya ng may biglang boses na sumigaw sa isang maliit na speaker "Hello?" Sinilip niya pa ang loob ng puting speaker "Ayos to ha. High tech!" "Please come in!" galit na sigaw ng boses nito sa speaker "Ha? Paano ako papasok?" Tanong niya Maya maya bumukas ng automatic ang pinto ng opisina nito Napanganga siya "Wow ayos ang astig!" Masaya siyang pumasok sa loob ng opisina ni Angelo. Mas malamig sa loob ng kwarto nito Namangha siya sa sobrang laki ng opisina nito. Mayroon napaka-laking center table at malaking flat screen apple computer ang nasa table nito "Hi soulmate? Long time no see ha?" Bati niya kay angelo. Nakatalikod ito sakanya "Ngayon palang nasstress nako sayo" Halatang galit nanaman ang boses nito "Ay pasensya na. Natuwa kase ako sa door bell. Ang lambot eh" Humarap ito sakanya. Pakiramdam niya nakakita siya ng angel na bumaba sa lupa dahil sa sobrang gwapo nito! Ilang taon din niyang hindi nakita ito? Halos sampung taon! Hindi niya inaasahan ang pagbabago ng itsura nito. Noon pa man gwapo na ito ngunit ngayon kulang ang salitang gwapo upang idescribe ang itsura nito He is so neat and fresh. Para bang ang bango bango nito. Nakasuklay ng maayos ang buhok nito at ang kinis kinis ng mukha nito. His eyes.. Yan ang kahinaan niya noon. Sa tuwing makikita niya ang kulay asul nitong mata nanghihina ang tuhod niya. Nagmana ito sa side ng tatay nito. Half-American blood din ang mga ito kaya naman sobrang gwapo nito. Napansin niya din na lumaki na ang katawan nito. Hindi na ito payatot katulad noong bata pa lamang sila. Napalunok siya.. Shit ang gwapo! "God!" Mukhang nagulat ito sa kanyang itsura. Pinagmasdan din nito ang buong katawan niya. Napasimangot ito lalo. "Ano bang trabahong aapplyan mo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakasimangot nitong tanong sakanya Doon lang siya parang nagising sa pagkakatitig sa gwapong mukha nito "Ah..Eh.. Wala akong ibang damit eh. Mga ganito lang" Medyo nanginginig na siya sa sobrang lamig ng opisina nito Napabuntong hininga ito. "Giginawin ka talaga sa suot mo.. Tss.." Nagtaka siya dahil hinubad nito ang sarili nitong coat at ihinagis sakanya Nasalo niya agad ng coat nito. Ang bango grabe! "Isuot mo yan kung ayaw mong magka-pulmonya" "S..Salamat bossing" Tuwang tuwa naman niyang isinuot ang coat nito. Inamoy amoy niya pa ng pasimple ang coat nito. Amoy mayaman! "Hindi ko alam kung saan kita ilalagay. Ano bang natapos mong kurso?" Umupo ito sa chairman's chair nito kaya umupo na din siya sa isang upuan na katapat nito. M..mas gwapo siya sa malapitan. "Business management major in logistic management" "Logistics? You mean connected yan sa transportation management?" kunot noong tanong nito "Parang? Hmm Siguro? Ewan.." Kibit balikat niya "Natapos mo yung course mo na hindi mo naiintindihan?" She rolled her eyes. "Logistic management is the management that concerns for the flow of raw materials from its initial supplier to its final customer. Connected siya sa supply chain management. Well i can say connected din siya sa transfortation management dahil may flow of materials na involved from point to point.." Mukhang nagulat naman ito sakanyang sagot. Hindi cguro nito inaasahan ang sagot niya. Umayos ito ng pagkakaupo at tinitigan siya. "Well okay... Good answer. Kaso anong position ang aapplyan mo? walang bakante dito--" "Ayaw mo lang eh? Hangang ngayon ba naman Angelo galit ka padin?" "Yeah. Naiinis kasi ako kapag nakikita kita. To be honest ayokong magtrabaho ka dito--" Pranka nitong sagot "Grabe ka naman. Trabaho lang walang personalan" "Look liza.. I don't have much time to waste. Madami pa akong gagawin.--" "Ganito nalang. Kung ayaw mo akong magtrabaho dito sa kompanya mo ipasok mo nalang ako sa bar ng kapatid mo.." suwestion niya "Anong gagawin mo dun?" kunot nuong tanong nito "Kakanta.. Singer ako sa isang pipichuging bar sa malate. Mababa ang sweldo ko dun kaya naisip kong humingi nalang ako ng tulong sayo. Nandito ako upang mag apply bilang singer sa bar ng kapatid mo. Akala mo naman gusto kong magtrabaho dito sa boring na opisina mo?" "Hindi ka tatangapin ni Miguel" "Grabe ka talaga Angelo. Hindi agad? Close ko yun si miguel noon kaya tatangapin ako nun" Napabuntong hininga ito "Fine. I'll call him. Bumalik ka mamayang seven p.m sasamahan kita kay miguel. Tulog pa yun ngayon" "Shooot! Thank you soulmate!" Todo ngiti niyang sabi "Get out. Madami pa akong aasikasuhin" Nag iwas ito ng tingin sakanya "Ayos boss. Thank you din dito sa coat mo. Sakin nalang ba to?" "Yeah ayoko ng isuot yan" "Arte ha? Wala naman akong baktol eh" Napasimangot lang ito "Sige babalik nalang ako mamayang gabi. Pero may isang hiling lang sana ako sayo" "Ano?" galit nitong tanong "Pwede secret lang natin kay inay yung pag trabaho ko sa bar ni Miguel?-" "Gagawin mo pa akong sinungaling--" "Di naman sa ganon. Ayaw kase ni inay na kumakanta ako--" "Fine." "Yown! Salamat! Babye-you!" Tumayo na siya at lumakad palabas ng opisina nito. Todo ngiti siya dahil sa wakas makakapagtrabaho na siya sa pinakasikat na bar sa pilipinas. "May itim na lipstick yung ngipin mo" Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ni Angelo. Nilingon niya ito. Nahuli niyang nakatingin ito sa bandang pwet niya. "Braces ko yan. Bagay ba?" todo ngisi niyang sagot. "You're still crazy.." napapa-iling nalang ito at walang magawa sa kabaliwan niya. "Bye soul mate see you later! Yung secret natin ha?" Hindi na siya pinansin nito kaya mas lalo siyang napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD