Chapter 3

1123 Words
Pabagsak na inilapag ni Ezekeil ang bag na dala sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Pagod ang katawan niya sa halos dose oras na pagmamaneho. Kung tutuusin ay hindi niya kailangang maghotel dahil pwede naman siyang makitulog sa bahay na pupuntahan niya. Pero mas palagay ang loob niyang dito manuluyan kaysa sa bahay ni Haley kasama ang mga magulang nito. At dahil tumanggi naman si Haley na magpakasal sa kanya'y maituturing na hindi sila magkarelasyon. Kung tutuusin ay wala naman talaga. Kung paanong may nangyari sa kanila isang gabi na nagkayayaan ang mga kasama sa opisina at sumama siya ay hindi niya lubos maisip. Haley is beautiful, no doubt about it. But he was not attrated to her, bukod pa sa bawal sa kumpanya nila ang magkaroon ng affairs kahit kaninuman sa mga empleyado. Haley is his brother Zane's secretary. Haley knew he doesn't love her dahil sa katunayan ay may dini-date siyang isang modelo, na kahit pa hindi siya ganoon ka-seryoso ay alam iyon ng lahat. Pero dahil nalaman niya ang pagbubuntis ni Haley ay tumigil siyang makipagkita sa modelong nililigawan. Nag-resign din siya bilang VP for Operations sa Albano Hotel at ibigay ang posisyong iyon sa asawa ng kapatid na si Selena. He was lost for a while, and offering marriage to Haley was the best he could think of to correct what he had done. Kahit ang kapalit ay ang kalayaan niya. Umuwi na ng probinsya si Haley noong nakaraang linggo pa matapos itong magresign sa Albano Corp. at maiturn-over sa bagong empleyado ang trabaho nito. Dapat ay ihahatid niya ito ngunit ang sunod sunod na problema sa Albano Airlines ay pumigil sa kanya na umuwi ng Ilocos Norte kasama si Haley. Hindi pa niya personal na nakikilala ang pamilya nito dahil nakatira lang ito noon sa isang apartment sa Maynila. At dahil hindi pa niya alam kung ano ang aasahan sa pakikipagkita niya sa pamilya nito'y dito muna siya tumuloy sa hotel ng kaibigang si Russel. Ang Luxent Hotel ay isa mga sikat na hotel sa parteng ito ng Ilocos.  Malapit ito sa mga tourist spots na karamihang pinupuntahan ng mga turista, kaya hindi nakapagtatakang mula sa two-storey building noong una itong itinayo ay nasa five-storey na ito at ang silid na tinutuluyan niya'y extention na ng hotel.  May tatlong silid ang extension na ito na tinutuluyan ng pamilya ng kaibigan kapag narito ang mga ito sa Pilipinas.  Ang silid na tinutuluyan niya ngayon ay para sa mga VIP guests na tulad niya.  Russel and he are best of friends since college.  Tumanaw siya sa bintana ng silid kung saan tanaw mula roon ang Saud Beach.  Alas dos pa lang ng hapon kaya wala gaanong naliligo dahil tirik pa ang araw.   Kaygandang pagmasdan ang asul na asul na tubig at puti niyong buhangin.  Maka limang beses na siyang nakarating dito dahil kapag may okasyon sa pamilya del Prado ay lagi siyang naiimbitahan ng kaibigan. Ngunit ngayon ay iba ang pakay niya kaya siya naroon.  Haley turned down his offer of marriage but it doesn't mean na wala na siyang pananagutan dito.  And if her parents insisted on marrying Haley ay wala siyang magagawa kundi aluking muli ito ng kasal.  Biglang sumagi sa isip niya ang babaeng receptionist kanina.  She has the most expressive eyes he had ever seen.  Ang tindig nito'y tila isang reyna ngunit malambing kung magsalita.  Hindi niya naiwasang titigan ito at sa sandali ay tumitig din ito sa kanya.  He was about to smile at her when her colleague caught her attention.  Hanggang sa mapansin niyang iniiwasan na nito ang magtama ang kanilang paningin. Naulinigan niyang estudyante pa ito at namomroblema sa tuition fee sa enrollment at tila ba hinihila siya ng instinct niyang tulungan ito.  He could call Russel about the girl's situation, pero baka pag-isipan lang siya nito ng kung ano-ano.  May kumatok sa pinto na agad niyang pinagbuksan.  Isang hotel attendant ang bumungad ayon na rin sa unipormeng suot nito. "Sir, binilin po ni Sir Russel kung dumating kayo itanong po kung ano ang kailangan niyo.  Bababa po ba kayo para kumain o ihahatid po namin ang pagkain dito?"  anang may katandaan nang babaeng.  Nakilala niyang ito ang madalas na inuutusan ni Russel na mag-assist sa kanya kapag narito sya sa hotel.  "Hmm..  Medyo gutom nga ako, Manang.  You can send the food here na lang,"  wika niyang nakangiti.  "Ah, wait. Do you know the girl from the reception area?  Yung… yung estudyante?"  halos putol-putol niyang sabi.  Ayaw niyang mag-isip ang kaharap na may iba siyang pakay dito.  "Si Hannah po?"  Tila lumiwanag ang ngiti nito sa pagbanggit nito ng pangalan.  "Opo, working student po iyon.  Maganda po di ba?"  "Yes, she's beautiful.  But that's not the reason why I'm asking about her."  Depensa niya sa kausap.  "Medyo narinig ko kasi na di pa siya nakakapag-enroll.  And we have scholarship program in our company.  I thought of —" "Naku, sir! Matutuwa po yun!"  putol ng kausap sa sinabi niya na tuwang tuwa na tila ba ito ang na-grant ng scholarship.  "Masipag po kasi ang batang iyon mag-aral at desidido talaga makatapos.  Kaso Lola lang niya ang kasama sa bahay wala na po yata iyong magulang." "Talaga po?" "Opo, sir.  At hanga po ako doon sa batang yun, kahit maganda e hindi siya lumalandi sa mga customer sa hotel para lang magkapera.  May nanligaw nga pong foreigner dun e binasted lang!"  "E baka naman ko kasi nakakatakot yung foreigner, Manang." Tila naaaliw na siyang kausap ito sa dami ng nalalaman tungkol kay Hannah.  "Bata pa din naman yung foreigner, Sir, wala pa namang singkwenta.  Eh kung ako ‘yon susunggaban ko na.  Dadalhin daw siya sa amerika at magiging citizen doon eh inayawan pa,"   patuloy nito sa pagsasalita.  "Hmmm, Manang medyo nagugutom na ho ako,"  nakangiti niyang sabi para maputol na ang pagkukwento nito.   "Ay, oho nga pala, Sir.  Nakalimutan ko na, pasensya na ho!"  "Okay lang po, Manang.  Hmmm, pwede pong makahingi ng pabor?"  "Sige, Sir.  Ano po iyon?" "Pwede pong si Hannah ang mag-akyat ng pagkain?  Pero wag nyo po munang banggitin na tungkol sa scholarship ang idi-discuss ko sa kanya.  I will tell her myself."  "Ay...  Eh, bilin po kasi ni Sir Russel na hindi po aakyat sa customer si Hannah.  May nag-request na po kasi dati sa kanya e muntik pa siyang mapahamak,"  alanganin nitong sabi. "I will call Russel, ako ho ang bahala.  Wala ho akong gagawing masama kay Hannah."  Kumindat pa siya at nilaparan ang ngiti para mapapayag ang matanda.  "Ay, sige na nga po, Sir.  Tutal kaibigan nyo naman ho si Sir,"  tila kinikilig pa nitong sabi saka bumalik sa main building ng hotel.  Humarap siya sa salamin at sinipat ang sarili.  May excitement siyang naramdaman sa kaisipang makakaharap niya ang receptionist sa hotel na kanina pa niya tinititigan.  Hannah Lauricio, iyon ang narinig niya sa kausap nito kanina.  Sana'y tanggapin nito ang proposal niya.  It wasn't indecent anyway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD