Chapter 2

1233 Words
"Makakapag-enroll ka pa ba? Naka cash-advance ka ba kay Sir Russel?"  tanong ng kaibigang si Fate.  Napailing siya dahil hanggang ngayon ay wala pa ang boss niya.  "Wala pa si Sir Russel.  Ang sabi ng assistant niya ay nasa Maynila pa daw.  Kapag hindi pa dumating bukas hindi na ako makakapag-enroll,"  malungkot niyang sabi.  Isang linggo nang nasa Maynila ang mag-ari ng hotel na pinapasukan niya bilang receptionist at dahil hindi niya nasabi ng maaga na mgca cash-advance siya, hindi ito nakapagiwan ng checke sa sekretarya nito.  Mag da-dalawang taon na siyang pumapasok bilang isang receptionist sa Luxent Hotel kasama ang kaibigang si Fate.  Ang hotel na iyon ang isa sa mga sikat na hotel sa Pagudpud kung saan tumutuloy ang mga mayayamang turista sa Ilocos Norte.  Pagmamay-ari ito ng pamilya Del Prado at ang kasalukuyang namamahala ay ang anak nilang lalaki na si Russel.  Bukod sa bata pa ang boss nilang ito ay mabait din sa mga empleyado.  Sa katunayan ay ito ang pumayag na magtrabaho siya sa hotel sa kabila nang menor na edad pa siya nang mag-apply.  She was seventeen.  Ngunit nang nalaman nitong working student siya'y ito ang nag-approve ng application niya. "May five thousand akong naipon baka pwede mo ipandagdag," wika ni Fate habang siya'y nasa malalim na pag-iisip.  Kasalukuyan silang naka lunch break ng kaibigan.  "Ibalik mo na lang pagdating ni Sir.  Magkano pa ba ang kailangan mo?" "Thirteen thousand.  May five thousand din naman akong naipon.  Kung idadadagdag ko yung five thousand mo, bale three thousand pa ang kulang ko." "E bakit kasi ayaw mo nang tumanggap kahit man lang kusing sa Tatay Joel mo?"  "Ayoko nang magkaron pa kami ng di pagkakaunawaan ni Ate.  Alam mo naman yun, mainit ang dugo sa akin."  "Kahit pa anong sabihin niya, magkapatid pa rin naman kayo.  Si Tatay Joel mo naman ang lalapitan mo hindi siya. Hindi ba’t nasa Maynila naman siya nagtatrabaho?" "Iyon nga kaya mas ayokong lumapit, siya ang sumusuporta ngayon kay Tatay dahil maintenance pa lang ni Tatay kulang pa ang pension niya, tapos dadagdag pa ako." Napabuntung hininga na lang siya tuwing maaalala ang kapatid sa ama.  Mula pagkabata ay hindi nito tinago ang pagkadisgusto sa kanya.  Hindi niya ito masisisi.  Naghiwalay ang mga magulang nito dahil sa Nanay niya.  Nagsama ang Mama Loida at ang Tatay Joel niya ng anim na taon.  Pero nang mamatay ang nanay niya sa isang aksidente ay bumalik si Joel sa tunay nitong asawa at dahil nasa apat na taon pa lang siya noon ay akay-akay siya ng ama. Nagkapatawaran naman ang ama at ang una nitong asawa pero hindi ibig sabihin na malugod na siyang tinanggap ng mga ito, lalo na ni Haley na noon ay nasa sampung taong gulang na. Lahat ng bagay na maibigan niya'y ipinagdadamot sa kanya. Kapag pinagbibigyan siya ng ama ay lalo itong nag ngingitngit at inaaway siya. Nang tumuntong siya ng high school ay hiniling niya sa ama na sa Lola niya na lang muna siya tumira sa Poblacion. Ito rin ang tirahan nila ng ina noong nabubuhay pa ito. Ikinatwiran na lang niyang mas malapit ang eskwelahan niya rito kumpara sa baryo kung saan nakatira ang pamilya nila Haley. Noong una'y madalas pa siyang nadadalaw ng ama ngunit naglaon ay nawalan na rin ito ng oras. Ang ikinabubuhay nilang mag Lola ay ang gulayan nito sa maliit na lupain ngunit sapat lang sa pang araw-araw na gastusin. Kaya nang makatapos siya ng high school ay nanganib pa siyang hindi makapag kolehiyo kung hindi lang sa pensyon ng Lola niya. Ngunit hindi rin naman niya maatim na sa kanya gastusin lahat iyon kaya naghanap talaga siya ng trabaho para suportahan ang sarili. "Sabihan mo ako kung dadalhin ko yung five thousand bukas ha,"  muling wika ni Fate habang nililigpit na ang pinagkainan sa mesa.  Tumango naman siya ngunit malayo pa rin ang iniisip.  Byernes na ang huling araw ng enrollment at Myerkules na ngayon.  Nasa twenty three thousand ang kailangan niya at ipinangako ng Lola niyang sasagutin nito ang sampung libo mula sa naiipon nitong pensyon.  Kaya ang boss na lang talaga niya ang pag-asa para makapag-enroll siya. Inayos na rin nya ang pinagkainan at nag-retouch ng manipis na make-up, pagkatapos ay bumalik na sa lobby ng hotel. Naabutan niyang naroon na sa reception ang kaibigan at isa pang receptionist na si Mia na higit na may edad sa kanila ni Fate. Tapos na ito ng kursong Business Management sa unibersidad sa Bangui kung saan naman siya kumukuha ng Hotel and Restaurant Management. "Hoy! Hannah, bakit ang sabi nitong si Fate hindi pa raw nakakapag-enroll?" pagalit nitong sabi sa may kataasang boses. Nilinga nya ang paligid na may mangilan-ngilang guests. Napako ang tingin niya sa isang partikular na lalaking matiim ding nakatingin sa kanya. Her heart skipped a beat. Regular na itong guest sa hotel at kaibigan ng boss niya.  Tuwing nakikita niya ang lalaking ito'y nabubuo na ang araw niya. Paano ba namang hindi? Ito na yata ang pinaka charming at pinakapoging nakita niya sa tanang pagtatrabaho niya dito sa hotel. "Hannah Lauricio! Naestatwa ka na dyan?" Nagulat pa siya at napasimangot bigla nang tinawag siya sa buong pangalan ng kaibigan. "Kung makatawag ka naman, Mariana Fate Macapagal!" ganti niya dito na tinawag din sa buo nitong pangalan. "Ang sabi ni ate Mia magkano pa raw ba ang kulang mo? Mukhang matatagalan pa si Sir makakabalik dito dahil may swimming tournament pa ‘yong dadaluhan next week." Sinenyasan naman niya si Fate na hinaan ang boses dahil ayaw n’yang naririnig ng ibang tao ang usapan nila sa pinansyal. Lalo't sa gilid ng paningin niya'y tila nakatitig pa rin ang lalaking iyon sa kanya. "Mga boses nyo naman mga ate, andaming guests oh!" halos pabulong niyang sabi sa dalawa habang ang mga mata'y itinuon sa mga papel sa mesa. "Ooppss... Sorry.. Pero seryoso, magkano pa nga ba ang kailangan mo? Sayang naman kung hindi ka makakapag-enroll," bulong na ni Mia sa kanya. Isa rin sa mga nagustuhan niya sa pagtatrabaho dito sa hotel ay tinuturing nila ang isa't isa na hindi na iba. Maganda ang samahan nila pati ng mga housekeeper at janitors, at sya ang tinuturing na bunso dahil sya ang pinakabata sa lahat.  Sa ngayon ay disenueve pa lang sya. "Three thousand na lng kung ipapahiram sa akin ni Fate yung five thousand niya. Pero kung malabo pa ang pagbalik ni Sir dito eh kailan ko pa kayo mababayaran. Mahirap naman kung kayo din ang mangailangan." "Sus, saka na natin isipin yun ‘no! Ikaw talaga napaka-advance mag-isip," wika pa rin ni Mia. Bukas dadalhin namin yung pera nang makapag-enroll ka na sa hapon." Naging emosyonal naman siya sa ipinapakitang concern sa kanya ng mga kaibigan. Nagpunas siya ng konting luha na nangilid sa kanyang mga mata. "Oy, ano yan? Batang iyakin ka talaga. Bakit namumula yang mga mata mo?" tila pagalit na wika ni Fate. "E pano kasi, buti pa kayo nag-aalala sa pag-aaral ko. Samantalang si Tatay sinuportahan pa si ate nang sinabi niyang huwag na lang ako mag-kolehiyo," paiyak niyang sabi.  Wala na raw kasing ipantutostos ang ama sa kanya dahil na-stroke na ito at hindi na nakapagtrabaho pa. Ang pensyon nito'y sa gamot lang nauuwi na kinukulang pa. Si Haley ay tumanggi namang suportahan siya sa pag-aaral. "Tama na yang pagsesenti. Intindihin mo na lang hangga't kaya mo ha? Baka magkaiyakan pa tayo dito magtataka ang mga guests. Punasan mo na yang uhog mo," biro ni Mia sabay ng pagpapatawa. Gumaan naman ang pakiramdam niya kahit paano dahil sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD