Si Damon Callum Villa Monte, 30 years old at Mayor ng Cabuyao sa lungsod ng Laguna. Sa anim na taon niyang termino ay puro responsibilidad sa bayan at sa mamamayan ang kaniyang pinagkakaabalahan. Masyado itong subsob sa trabaho at gusto niya lahat ng bagay ay nasa tama at ayos.
Dahil sa galing niya sa pamamahala ay nahihirapan ang taumbayan na pakawalan siya sa pagiging Mayor ng bayan nila. At isa na rin 'yon sa dahilan kung bakit wala nang oras pang makaramdam ng pagmamahal si Damon dahil sa kanyang responsibilidad.
Pero lahat ng ito ay nagbago ng pumasok bilang sekretarya niya si Bella Mila, 25 taong gulang. Ang babaeng bubulabog sa nanahimik niyang puso.