CHAPTER 1

1648 Words
"Juvilyn, mag ingat ka sa Manila kapag may umapi sa’yong mga mayayaman umuwi ka agad," tagubilin ng kanyang Ina. "Inay, matanda na ako 'wag kang mag alala lahat ng umaapi sa mahihirap isang araw babawiin din ang lahat sa kanila," sagot naman niya habang inaayos ang maleta na dadalhin.  Malakas na batok ang nakuha niya mula dito, kahit kailan talaga mapanakit ang mahal niyang Ina masokista ata ang bigat ng kamay nito kaya minsan nga gusto niya sumali ito sa mga boxing baka sakaling mabilis silang yumaman.  Masyado kasing matapang kaya laging may kaaway. Akala niyo ba ay sweet and caring ang kanilang Inay pero sa totoo lang masyado itong malupit. "Oh, siya layas na nang mabawasan ang tao sa bahay," segunda nito na akala mo’y hindi iiyak pag umalis na siya. Tumawa na lamang siya bago yumakap sa Inay at sa mga kapatid niya upang makapag paalam na. "Mag aral ka mabuti 'dun, walang boyfriend dahil ikaw na lang ang inaasahan namin," habilin muli ng kanyang Inay habang seryoso ang itsura na humarap ito sa kanya at inabot ang pera na nakalagay sa sobre, "Layas na!" sigaw nito kaya't mabilis siyang lumabas. Tumango siya nang may kislap ang mga mata para ipakita sa kanilang pagbubutihin niya at hindi sasayangin ang pagkakataon na dumating para sa kanya. Hindi na siya nag pahatid dahil dagdag lang sa pamasahe.  Nagtungo na si Juvilyn sa pilahan ng Jeep para mag pahatid sa station ng bus na sasakyan patungong Manila. Lingid sa kaalaman ng lahat sa Manila ang may pinakamagandang opportunities para sa mga first timer na lumuwas sa Baryo tulad niya.  Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa station ng bus dahil ibinaba na siya nang driver kahit ang layo pa. Naiinis na siya dahil parang ang malas-malas niya ata ngayon! Nakakapagod na tapos nawawala pa ata ang pera na ibinigay ng kanyang Ina. Gosh, ganito ba kapag may balat sa puwet? Kahit saan pumunta may dalang kamalasan. Maya maya na isipan niyang bitawan muna ang isang bagahe na dala para sana maayos ang bag at makuha ang nawawalang pera. Ngunit isang kotse ang dumaan habang mabilis ang pag-papaandar at lahat ng putik sa kalsada ay napunta sa bagahe niya. What the- f**k!?  "Hoy! Bumaba ka dyan ang kapal ng mukha mo. Itigil mo 'yang kotse mo!" habol-habol niya ang isang kulay itim na kotse para ipakita sa kanyang hindi siya papayag na bigla na lang itong lalagpas matapos dumihan ang bagahe niya. Hindi tumigil ang kotse kaya kumuha siya ng isang malaking bato sabay buong pwersa itong hinagis at boom! Tumama sa salamin ng kotse nito ang hinagis niya, well masama ang ugali niya lalo kung mayaman ang kaharap tapos walang modo asahan mong papatayin niya.  Mabilis siyang lumapit sa kotse nang makita na may bumaba mula sa loob. Lemme see kong uubra ito-  Handa na sana niyang singhalan ang lalaking bumaba na nakasalamin pero natigil siya nang makita ang kabuuan nito, really? Ibang level ang mukha. Ang malalantik nitong mga pilikmata, mga mata na nakikiusap habang mababanaag mo ang masel masel na katawan at kahit sino ay maiintimidate rito.  Tinanggal niya ang salamin at mas lalo siyang nagulat! Parang nalaglag ang puso niya nang makita ang kabuuan ng lalaki. Napaka-perpekto tingnan ng  mukha nito. Pakiramdam niya ay nasugatan siya sa kanto ng pangahan nito  habang ang mga labi nito ay gumagalaw na parang mapupulang rosas. She was in a daze. Pero ayaw niya sa mga gwapo lang pero walang respeto. "Are you done checking my whole body?" para siyang na-stock nang magsalita ang binata. Yung boses niya nakakaloka! "E-excuse me? Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo never kitang papantasyahan at isa pa tikal ka din noh? Porket ba mayaman ka pwede mo na akong lampasan matapos mo isaboy lahat ng putik sa baga-"  “How much?”  Biglang sumama ang timpla ng mukha niya sa tanong ng binata, ano ba ang akala nito nagpapadala siya sa pera, “Hoy! Walang bayad ang paghingi ng sorry bakit ang inooffer mo sa akin ay pera? E, kung suntukin kaya kita-” “Ang dami mong sinasabi! Hindi ba’t ikaw ang sumira ng salamin sa kotse ko? It’s a fair,”  tumaas ang boses nito kaya napaatras siya. Nayayamot na siya sa ugali ng binata dahil ayaw tumanggap ng pagkakamali at isang simpleng “sorry” ay hindi magawa nitong sabihin. Nakaisip siya ng paraan tutal kailangan din naman niyang magtrabaho habang nag-aaral.  “Ayoko ng pera, gusto ko trabaho.”  Kung papayag ang binata edi go, kung hindi naman isusumpa niyang maging pangit ito nang sa gayon mabawasan ang mga katulad nitong perpekto masyado. “Okay deal,” mabilis nitong pagpayag at walang sere-seremonyang may inabot itong isang card bago sumakay sa kotse ngunit bago pa ito tuluyang makapasok ay hinigit niya ang blazer na suot ng binata.  “Wait!”  “What!? Nagmamadali ako pwede ba,” mukhang naiirita na ang binata sa kanya. “A-ah, pwede akong sumabay sa’yo? Wala kasi akong pamasahe,” aniya, bago dahan-dahan binitawan ang blazer nito dahil ang tingin ng binata ay sa kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa suot nito. “Sakay na,” may awtoridad na utos nang binata kaya bigla siyang ngumiti at mabilis na pumasok sa kotse.  Kaya lamang naalala niya ang bagahe na dala kaya bumaba ulit siya, “Saglit lang ‘wag mo akong iiwan ah.”  Sumulyap lamang ang binata kaya mas binilisan niya ang paghila sa bagahe tapos ay sumakay na siya.  "I'm not your driver," pukaw ng binata nang makitang sumakay siya sa back seat. Dahil ang arte nito sumunod siya at sumakay sa passenger seat pero ang bagahe na kanyang dala ay iniwan niya sa backseat. "Where do you live?" tanong ng binata. "Kahit ibaba mo lang ako diyan sa sakayan ng tricycle sa may san roque.”  Nang marinig nito ang sinabi niya kaagad itong umandar at halos lumabas ang kaluluwa niya dahil sa mabilis na pagpapatakbo, "Baliw ka ba!?" singhal niya sa binata dahil pakiramdam niya nawalan siya ng brain cells.  “Just shut up, okay?” sabi nito habang patuloy lang ang pagdidrive ng mabilis.  Hindi na siya umimik pero sa isip-isip niya pag namatay siya kargo nito ang buong pamilya niya.  Sa gitna ng katahimikan may inabot ang binata sa kanya habang ang kabilang kamay nito ay nasa manibela, “Ano gagawin ko dito?” naguguluhan niyang tanong. “Siguro naman may pinag aralan ka, basahin mo ang nilalaman ng article at pag aralan mo mabuti para bukas magsisimula ka na magtrabaho,” sabi nito bago nag preno at binuksan ang pintuan ng kotse kaya’t mabilis siyang bumaba dala-dala ang bagahe na may putik.  “Teka, paano ko malalaman kung-”  “Yung card na binigay ko sa’yo tawagan mo bukas ng umaga,” sabi nito at umalis na kaya kinuha niya ang card at binasa iyon, Le Villamin Hotel.  Hotel? Saktong sakto sa course na kinuha niya sa De La pena University. “Insan!” napalingon si Juvilyn sa taong tumawag na kilalang-kilala niya ang boses kaya paglingon niya bumungad ang bungisngis na si Jhoverey ang kanyang pinsan na nakatira dito sa Manila.  “Ay!” sabay silang napasigaw at nang makalapit siya ay tumalon talon silang magpinsan na parang isip bata.  How many years past simula ng lumipat ito sa Manila kaya hindi na sila muling nagkita. Kaya naglakas loob siyang pumunta dito ay dahil alam niyang nandito ang kanyang pinsan upang I guide siya. “Kamusta ka?” pangunguna ng kanyang pinsan bago umakbay sa balikat niya at sabay silang naglalakad pagsakay ng tricycle.  “Ito maganda pa rin, ikaw?” segunda niya bago binalikan din ng tanong. “Heto, bungisngis pa rin.”  Sabay silang natawa sa parehong kalokohan at sumakay na nang tricycle papunta sa bahay ng kanyang pinsan. After 15 minutes nakarating sila sa isang paupahan na bahay at sabay na naglakad sa pinaka loob.  Marami din ang nakatira sa looban kaya medyo yumuko siya dahil nahihiya siya sa mga matang nakatingin.  “Pagpasensyahan muna ang bahay ko dahil simula ng lumipat kami dito sa Manila umalis na ako sa dati naming bahay para manirahan mag isa,” nag-angat lamang siya ng ulo dahil narinig niyang nagsalita ang pinsan. “Mag iinarte pa ba ako insan, dapat magpasalamat ako sa’yo kasi pinatira mo ako dito kahit pa na maliit lang,” she said. Nauna itong maglakad papasok sa medyo maliit na daanan habang siya ay nakasunod lamang sa likuran nito hanggang sa makarating sila sa bahay na tinutuluyan ni Jhoverey.  “Uy, may dala akong pagkain dito baka gusto mo kasi niluto ko iyon bago umalis dahil sabi ni Inay paborito mo ang dalhin ko.”  She smiled, “Talaga? Mukhang masarap nga iyan,” nagagalak nitong wika at saka lumapit sa maliit na refrigerator para kumuha ng makakain at maiinom.  Masaya silang kumain at nagkukwentuhan tungkol sa mga kalokohan nila noong mga bata pa sila at sa lahat ng pinsan niya si Jhoverey lang ang kalapit niya dahil pareho sila ng mga gusto at ayaw. Sa madaling salita parang magkaisa lamang ang kanilang pagkatao. “May nahanap ka na bang trabaho dito bago ka lumuwas? Kung wala akong bahala maghanap sa’yo-”  “Nako! ‘Wag kana mag abala pa kasi may trabaho na ako bukas,” putol niya sa sasabihin nito. “Talaga, saan naman?”  “Bukas ko pa malalaman kung anong trabaho ko pero ayon sa article chuchu na binigay nung aroganteng lalaki tungkol sa Hotel ang mga nilalaman,.” parang may galit niya pang saad.  May pagtataka na lumingon sa kanya si Jhoverey, “Sinong lalaki?”  “Mahabang kwento, kumain ka na lang dyan para mabusog pa tayo,” sabi niya bago nilamon ang mga nakahandang pagkain sa mesa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD