‼️Rated 18+/SHORT STORY‼️
**First POV**
Labandera ang ina, batugan ang ama. Para kay Dalia, wala ng pag-asa ang lahat. Nabuhay siya sa mundong ito na mahirap, mamatay din siyang mahirap. Ngunit nang makilala niya si Rex, nagkaroon siyang muli ng pag-asa na kahit paano ay umangat man lang sa buhay dahil sa mga pangako nito. Ngunit kalaunan ay nalaman niyang nagpapanggap lamang pala ito na isang may-kaya sa buhay. Bukod sa mga kapatid na kailangang alagaan at tustusan ang araw na pangangailangan ay lalo pang nadagdagan ang pasanin ni Dalia. Si Rex ay isang palamunin at walang ibang inatupag kundi ang makipag-inuman sa kanto. May pag-asa pa kayang magbago ang buhay ni Dalia? Hanggang kailan niya papasanin ang daigdig?