Chapter 2

2156 Words
“Nasaan na ang pera?” Tanong ni Joanna sa akin. Dinukot ko sa bulsa ang sampung libo na binigay ni Daddy at binigay ko agad sa kanya. Lumaki ang ngiti nilang apat mabilis na binilang ni Joanna ang perang ibinigay ko sa kanya. Pagkatapos ay sinilid agad sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay bumaling ulit sa akin. “Naki-usap lang ako kay Daddy na dagdagan ang allowance ko. Hindi na ako makakahingi ulit. Pwede bang wag niyo na akong hingian ng pera? Wala na akong maidadahilan sa kanya.” Nakayukong sabi ko sa kaniya. Nagulat ako ng hilain niya ang kwelyo ko. “Hindi ko na problema kung anong sasabihin mo sa Daddy mo para may maibigay sa akin. Gusto ko sa susunod na lunes bigyan mo ulit ako ng pera. Kulang pa ito sa bisyo namin kaya lakihan mo next week nagkakaintindihan ba tayo?” “Pero Joan—” “Sagot!” Sigaw niya sa akin. Napilitan akong tumango sa kanya. Pagkatapos ay marahas niya akong binitawan kaya napaupo pa ako sa semento. Nasa likod kasi kami ng building dahil kakatapos lang ng lunch namin na ako pa rin ang nagbayad sa mga kinain nila. Ito ang pakinabang ko sa kanila kaya hindi nila ako tinatantanan. “Tara na girls! Para masabi niyo kila Maki ang mangyayari mamaya.” Tawag niya sa mga kasama niya. Sobrang sama talaga ng grupo nila. Hindi talaga nila ako tatantanan kahit na ano ang mangyari. Akmang tatayo na sana ako nang may makita akong isang maputing kamay na nakalahad sa akin. Nag-angat ako ng tingin at isang babaeng kulay itim ang mga mata maganda at itim na itim ang buhok ang nakita ko. “Tsk! Pumapayag ka ng ganun-ganunin ka lang ng mga yun?” Kunot noo na sabi niya sakin. Napayuko ako sa kanya at hindi ko tinangap ang tulong niya. Kaya yumuko siya sa harapan ko at tinukod niya ang tuhod niya. Para magpantay ang mukha naming dalawa. “Kapag hindi ka lumaban sa kanila. Palagi ka nilang a-apihin. Kapag patuloy mong sinunod ang gusto nila patuloy ka nilang a-alipinin. Narinig ko ang lahat ng sinabi ng babaeng yun sa’yo. Dahil natutulog ako doon sa kabilang puno. Inantay 'kong lumaban ka pero di mo ginawa. Bakit? Natatakot ka ba sa kanila?” Suminghap ako at huminga ng malalim. “Nakita mo naman siguro kung gaano sila kadami diba? Kapag lumaban ako sa kanila siguradong katapusan ko na.” Sagot ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa mapula niyang labi. “Kung kaya mong protektahan ang sarili mo. Hinding-hindi ka matatakot sa kanila. Kung kaya mong palakasin ang sarili mo. Makakaya mo silang talunin. Wag kang papayag na basta ka na lang nila paglaruan. Kapag hinayaan mo silang gawin yun sa’yo. Lalamunin ka ng galit at yang galit na yan ang magtatakwil sa sarili mo hangang maging kagaya ka rin nila. Pero may mas matindi pa dun. Kapag hindi mo nakaya ang ginagawa nila sa’yo made-depressed ka at sa huli mawawalan ka na ng ganang mabuhay.” Makahulugang sabi niya sa akin. Sinalubong ko ang tingin niya. “Sino ka? Bakit mo sinasabi ito sa akin?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kung makapagsalita kasi siya parang naranasan niya din ang nararanasan ko ngayon o talagang madali lang sa kanya na sabihin yun dahil wala siya sa posisyon ko. “I’m Luna, nalagay din ako sa sitwasyon mo years ago. But I choose to become stronger ang fiercer. Kung ako ang nasa sitwasyon mo kanina. Segundo lang bubulagta na sila sa harapan ko.” “Sis, nanakot ka na naman ba kanina pa kita hinahanap.” Nanlaki ang mata ko nang sumulpot ang isa pang babae. Dahil kamukhang-kamukha niya ang babaeng kausap ko na si Luna. “Kambal kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Hi! I’m Sol. Tinatakot ka ba ng kapatid ko? Pasensya na ha ang hilig kasing manuod ng suspense at horror nito eh.” “A-Ako naman si Lhiriya. Tawagin niyo na lang akong Riya.” Pakilala ko sa kanya. Tinulungan nila akong tumayo. Pinagpag ko ang pantalon ko at muli ko silang tinignan. Iba pala talaga kapag may kambal na magkapareho ang mukha. Wala man lang akong makitang pagkakaiba nilang dalawa. Pareho din ang tangkad at ang katawan nila. Para silang carbon copy. Hindi kagaya namin ni Miguelito. May pagkakahawig kami pero magkaiba naman ang aming kasarian. “Bakit mo ako hinahanap?” Tanong ni Luna sa kanya. “Ngayon lang kami lumabas. Hindi pa ako naglu-lunch samahan mo ako.” Malambing na sabi ni Sol. Nakita ko na ang pagkakaiba nilang dalawa. Misteryosa at seryoso si Luna pero si Sol parang typical at malambing na babae pero may something din sa kanya. “Maiwan ka na namin Riya. Pag-isipan mo ang sinabi ko.” Seryosong sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran. “Bye Riya! Nice meeting you.” Nakangiting paalam sa akin ni Sol. Napaisip ako sa sinabi ni Luna. Tama siya kapag hindi ako lumaban sa kanila hindi nila ako tatantanan. Pero hindi ko alam kung paano ko sila lalabanan. Wala akong kakayanan at may pagka-lampa pa ako. Paano ko sila matatalo kung makita ko lang sila nangangatog na ako sa kaba at takot. Saktong alas-singko natapos ang last subject namin. Kaagad nila akong nilapitan. Hindi na talaga ako makakatakas sa kanila. Nagtatawanan sila habang nag-uusap at naglalakad kami palabas ng university. Papunta kami ngayon sa bilyaran. Kung saan ang tambayan nila. Palinga-linga naman ako sa paligid dahil hinahanap ko si Nara. Sana lamang ay hindi siya dumating. Sana ay nakalimutan niya ang sinabi ni Joanna sa kanya. Pagkapasok namin sa bilyaran ay may iilan nang naglalaro. May sampung billiard table sa loob at may VIP pa na nakahiwalay para sa exclusive na maglalaro. “Paano kung hindi siya dumating?” Tanong ni Miles nang makahanap na sila ng upuan. “Kapag hindi siya dumating ipapakidnap ko siya kay Maki at ipapagahasa ko sa mga kaibigan niya para magtanda.” Nakangisi niyang sabi. Nagsindi sila ng sigarilyo at kanya-kanya sila ng hit-hit at buga. “Hindi ko siya kaibigan Joanna. Nagkausap lang kami sandali kanina dahil may itinanong siya sa akin. Wala naman siyang ginawang masama sa inyo bakit niyo pa siya kailangan papuntahin dito?” Kinakabahan ‘kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin at binugahan niya ako ng usok sa mukha kaya napa-ubo ako at nagtakip ng aking bibig at ilong gamit ang aking palad. “Hindi mo ba nakita ang ginawa niya kay Miles? Binali niya ang daliri ng kaibigan ko. At tinabig niya ang kamay ko. Malaking atraso na yun para sa akin. At isa pa, unang tingin ko pa lamang sa kanya ay kumulo na agad ang dugo ko. Mayabang ang babaeng yun kaya tuturuan ko siya ng leksyon.” Tiim bagang niyang pahayag. Seryoso na talaga siyang saktan si Nara. “Hi babe!” Napatingin kami sa paparating na si Maki. Kasama ang mga barkada din niyang wala ding magandang magawa sa mga buhay nila. “Mabuti naman nandito na kayo. Para makita niyo kung paano ko bugbugin ang mayabang na babaeng pinapunta ko dito.” Nakangising sabi ni Joanna sa kanila. Kung bibilangin ko sila nasa bente silang nandito. Ano na lamang ang mangyayari kay Nara kapag pumunta siya dito. Bakit kasi pinatulan pa niya ito kanina sana ay umalis na lamang siya. Nanlalamig na ang kamay ko nasa sulok lang ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Panay din ang tingin ko sa bakal na gate. Hangang sa nahagip ng mata ko ang dalawang pamilyar na babae. “Luna? Sol?” Mahinang sambit ko. Nakatukod sa baba niya ang dulo ng billiard cue habang nakatingin sa akin. Si Sol naman ay seryosong tinitira ang mga ball sa ibabaw ng billiards table. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayon pero masama ang kutob ko. “Dumating din ang babaeng mayabang.” Sambit ni Miles. Napunta sa gate ang tingin ko mas lalo akong kinabahan nang makita ko siyang naglalakad papasok. Wala man lang akong makitang takot sa mga mata niya. “Hi Riya!” Kaway niya sa akin. Nagmadali akong lumapit sa kanya pero hinablot ang braso ko ni Maki at marahas na itinulak sa mga kasamahan niya. Mahigpit nilang hinawakan ang dalawang kamay ko. “Siya ang may atraso sayo Joanna?” Tanong ni Maki sa girlfriend niya habang ngumunguya ng bubble gum. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang kapit nila sa akin. “Oo bakit? Kilala mo ba ang babaeng yan?” Nakataas ang kilay na tanong nito. “Hindi, pero sayang naman kung bugbugin niyo lang. Dapat pinaubaya niyo na muna sa amin. Mukhang masarap umungol ang isang ‘to.” Nakangising sabi ni Maki. Kaagad siyang binatukan ni Joanna. “Nagbibiro lang naman may batok agad?” Dalawang dipa na lamang ang layo ni Nara sa kanila nang lumapit si Joanna sa kanya. “Matapang ka talaga. Kaya mas lalo akong gaganahan na bugbugin ka.” Sumilay ang ngiti sa labi ni Nara. “Ikaw lang ba ang bubugbog sa akin o kasama sila?” Ininguso ni Nara ang mga kasamahan ni Joanna na ngayon ay nakatingin din sa kanilang dalawa. “Wag kang mag-alala ako lang ang gugulpi sa’yo. Sigurado naman na sa akin pa lang luluhod kana.” Mayabang na sagot ni Joanna sa kanya na mas ikinangisi ni Nara. “Kapag natalo kita. Magiging alipin ka na rin namin at lahat ng gusto namin na ipagawa sa’yo ay gagawin mo. Kahit sabihin ko pang himurin mo ang sapatos ko ay gagawin mo. Pero kapag nanalo ka hindi ko na guguluhin pa ang tangang babae na yun.” Turo sa akin ni Joanna. Naiiyak na umiling ako habang nakatingin kay Nara. Nang dahil sa akin mapapahamak pa siya. Hindi pa nga kami gaanong magkakilalang dalawa. At kanina lang kami nagkausap. “Boss! Itira mo sa akin yung daliri para makaganti ako!” Sigaw ni Miles na ikinatawa naman ng lahat. Naglabasan din ang ibang naglalaro sa bilyaran. Batid siguro nilang may mangyayaring gulo. Pero naiwan ang dalawang kambal na sina Luna at Sol at abala sa pagbi-billiard. Hindi ata alintana ang magaganap na gulo. “Nag-iintay sa labas ang kapatid ko kaya bilisan natin okay?” Seryosong sabi ni Nara sa kanya. “Dapat pinapasok mo na para mas masaya.” Pang-uuyam ni Joanna sa kanya. “Hindi pwede, maarte yun eh. Saka mabilis uminit ang ulo noon mahirap na.” Nagtawanan ang mga kabarkada ni Joanna. “Bitawan niyo ako!” Pilit 'kong hinihila ang kamay ko sa lalaking humawak sa akin. Pero hindi sila nakikinig at panay lang sila tawa parang mga adik dahil namumula pa ang mga mata. “Hoy! Ano yan?! Kung mag-aaway kayo wag dito sa negos—” Nagulat ako nang biglang kinabig ni Maki ang ulo ng lalaki at hinampas sa billiard table. Mabilis itong nawalan ng malay at bumulagta sa semento. “Ayan wala ng paki-alamero simulan niyo na!” Akmang hihilahin ni Joanna ang buhok ni Nara pero kaagad na umatras at naiwasan niya ang kamay nito. “Magaling ka pa lang umilag pero paano mo kaya iilagan ito!” Kinuha ni Jonna ang billiard cue stick sa ibabaw ng billiard table at inihampas kay Nara hindi ko na napigilan ang sumigaw pero nagulat ako nang mahawakan yun ni Nara sa kanang kamay niya. “Wala na bang ibibilis ang atake mo?” Tila tinatamad niyang sabi kay Joanna. Hangang sa binali niya ang kabilang dulo ng tako. Hindi lang ako ang nagulat pati ang mga kabarkada ni Joanna at ang may hawak sa akin ay nagulat din sa ginawa ni Nara. Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Inihampas ni Joanna ang kalahati ng stick kay Nara pero mabilis niya itong nailagan. Gumanti ng hampas si Nara at tinamaan sa kaliwang mukha si Joanna na ikinabulagta nito sa sahig. “Joanna!” Halos sabay nilang tawag. Impit na napahawak ito sa pisngi na ngayon ay may latay na ng stick. “Ops! Sorry! Napalakas ba?” Matalim ang tingin na ipinukol nila kay Nara. “Hayop ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!” Sigaw ni Joanna sa kanya at mabilis siyang tumayo. Sinugod niya si Nara. Pero bago pa siya makalapit ay tinamaan na siya ng flying back kick ni Nara. Tuluyan siyang nawalan ng malay at bumagsak sa semento. Literal na nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Walang kahirap-hirap niyang napagbagsak ang babaeng kinakatakutan ko sa matagal na panahon. “Ang galing mo!” Narinig kong sigaw ni Sol. Napabaling ang tingin ko sa kambal nakaupo na sila sa billiard table at kumakain ng malaking clover na junk food. Habang nanunuod sa amin. “Sinaktan mo ang girlfriend ko kaya hindi ka na makakalabas dito ng buhay!” Sigaw ni Maki na may hawak na patalim at kaagad na sinungaban si Nara. “Nara!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD