bc

Falling in Love with a Gangster's Boss

book_age16+
839
FOLLOW
5.5K
READ
dominant
brave
CEO
gangster
sweet
bxg
bold
office/work place
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Dala nang matinding kagipitan, napilitan si Mia na pumasok bilang GRO sa isang bar na nagkataon namang pag-aari nila Anthony. Si Anthony ang nag-iisang anak ni Don Anselmo Ybanez, isa sa kilala at notorious na gambling lord sa kanilang lugar. Ito ang nagsisilbing tagapagligtas niya sa tuwing may nambabastos sa kanya sa bar.

Sakit na ng ulo ang utang ng tatay niya, ayaw na niyang masabit sa amo niyang laging nasasangkot sa gulo kaya iniwasan niya ito.

Pero wala siyang takas sa binata nang ma-comatose ang tatay niya at si Anthony ang nagbayad para maisalba ang ama.

At sa oras nang paniningil... kakayanin niya kayang ipagkaloob ang sarili sa binata bilang kabayaran sa lahat nang nagawa nito para sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1-Love at first sight ba ito?
Ilang minuto nang nakatingala si Mia sa harapan ng mataas na gate ng pasugalan pero hindi niya pa rin magawang kumatok. Nagdadalawang isip kasi siyang pasukin ang gusali na alam naman niyang pugad ng sindikato. Kung titingnan sa labas, mukhang luma at abandonado ang building, walang mag-aakala na may nagaganap na kakaiba sa loob nun. Aktong kakatok palang si Mia sa gate nang bigla itong bumukas at iluwa ang mga lalaking nagkakagulo. Halos mapagitna siya sa mga lalaking nagsasapakan kaya agad siyang napatakbo sa loob. Pero sa malas ay nahablot siya ng isang lalaki, ikinawit nito ang isang kamay sa leeg niya atsaka siya ginawang panangga. Sa takot ay hindi na nagawang igalaw ni Mia ang katawan. Sa ‘di kalayuan ay nakita niyang pumulot ng bato ang isang lalaki at akmang ibabato sa direksiyon nila kaya agad siyang napapikit.Naramdaman niya na lang ang pagyakap ng matipunong bisig sa kanya kasunod nang pagbagsak nila sa sahig. Nadaganan niya ang lalaking may hawak sa kanya habang ramdam niya ang bigat ng isa pa. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago siya nagmulat ng mga mata. Isang lalaki na may mapungay na mga mata ang nabungaran niya. Nakaalalay ang isang kamay nito sa ulo niya habang ang isa naman ay nakayakap sa baywang niya. Namimilog ang mga matang itinulak niya ang lalaki papalayo. "Akyat na bilis!" anang lalaki na noo'y nagmamadaling tumayo atsaka siya inalalayan. Pagkatapos ay pinagsasapak nito ang lalaki na siyang kumuha sa kanya. Nanginginig na ang tuhod niya sa takot noon pero pilit niyang inihakbang ang mga paa paakyat. Nang marating niya ang second floor, nilingon niya ang mga lalaki sa ibaba, kasalukuyan nang binabatuta ang mga ito ng mga barangay tanod. Doon palang siya nakahinga nang maluwag. Bababa na sana siya ulit nang hagdan pero bigla niyang naalala ang ama, na siyang ipinunta niya roon. Sa kabila nang pangamba, mas nanaig ang kagustuhan niya na maialis ang papa niya sa lugar na 'yon. Todo ang kabog ng dibdib ni Mia habang binabaybay niya ang hagdanan paakyat sa pasugalan. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa sa isip niya at naisipan niyang puntahan ang papa niya roon. Magdamag kasi itong hindi umuwi ng bahay. May nababalitaan pa naman siya na may ilang manunugal ang bigla na lang nawawala kapag hindi nakapagbayad ng utang sa pasugalan. May mga nasasalubong siyang mga tao pababa na may iba’t ibang emosyon; mayroong masaya, malungkot at marami ang tila dismayado. Sila marahil ang mga taong kagaya ng papa niya na ipinakikipagsapalaran ang kakarampot na pera para dumami. Pero sa huli, mas lalo pa silang nawawalan. Sa gilid ng hagdanan ay may mangilan-ngilang lalaki siyang nadaanan na nakaupo sa baitang habang naghihitit ng sigarilyo kaya mas lalo pa siyang kinabahan. “Miss, ano’ng kailangan mo?” Nagulat siya nang biglang humarang ang isang bigotilyong lalaki sa pintuang papasukan niya. Napalunok si Mia bago siya nakapagsalita. “Hinahanap ko po ang tatay ko.” Napangisi ang lalaki. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinuhubaran siya nito. Kitang-kitang ang pagiging m******s sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaki kaya agad siyang napaurong. “Bakit dito mo hinahanap?” tanong ng lalaki. ”May nakapagsabi po kasi sa akin na nandito raw po siya.” Hindi sumagot ang lalaki na noo’y nakatitig lang sa kanya. Naasiwa siya sa pagkakatig ng lalaki kaya agad na rin siyang nagpaalam. Nakatalikod na siya at palabas nang pinto nang muling magsalita ang lalaki. “Ikaw siguro ang dalagang anak ni Mang Mando?” Sa narinig ay agad siyang napalingon sa lalaki. "Opo. Ako nga. Nasaan po ang tatay ko?” agad niyang tanong. “Nandun sa loob. Gusto mong makita?” tanong ng lalaki atsaka siya sinenyasan na sumunod. Pasimpleng sumilip sa loob si Mia. Marami-rami ring tao roon. Bukod sa mga manlalaro na abala sa paghihimas ng pitsa at baraha, may ilan ding nakatayo at nanonood. Naisip niya na hindi siya basta magagalaw ng lalaki dahil maraming tao roon. Nilingon niya ang lalaki na noo'y nakatayo at nakatanaw sa kanya na tila naghihintay. "Ano?" tanong nito. Habang nakatanaw sa lalaki, kinapa niya ang ballpen na isinuksok niya sa bulsa sa likurang bahagi ng pantalon niya, na siyang magsisilbing protection niya kung saka-sakaling may gawin itong hindi maganda. Hindi na niya inalis ang kamay niya roon habang sumusunod siya sa lalaki. Pero bigla siyang natigilan nang lumihis ng daan ang lalaki sa inaakala niyang silid. Wala ng mga tao sa lugar na tinutumbok nito. Nang maramdaman ang pagtigil niya, nilingon siya ng lalaki atsaka ito ngumiti. "Huwag kang matakot, nandun sa opisina ang tatay mo, kinakausap ni Boss," anang lalaki atsaka ito nagpatuloy sa paglalakad. Saktong ihahakbang na ni Mia ang mga paa pasunod sa lalaki nang mula sa likuran ay bigla na lang hinablot ng kung sino ang ball pen niyang hinahawakan.Galit na bumaling ang dalaga sa kung sino mang pangahas na 'yon. Pero bigla siyang natigilan nang makilala ang lalaki, ito ang kaninang yumakap sa kanya. "Ikaw?" namimilog ang mga matang bulalas niya. "Baliw ka ba? Sa tingin mo ba kaya kang proteksiyunan ng ball pen na 'to?" anang lalaki sabay hagis ng ball pen patalikod. "Ano ba'ng pakialam mo, ha? Sino ka ba?" Napangisi ang lalaki. Inilahad nito ang isang kamay at nagpakilala sa kanya. "Anthony," anito. Pero sa halip na makipagkamay, tinalikuran niya ang lalaki atsaka siya nagpatuloy sa paglalakad sa direksiyong tinahak ng bigotilyong lalaki. Sumunod sa kanya si Anthony atsaka nito hinablot ang isang kamay niya kaya siya muling napaharap. Halos magsalubong na ang kilay niya sa sobrang inis sa kapangahasan ng binata. "Bitiwan mo nga ako! Hindi naman kita kilala, eh!" Muli niyang tinangkang bawiin ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak ni Anthony sa kanya. "Wala pa’ng pumasok sa silid na 'yan na hindi niyari ni Bigote!" mariing sabi ng binata. “Gusto mo bang masampolan?” Napaawang ang mga labi niya. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nauutal na tanong niya. Doon na binitiwan ni Anthony ang kamay niya. "May tiwala ka ba sa hilatsa ng pagmumukha ng isang 'yon?" anito sabay nguso sa lalaki. Napayakap sa sarili si Mia. Nilingon niya ang bigotilyong lalaki na noo’y tila dismayadong napailing at nagsara ng pinto. Hindi pa siya halos tumitinag nang muling hablutin ni Anthony ang isang kamay niya atsaka siya nito hinila. "Sino ka bang talaga, ha? Bakit ka ba nakikialam?" sighal niya rito. Pero tila walang narinig si Anthony na noo"y patuloy lang sa paghila sa kanya. Sa silid kung saan naroroon si Mang Mando doon siya dinala ni Anthony. Sa labas palang tanaw na niya ang papa niya na noo'y nakaupo patalikod sa pinto habang naglalaro ng baraha. “Mang Mando, hinahanap ka ng dalaga mo,” ani Anthony nang bumitiw sa kamay niya pagkatapos ay iniwan na siya nito. Namimilog ang mga mata ni Mang Mando nang lumingon sa kanya. “Ano ang ginagawa mo rito, Mia?” anito habang tumatayo. “Uwi na po tayo, Papa,” walang emosyong sabi niya. “Mauna ka na. Susunod na lang ako." Muling bumaling si Mang Mando sa mesa atsaka ito muling naupo. “Papa, pakiusap. Sumama ka na sa akin,” mariing sabi ni Mia. Tumigil sa pagkuha ng baraha si Mang Mando atsaka lumingon sa kanya. Nababakas na sa mukha niya noon ang tinitimpi niyang galit. Nakita niyang bumuga ng hangin ang papa niya bago ito malungkot na tumango. Isinubsob nito ang hawak na baraha atsaka nito dinampot ang perang nakalapag sa harapan nito. “Babalik na lang ako,” sabi ni Mang Mando sa mga kalaro atsaka ito tumayo. Walang imik na nagpatiunang maglakad si Mia palabas ng silid. Pababa na sila nang hagdanan nang mapalingon sila sa nagkakantiyawang mga lalaki na noo'y kasunod nilang bumababa. Nagkukulitan at nagtutulakan pa ang mga ito habang bumababa kaya agad silang tumabi para magbigay daan sa mga ito. Parang slow motion na dahan-dahang humakbang pababa si Anthony habang nakatitig sa kanya. Nginitian pa siya nito nang mapalapit sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook