bc

My Horror Story Collection

book_age16+
139
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
mystery
another world
like
intro-logo
Blurb

Hi Guys! Sana magustuhan niyo ang mga short Horror stories ko. Free niyo lang itong mababasa. Kung gusto niyong mabasa ang iba ko pang akda ay sumali na kayo sa VIP GROUP ko. Or follows niyo ako sa sss page ko. Jonavy A. Cabonce.

chap-preview
Free preview
Ang babae sa loob ng Cabinet
Naranasan niyo na bang pumasok sa isang hotel? Ako si Aina, nagtatrabaho sa Laguna. Isang beses sa dalawang linggo ay lumuluwas ako ng Maynila upang makipagkita sa aking boyfriend. Sa Manila kasi siya nagtatrabaho at ngayong sabado at linggo ang day off niya. Sakto naman na restday ko kaya may panahon akong makipagkita sa kanya. Nagdecide kami na sa buendia station niya ako antayin dahil magtutungo kami sa mall of asia upang mamasyal. Malapit na akong bumaba lulan ng sinasakyan kong bus. Kaya inayos ko ang suot kong dress. At nag-retouch na rin ako bago tumigil ang bus sa babaan. Natanaw ko kaagad si Alex. “Hi babe.” Nakangiting bati niya. Hinalikan niya ako sa labi. “Kanina ka pa?” “Hindi naman, tara na at gutom na ako.” Aya niya sa akin. Sumakay kami ng jep patungong mall of asia pagkatapos ay pumasok kami sa isang restaurant at kumain. Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot ikot na kami. Hangang sa sumakit na ang paa ko sa kakalakad sa malawak na mall. “Pahinga na tayo nakakapagod na eh.” Angal ko sa kanya. Pumasok kami sa ice creame shop at nag-order na rin kami. Kaunting kwentuhan sa kanya-kanyang buhay bago kami umalis. “Saan tayo magpapalipas ng gabi?” Tanong ko sa kanya. “Ako nang bahala may alam akong maganda pero mura lang.” Nakangiting sabi niya. Sumakay ulit kami ng jeep papuntang station at sumakay kami ng trisicle patungo sa pupuntahan naming hotel. Ilang minuto lang ay nasa harapan na kami ng isang lumang hotel. “Dito?” Paniniguro kong tanong na ikinatango niya. Nagdadalawang isip akong pumasok. Malaki nga ito na may apat na palapag ngunit luma na ang pintura nito at bakbak na din ang dingding. “Alex sa iba na lang kaya?” “Tara na, maganda daw dito sabi ng katrabaho ko.” Hila niya sa akin. Napilitan akong pumasok sa loob. Umakyat kami sa makipot na hagdan at pagkatapos ay bumungad sa amin ang reception area. Matandang babae ang humarap sa amin. “Couple room po, twelve hours” Sabi ni Alex. “One thousand eight hundred.” Naglabas si Alex ng dalawang libo at Inabot niya sa amin ang susi na may nakalagay na room number. Pagkatapos ay umakyat na kami sa third floor dahil yun ang sabi ng babae. Pumasok kami sa lumang elevator at pagkatapos ay bumungad sa amin ang kulay pulang sahig ng hallway sa tingin ko luma na talaga ang building na ito. Tahimik ang paligid, at maliwanag naman ang ilaw ng chandelier sa hallway. “Dito na.” sambit niya. Kumapit ako sa braso niya at nagpalinga-linga ako. “Hindi ko gusto ang vives dito dapat sa iba na lamang tayo.” Sinuot niya ang susi sa seradura. “Andito na tayo saka hindi naman nakakatakot ikaw lang nag-iisip niyan. Luma lang at kulang sa maintenance pero maganda pa naman.” Depensa niya. Pagbukas ng pinto ay bumungad kaagad sa amin ang puting kama na good for two lang. May maliit na chandelier din sa ibabaw nito at ang naagaw ng attensyon ko ay ang cabinet na sa tabi nito. Kulay pula ito na parang bagong varnish. At may salamin sa pinto na nakaharap sa amin. Isinara ni Alex ang pinto at ibinaba ang bag niya. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa first impression na masyadong creepy ang hotel o talagang may kakaiba akong nararamdaman dahil kahit ang balahibo ko ay tumatayo na sa takot. “Alex…hindi ko ata kayang matulog dito.” Reklamo ko sa kanya. “Ayan ka na naman eh, kakapanuod mo yan ng horror.” Inis na sabi niya sa akin. “Adik ka ba? Hindi ako nanunuod ng Horror. Alam mo naman matatakutin ako hindi ba?” Sagot ko sa kanya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. “Kinikilabutan ka ba?” Tumango ako sa kanya, pero kumunot ang noo ko nang sumilay ang nakakalukong ngiti niya. “Mas kikilabutan ka mamaya kapag inaswang na kita.” Sa inis ko ay sinuntok ko siya dibdib. Akala niya siguro ay nagbibiro ako. “Ang mabuti pa sabay na tayong maligo.” Iniwasan ko na lang na tumingin sa cabinet at naghubad na siya kaya naghubad na rin ako. Dalawang taon na kami ni Alex at isang taon na rin na ginagawa namin ito kaya hindi na ako nahihiya. Pumasok kami sa banyo na walang saplot sa katawan at pagkatapos ay naligo kami. Sinabunan niya ako hangang sa nauwi sa mainit at mapusok na halik ang nangyari sa amin sa banyo. Inangkla niya ang hita ko sa beywang niya at patuloy siyang bumayo. Hangang sa narating namin ang sukdulan. Akala ko ay matutulog na kami pagkatapos ng kalahating oras namin sa banyo pero paglabas namin ay hindi niya ako pinagbihis. At sinulit namin ang bawat minuto na magkasama kaming dalawa. Hangang sa inabot na kami ng madaling araw. Nawala na sa isip ko ang takot at nakatulog na rin ako sa labis na pagod. Kapwa pa kami walang saplot sa katawan. Habang nakayakap siya sa aking likuran. Naalimpungatan ako nang may marinig akong ungol. Nilingon ko si alex at mahimbing parin itong natutulog. Ang ungol ay napalitan ng mahinang paghikbi ng boses ng isang babae. Nakakatakot ang tunog na yun dahil para itong nangagaling sa ilalim ng lupa at napakalamig pa ng boses nito. Inikot ko ang aking paningin at nag-umpisa na ring magtayuan ang aking mga balahibo. “A-alex…gising…” Mahinang tapik ko sa kanya. “Hmmm? Why?” Sagot niya na nakapikit pa rin. Hinila niya ang beywang ko at dinikit ulit sa kanyang katawan. Hangang sa narinig ko na naman ang ungol at paghikbi. Napunta sa tabi ko ang aking attensyon dahil sa bahagyang pagalaw ng pinto ng cabinet. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. At parang nanlaki ang ulo ko sa takot nang unti-unting bumukas ito. “A-alex, gumising ka…” Ulit kong tapik sa kanya. Ngunit wala na siyang response at narinig ko pa ang mahinang hilik niya. Napatingin ulit ako sa pinto ng cabinet at ganun na lamang ang takot ko nang may sumilay na kalahating mukha ng babae sa pinto. Nakangiti ito, kulay dugo ang mga mata nito at nangingitim ang mukha nito. Para akong nabaon sa hinihigaan ko at umurong ang dila ko. Hindi ko inaalis sa kanya ang aking mga mata dahil sa takot hangang sa pati ang kamay niya na may matutulis at maiitim na kuko ay inihawak na niya sa pinto ng cabinet. “Aaahhh!” Malakas na sigaw ko. Tinakpan ko ang mga mata ko sa takot. “Anong nangyare?!” Narinig kong sabi ni Alex. Itinuro ko sa kanya ang kabinet. “May multo! Lumabas na tayo dito!” Takot na takot na sabi ko sa kanya habang nakapikit pa rin ako. “Saan? Wala naman ah!” “Sa cabinet! May multo!” Sigaw ko ulit sa kanya. Lumipat ako sa kabila at hinila ko ang kumot. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama. “Saan?” Sinilip ko ang kabinet at nakatayo na si Alex sa tabi nito bukas na din ang pinto nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling umalis na siya at nagtago ngunit wala siya. “Aina naman, matulog ka na lang okay?” Kamot ulo niyang sabi. Imposibleng guniguni ko lamang ang lahat ng yun. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may babae akong nakita sa loob ng cabinet! “Ayos lang ba kayo diyan?” Narinig namin mula sa labas ng pinto. Nagsuot si alex ng bathrobe at tinungo ang pinto. Maliit niya itong binuksan. “Naalimpungatan lang ang girlfriend ko. Akala niya may nakita siyang multo sa Cabinet.” Wika ni Alex sa matanda. Siya din pala ang bantay kahit gabi. “Maari bang pumasok? Sisilipin ko lang yung cabinet.” Wika ng matanda. Ibinalot ko ang kumot sa aking katawan at niluwagan ni Alex ang pinto. Lumapit siya sa kabinet at may narinig akong mahinang bulong pero hindi ko naintindihan. May dinukot siya sa kanyang bulsa na pulang tali at itinali niya ito sa hawakan ng cabinet. Pagkatapos niyang ibuhol ang tali ay nakangiti niya kaming nilingon. “Puwede na kayong magpahinga. Luma na kasi ang cabinet na ito at ipapatangal ko na rin dahil marami-rami na din ang natatakot dito. Pero hija, walang multo dito. Baka guni-guni mo lang ang lahat.” Nakangiting sabi niya pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa amin. Kaya bumalik na kami sa pagtulog. Sa kabila na ako puwesto at sa antok ko siguro ay nakatulog na rin ako. Nagising ako sa haplos ni Alex sa katawan ko kaya umisa muna kami ulit bago kami nag-check out. Nang nasa labas na kami ng building ay napatingin ako sa itaas na floor kung saan kami nangaling. At nakita ko sa bintana ang pagsilip ng babaeng nakita ko kagabi sa kabinet. Nakangisi siya sa akin na parang demonyo. Bigla akong kinilabutan at napatingin ako kay Alex. “Bakit?” kunot noo na tanong niya. “A-ang babae sa cabinet, nakatingin siya sa atin.” Takot na sabi ko sa kanya. Tumingala siya sandali kaya napadako ang tingin ko sa leeg niya. “Wala naman ah, sabi ko naman sa’yo guni-gu—” “Ano yang nasa leeg mo?” Usisa ko. Kinapa niya ang leeg niya at napunta sa kamay niya ang dugo na nakita ko sa leeg niya. Para pa itong may kagat ng labi at nangingitim na din. “Ewan ko, wala naman ito kanina. Ano ba ito? Bakit parang…parang…namama–” “Oh my god! Alex! Alex!” Tawag ko sa kanya nang bigla siyang bumulagta sa semento. Kaagad na may lumapit sa amin at tinulungan kaming maisakay siya sa trisicle. Bago umalis ang trisicle ay tumingin ulit ako sa thirdfloor. Nakita ko ang babaeng nakangisi pa din. May lumapit sa kanyang lalaki at kinilabutan ako nang makilala ang lalaki sa tabi niya. Tumalikod sila at bigla na lamang nawala. Imposible! Hindi maaring si Alex ang nakita ko! Kasama ko siya ngayon at nakasandala ng katawan niya sa akin! Hindi maari! “Dead on arrival. I’m sorry missis pero wala na siyang buhay nang dalhin dito. Inatake siya sa puso kaya siya namatay.” Imporma ng doctor pagkalabas niya ng emergency room. Pakiramdam ko nanlambot ang mga paa ko. Mabuti na lamang at hinawakan ako ng doctor. “Misis, magpakatatag ka.” Sambit niya. Inalis ko ang kamay niya at pumasok ako sa loob ng emergency room. Nilapitan ko ang kama kung saan nakahiga si Alex at wala na daw buhay. Nakatakip na ang ulo nito ng puting kumot. Hindi ko na napigilan ang humagulgol. “Alex! Gumising ka!” Patuloy na uga ko sa kanya. Niyakap ko ang kanyang katawan. Mainit pa siya ngunit wala nang t***k ang kanyang puso. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ito. Alex!!!” Hinawakan ko ang mukha niya at nang mapatingin ako sa leeg niya ay wala na ang bakas na nakita ko kanina. Malinis na ito at wala na rin ang kagat dito. Hangang sa naalala ko ang babae sa cabinet at ang lalaking nakita kong kasama niya bago siya mawala. “Ayoko mang isipin ngunit paano kung kinuha siya ng babaeng yun?” Hindi imposible…hindi yun maari! “Alex!!!” ~THE END~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.5K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook