bc

For the Love of Hannah (Hating Mr. Right)

book_age16+
33.5K
FOLLOW
179.9K
READ
billionaire
family
second chance
goodgirl
decisive
student
sweet
bxg
lighthearted
single daddy
like
intro-logo
Blurb

Hannah Lauricio and Haley Bautista are half-sisters but don't get along well since they were kids. Naiintindihan naman ni Hannah kung bakit. Ang ina niya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang ni Haley.

Bumalik ang ama niya sa sarili nitong pamilya nang mawala ng ina niya sa isang aksidente. At dahil hindi sila magkasundong magkapatid, nakiusap siyang maiwan sa Lola niya at hindi na rin siya humingi pa ng anumang sustento mula sa ama. Nagtrabaho siya sa isang hotel sa Pagudpud para matustusan ang pag-aaral.

Hanggang sa makilala niya si Ezekeil Albano sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nag-alok ito ng scholarship sa kanya kapalit ng pagtatrabaho niya sa kumpanya nito oras na makatapos siya ng pag-aaral. A rich man at a young age, kind and oozing with s*x appeal; he is her ideal of a Mr. Right. Madaling nahulog ang loob niya at naging kasintahan niya ito matapos ang ilang buwang panliligaw. Nang hiniling nitong sa Maynila na siya magtapos ng kolehiyo ay sumama siya rito.

Ngunit ang pag-ibig niya sa binata ay nagdulot ng sakit sa kanya nang malamang ito ang ama ng anak ng kanyang kapatid na si Haley. Kasabay ng pagkatuklas ng pagtataksil nito ay ang pagkawala ng bata nasa sinapupunan niya. Lumayo siya kay Ezekeil at ipinagpatuloy ang buhay na malayo dito.

Pero makalipas ang dalawang taon ay muli itong bumalik sa buhay niya. Pero hindi para mahalin muli kung hindi ang alagaan ang anak nito sa kapatid na si Haley na iginupo ng sakit sa kanser.

Mapipigilan ba niya ang puso na mahalin itong muli?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hinihiling kong samahan mo si Ethan sa pagdala ko sa kanya sa bahay ko, Hannah,”  nakikiusap na wika ni Ezekeil pero tila kulog sa pandinig niya.  Hindi nito alam kung gaano kahirap para sa kanya ang kahilingang iyon.  “I am not a babysitter, Ezekeil,” wika niya.  Tumalikod siya at tinanaw ang mayayabong na puno ng niyog mula sa bintana ng bahay nila Haley, pero wala doon ang isip niya kundi ang galit sa dibdib sa taong matagal niyang iniwasan.  Muling ibinaling ang mata sa pamangkin na naglalaro kasama ng Lola nito at may humaplos sa puso niya na awa at pagmamahal dito.  Payat at sakitin ito mula noong bata pa dala na rin ng may sakit na si Haley noong ipinagbubuntis ito nito.  Nitong nakaraang linggo ay nalaman nilang may problema ito sa puso kaya’t kailangang dalhin sa Maynila para mapagamot ng maaga.  “You are not.  Pero bilang pinakamalapit na kamag-anak ay may malasakit ka naman sa kanya, hindi ba?” Kung malasakit lang ay higit pa roon ang nararamdaman niya para kay Ethan kahit sa sandali lang na nakasama niya ito.  Her heart bleeds everytime the child looks for his mother.  Na sa murang edad nito’y alam na nitong dapat meron itong ina na kasama ngayon.  Alam niya ang ganoong pakiramdam dahil maaga ring nawala ang Nanay niya.  Kapag inaatake ng hika ang bata dahil sa pagod sa paglalaro ay awang-awa siya dito. “My son needs immediate medical attention, Hannah.  Pero hindi kaya ng Lolo at Lola niya na samahan pa siya dahil matatanda na sila.” “I have a life, Ezekeil,”  pagtutol pa rin niya.  Nahahati ang puso niya sa kalagayan ni Ethan at sa nakaraan nila ng binata.  Hindi niya pa kayang sagutin kung alin ang mas matimbang. “Hindi ko hinihingi ang buong oras mo.  You can work whenever you want and do whatever you want.  Gusto ko lang mapanatag ang mga Lolo’t Lola niya dahil kasama ka namin.” “Kung alam ko lang na ganito’y hindi na muna ako umuwi ng Pilipinas.  You all seem to enjoy your life at my expense,” mariin pa rin niyang wika.   Narinig niya ang marahas nitong paghinga at ang sandaling katahimikan.  “I know how you hated me, Hannah.  Pero hindi ko pinagsisihang minahal kita sa kabila ng responsibilidad ko kay Haley at Ethan.  Kung sa tingin mo’y ikaw lang ang nasaktan at nagdusa ay ako rin.  You don’t know what I’ve been through.  I stopped living since you left,”  madamdamin nitong wika.   “Hindi ko gustong pag-usapan, Ezekeil.”  Tumuwid siya ng tayo at tinungo ang pintong nakabukas.   Nang makitang nakatayo doon ang pamangkin ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig.  Nakita rin niyang malungkot ang mukha ng bata na lalong nagpabigat ng damdamin niya.  Apat na taong dito ito namalagi kasama ng Lola at Lola nito at alam nitong sasama na ito sa ama kinabukasan.  Alam niya ang lungkot at takot na bumabalot sa mura nitong kaisipan.  She can’t be selfish that much, can she?    “You don’t want to be with me,”  wika ng bata na halos paiyak na.  Marahil ay narinig nito kanina ang pag-uusap nila ni Ezekeil.  Mabilis siyang umiling at hinaplos ang mukha nito. “Oh, Ethan… Of course I want to be with you.”  Pilit siyang ngumiti.    “You don’t want to go with us,”  muling wika nito at sandali siyang natilihan. “Of couse I do,”  sagot niya sa bata.  “I will talk to your Lolo, okay?”  Tumango naman ito.  Tumayo siya at tinungo ang ama na nakatayo sa silong ng punong manga. “Alam niyo ho ba ang desisyong ito ni Ezekiel, ‘Tay?”  tanong niya sa ama.  Marahan naman itong tumango. “Alam naming nagiging makasarili kami, Hannah.  Bago namatay si Haley ay gusto niyang ihingi ko siya ng tawad sa’yo; una ay dahil hindi naging maayos ang relasyon niyong magkapatid, pangalawa ay ang pagkasira ng relasyon niyo ni Ezekeil dahil sa ipinaako niya ang bata dito.” Sandali siyang napapikit nang maalala ang kapatid.  Sandali ring gumuhit ang pait sa dibdib niya na agad din niyang pinalis.  Wala na si Haley at hindi tama ang dala pa rin niya ang damdaming iyon. “Nakikiusap kami sa’yo, anak.  Kahit man lang sana hanggang maayos ang kalagayan ni Ethan,”  dagdag pa na wika ng ama.    Dalawang linggo pa lang siya halos sa Pilipinas pero heto at kinakaharap niyang muli ang suliraning matagal niyang tinakasan.  Hindi niya alam kung naghilom na ang sugat na idinulot ni Ezekeil sa kanya, dahil sa pakiramdam niya ngayo’y muling nabuksan ang lahat ng sakit at pait na tila kahapon lang.  Naramdaman niya ang paglapit ni Ethan sa kanya at pagyakap sa tuhod niya.  Tuluyan nang umagos ang luha sa kanyang mga mata.  Nang umupo siya ay agad itong yumakap. Sa loob ng panahong nakakasama niya ito’y napalapit ng husto ang loob nila sa isa’t isa.  Marahil ay hinanap nito ang kalinga ng inang ina at siya nama’y nangungulila pa rin sa dapat sana’y mahigit isang taon na niyang anak.  Ang anak niya kay Ezekeil. Tumayo siya at muling pumasok sa loob ng bahay.  Kailangan niyang mag desisyon dahil naghihintay ang lahat ng tao doon sa magiging pasya niya.  “Mukhang wala naman akong pagpipilian kung hindi ang sumama.  Nandito ako ng alas sais bukas,” wika niya kay Ezekeil  na napalingon sa sinabi niya.  Lumiwanag ang mukha nito pero agad niyang iniwas ang mga mata.  Bumaba siya at nagpaalam sa ama at sa ina ni Haley na natuwa rin sa desisyon niya. Nakita niyang bumaba si Ezekeil at tinungo ang sasakyan. “Huwag mo na akong ihatid.”  Malakas niyang sabi ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ito at pinaandar ang makina.   Ilang sandali pa ay huminto ito sa tapat niya.  Hindi niya na nagawang makipagtalo dahil nakatingin ang Tatay at Ina ni Haley, mabigat ang loob na sumakay siya sa sasakyan. Habang nasa daan ay wala silang imikan ni Ezekeil at ipinikit niya ang mga mata para umiwas sa anumang pag-uusap.  Nang makarating siya sa gate ng bahay ng Lola niya ay saka ito nagsalita. “Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na makita ang pagkamuhi sa mga mata mo,”  mahina nitong sabi habang ang mata’y nakatuon sa daan.  “I want us to start again.  I want you to forgive me and love me again the way you used to.” “Puyamag lang ako sa gusto niyo dahil sa pagmamahal ko kay Ethan, Ezekeil.  Tapos na kung anuman ang meron tayo dati.” “I will prove to you that I am still the man worth for your love.  Even if it will take me a lifetime.”  Hindi siya sumagot bagkus ay binuksan na ang pinto ng kotse at bumaba.  Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam at gusto niyang umiyak.  Nang makapasok sa bahay ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag.  Nagmano siya sa Lola niya bago pumasok sa sariling silid.  Inihiga niya ang likod sa kama at muling nag-isip kung tama ba ang desisyon niyang sumama kay Ezekeil sa Maynila.  Gusto niyang itulog ang mga alalahanin, pero sa halip ay dumaloy lang ang mga alaalang pinilit niyang kalimutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.1K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Faithfully

read
265.5K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.3K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.3K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook