Chapter 4

1539 Words
Inabot sa kanya ni Manang Cely ang tray ng pagkain at ihatid daw niya sa bisita ni Sir Russel nila sa silid na tinutuluyan nito. "Bakit daw? Hindi ba hindi na ako dapat naghahatid ng pagkain sa mga guest?" "Kaibigan naman ‘yon ni Sir, wala naman gagawin yung masama sa’yo. May importante lang daw sasabihin. Sige na dalhin mo na at nagugutom na ‘yon," pilit nito sa kanya at hawak niya na ang tray kaya wala na siyang nagawa. Nakatingin lang si Fate at Mia sa kanila ni Manang Cely. Kinakabahan siya habang naglalakad sa hallway patungo sa silid nito. Naisip niya ang pagkakatitig nito sa kanya kanina sa lobby, kung may kinalaman iyon sa ipagkakausap sa kanya ngayon ay hindi nya matiyak. Pero sana nama'y wala itong kinalaman sa trabaho niya dahil lalo siyang hindi makakapag-aral kung matatanggal siya sa trabaho. Isang mahinang katok ang ginawa niya na agad namang bumukas ang pinto na tila naghihintay talaga ito. "G-good afternoon, Sir." pinilit niyang pasiglahin ang tinig sa kabila ng kabang nararamdaman. "Come in, Miss Lauricio," wika rin nitong nakangiti. Napawi ang kaba niya sa pagtawag nito sa kanya in a business manner na tila ba propesyunal ang pakay nito. Inilapag niya ang tray sa maliit na mesang katabi ng sofa at tumayo roon habang nasa likod ang dalawa niyang kamay. Nakatayo naman ito sa tabi ng kama at nakasandal sa tokador habang matiim na nakatitig sa kanya. "M-may sasabihin daw po kayo?" alinlangan niyang tanong nang hindi ito nagsasalita. Tumuwid naman ito ng tayo at lumapit patungo sa gawi niya. Naalarma siya ng huminto ito sa harap niya at kinuha ang burger pati na rin ang isa pang juice. Noon niya napansin na dalawang baso ang nasa tray at bukod sa kanin at ulam ay may burger pang kasama. "Sit down and eat." Hinila nito ang upuang nasa ilalim ng mesa at umupo naman sa isa pang silya. "Thank you, Sir. Pero hindi po kami allowed kumain kasama ang guest sa hotel," magalang niyang sabi. Ang kaba ay muling umaahon sa kanya dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. Ang panlalaking pabango nito'y dumadagdag sa atraksyon niya na naghahatid ng kilig ngunit pilit niyang pinaglalabanan. Hindi niya ito personal na kilala at hindi niya alam ang dahilan ng pagpapapunta sa kanya sa silid nito. ‘Though she felt safe dahil hindi naman nito isinara ang pinto at anumang oras ay pwede siyang lumabas. "Please, Miss Lauricio. Hindi ako sanay kumaing mag-isa nang may babaeng nakatingin lang sa harap ko. That's why I requested to put extra burger and juice." "Pasensya na po, Sir. Bukod sa bawal po talaga ‘yon e kumain na rin po kami sa canteen. Babalik na lang po ako pagkatapos niyong kumain." Akma siyang tatalikod nang mabilis nitong nahawakan ang braso niya at agad din namang binitawan na tila napaso. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Hindi naman ito mapanganib sa tingin niya pero hindi tumitigil ang pag-kabog ng dibdib niya. "I'm sorry," wika nito nang mabanaag ang pagkalito sa mukha niya. "I don't mean to scare you. It happened na narinig ko kanina na namomroblema ka sa pagpapa-enroll. Kaibigan ko naman ang boss mo so don't be scared. I just want to offer you scholarship if you are interested." Kung hindi nito sinabing kaibigan ito ng boss niya'y iisipin niyang isa na naman itong indecent proposal na kalimitan niyang natatanggap. Noong nakaraan ay isang pulitiko ang nag-offer sa kanya ng sustento kapalit nang pagsama niya sa mga lakad nito. In short, escort girl. At napipikon siya sa mga ganoong offer dahil ni minsan ay hindi siya nagpakita ng motibo sa mga ito na kailangan nya ng pera o anupaman. But this one's different. Bukod sa malakas na atraksyon na dala ng lalaking ito'y sinsero siyang kinakausap. "Bakit nyo naman po ako o-offeran ng scholarship?" "Because you need it and it happens that we have scholarship program in our company. Sa Maynila nga lang iyon, but we can extend our help here if necessary," kaswal na sagot nito. "I'm Ezekeil, by the way. You can check my profile with Russel. May-ari kami ng Albano Hotels at Albano Airlines. You can check our website and you can call our office if you want to check my legitimacy." So hindi lang ito basta mayaman, saad niya sa sarili. Alam niya ang kumpanyang binanggit nito dahil isa ito sa mga balak niyang aplayan kapag nakapagtapos siya. "A-ano po ang requirements para makapag apply ng scholarship?" Bigla siyang nahiya sa kaharap dahil pinag-isipan niya ito ng masama. "First, you need to sit down and finish that food. Second, smile to me when you talk to me, and third, wag kang kabahan kapag kausap ako. Hindi naman ako nangangain ng tao. Kapag nagawa mo yan, bukas na bukas din ay matatanggap mo ang pang-enroll mo. My staff will send you the voucher via e-mail because you have to sign it," wika nito habang nakasandal lang sa upuan at hindi pa sinisimulan ang pagkain. Napilitan siyang umupo sa katapat na upuan at ngumiti pero kinakabahan pa rin talaga siya. Hindi dahil sa natatakot, kundi dahil sa nakakatunaw na tingin ng lalaking ito sa kanya. "E Sir, baka tanggalin ako ni Sir Russel sa trabaho nito ha." Isang malapad na ngiti ang pinakawalan nito na halos malaglag ang puso niya. Bakit ba may ganito kagwapong nilalang at kaharap pa niya ngayon? Gwapo rin naman si Sir Russel niya pero hindi ganito ang epekto sa kanya nang personal siyang interviewhin dati. "Don't worry, akong bahala sa’yo pag sinisante ka nya," pabiro naman nitong sabi. Hinawakan na nito ang kutsara at saka nagsimulang kumain. "Eat your burger dahil dyan nakasalalay ang scholarship mo." Natawa na rin siya sa sinabi nito at napilitan na ring kunin ang burger na nasa harap niya. "How old are you by the way?" tanong nito sa kanya. "Nineteen po. Third year college na po ako ngayong pasukan. HRM po ang kurso ko." Hindi niya na hinintay na itanong nito sa kanya iyon. "Okay na sana ang scholarship mo kaya lang may problema pa pala," wika nitong naiiling. Nagulat naman siya at napaaawang ang mga labi nang hindi nito tinuloy ang sasabihin. Mapupurnada pa yata ang scholarship niya e na-excite na siyang magpa-enroll bukas. "A-ano pong problema?" "Yung napakaraming 'po' mo, maraming hindi pumapasa dahil dyan." Napahawak siya sa dibdib sabay ngiti dahil sa pagbibiro nito. "Kayo Sir ha, bina blackmail nyo ko sa scholarship na yan."  Napangiti rin ng kausap sa sinabi niya. "Do I look like old to you? I'm only twenty eight, hindi mo ako kailangang pino-po." "Kaibigan po kasi kayo ng boss ko." "So? From now on magkaibigan na rin tayo, also stop calling me Sir dahil hindi naman ako ang amo mo. Feeling ko tuloy antanda ko na." "Sige po." "Miss Lauricio—," banta nito dahil sa pagpo niya ulit. "Sige.." pag-uulit niya. Ano nga ba ang itatawag niya rito? "Zek. Call me Zek," utos nito na tila nabasa ang tanong sa isip niya. Wala na siyang masabi kaya tinuon na lang ang mata sa pagkain. Sino ba ang nag-prepare nito at double patty pa ang nilagay? Hindi tuloy niya maubos-ubos. Napakarami ding mustard sauce at catsup na nagkalat na yata sa bibig niya. Si Ezekeil ay nakatitig sa kanya na tila naaaliw. "It's alright to be messy when you eat hamburgers. Mas masarap kasi ang maraming sauce." Kinuha nito ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. Oh heavens! Pakikiligin ba siya lalo ng taong ito? "Okay lang yun Sir— ay Zek — kung mga kaibigan mo ang kasama mo—" "I thought magkaibigan na tayo?" "I mean yung matagal mo nang kasama." pagtatama niya. "Ano nga pala ang ipinunta mo dito e wala naman si Sir Russel ngayon?" "I have important matters to do tomorrow. Pero sa umaga iyon. Sasamahan kitang magpa-enroll sa hapon." "Sasamahan mo pa ako? Pwede namang ako na lang, nakakahiya naman." "Okay lang iyon, wala naman akong gagawin sa hapon. Besides, wala akong ganoong kalaking hawak ngayon. I still have to go to the bank." "Okay." "Dalawang taon ka pang mag-aaral pagkatapos ay sa Albano Hotel or sa Airlines ka magtatrabaho, kahit alin sa dalawa. Pwede ka ba roon?" "Sa totoo lang isa yan sa mga kumpanyang pangarap kong pagtrabahuhan. Ang swerte ko pala dahil hindi na ako mahihirapang mag-apply." "Then consider yourself hired once you finished your studies. Kaso walang branch dito ng mga iyon, okay ba sa’yong malayo sa pamilya mo?" "Lola ko lang naman ang kasama ko sa bahay. Pwede ko na siyang dalhin para may kasama na rin ako doon kung sakali." "Hmm.. how about your boyfriend?" "Wala akong boyfriend." Uminom na siya ng juice saka nagpaalam na rito. Matagal na siyang wala sa pwesto niya at nagtataka na ang mga iyon kung bakit ang tagal niyang bumalik. Kung bakit kasi ang hirap kumain ng burger kapag ganito kagwapo ang kaharap mo. "Babalik na ako sa pwesto ko baka hinahanap na nila ako. Salamat sa merienda at sa scholarship. Malaking tulong sa amin ng Lola ko iyon." "You're welcome." Tumayo ito at pinunasan ang labi saka pinamulsa ang kamay. Habang palabas siya ay nakasunod ito sa likuran niya. "Hmmm, Hannah.." tawag nito nang makalabas siya ng pinto.  Lumingon siya at tumitig sa binata. "Don't accept any suitors for two years. Ipapalagay ko sa kontrata mo yan." Kumindat pa ito sa kanya bago tumalikod habang siyang nakalingon pa rin. Hay.. liligawan mo ba ako pagtapos ko ng college? Tila kinikilig pa niyang sabi habang kinakausap ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD