bc

Burning Attraction

book_age16+
1.7K
FOLLOW
12.3K
READ
second chance
arrogant
brave
band
drama
twisted
sweet
surrender
like
intro-logo
Blurb

La Sorellanza Series #1 : Marshall Visere

Miyembro ng isang banda si Marshall Visere, 19 years old at kasalukuyang naninirahan sa kanilang studio. She used to be a tourism management student, kung hindi lang ito nabroken sa kanyang dating nobyo na si Priston.

Mula kasi nang ipagpalit siya ni Priston sa ibang babae ay nawalan na rin ito ng direksyon sa buhay. Simula noon, puro banda nalang at pagpapatayo ng negosyo ang inatupag niya. Nasanay na siya sa ganoong pamumuhay hanggang sa isang araw ay nalaman na nga ng mga magulang nito na kasinungalingan nalang pala ang kwento niyang nakapasa siya bilang Flight Attendant.

Doon nagsimula ang kalbaryo niya, idagdag pa na sumulpot na naman na parang kabute si Priston sa buhay niya. Hala, nagkandaletche-letche na.

chap-preview
Free preview
Simula
MARAHAN lamang ang paglakad ko nang pasukin ang isang maliit na straktura. Ang mga katya, simento, at ilang mga kahoy ay nakatambak pa sa loob nito. Iyon ang sumalubong sa akin nang tahakin ko ang korteng parihaba. Dalawang hulmadong parisukat para sa bintana. Hindi ganoon kabilis ang progreso sa pag gawa nitong shop ko pero ang mga nakikita ko ngayon ay sapat na para sa akin. Small progress is still a progress. Hindi naman ako nagmamadali. Kinapa ko ang telepono sa bulsa ko. Ang kabilang kamay ay okupado sa pag-hawak ng bag ko. I took a picture of the slab roof. The doorway, the room partition. Ang sukat, ang metro. Lahat iyon ay naaayon sa ginawa kong sketch. A small smile was carved on my lips as I stare at the captured photos. Napatigil lamang ako sa pagtingin-tingin nang biglang tumunog ang telepono ko. I knew it was Bleu. Doon ko lamang naalala ang lakad namin. Paniguradong naghihintay na ang mga ito sa studio. Tumalikod ako at naglakad palabas. Hindi na ako nag-abalang lumingon pabalik bago tuluyang makaalis. I've seen enough. Bukas ay pupwede naman ulit akong sumaglit dito. "Ano, nasaan kana? Darating kapa ba o mauuna na kami?" Itinaas ko ang kabilang kamay ko para pumara ng taxi. Sinasabi ko na nga ba't ganito ang sasabihin nito. Itinaas ko ang sleeve ng cardigan ko para tignan ang oras sa wrist watch ko. Hindi pa naman ako late. Ang problema lang ay hindi pa ako nakagayak. Kung mata-traffic pa ako ngayon ay baka hindi na ako maka-abot. "Malapit na ako," saad ko at sumandal sa headrest ng upuan. "Hindi ako naniniwala," mataray na saad nito. Hindi ako tumugon at ibinaba nalang ang tawag. Tutugtog kami sa BGC ngayon. I heard we will be the last performers. Pero kami yata ang may pinakamaraming kakantahin. My bandmates were probably excited, since it's been a week since we last played. Nang makarating sa studio ay natanaw ko agad si Bleu sa pinto. Ang dalawang kamay ay nasa baywang. I scrunched up my nose. Mabilis ang naging paglakad ko. Hinubad ko ang cardigan na suot at ibinaba ang bag sa sofa. Nakasunod ito sa akin. Ang dalawang kilay ay magkasalubong. "Kung hindi kapa tatawagan, wala kang balak bumalik." "Babalik naman ako. May dinaanan lang." Umungos ito. Agad akong nagtungo sa dressing room para magbihis. Sila Calithea, Nieoni at Xash ay nakaupo na sa sofa habang bihis na bihis na. Tama ngang ako nalang ang hinihintay. Mabilis ang naging pagkilos ko. I wore a oversized t-shirt with a printed face in front. Ripped loose jeans and a high cut blue converse. A silver necklace completed the look. Humarap ako sa malaking salamin at sinipat ang sarili ko. Bagsak ang natural na mahaba kong buhok. I put on some lipbalm so I wouldn't look dull. Nang makalabas ako ay tumayo na ang mga ito. I picked up my guitar and put it around my shoulder. Si Blue ang nagsarado ng studio dahil siya ang may hawak ng susi. Sa labas naman ay nakaparada ang itim na van na pagmamay-ari namin. Ang pangalawang naipundar namin pagkatapos nitong studio. Calithea was the one responsible for driving since siya lang naman ang may driving license sa amin. "Sa unit ni Nieoni tayo tutuloy ngayon," Bleu said the moment the engine started. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Suot ang earphone ko kahit walang nakaplay na music. I didn't budge so I would look tune out. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango ni Xash. "Why don't we start playing pop song?" Si Nieoni iyon. "Ayaw ni Marshall ng mga ganoon." Naramdaman ko ang mga titig nito sa akin. It was a cue for me to turn my head around. "Bakit?" "Ayaw mo, 'diba?" ulit ni Bleu. "Bakit ako ang tinatanong niyo?" "Sinong gusto mong tanungin namin, ang mama mo?" Tanong nito pabalik. I frowned at her utterance. They went back to their topic afterwards. Hindi na muli akong bumalik sa pwesto kanina at nakinig nalang sakanila. They were talking about boys, ex-flings, particularly. Si Nieoni ang naging tampulan ng tukso. Pati ako ay napapangisi sa tuwing inaasar nila ito sa ex-boyfriend niyang uncircumcised. Kung ako man kasi ang magkaroon ng boyfriend na hindi pa tuli ay iiwan ko nalang. Sa aming lima, si Bleu na yata ang pinakamalakas mang-asar. Pero kung siya naman ang tutuksuhin ay ang bilis mainis. She's our manager. The founder, the bass guitarist. "Calithea, ikaw ang magpa-gas ngayon." Si Xash iyon. "Ano? Bakit ako?" "Gipit ako ngayon. Sige na, babayaran ko nalang sa susunod." "Saan ka nagipit e wala ka namang binabayaran." "Nagbayad ako ng upa." Nagtanggal ako ng earphone. "Tumigil ka, Xash, ako ang nagbayad ng renta." Lumingon ito sa akin, dismayado. "Marshall!" Humalakhak si Calithea. Wala nang nagawa si Xash kung hindi dumukot sa kanyang wallet. Parang hirap na hirap pa ito sa pagkuha ng pera. Bago dumiretso sa nightbar ay huminto muna kami sa gasolinahan. The bar looks expensive. Iyon yata iyong bagong tayo. I've never been here. Sa labas palang ay makikita mo na kung gaano karami ang taong nasa loob. Hile-hilera ang mga sasakyang nakaparada. It looks even costly inside. We stopped at an empty table. Doon sa pinakagilid. It was a sea of bodies. May ilang tumitingin sa amin. They probably recognize us. Hindi lang naman ito ang unang beses na tutugtog kami. Sa dalawang taon na pagkakabuo ng banda ay marami na kaming napuntahan. We were once featured on a tv show. Xash ordered drinks. Si Bleu naman ay biglang nawala. Kami nila Calithea ang naiwan sa table. I took a glance on my wrist watch before I returned my gaze at the stage. It was a boy band. Pamilyar pero hindi ko matandaan ang pangalan. But I know I've seen them play before. Their vocalist, at the very least, look familiar. Nang makabalik si Xash ay kasunod nito ang isang server, holding a bucket of ice and two bottles of cuervo. "Wow! Walang pang-gas pero may pambiling alak?" Calithea beamed. Napatawa si Xash. "Tatanggi kaba sa alak?" Agad na hinawakan ni Calithea iyong isang bote. "Ayokong tumanggi sa grasya!" Malakas na pagkakasabi nito dahil sa malakas ring tugtog sa loob. Agad itong nagsalin sa mga baso namin. Si Nieoni ay kanina pa yata gustong sumayaw pero dahil kami na ang susunod ay hindi makaalis. Nang maka-ilang shot ay tumigil na ako. Ayokong uminom nang uminom hangga't hindi kami nakakatugtog sa stage. Hindi naman ganoon kalakas ang tolerance ko sa alak. Ilang minuto pa ay hindi ako nakatiis. Iniwan ko ang gitara ko kay Nieoni at lumabas. Naglakad ako sa paradahan ng sasakyan at kinuha ang pakete ng sigarilyo sa van. Kanina nang tumitingin-tingin ako sa loob ay wala akong nakitang nagsisigarilyo. Bawal siguro doon. Hindi katulad sa ibang bar na langhap na langhap mo ang iba't ibang mga usok. Binukas ko iyon at naglakad-lakad papuntang open space. Kinuha ko ang metallic lighter sa bulsa ko at nagsindi ng isa. Tumingala ako at napahawak sa batok ko. Wala pa man din ay parang nakakaramdam na agad ako ng pagod. I puffed on my cigarette and checked my phone. Baka biglang magtext si Bleu na kami na ang tutugtog. "Never knew you smoke." Rinig kong sabi ng kung sino. Humithit ako at muling bumuga ng hangin. I turned sideways and arched a brow. "Anong—" "Glad to see you here, Visere," he said, his tone dripped with amusement. The smoke almost choked me. I coughed, unable to breathe for a brief moment. Ang kalahating stick na hawak ko ay nalaglag mula sa kamay ko. The glee in his face never left, parang ang sarap suntukin. His face looks so punchable I'm so close landing a fist. "I wish I could say the same." And there is no way I would hide my sarcasm. "You with a friend?" he asked, ignoring my remark. "None of your business." His face even lightened up. Hindi ko alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas ng loob para kausapin ako. His face was getting more annoying the more I look at it. Huminga ako nang malalim at naglakad para talikuran siya. And I swear to whoever's watching I would punch his face if he ever try to stop me by my wrist. "I'll watch. Goodluck." I clamped my jaw hard. Hindi ko siya nilingon. I wasn't surprise to know he's here in the Philippines, but of all places.. we're not supposed to see each other here. Mabilis ang lakad na lumapit ako sa table. Wala ng laman ang isang bote at mukhang nagkakasiyahan na ang mga ito. Si Bleu ay nandoon narin. Calithea waved her hand when she saw me. "I saw him." Mabibigat ang bawat paghinga ko. Si Xash na busy sa panonood sa stage ay napatingin sa akin. Nieoni nodded her head. "He owns this." Suminghap ako, ang dibdib ay sumisikip. "You knew?" "He invited us here." It was Bleu who answered. That got me dumbfounded s**t. Suminghap ako at hindi makapaniwalang tinapunan sila ng tingin. They knew and no one even dared to inform me about it. Umiling ako sakanila. I couldn't take the sarcastic look off my face. "Then I'm not playing."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.6K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

OSCAR

read
227.5K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.8K
bc

That Professor is my Husband

read
504.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook