bc

Confession of Elites 1: Sweet Lies (Filipino)

book_age18+
3.1K
FOLLOW
19.4K
READ
billionaire
second chance
independent
boss
sweet
bxg
city
secrets
love at the first sight
actress
like
intro-logo
Blurb

DISCLAIMER: Verbal and s****l harassment is presented in chapter 54. You may feel uncomfortable with it. Explicit scenes are also in this novel. You have been warned.

Paano kung kailan handa ka nang harapin ang responsibilidad mo bilang asawa ay siya namang pagsuko sa paghintay ng iyong kabiyak?

Laiza Delgado and Trevor Lombardi were in a secret marriage for two years. Kinailangan nilang ilihim ang relasyon dahil sa trabaho ni Laiza bilang artista. Kailangan niyang magpaka-wholesome sa harap ng camera at publiko. 

Trevor wants her to stop her career as he wants them to have a simple marriage life. 

But Laiza strongly objected as she was at the pitch of her popularity.

Ngunit hindi akalain ni Laiza na naubos na ang pasensiya ni Trevor. Hiniling nito na kanselahin ang kasal nila na naganap pa sa Los Angeles, California kung saan sila nagkakilala ng lalaki. Ngunit isang sakuna ang naganap kay Laiza. Hindi pa man siya nakakapayag sa kagustuhan ni Trevor—nawala na ang dalawang taon ng kanyang ala-ala.

Ang huling natatandaan ni Laiza ay isang linggo pa lang sila na kinasal...

Mababago ba ang takbo ng istorya nila sa pagbalik sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Hiding the pain
SWEET LIES. After Party.  “Congratulations, Laiza!” bati ni Sebastian. Kasama niya ito sa Star Media, isang talent management agency, kung saan kapwa sila artist ng nasabing kumpanya. Iisa rin ang talent manager na may hawak sa kanila. “Salamat!” “I can’t believe it! Magkasama lang tayo sa training camp five years ago, pero naungusan mo na ako nang sobra. Sinong mag-aakala na sunod-sunod na ang pag-arangkada ng career mo? You hit ten million on your third day here in your movie, Sweet Lies. Hindi na ako magtataka kung blockbuster ito!” bulalas nito. Excitement was written all over Sebastian’s face. “Well, she deserves it! Kung hindi ka ba naman madalas na late sa set! At saka kung hindi ka ba naman kung kani-kaninong babae nai-isyu—” Kinurot ng bagong dating na si Madellaine ang lalaki sa braso nito. Pinalitan ng babae ang dati nilang manager ni Sebastian sa loob ng wala pang dalawang taon. Kinailangan ng dating humahawak sa kontrata nila ang mag-migrate sa Amerika kaya sila napunta sa beinte-nueve anyos na babae. “Aw! Aw! Grabe! And sakit no’n, Manager! Bumaon yata ang kuko mo sa braso ko.”   “Serves you right! Mas okay na rin na r’yan ka nasaktan kaysa naman sa mukha,” natatawa niyang komento.  “No way! Not my handsome face!” Sebastian was a tall man and in shape. Anak ito ng dating action star kaya mabilis itong nakapasok sa showbiz. Mahusay din umarte ang lalaki, madalas lang na pasaway at hindi makasundo ng mga kapwa nila actor dahil may pagkasutil ito. Madalas pang late kapag mayroong trabaho kaya hindi nagugustuhan ng direktor. Tanging sila lang ni Madellaine ang pinakikinggan nito bukod sa pamilya. “So, how’s the star of the night?” Binalingan siya ni Madellaine at pinasadahan siya ng tingin. “Hindi na ako magtataka kung bakit madalas akong tanungin ng mga kapwa ko manager sa opisina kung sino ang stylist mo. You look fabulous as always!” “I don’t know. The Pink Girls Code provided these things and my stylist tonight.”  “Augh! Sana all kayang maging member ng The Pink Girls Code na ‘yan!” reklamo nito bago sinimsim ang alak.  Laiza wore Rene Ruiz’s sweetheart bustier jacquard gown, an A-line polyester dress draped around her body. Ipinadala iyon sa kanya ng kanyang personal shopper para sa gabing iyon na provided ng nasabing sorority. Laiza stands five feet and six inches. Idagdag pa ang kanyang four inches na Badgley Mischka’s sandals kaya mas lalo siyang tumangkad tingnan.  Alam niya na hindi lahat ay kayang makapasok sa The Pink Girls Code, isa itong women sorority. Bukod sa nagbabayad sila ng annual fee na hindi biro ang halaga, kailangan nilang maging aktibo sa organisasyon. Lahat ng sinusuportahan nito ay may kinalaman sa kababaihan. Anak si Laiza sa labas ng isang hotel magnate na hanggang sa kasalukuyan ay hindi alam sa publiko. She was secretly meeting her dad sa isa sa mga hotel na pag-aari nito para lang mayakap at makakuwentuhan ang ama. Ito rin ang nagpasok sa kanya sa The Pink Girls Code para maibigay nito ang lahat sa kanya nang hindi mapapansin ng iba, kahit ng asawa nito. She earned enough. Thus, her step-father was also a businessman in America. No one would suspect how she managed to become a member of this group. Her mom was a sexy actress during the nineties, at siya nga ang naging bunga ng kalandian nito sa mayamang lalaki. Her mom was now living in America together with her two siblings and her step-dad. Dahil sa hindi nakamit nitong pangarap noon kaya siya nagpupursige na maging mahusay na aktor. Ang pagbubuntis sa kanya ang dahilan ng pagtigil nito sa pag-arte. Hindi biro ang makipagbalyahan, pumila ng mahigit beinte-kuwatro oras sa mga audition noon kaya naman ginagawa ni Laiza ang lahat para mapabilang sa mga tinitingala at sikat na mga artista.  Saglit na nagkaroon ng komosyon ang mga panauhin sa bungad ng pagtitipon. Isang may matikas na tindig kasi ang pumasok sa loob ng bulwagan, ang kanilang major sponsor sa pelikula, si Trevor Lombardi.  Laiza’s heart was in a mess after seeing Trevor holding a woman in his arms. Agad niyang inubos ang champagne na nilalaman ng hawak na kopita at iniwasan na tumingin sa gawi nito.  Malalim na napabuntong hininga si Madellaine at saka nailing na nagsalita habang nakatingin sa gawi ng bagong dating na lalaki. “I can’t believe this! Iba na naman ang kasama nitong si Trevor Lombardi!” “Well, kahit naman siguro ako kung sobrang yaman. Hindi rin ako pahuhuli na mag-date ng iba’t ibang babae gabi-gabi,” komento ni Sebastian.  Kinurot muli ito ni Madellaine sa braso. “Kahit naman hindi ka yayamanin, kung sino-sino pa rin ang babae na nali-link sa’yo! Hindi ko alam kung kailan matatahimik ang buhay ko sa mga issues mo!” “Aw! Grabe na talaga, I feel violated by my manager.” Laiza chose to be silent and hid all the pain behind her eyes. The woman beside Trevor was a finalist in Binibining Pilipinas. She’s petite, classy, and beautiful.  “Hey, hindi ba’t sa parehas na condo kayo nakatira ni Boss Trevor sa Global City?” nakakunot ang noo na tanong ni Sebastian kay Laiza.  Bahagya siyang napalunok.  “So?” Madellaine asked. “Hindi man lang ba kayo nagkita sa parehas na building? Iba-iba ba ang babaeng isinasama niya sa condo? Curious lang ako. You know, you are still neighbors,” wika nito sa mahinang boses para hindi marinig ng ibang bisita sa paligid. “Pero hindi ibig sabihin na kailangan kong pakialaman ang pribado niyang buhay. Kaya nga iyon ang naisip kong tirahan, ‘di ba? Dahil iwas sa stalker. ‘Tapos gagawin ko kay Boss Trevor?” naisip niyang isagot sa lalaki.  Bago pa makasagot muli si Sebastian ay nakatikim muli ito ng kurot kay Madellaine. “Alam mo, ikaw, para kang bading na nakiki-Chika Minute! Papalitan mo na ba si Kuya Ogie sa Showbiz Tsismis?”  “Wala na po akong sinabi.” “Eh, kailan mo nga ba kami iimbitahan d’yan sa apartment mo, Laiza?” “Sorry, Mad. Alam mo naman na ang dami kasi nating trabaho kaya hindi ko kayo maimbitahan ni Seb. H’wag kayong mag-alala, iimbitahan ko kayo ngayon na may bakasyon,” katwiran niya. “Sabi mo ‘yan, ha? Gusto ko rin namang makapasok sa sosyal na building. For the meantime, let’s enjoy this night! Enjoy the party tonight, mga alaga! Loosen up from all the stress and challenging works, alright?” huling bilin ni Madellaine bago sila nakipasalamuha sa iba pang bisita. Laiza enjoys her night after. Nakipagkuwentuhan sa mga kapwa niya artista at sa iba pang mga katrabaho para iwasan ang mapatingin sa direksiyon ng nag-iisang nilalang sa pagtitipon. Ngunit kahit ano pala ang kanyang gawin ay pagsasamahin talaga sila sa iisang usapan at grupo kapag pinilit ng tadhana.  “Laiza! Come here!” Kinawayan siya ng direktor.  Kahit nag-aatubili ay lumapit siya sa direksiyon nito. Her eyes met Trevor, who was in the group. Una rin naman siyang nagbaba ng tingin.  “Everyone! This is Laiza Delgado, the main actress of Sweet Lies. She’s talented, young, and beautiful. Wala akong maipintas sa kanya pagdating sa trabaho. Very professional!” papuri sa kanya ni Direktor Jon.  “Masyado ka namang bilib sa akin, Direk.”  “It’s true. MFG Production will be holding a new project. I want you to audition the female lead's post again. It will help you to get the Best Actress Award sa Manila Film Fest. I will send you the summary of the storyline if you are interested.”  Dahil sa sinabi nito ay nagningning ang mata ni Laiza. Siyempre pa ay interesado siya. She wants to grab every opportunity she may have to get the title. Sino bang artista ang hindi nangangarap na award-an ng Best Actress?  “You have too much faith in Ms. Delgado,” narinig niyang wika ni Trevor bago inilapit ang hawak na baso ng alak sa labi nito. “I don’t like her face in the new project. Choose another one.” Tumikhim ang director dahil natahimik ang grupo. Hindi maiwasan na isipin kung na-offend ba niya ang lalaki sa nakalipas. Trevor was their major sponsor, sino ang maglalakas-loob na kumontra sa lalaki? While she on the other hand, was the star who brings million in the production. Kaya naman ang pananahimik ang magandang gawin ng mga tao sa kanilang paligid. Namula naman ang pisngi ni Laiza dahil sa tahasan nitong sinabi, napahiya siya sa grupo. She looked at the man, hiding what’s inside her thoughts. “Excuse me.” In that situation, that’s all she could do—to run away from embarrassment.  Nakita niya si Madellaine na nakikipagtawanan sa iba pang panauhin. “Mad, sumama ang pakiramdam ko. Uuwi na ako.”  “You look pale. Gusto mo bang ihatid kita?” nag-aalalang tanong nito.  Sinilip niya ang kanyang relo na napalilibutan ng maliliit na diyamante. “Ayos lang ba? Hindi ka ba nila kailangan, o hahanapin dito?” Napangiwi ito. “Yes, I think I’ll stay para magdahilan kung sakali na may maghanap sa’yo. I’ll ask Seb to drive you.”  “Thank you!” Hinalikan niya ito sa pisngi para makipagbeso-beso.  “You need to rest. Enjoy your break. Tatawagan kita kapag may kailangan ako, alright?” Simpleng ngiti ang isinagot niya at saka umalis ng pagtitipon.  Nagpahatid siya kay Sebastian sa pribadong condo niya. Everything inside that building was private, that’s why they chose it. Matapos makapasok sa elevator ay doon niya nailabas ang kanina pa pinipigilang emosyon, ang sakit na kanina pa nagtatago. Hindi ba’t siya ang may gusto ng lahat ng ito?  She stepped out of the elevator coach when it reached her apartment floor. Tinungo niya ang pintuan ng kanyang unit na sumasakop sa kabuuan ng palapag. Sinalubong siya ng madilim na silid matapos buksan ang kanyang unit. Hindi na siya nag-aksaya na buksan ang ilaw at hinayaan ang dilim na balutin at itago ang kanyang tunay na nararamdaman. Tinungo niya ang floor-to-ceiling window na nasa dulong bahagi ng kanyang living room. Hinayaan ang tila nagniningning na mga ilaw mula sa labas ang magbigay liwanag sa kanyang malungkot na damdamin. Tumayo lang siya roon habang yakap ang sarili.  Ilang saglit lang nang tumunog ang door lock ng apartment. Someone opened the door. Hinayaan niya ang bagong dating at hindi ito nilingon kahit nang kumalat ang liwanag sa kabuuan ng silid.  Narinig niya ang mga yabag nito na papalapit sa kanyang gawi.  “How are you?” Naramdaman na lang niya ang mga labi ni Trevor na nag-iwan ng munting halik sa kanyang balikat at leeg matapos nitong ipulupot ang mga bisig sa kanyang baywang. His lips soon reached her chin, but she averted her head to avoid the kiss.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook